CHAPTER 27

HOPEDEEPLY






Pilit kong iniisip na hindi totoo ang mga narinig ko kagabi. Na isang panaginip lang iyon, pero hindi, e! Hindi na nga ako nakatulog nang maayos sa kaiisip non. Kanina pa ako gising pero heto, nakahilata pa rin ako sa aking kama. Hindi ko alam kung paano haharapin o kakausapin sila Mommy at Daddy ngayon.

Ang alam ko lang galit sila sa akin dahil hindi ako nagpaalam sa kanila kagabi. Kaya paano ko sila kakausapin nang mahinahon tungkol sa narinig ko kagabi. Bakit kasi gano'n-gano'n na lang sila magdesisyon? Bakit hindi nila ako kinausap muna?

Bumangon na ako at malakas na napabuntong hininga. Hinalungkat ko na ang kinailaliman ng aking utak. Ngunit wala pa rin pumasok sa isip ko na magiging hakbang ko, ngayon.

Tumunog ang cellphone ko sa side table ng aking kama. Inabot ko ito para basahin ang mensahe galing kay Sheena.

Sheena:

Good morning, Mare! Busy ka ba ngayon?

Magtitipa na sana ako ng mensahe para kay Sheena nang may dumating din na mensahe galing kay Dean. Binuksan ko muna ito.

Dean:

Good morning my love!:)

Para akong nabuhayan sa simpleng text-message lang mula kay Dean. Napakagat ako ng pang-ibabang labi, pinipigilan ko ang pag-ngiti kahit hindi naman niya ako nakikita. Nagreply ako kaagad sa kanya.

Ako:

Good morning, din! Ano'ng ginagawa mo ngayon?

Hindi umabot ng tatlong minuto ay nagreply siya agad.

Dean:

Nakahiga. How about you my love? Kumusta ang party mo?

Napakagat ako ng labi dahil sa huling tanong niya. Hindi ko naman kasi naabutan ang sarili kong party kagabi.

Ako:

Ayos lang naman ang party. Bakit ka pa nakahiga? Puyat ka ba kagabi? O masama ang pakiramdam mo?

Medyo natawa pa ako sa unang pangungusap, habang nagtitipa.

Dean:

I'm not sick! I just can't stop thinking of you, my love.

Ano ba 'yan! Bakit ba sa tuwing mababasa ko ang 'my love' ay napatulala ako saglit, o 'di kaya'y uulit-ulitin ko itong babasahin. Habang bumilis ang tahip ng puso ko, at parang may nagsisiliparang paru-paro pa sa aking tiyan dahil sa mensahe niya.

Wala na tuloy akong maisip na i-reply sa kanya.

Ako:

Hmm. Pupunta ako diyan ngayon.

Reply ko nang may mabuo na ideya sa aking utak.

Agad naman akong bumaba sa aking kama para magtungo sa banyo upang maligo. Nakapag desisyon ako na pupunta kina Dean para sabihin sa kanya ang mga narinig ko kagabi.

Kaya pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa aking kwarto at agad na bumaba. Deretso ang tungo ko sa pintuan ng bahay, at mabilis lumabas ng gate para 'di makita ni Manong Edgar. At dahil umalis saglit si Kuyang guard namin sa pwesto niya para mag-cr. Kaya agad akong nakalusot at mabilis nakasakay ng taxi.

Nang makababa sa taxi ay nagtungo agad ako sa bahay nila.

Gulat na gulat si Dean nang makita niya ako papasok sa pintuan nila. Napatigil siya sa kanyang ginagawa.

“Marga? Ano'ng ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong niya.

“Nag-text ako sa 'yo, 'di ba? Sabi ko, pupunta ako rito,” paliwanag ko.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang ginagawa. Kumunot ang noo ko rito. Sinirado niya ang isang bag na may lamang damit, at may nakita rin akong mga tupperware na may lamang ulam at kanin. Napakamot siya ng kanyang batok habang pabalik-balik ang tingin niya sa pintuan ng kwarto niya at sa akin.

“Ah, sorry, hindi ko nabasa. Nasa kwarto ang cellphone ko,” sabi niya.

“Para saan 'yan?” tanong ko sabay turo sa bag at tupperware.

Kita ko sa mga mata niya ang pagkabahala at pagkalito, na parang hindi alam ang gagawin… o isasagot sa akin. Agad siya nag-iwas ng tingin sa akin, habang dinalaan niya ang kanyang mga labi.

“W-wala. Ah, hanggang kailan ka manatili rito?” tanong niya.

I stiffened in my stance because of the question I didn’t expect from him. Kumirot ang bahagi ng aking puso. Bakit niya naitanong iyan? May gagawin ba siya ngayon?

Binalewala ko na lang ang kanyang tanong habang nilibot ng aking mga mata ang buong bahay hanggang sa napatingin ako sa pintuan ng kusina nila.

“Nasa kusina ba si tita Karen?” tanong ko sa kanya.

“Uh… wala. Umalis siya… m-may pinuntahan lang. Kasama si Papa,” he stuttered.

“Oh, saan naman? May date ba sila ulit ng papa mo ngayon?” tanong ko agad.

“Uh… maybe...”

My forehead furrowed as I stared at him intently. I notice there seems to be something strange about him now. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Umiiwas siya sa tuwing hinahabol ko ang kanyang mga tingin.

Dahan-dahan naman akong tumango sa kanya. Bumaba ulit ang mga mata sa bag at tupperware na nasa center table nila.

“Ide-deliver mo ba 'yan? Tutulongan na kita!” sabi ko sabay kuha ng mga tupperware.

Agad binawi ni Dean ang apat na tupperware sa aking mga kamay. Inilayo niya ito sa akin.

“Hindi na, Marga! Ako na rito. 'Tsaka hindi naman 'to ide-deliver,” sabi niya habang hawak ang kamay ko, pinisil niya ito. Kaya napatingin ako rito.

Dahan-dahan niya ako hinila para yakapin, at marahan hinaplos ang aking mahabang buhok sa likod ko. Narinig ko naman ang malakas niyang buntong hininga na parang may pinapakawalan siya. Mas lalo lang kumunot ang noo ko nang higpitan niya pa ang kanyang yakap sa akin. Na parang kumukuha siya ng lakas mula sa 'kin.

“Ano'ng gusto mong kainin? Hmm… ipagluluto na lang kita,” marahan niyang sinabi habang inaamoy-amoy ang balikat ko.

Hindi pa nga ako nakasagot sa tanong niya, ay hinila niya na ako papuntang kusina. Pinaupo niya ako sa stool nila rito, habang kaharap ko naman ang lamesa. Mas maliit pa ito kaysa sa labas.

Tahimik lang ako nakaupo habang pinapanood si Dean na nagbabalat ng kamote. Aniya'y gagawan niya ako ng kamote cake, nang wala akong maisip na ipaluto sa kanya dahil occupied masyado ang utak ko tungkol sa sasabihin ko sa kanya. Kaya siya na ang nag-isip.

Ngayon, hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan… o saan ako magsisimula.

Huminga ako nang malalim para mabawasan ang kaba sa aking dibdib. Alam kong maiintindihan niya ang desisyon ng mga magulang ko. Mas pipiliin niyang sumunod ako sa aking parents, lalo na't alam niyang para sa 'kin naman iyon.

Pero iba kasi ito. Posibleng magkakahiwalay kaming dalawa dahil pupunta kami ng abroad. Malalayo kami sa isa't isa, at posibleng hindi na rin kami magkikita pa. Paranoid man pero ito talaga ang tumatakbo sa isip ko kanina pa. Paano mag-wo-work ang relasyon namin kung malayo kami sa isa't isa?

LDR? Ha! Kung ang iba nga nasa magkabilang barangay lang, hindi nga nag-work. Pa'no pa kaya kung iba na ang ginagalawan namin?

“Dean,” I called him.

“Hmmm?” tanong niya habang busying-busy sa paglagay ng kamote sa kaldero.

Tapos niya na itong balatan at hugasan. Kaya nilagay niya na ito sa kaldero, saka nilagyan ng tubig para palambutin. Pagkatapos ay may iba pa siyang ginagawa kaya hindi ko masabi sa kanya ang pakay ko kanina pa. Bumuntong-hininga ako.

“Dean!” I called him again.

“Yes!” sagot niya habang nakaharap sa kanilang refrigerator, na parang may hinahanap sa loob.

“May maitutulong ba ako?” tanong ko sa kanya.

Ang tanga ko na dahil kanina pa ako nanood sa kanya, ngayon lang ako nagtanong. Nai-mix niya na ang flour, egg yolk, kamote at ang iba pang ingredients sa isang bowl. Tapos ngayon ko pa naisipan tumulong.

“Naah, ako na rito. Manood ka na lang diyan.” Habang hinahalungkat ang kanilang refrigerator.

Halos pumasok na siya sa loob ng refrigerator sa kahahanap. Tumayo na ako at agad na lumapit sa kanya.

“Ano bang hinahanap mo riyan?” tanong ko nang makalapit na.

“Uh… cheese,” he answered. “Ubos na ata,” he added.

“Oh. Gusto mo… ako na bibili sa labas?” I offered.

Isinarado niya agad ang refrigerator upang humarap sa akin. Umiling siya agad.

“No. Ako na ang bibili.” Sabi niya. “Dito ka na lang, mabilis lang ako.”

Pipigilan ko na sana siya ngunit nakalabas na siya ng bahay. Napabuntong hininga naman ako habang bumalik sa aking inuupuan. Wala na akong magawa kundi ang hintayin siya makabalik. May mga tindahan naman diyan sa malapit kaya alam kong mabilis lang siya.

Pero imbes na tumunganga lang ay naisipan kong maglinis ng kalat dito sa kusina. Tinapon ko 'yung mga balat ng kamote, at hinugasan ko na rin ang mga ginamit na utensil at bowl. Para sa pagbalik ni Dean ay hindi na masyadong makalat ang kusina.

Pagkatapos kong maghugas ay may narinig akong pumasok sa loob kaya nagmadali naman akong magpunas ng mga kamay para salubungin si Dean sa sala.

“Dean!”

Napatigil ako nang marinig ang boses na tumatawag kay Dean, at kung sino ang nasa sala ngayon. Kalalabas ko lang sa kusina nang makita siyang tinitingnan ang mga bag at tupperware na inayos ni Dean kanina.

Nahimigan niyang may nakatingin sa kanya kaya napatingin siya sa aking pwesto. Tulad ko ay saglit siyang natigilan nang makita ako rito. Ngumiti naman ako habang taas-noong naglakad papunta sa kanya.

“What are you doing here?” she immediately asked me.

“What are you doing here?” I echoed her question. “At bakit basta-basta ka na lang pumapasok dito?” I added.

Her one brow shot up and then let out a mockingly laughed. “Wow! Umaakting ka na ngayon na parang asawa!” she said.

I clenched my hand turns into a fist. Tumaas ang dugo ko dahil sa kanyang mapanuyang tawa at sinabi. Umaakting na parang asawa? Tinanong ko lang naman siya, a!

Ano naman ngayon kung umaakting ako na parang asawa? E, girlfriend naman ako ni Dean.

“What do you think, Marga? The door is opened wide. Mananatili pa ba ako sa labas kung pwede naman akong pumasok dito?” sabi niya na parang nang-iinsulto sa akin.

Tinaasan ko rin siya ng kilay.

“If you have manners. You should knock first before you enter. First, this is not your house,” I fired back.

“Wow! Kung makapagsalita ka ng ganyan ay bahay mo rin ito!” As she laughed sarcastically.

“Boyfriend ko ang nakatira dito,” maririin kong sabi.

“Really?” she said in mockingly tone of voice. “Tingnan lang natin kung hanggang saan 'yang pagsasabi mo ng ‘boyfriend mo si Dean’,” she said while she mocked the last part of her sentence.

Nagtiim-bagang ako. Ano ang ibig niyang sabihin? Aagawin niya ba si Dean sa akin? Lumapad ang ngiti niya sa labi nang makita niya ang naging reaksyon ko. Gusto ko na siyang sabunutan ngayon na ngayon din kung hindi lang dumating si Dean at pumasok ng bahay.

“Erin?” Takang tanong niya habang may dalang plastic.

“Oh, Dean! Saan ka galing?” tanong naman ni Erin nang humarap ito sa kanya.

Akmang lalapit na sana si Erin kay Dean. Nang deretso naman ang lakad ni Dean patungo sa akin. Binalewala niya ang pagtatanong ni Erin sa kanya. Pinakita kaagad ni Dean ang plastic na dala niya.

“Nakabili na ako ng cheese. Pasensiya na, medyo natagalan ako,” paliwanag niya.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Erin nang inignora siya ni Dean. Bago ako tumingin kay Dean tsaka ngumiti.

“Okay lang.” As I nodded at him.

“Dean, kanina pa naghihintay sina——”

“Maaga pa, Erin.”

Pinutol agad ni Dean ang sasabihin ni Erin. Napatikom naman ng bibig si Erin, habang ako ay hindi maiwasan ang pagkunot ng noo. Pabalik-balik naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“Tara na, Marga.” Sabay hila ni Dean sa kamay ko.

Naiwan si Erin doon sa sala habang nakatingin sa amin. Nakita ko pa siyang umiiling-iling nang tumalikod na siya. Pagpasok namin sa kusina ay tinuloy agad ni Dean ang ginagawa niya kanina. Gusto ko sana magtanong tungkol kay Erin. Kung bakit siya nandito ngayon? Pero siguro, mamaya ko na lang siya kakausapin tungkol doon.

“Maghintay muna tayo ng 30 minutes bago maluto ito.” Nang nilagay niya na sa oven 'yung ginawa niya kanina. Humarap siya sa 'kin. “Ano'ng gusto mo? Orange juice o Iced tea?” tanong niya sa akin.

“Uh. Iced tea,” I answered.

He nodded. Binuksan niya ang refrigerator para kunin ang isang pitcher na tubig. Nilagay niya ito sa lamesa na nasa harapan ko, pati ang isang sachet na iced tea. Tumayo agad ako sa aking upuan.

“Ako na ang mag-titimpla.” I offered.

“Sige, kukuha lang din ako ng ice sa karenderya.” sabi niya bago lumabas.

Binuksan ko agad ang pitcher para ihalo na ang Iced tea sa tubig. I stirred while looking out of the kitchen. Habang iniisip ko ang mga sinasabi ni Erin kanina. Ano ang ibig niyang sabihin doon? Ano? May balak siyang agawin si Dean sa akin? Nahihibang na ba siya? Talagang pinagsiksikan niya pa ang kanyang sarili sa taong hindi naman siya ang gusto.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Bakit nga ba nandito si Erin? Ang sabi niya'y, may naghihintay daw sa kanila. So, may lakad sila ngayon? Saan naman kaya? Kaya pagkatapos kong haluin ang tubig at Iced, ay lumabas agad ako ng kusina.

Wala na si Erin sa sala kaya deretso ang lakad ko sa pintuan ng bahay.

“Mauna ka na roon, susunod na lang ako,” rinig kong sabi ni Dean nang nasa pintuan na ako ng bahay.

Napatigil ako at nagtago sa gilid ng pinto para hindi ako makita.

“Pero, Dean! Naghihintay sina Tita sa 'yo!”

“Sasamahan ko pa si Marga, Erin,” Dean said.

“Mag-aalala si Tita Karen sa 'yo, Dean. At magagalit din si Tito——”

“Susunod nga ako. Ihahatid ko lang si Marga sa kanila.”

“What?” Erin asked with shock.

So, may lakad nga sila, kaya nandito si Erin? At naghihintay sila Tito at Tita sa kanila ngayon. Bumilis ang tahip ng puso ko, at napatingin sa mga bag at tupperware na nasa sala. Kung may lakad sila ngayon, at itong mga hinanda ni Dean ay para sa kanilang Tita at Tito. Bakit hindi niya sinabi sa akin ito?

Nagmamadali akong bumalik sa kusina para hindi nila malaman na nakikinig ako sa kanila. Ngayon, hindi ko na alam kung sasabihin ko pa ba kay Dean ang mga plano ni Daddy. Pa'no kung bukas na bukas ay aalis agad kami?

Kailangan kong gumawa nang paraan para hindi kami matuloy sa abroad. Kailangan kong kausapin sina Daddy at Mommy ngayon. Kinuha ko ang aking sling bag para makauwi na sa bahay.

“Aalis ka na?” tanong ni Dean.

Natigilan ako at napatingin sa kanya. He walked near me and towered over me. Umangat ang tingin ko dahil sa tangkad niya.

“Uh… oo. Tinawagan na kasi ako ni Daddy, e,” I lied.

“Okay. Ihahatid na kita ngayon—”

Natigilan ako sa kanyang sinabi at agad na umiling.

“Hindi na kailangan, Dean. Kaya ko mag-isa, magta-taxi na lang ako,” sabi ko sa kanya at ngumiti.

Gusto ko pa siya makasama nang matagal ngayong araw, pero may lakad pa sila ni Erin ngayon. At ayaw ko rin magpahatid sa kanya ngayon sa bahay dahil baka makita pa siya ni Daddy roon.

Tinititigan niya ako ng maigi, na parang nananantya ang titig niya. Kalaunan, tumango rin siya. Siya pa ang naghanap ng taxi para sa akin, para makauwi na ako. Nagpaalam ako agad nang sumakay na ako sa taxi.

Umandar na ang taxi. He smiled and nodded as I waved my hand at him. Ngumiti rin ako sa kanya pero nawala din ito nang makita kong lumapit si Erin sa kanya. Tumalikod agad ako at humarap sa driver. Bumuga ako nang malalim na paghinga. 'Tsaka ipinilig ang aking ulo para baliwalain ang isa sa mga rason kung bakit mas lalong sumama ang loob ko ngayon.

'Huwag muna ngayon, Marga. Itabi mo muna ang selos mo. Kailangan mong magpukos sa pakikipag-usap sa mga magulang mo. Kailangan mong gumawa nang paraan para hindi ka makasama sa abroad.'

Bumuntong-hininga ako nang makalabas ako ng taxi. Pumasok agad ako sa loob ng bahay.

Nakita ko ang nakasalubong na kilay ni Daddy habang naglakad siya palapit sa akin. Matalim na mga mata ang ipinukol niya sa akin. Napatigil naman ako sa aking paglalakad.

“Saan ka galing?” A low baritone voice that would shiver my whole system.

Humarap ako sa kanya, at sinubukan tapangan ang sarili. I swallowed hard.

“Why can't you answer right away??” mariin na sinabi niya.

“Kina Sheena, Dad,” I answered while trying to calm myself down.

“Really? O makikipag-kita ka lang sa anak ng isang karinderya.” sabi niya na may bahid na pang-iinsulto.

My eyes blinked once because of what my father said. And my chest pounded so hard. Naka-awang din nang kaunti aking mga labi. Gulat na gulat kung paano nalaman ni Daddy iyon. Sinong nagsabi sa kanya?

“Dad…” I stuttered.

“Ang anak ba ng isang karinderya ang kinababaliwan mo, Marga?!” mariin na tanong ni Daddy.

“Dad, stop saying that way!” kalmadong puna ko sa kanyang sinabi.

Bahagya nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko. Mariin niya akong tinuro habang nagpupuyos ng galit.

“Are you shouting at your father? Ng dahil sa lalaki na 'yon, Marga?” sigaw niya, “'Di ba sabi ko, itigil mo na ang kahibangan na 'yan!”

“Dad, I can't. I l-love him so——”

“How many times do I have to tell you that you are so young to enter that thing, huh? Your age is not enough——”

“Age doesn't matter when you felt in love, Dad.” putol ko sa kanya. “Age is just a number. But when you feel in love at the right person, puso ang nakakaramdam, at utak ang nagdedesisyon. Ano'ng nagagawa ng numero, ha? Dad?”

Pigil na pigil ang hininga nang dere-deretso ko 'yon sinabi kay Daddy. Ayaw kong makipagtaasan ng boses sa kanya kaya kinalma ko ang aking sarili. Hinilot niya naman ang kanyang sentido na parang pinapalala ko pa ang problema niya.

““So, 'yan ang tinuro ng lalaki na 'yun sa 'yo. Ang sumagot-sagot sa magulang mo?” he trailed off, and then chuckled sarcastically.

“No, Dad. I'm just saying that—” I suddenly stopped when he raised his right hand.

“He's a grown man, and you're still a minor. Ano nga ba magagawa ng numero? I can file a case against him, Marga!” maririin na sinabi niya na ikinalaki ng mga mata ko, at ikinadurog ng aking puso.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top