CHAPTER 26

HOPEDEEPLY




Tinakpan nila ng panyo ang mga mata ko, at agad na pinasakay sa sasakyan. Ramdam ko ang pagpasok din ni Sheena sa loob ng sasakyan saka tumabi sa akin. Tumatawa pa siya na parang ewan.

"Okay na ba lahat?" rinig kong tanong ni ate Tala.

"Oo, ayos na raw ang lahat," si Sion.

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan, at ang pag-start ng makina nito. Saan ba ako dadalhin ng mga ito? Bakit kailangan pa takpan ang mga mata ko? Para saan?

"Saan n'yo ba ako dadalhin?" tanong ko nang paulit-ulit sa kanila, na kahit ako naririndi na.

"Sa boyfriend mo, Marga," sagot ni Sion na alam kong siya ang nagdadrive ng sasakyan.

"Sion/Kuya!" Sabay sigaw nila Sheena at ate Tala.

"Bakit? Sinagot ko lang naman ang tanong ni Marga," inosenteng tugon ni Sion sa kanila.

"G*go ka! Hindi ka nag-iisip!" bulyaw ni ate Tala kay Sion.

"Bakit, saan po ba si Dean?" tanong ko ulit.

"Ayon! May ginagawang kakornihan para sa 'yo--"

"Ate Tala!" sita agad ni Sheena na nasa tabi ko lang.

Ramdam ko na ang pag-iling niya sa dalawa na nasa harapan namin. Bumuhakhak naman nang tawa si Sion habang nagdadrive.

"Paano iyon magiging sopresa kay Marga kung sinabi n'yo na sa kanya--" nabitin naman ang sinabi ni Sheena.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sheena. Mas lalong bumuhakhak si Sion sa harapan. Gano'n na rin si ate Tala, sinabayan ang kanyang bestfriend.

"Ano... sino sa ating tatlo ang may malaking kasalanan?" mapanuyang tanong ni Sion.

"Kayo kasi, e!" sigaw ni Sheena. Nagpipigil na rin siya ng tawa.

Napuno nang kulitan ang loob ng sasakyan kahit wala akong makita isa sa kanila. Sumabay pa rin ako sa kanila sa kulitan kahit mabilis na ang tibok ng puso ko ngayon, dahil sa sopresa ni Dean. Ano kaya iyon? Kinakabahan ako!

Tumigil na ang sasakyan. Narinig ko naman ang pagbukas ng mga pintuan nito. Kaya mas lalong hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko ngayon. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso na parang kagagaling ko lang sa marathon.

"Teka lang! Aayusan muna kita." sabi ni Sheena.

Pinaharap niya ako sa kanya. Tinanggal niya ang panyo na nakatakip sa mga mata ko. Pagkatapos ay ni make up-an niya ako dahil medyo nabura na raw ang aking make-up. Binilisan niya pa dahil tinawag na kami ni ate Tala sa labas.

Pagkatapos akong make-up-an. Inayos niya muna ang buhok at ang dress ko bago ako pinalabas ng sasakyan.

The cold breeze embraced me as I emerged, and I could hear the scouring of the waves on the coast. The environment is dimly lit. Wala akong makita na kahit na sinong tao dito. Kaya nilingon ko si Sheena na nasa aking likod. Hindi ko rin kasi mahanap sina Sion at ate Tala. Bigla na lang sila nawala.

"Tara na!" sabi ni Sheena.

Sumunod naman ako sa kanya. At pagkatapos ng iilang lakad ay huminto siya bigla. Nahimigan kong nakangiti siya sa 'kin nang hinarap niya ako. Magsasalita pa sana ako nang kumaway na siya sa 'kin at mabilis na umalis palayo habang iniwan ako dito na nakatayo lang.

Ano 'to? Pagkatapos akong kunin basta-basta, iiwan lang nila ako rito!

Magra-rant na sana ako nang biglang umilaw ang maliit na series lights sa buong paligid.

Nalaglag ang panga ko. Dahil namistula itong bituin sa kalangitan dahil sa liit nito. Kapansin-pansin din ang isang kulay pula na tent sa pwesto na lagi namin tinatambayan ni Dean kapag pupunta kami rito. May lamesa rin doon na may mga pagkain na nakalagay. Kaya naglalakad na ako pumunta doon habang nakaapak sa buhangin na may maraming nakalatag na petals.

Ngunit napatigil agad ako nang may nagsalita. Kaya hinanap ko ito.

"Hey, love," Dean said in a husky voice.

My eyes squinted on him. He's wearing the dark blue v-neck long sleeve partnered by black pants. His hair brushed up perfectly, as he held the microphone in his right hand.

I immediately shut my mouth when he suddenly laughed at my amazement at him. May sinenyasan siya sa kung saan pero binalewala ko lang ito dahil napukos lang ang mga mata ko sa kanya.

Tumugtog ang familiar na tugtog sa kung saan man iyon nanggaling.

"Looks like we made it~
Look how far we've come my baby~"

Tumindig ang balahibo ko sa boses ni Dean na buo at malumanay. Noon pa ma'y alam ko na maganda ang boses niya. Hindi lang talaga siya mahilig kumanta sa maraming tao.

"We might a took the long way~
We knew we'd get there someday~
They said, "I bet they'll never make it"~"

Unti-unti siyang naglakad papunta sa akin habang kumakanta. Deretso lang ang kanyang mga mata sa akin.

"But just look at us holding on~
We're still together still going strong~~"

Ang lamig ng hangin dito ay taliwas sa nararamdaman ko ngayon. Para bang may humaplos na mainit na kamay sa puso ko .

Pigil ang hininga ko habang pinapanood siyang papunta sa akin. Nag-ugat na yata ako sa aking kinatatayuan dahil hindi kona mai-angat ang mga paa ko. Tapos halos lalabas na ang puso ko sa aking dibdib sa sobrang pagwawala nito.

"You're still the one I run to~
The one that I belong to~
You're still the one I want for life~~"

Halos himatayin na ako nang gumiling si Dean habang kumakanta. Shit! What izz that?! Jusko!

"You're still the one that I love~
The only one I dream of~
You're still the one I kiss good night~~"

Nang nasa harapan kona siya ay tinakpan ko agad ang aking mukha dahil sa kahihiyan. Hindi ko na siya magawang tingnan. Dahil nakasisiguro kong namumula na ang mukha ko ngayon. At mas lalong hindi ko siya kayang panoorin na gumigiling sa harapan ko. Jusko! Parang may nagpa-party na bulate sa tiyan ko.

"Ain't nothin' better~
We beat the odds together~
I'm glad we didn't listen~
Look at what we would be missin'~
They said, "I bet they'll never make it"~"

Naramdaman ko ang pag-ikot niya sa pwesto ko habang kumakanta. Nanginig na ako sa aking kinatatayuan kaya hindi ko napigilan ang sarili na sigawan siya. Tumawa siya mula sa likod ko. Kaya tinanggal kona ang aking kamay na nakatakip sa mukha ko.

Haharap na sana ako sa kanya nang inikot niya agad ang mga braso niya sa baywang ko. He hugged me from the back as he puts his chin on my shoulder. And continued sung the song.

"I'm so glad we made it~~
Look how far we've come my baby~~~" he ended up in my ear.

Nagpatuloy ang tugtog habang nanatili kami sa ganoong posisyon. Tuluyan na ako nanghina. Bumigay ang mga tuhod ko na parang jelly. Mabuti na lang ay nasa mga bisig niya na ako.

"Happy seventeenth birthday, my love." he whispered as he kissed my cheek.

I genuinely smiled at him as we danced slowly.

"Thank you so much for this, Dean," I subtly said.

I turned around to face him. Habang nanatili pa rin ang kanyang braso sa aking baywang. I looked at him. His eyes were full of sincerity while staring at me, thoroughly.

He shook his head. "I love you so much, Marga." he seriously said and then gently kissed my forehead.

Dahan-dahan ko naman ipinikit ang mga mata ko, habang dinama ang kanyang halik sa aking noo. May kakaiba na naman akong nararamdaman sa tiyan ko ngayon. Habang mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa sobrang saya ko ngayon... o may iba pa.

"Today is your day... February twenty, two thousand and twenty. I promise you, I'll wait for you." As he directly stared at me after that kiss.

Napatingin kaming dalawa ni Dean sa aking likuran nang may biglang tumikhim. Nakatayo sina Sheena, ate Tala, ang boyfriend ni ate Tala, Sion, at ang ex-boyfriend ni Sheena, na si Klien, kasama ang ka-banda nito.

"Bro, tapos na ba kayo?" tanong ni Sion. "Pwede na ba kaming kumain?"

"Oo nga! Gutom na kasi kami." Ate Tala's boyfriend said, na ikinatango rin ng iba.

"Nariyan lang naman ang pagkain! Wala sa amin, 'di ba! Hindi na kailangan mang-istorbo!" inis na sabi ni Dean.

Tumawa sila dahil sa inasal ni Dean. Agad kong hinawakan ang braso ni Dean kaya napatingin siya sa 'kin. Tumango ako sa kanya.

"Okay lang. Kumain na muna tayo," marahan na sabi ko sa kanya.

"Okay, kung gutom kana." Sabay tango niya sa 'kin.

Nagsimula na kami kumain lahat. Halata sa kanilang lahat ang gutom. Dahil halos hindi na kami nakapag-kwentuhan habang kumakain. Marami ang hinanda nila na pagkain, at mukang alam ko na kung sino ang nagluto nito.

"Si tita Karen ba ang naghanda nito lahat?" tanong ko sa kanya.

"Yes. And I helped her," he immediately answered.

"Ang dami naman nito. Nakakahiya sa mama mo," I said.

"Naah, hindi kana iba sa amin kaya huwag mo nang isipin 'yan," sabi niya habang nilalagyan ng pagkain ang aking plato.

Tumango na lamang ako at agad tinuon ang sarili sa aking plato. Habang kumakain ay hindi maiwasan alalahanin ang kanina. Pasulyap-sulyap ako kay Dean habang kumakain. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ginawa niya iyon.

Kumunot ang noo niya sa akin nang mapansin niya pabalik balik ang tingin ko sa kanya.

"What?" he asked curiously.

I totally faced him. "Bakit mo ginawa ang kanina?" I trailed off as I bit my lower lip. "'Yung paggiling mo..." I continued.

Mas lalong kumunot ang noo habang nakatitig sa akin. Tumikhim ang nasa tabi niya na si Sion. Kaya napatingin ako rito.

"Wala raw kasi siyang maisip na iregalo para sa 'yo, Marga. Kaya ginawa niya iyon," Sabay tapik ni Sion sa balikat ni Dean.

"And he suggested it," Dean added.

"Oh, nagpapatulong ka sa 'kin, hindi ba?" sabi ni Sion.

"Ahh, kaya pala ang badoy ng stepping," sabi ni ate Tala na nagpipigil ng tawa habang nakaakbay sa kanya ang boyfriend niya.

Agad naman siyang tinapunan ng masamang tingin ni Sion. Bumungisngis ang dalawa, at parang walang pakialaman sa mga matang masama nakatingin sa kanila.

"Bakit, ayaw mo nun?" tanong ni Dean na ikalingon ko sa kanya. "Sige, hindi ko na 'yun gagawin." Sabay iwas ng tingin sa akin.

Umiling ako. "Nah, nagtaka lang ako," sabi ko at ngumiti.

Nakita ko kasi namula ang kanyang tainga, at ngayon ko lang napansin ito. Nahihiya ba siya?

"Kumain kana para makauwi na tayo." sabi niya habang inaayos ulit ang mga pagkain sa plato ko.

Sa dami ng hinanda ay hindi ko alam kung ano ang uunahin. Gusto ko tikman lahat pero nalilito ako. May turon at banana cue pa. Natatakam ako habang tinititigan ito.

Kaya wala na akong magawa kundi tikman ang lahat ng niluto ni tita Karen. Sayang din naman kasi, pinaghirapan pa nila ito.

Nang hindi na kinaya ng tiyan ko ang dami ng pagkain na kinain ko. Tumigil na ako. Gusto ko pa tikman ang iba pero hindi na talaga kaya. Masasarap lahat nang niluto ni tita Karen, kaya nasasayangan ako kapag hindi maubos ito. Kaya ang iba na hindi ko pa nakain ay dadalhin ko na lang sa bahay. Nagdala rin sina Sheena at ate Tala kasi sobrang nasasarapan sila sa mga pagkain na nakahanda.

Pinag-agawan pa nila ang Maja Blanca na ginawa ni tita Karen.

Mabilis lang lumipas ang oras. Kaya nagpasya na kaming bumalik sa hotel. Hinatid nila ako lahat. Abot-abot ang tahip ng puso ko ngayon, dahil lumagpas na kami sa oras na pinag-usapan. Nakasisiguro kong nakabalik na ng hotel sina Mommy at Daddy para sunduin ako. Tapos nasa gitna pa kami ng kalsada dahil may nangyaring aksidente sa unahan.

Napatingin ako sa aking katabi. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin. Kaya napatingin ako roon na may ngiti sa labi.

"Haharapin ko ang mga magulang mo. Ako na magpapaliwanag sa kanila," seryosong sabi niya.

Napanganga ako sa kanyang sinabi. Tumitig ako sa mga mata niya, puno ito ng sensiridad. Wala akong nakikitang takot o pag dalawang isip. Hinintay kopa magbago ang kanyang sinabi, pero hindi. Seryoso talaga siya sa sinabi niya!

Umiling ako bilang hindi pagsang-ayon sa kanyang sinabi. 'Pag ginawa niya iyon ay baka magwala pa si Daddy.

"H'wag na. Kaya kona 'to. Ako na bahala sa kanila," I subtly said.

Bumuntong-hininga siya. At wala nagawa sa aking sinabi.

Binitiwan niya ang kamay ko, para ilipat ang braso niya sa aking likod. Niyakap niya ako kaya nilagay ko naman ang aking ulo sa balikat niya.

Ipinikit ko ang aking mga mata, hindi sa inaantok ako, kundi nag-iisip ako kung ano ang ipapaliwanag ko kina ni Mommy at Daddy. Kahit ano man ang mangyari ay hindi ko pinagsisihan ang mga naganap ngayon, kung ito ay ikinasasaya ng puso ko.

Kalaunan, nakausad naman kami sa trapik. Kaya mas lalong bumilis pa ang tahip ng aking puso nang makitang dere-deretso na kami sa hotel. Nai-imagine kona ang galit na itsura ni Daddy ngayon.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Dean.

"Yes, I'm okay." sagot ko naman agad.

Nasa bakuna na kami ng hotel, nang makita ko si kuya Lucas na nakasandal sa kanyang kotse. Parang nabunutan ng tinik ang aking dibdib nang hindi si Daddy ang sumundo sa akin ngayon.

Kuya Lucas lifted his back to his car when he noticed us. Hinintay niya huminto ang sasakyan ni Sion. Nang tumigil ito ay naunang lumabas ng sasakyan si Sion, at nakita kong lumapit agad si Kuya sa kanya. Nag-fist bump silang dalawa ni kuya Lucas. Tumango si Sion nang may sinabi si kuya Lucas sa kanya.

Lumabas na si Dean kaya sumunod naman ako. Huminga muna ako nang malalim bago lumapit kay kuya Lucas.

Nag-fist bump din sila ni Dean. Magkakilala ang tatlo dahil magkasama sila sa isang team ng basketball sa tuwing may liga ang barangay namin.

"Sinopresa n'yo ba si Marga?" tanong ni kuya Lucas habang may ngiti sa labi, pero nahimigan kong may kakaiba sa ngiti niyang iyon.

"Oo, Kuya. Pasensiya na kung natagalan kami--" Sheena answered at my back but Dean cutted her off.

"Its my fault. Nagkaligtaan ko ang oras," seryosong tugon ni Dean kay Kuya Lucas.

Kuya Lucas shook his head as he tapped Dean's shoulder.

"Ayos lang din, Dean. Pagdating kay Marga ikaw ang pinagkakatiwalaan ko. Dahil tinulungan mo siya at inaalagaan na parang totoong kapatid..." Napatigil sa pagsasalita si kuya Lucas nang biglang umubo ng peke si Sion sa kanilang tabi.

Nilingon ni kuya Lucas si Sion habang si Dean ay seryosong nakatitig sa kanya. Binalingan siya ulit ni kuya Lucas at nagpatuloy sa kanyang sasabihin.

"Well, Marga was so lucky to have you as her older brother. Na kahit ako na pinsan niya hindi magawang tulungan siya," sabi niya na ikina kunot ng noo ko.

"Kuya, what are you saying?" singit ko.

"Pre, ba't parang hinabilin mo sa amin si Marga? Saan ka pupunta, ha?" sabi naman ni Sion.

Tumawa si kuya Lucas sa sinabi ni Sion na habang naiiling.

"Nagpapasalamat lang ako Sion sa pag-aalaga nin'yo kay Marga kasi nasa kabilang paaralan ako, 'di ba? Hindi ko iyon nagagawa sa kanya," mariin na sabi ni kuya Lucas.

"You don't need to say that, Lucas. Hindi na iba si Marga sa... amin. Kaya huwag kang mag-aalala do'n. I'll took care of her." Dean said.

Tumango-tango si kuya Lucas sa sinabi ni Dean.

"Thanks, bro. I owe you for my cousin." he said.

Ngumiti si kuya Lucas kay Dean pagkatapos tumingin sa akin.

"So, Marga. Magpaalam kana sa mga kaibigan mo. Uuwi na tayo ngayon din. Naghihintay na sina Tito at Tita." Kuya Lucas said.

Nagpaalam naman agad ako sa kanilang lahat. Bago pumasok sa kotse ni kuya Lucas. Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa ni kuya Lucas. Pero may tanong ako sa kanya na kanina ko pa gustong itanong.

"Saan sila Daddy at Mommy, Kuya?" tanong ko.

Bumuntong-hininga si Kuya. Bago itinigil ang kotse niya dahil sa 'stop' signal. Nilingon niya ako.

"Actually, kanina kapa hinahanap ng magulang mo. Pagbalik nila sa hotel, nalaman nila agad na wala ka roon. Bakit hindi ka nagpaalam, ha, Marga? Nag-alala na sila sa 'yo!" mariin na sabi niya.

Napapikit ako dahil sa sinabi ni kuya Lucas.

"E, saan sila ngayon? Bakit ikaw ang sumundo sa akin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Inutusan lang nila ako na hintayin ka sa hotel." Umiiling na sabi ni kuya Lucas saka nagdrive muli.

I sighed deeply. Ang kaba na kanina'y nawala ay umusbong muli. Saan naman kaya nagpunta sila Mommy at Daddy?

Pumasok na ang kotse ni kuya Lucas sa gate namin. Nang huminto ito ay agad naman kami lumabas na dalawa.

Sumalubong agad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Yaya Mina. Niyakap niya ako nang mahigpit. Pagkatapos ay hinawakan niya mukha ko.

"Sobrang nag-alala kami sa 'yo! Saan ka ba nagpunta, ha?" tanong niya.

"I'm sorry po, Yaya," I subtly said.

"Ya, nariyan na po ba sina Tito at Tita?" tanong ni kuya Lucas kay Yaya Mina.

"Wala pa nga, ijo. Tawagan mo kaya, sabihin mo nandito na si Marga." sabi ni Yaya.

Tumango naman si kuya Lucas at ginawa ang utos ni Yaya Mina. Pagkatapos ay umalis agad si Kuya Lucas dahil may kailangan pa raw siya aasikasuhin.

Pumasok kami ni Yaya Mina sa bahay. May mga upuan at lamesa na nakahanda malapit lang sa hardin. Kita kong may mga natitirang pagkain sa mga lamesa na hindi pa nililigpit.

"Umuwi na ang mga bisita niyo. Pagkatapos nila kumain umuwi agad sila. Nainip na siguro sila sa kahihintay sa inyo," sabi ni Yaya Mina.

Napahilot ako ng aking sentido dahil sa frustration sa sinabi ni Yaya. Nasisiguro kong galit na galit na sina Daddy at Mommy ngayon. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila, o kung paano ako magpaliwanag sa kanila. Ano ang gagawin ko?

Maghahanda na sana si Yaya Mina ng pagkain, ngunit pinigilan ko siya dahil busog pa naman ako. Kaya umakyat na lamang ako sa itaas para makapag bihis na.

At habang nagbibihis ay nag-isip ako ng posibleng ipaliwanag ko kina Mommy at Daddy. Alam kong magagalit sila sa akin kapag sinabi ko sa kanila ang totoo. At ayokong madamay ang mga kaibigan ko. Pero kahit akuhin ko pa ang lahat. Idadamay pa rin sila nina Mommy at Daddy. Baka mas lalong lalala lang ang problema.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas agad ako ng kwarto. Narinig ko ang kaluskos sa labas ng aking kwarto kaya nagtungo agad ako pintuan. Hinawakan kona ang doorknob na aking pinto para buksan. Nang may marinig akong nag-uusap sa labas.

"What happened, Darell" rinig kong sabi ni Mommy.

Tinapat ko ang aking tainga sa pinto para marinig nang mabuti ang kanilang pinag-uusapan. Pero halos pabulong na ang narinig ko, kaya hindi ko rin maintindihan ang kanilang pinag-usapan.

"Babalik na lang ako ng abroad," rinig kong sabi naman ni Daddy.

"Pa'no si Marga?"

"Isasama natin si Marga sa abroad, at doon na rin siya magpapatuloy sa pag-aaral." mariin na sabi ni Daddy.

"We need to leave before the month ends."

Nanghihina ako lumayo sa pinto, hindi na kinaya ang mga narinig mula sa labas ng aking kwarto. Dahan-dahan akong umupo sa aking kama. Nablangko ang utak dahil sa narinig ko kay Daddy.

Pupunta kami ng abroad bago pa matatapos ang buwan na 'to? Ano ng gagawin ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top