CHAPTER 24
HOPEDEEPLY
Naghintay nga ako dito sa may gate. Kapapaalam lang ni Manong Edgar na aalis siya dahil may emergency sa kanila, kaya hindi niya na ako maihatid sa bahay. Ang sabi niya pa, siya na daw bahala magsabi kay Mommy at Daddy.
Kaya hindi ako mapakali sa kahihintay dito kay Dean. Dahil baka dumating na si Daddy para sunduin ako, kaya kailangan ay makaalis na kami ni Dean ngayon.
Lumipas ang kalahating oras ay nakita kona siya naglalakad papunta sa akin. I smiled, but it quickly faded when I noticed Erin's hand clinging to Dean's arm. They even laughed as they walked with their classmates. Narinig kong inaasar silang dalawa. Kaya parang may hollow akong naramdaman sa aking tiyan ngayon, hindi ko alam kung bakit.
“VP Dean, saan kayo mag-e-enroll ng college ni Erin? Share n'yo naman para sa college ay kaklase pa rin tayo lahat, 'di ba?” Naghiyawan ang kaklase nila. “At sabay na rin tayo mag-enroll!”
“Ano ba kayo, guys! Hayaan na natin sila. Baka gusto nila masolo ang isa't isa. Ayieee!”
Nagkantyawan ang lahat dahil sa sinabing iyon. Nilihis ko na lang ang mga mata ko sa kanila na parang hindi ko sila napansin o nakita. Yumuko ako.
“Naku, kayo talaga. Tumigil nga kayo baka mailang pa si Dean,” malambing na sabi ni Erin.
“Si VP Dean? Maiilang? Ba't naman? E, alam naman nating lahat kung ano ang tipo ni VP Dean sa babae!”
“Oo nga! Maganda ka, mabait at sobrang talino pa! At sa nakikita namin ngayon ay close na kayo sa isa't isa. Ano, nanliligaw na ba si Dean sa 'yo, Erin?”
“Naku, walang ligawan nangyari sa amin ni Dean. Ano ba kayo!” sabi ni Erin na parang nahihiya pa.
“Ha? Bakit naman? Hindi mo ba gusto si Erin, Dean?”
“Naah! Hindi naman mahirap magustuhan si Erin...” rinig kong sabi ni Dean.
“'Yun naman pala, e! Ba't hindi mo pa siya niligawan?”
“Ano ba kayo, guys! Tama na 'yan! Itigil niyo na ang pang-aasar sa amin!” pagsasaway ni Erin sa kanyang mga kaklase na tuloy pa rin ang pang-aasar sa kanila ni Dean.
“Sus! Namumula kana kasi! Kinikilig ka, e!”
Patuloy lang sila sa pang-aasar sa kanila ni Erin at Dean. Rinig na rinig ko ang bawat kantyaw nila sa dalawa, na parang sila lang nandidito sa eskwelahan.
Inside of me, a cold developed. It was as if my soul abandoned me. And as if a dagger had pierced my heart because what I heard. Ngayon, hindi ko na alam kung bakit pa ako naghihintay pa rito. At hindi ko alam kung bakit nanatili pa rin ako rito sa kabila ng lahat na narinig ko.
Alam ko na alam din ng lahat kung ano talaga ang mga tipo ni Dean sa babae. Kaya kapag nalaman nilang girlfriend ako ni Dean ay baka… madismaya pa o tatawanan lang nila si Dean. At ayaw kong mangyari iyon sa kanya. Ayokong masira ang reputasyon ni Dean dahil lang sa girlfriend niya ako. Ayokong i-judge siya ng dahil lang sa 'kin.
“Oh, si Marga, VP Dean!” rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase nila.
Umangat ang tingin ko nang maramdaman kong nasa harapan ko na agad siya. Nakita ko si Erin sa bandang likod niya habang kausap ang mga kaklase nila, parang naghihintay sila kay Dean. May lakad ba sila ngayon?
I tried to smile at him, despite the fact that my heart was broken by the envy I had heard about before...
as well as self-disappointment,
because I wasn't as intelligent as them... and as good as them, too. Sa dami ng nangyari, ngayon lang ako sobrang nanliit sa sarili.
Gumraduate si Mommy ng Magna Cum Laude sa kolehiyo, at si Daddy naman ang top one sa kanilang bar exam. At habang ako… seventy-five-seventy-five lagi ang grades. Sino'ng hindi magtataka na anak ako ng isang mahusay na doctor dito at isang magaling na engineer sa ibang bansa? Kung ang grades ko ay pasang-awa!
Tapos si Dean, ga-graduate ng Salutatorian sa eskwelahan na 'to.
“Bakit kapa nandito? Hindi ka pa ba sinusundo ng driver n'yo?” pagtatanong niya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Mas lalo akong nanlamig sa kanyang sinabi. Dapat talagang umuwi na ako kanina pa. Pero dahil sinabi ko sa kanya kanina na maghihintay ako dito, kaya naghintay ako. Hindi ko naman alam na may kasama pala siya ngayon. O may lakad sila ngayon.
“Wala si Manong Edgar. May emergency siya ngayon.” Sabay tingin ko sa kaklase niya. “Hmmm. May lakad ba kayo ngayon?” tanong ko.
Tumingin siya saglit sa likod niya. Kaya tumayo na ako para makapag paalam na lang sa kanya. Narealize kong hindi ko pala kakayanin ang maiwan dito, tapos siya'y aalis na kasama ang mga kaklase niya.
Pinanood niya ako habang kinukuha ang mga libro at saka ang bag ko.
“Uuwi na lang pala ako. Ayaw kona hintayin pa si Daddy dito.” sabi ko.
“Ihahatid na kita.”
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Tiningnan ko siya. Ngumuso siya para maitago niya ang kanyang ngiti sa labi. Dahan-dahan niya inabot ang mga libro at bag ko para siya ang magdala. Umiling ako at kukunin na sana pabalik ang aking mga gamit ngunit inilayo niya ito sa 'kin.
“Dean, may lakad kayo, di ba?”
“Sino'ng may sabi?” mapanuya niyang tanong sa 'kin.
Tumingin ako sa mga kaklase niya at nakita kong nando'n pa rin ang mga iyon. Napakagat ako ng pang-ibabang labi nang makitang nakatingin sila sa amin, hinihintay nila si Dean.
“Naghihintay kaya ang mga kaklase mo sa 'yo,” mahina kong sabi sa kanya.
“Hindi na ako sasama sa kanila kaya ihahatid na kita,”
Naniningkit naman ang mga mata kong nakatitig na sa kanya. Napansin ko ang pagdila niya sa kanyang pang-ibabang labi, pumula ito.
“Pero Dean. Baka importante ang lalakarin n'yo. Tsaka ayos lang naman ako,” sabi ko.
“Ang kulit mo!”
Namilog ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi. Inayos niya sa isang kamay ang mga libro at bag ko tsaka niya kinuha ang aking kamay para aalis na sana, nang may biglang nagsalita sa kanyang likod.
“VP Dean, sasama ka ba sa amin sa grill?” tanong ng kaklase niya.
Humarap si Dean sa lalaking nagtatanong nang hindi binibitawan ang aking kamay. I noticed his eyes looked down on our hands, holding each other. The corner of his lips rose when he saw me forcefully remove my hand from Dean, but Dean wouldn't let me go.
“Kaya pala hindi mo nililigawan si Erin, ha!” bulong nito, nahimigan ko ang mapanuyang tono sa kanyang boses.
“Hindi na, kayo na lang. Ihahatid kopa si Marga.” sagot ni Dean sa tanong ng lalaki.
“Oh…” ngumisi naman ang lalaki sa akin saka tumango kay Dean.
Teka, siya 'yung lalaking nanghingi ng password sa akin nung gusto kong pumasok sa room nila Dean, a!
“May date?” tuloy ng lalaki.
Tumingin sa 'kin si Dean at ngumisi siya. Hindi ako kumibo. Agad akong umiwas ng tingin sa kanila. Nag-init ang aking pisngi. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan.
“Naah, iuuwi ko lang 'to si Marga.” Dean said.
“O sige, mauna na kami sa inyo. Kita na lang tayo bukas sa Acquaintance party.” Sabay tapik ng lalaki sa braso ni Dean bago bumalik sa mga kaklase nila.
Sinalubong ni Erin ang lalaki. Nakita ko kung paanong bigkasin ang salitang 'bakit' sa mismong bibig ni Erin, habang nakakunot ang kanyang noo. Tumingin siya sa pwesto namin ni Dean at nakita ko kung gaano katalim ang kanyang mga mata ipinukol sa akin. Kung nakakamatay lang ang kanyang titig ay nakabulagta na ako ngayon dito.
“Let's go, Marga.” Sabay hila sa akin ni Dean. Kaya nakita ko naman ang pagdako ng mga mata ni Erin sa kamay namin ni Dean. Umawang ng kaunti ang kanyang labi habang nakatitig sa kamay namin na magkahawak.
Nakita kong may galit sa kanyang mga mata, at parang maiiyak na siya dahil nakita kong may namumuong luha sa gilid nito. Yumuko ako habang hinihila ni Dean ang aking kamay. Nasasaktan ba siya nang makita niya magkahawak kamay kami ni Dean. Bakit parang nahahabag ako sa kanya?
“Sobrang tahimik mo naman,” sabi ni Dean habang nagdadrive.
Hindi ako kumibo. Nanatili lang ako tahimik sa kanyang likod, habang nakayakap sa kanya. Maraming tumatakbo sa utak ko ngayon, dahil sa narinig ko kanina.
Pa'no kaya kung hindi ako umamin kay Dean. Aaminin niya ba na may nararamdaman siya sa 'kin? Magiging sila kaya ni Erin kung hindi naging kami? Pero sabi naman niya na kaibigan lang ang turing niya kay Erin, so hindi mangyayari 'yon.
Bakit koba ito iniisip ngayon, ha? Bakit simula nung naging kami ni Dean ay sobrang baba na ng tingin ko sa aking sarili.
Mas lalong umusbong ang inggit na nararamdaman ko simula nung naging kami ni Dean. Pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat sa kanya… hindi ako ang bagay sa kanya. Na kahit anong gawin ko ay wala pa rin ako sa kalingkingan ng mga naging girlfriend niya. Kung mga mamahalin na bagay lang ay kaya ko pa silang lagpasan, pero pagdating sa pautakan ay siguradong wala na akong panalo do'n. Bakit kaya ako nagustuhan ni Dean kung ganoon?
“Hey, what's wrong with you?”
Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay kong nakayakap sa kanya. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa 'kin. Naramdaman ko ang haplos ng hangin sa aking balat kaya napatingin ako sa paligid.
Hindi ko pala namalayan na nandito na kami sa paboritong lugar namin. Kita ko ang paghampas ng tubig sa buhangin, habang unti-unti naman lumulubog ang araw. Masyado yata akong lutang dahil sa mga iniisip ko.
Huminga ako ng malalim. Binalik ko ang mga mata ko sa kanya, hanggang sa bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi.
Pagkatapos inangat ko muli ang aking mga mata at ngayon nakaderekta na sa mga mata niya.
“Bakit mo ba ako nagustuhan?” I asked directly on his eyes.
Umawang ng kaunti ang kanyang labi habang pinagmasdan akong nakatitig sa kanya. ‘Come on, Dean. Sagutin moko dahil hindi pa rin ako makapaniwala na meron tayo ngayon. O talaga bang pwede tayo?’
“What? Why did you ask about that?” Napapiyok ako sa tigas ng ingles na binigkas niya.
Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Ramdam ko uminit ang aking pisngi. Hinawakan niya ang baba ko at ibinaling sa kanya. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanyang mga mata kaya sa buhangin ako nakatingin. Sinubukan niya naman hulihin ang mga mata ko pero pilit ko itong iniiwas.
"Marga," his voice sent shivers down my spine. So I looked up at him.
"I've loved you since you called me Dean," he continued.
My forehead wrinkled. I was confused at what he said. He grinned at me when he saw that I was confused by what he was saying. Gamit ang likod ng kamay niya ay dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Nanginig ako at nanghina dahil sa init na nararamdaman doon.
“Hmmm… hindi mona maalala?” malambing niyang sabi.
Napapikit ako bago umiling sa kanya.
“K-kailan 'yun?” taka kong tanong sa kanya.
Ang pagod at seryoso niyang mga mata ay nakatitig lang sa akin. Hanggang sa bumaba iyon sa aking mga labi nakaawang. Tinikom ko ito. Kanina ko pa naramdaman ang pagwawala ng aking puso sa aking dibdib. At kanina ko pa rin pinipigilan ang aking paghinga.
Hinawakan niya ulit ang aking baba at itinaas ito para mapantayan ko siya. Unti-unti ko naman ipinikit ang aking mga mata nang dahan-dahan niya inilapit ang kanyang mukha sa 'kin. Dumampi ang malalambot niyang labi sa aking labi, pero saglit lang 'yon. Bumitiw agad siya.
“It was my fifteenth birthday, Marga…” he whispered.
“Oh,” sabi ko nang may maalala.
Naalala ko ang tawag ng lahat sa kanya dati. 'Tristan' pa ang tawag ng lahat sa kanya nung bago pa lang kami magkakilala. At hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagbago 'yon. Tinawag ko lang naman siya ng 'Dean' dahil 'yun ang mas madaling banggitin noon, at bagay rin sa kanya dahil matalino siya. Ayoko ng 'Tristan' dahil parang pambadboy ang pangalan na 'yon.
“Naalala mona?”
Tumango ako. At ngumiti sa kanya pero naging tawa rin kalaunan. Nagtataka naman niya akong tinititigan.
“Whats wrong?” tanong niya.
“Parang… ang babaw at… ang corny kasi ng dahilan mo,” sabi ko habang nakatawa pa rin.
Seryoso niya naman ako tinitigan. Habang inaayos ang buhok ko na tinatangay ng hangin. Tumigil ako sa pagtawa at pinagmasdan siya na ginawa iyon.
“Uwi na tayo,” sabi niya na ikinailing ko agad.
Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin.
“Baka hinanap kana sa inyo, Marga,”
“Saglit lang naman, please…” Nagpa-cute pa ako sa kanya para pumayag siya.
Kaya umiiling na lamang siya habang bumababa sa kanyang motor at gano'n din ako. Gusto ko munang maglakad-lakad dito at suminghap ng sariwang hangin.
Hinubad ko agad ang sapatos at medyas ko. Tsaka naglakad papuntang tubig at binasa ang mga paa. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Dean sa akin. Kaya tumingin ako sa kanya. Nakapaa na rin siya, habang nakatupi pataas ang slacks niya sa binti. Ngumisi ako sa kanya nang biglang may naisip.
“Dean, ang lamig tubig,”
Tinaasan niya ako ng kilay. Ngumisi pa ako lalo. Mula sa pagkunot ng noo niya ay ngumisi din siya sa akin. Naglakad na siya papuntang tubig-dagat.
“Masubukan nga!” sabi niya pa.
Huli na bago magawa ang aking binabalak. Naunahan niya na ako sabuyan ng tubig-dagat. Agad akong tumakbo palayo sa kanya pagkatapos kong makaganti.
“Ahh!” sigaw ko habang tumatakbo palayo sa kanya.
“Akala mo hindi ko malalaman 'yang binabalak mo, ha! Hoy! Bumalik ka rito!” sigaw niya habang hinahabol ako, nakatawa pa siya.
Nang lumingon ako sa kanya at nakita kong malapit na siya sa akin. Agad ko siyang sinabuyan ng tubig-dagat. Umilag siya pero hindi pa rin maiiwasan ang tubig. Tumakbo ulit ako palayo sa kanya.
“Humanda ka sa 'kin 'pag nahuli kita!” sigaw niya, habang binabantaan ako.
Habol-habol ko na ang hininga ko dahil sa katatakbo. Hindi pa nakakatulong ang paglakas ng tahip ng puso ko dahil sa banta ni Dean. Hindi na ako lumingon sa aking likod dahil natatakot lang ako na baka nasa harapan kona siya. Nagpatuloy lang ako sa aking pagtakbo hanggang sa mapagod ako.
Tumigil muna ako bago lumingon sa likod. Wala na si Dean sa aking likod. Imposible, hindi pa naman gano'n kalayo ang tinakbo ko tapos nawala na lang siya bigla. May narinig akong kaluskos sa mga puno ng niyog. Tumingin ako sa banda kung saan ang kaluskos.
“Dean!” tawag ko sa kanya.
“Dean! Huwag mokong tatakutin! Alam mo namang hindi ako takot sa multo!” sigaw ko.
Pero wala pa rin Dean na lumabas doon. Umusbong na ang takot sa aking dibdib nang may marinig akong huni ng kung ano-ano, hindi ko lang alam kung palaka ba iyon o ano. Sisigaw na sana ulit ako nang may biglang humawak sa baywang ko at niyakap ako.
“Huli ka!” bulong niya sa tainga ko.
Ngumuso ako. “Saan ka galing?”
“Nasa likod mo lang ako,” sagot niya.
Kumunot ang noo ko. “What?” Tinawanan niya lang ako habang naguguluhan sa kanyang sinabi.
“Paano? Wala ka naman kanina?” tanong ko ulit.
“Magic.” As he chuckled at my face.
Nanatili kaming ng kalahating oras doon bago niya akong niyaya na umuwi. Dahil baka hinahanap na raw ako sa amin. Bitin na bitin ako sa oras naming dalawa kaya hindi ko maiwasang sumimangot nang nagyaya na siyang umuwi.
Narinig ko siyang tumatawa habang sinusuot ang kanyang helmet. Ngumuso pa ako lalo. Alam niyang nakulangan ako sa oras namin dalawa kaya siya ganyan. Sino ba naman kasi hindi? Parang isang minuto lang 'yun sa 'kin.
“Marga, stop that!” he warned na para bang may ginagawa akong mali.
“What? Walang naman akong ginagawa!” Asik ko na nakasimangot pa rin.
Hindi niya ako tiningnan. Pero alam kong nakanguso na siya bago sumakay sa kanyang motor.
“Sumakay kana lang bago pa magbago ang isip ko.”
“Bakit? Nagbago ba?” tanong ko habang sumasakay sa kanyang motor.
“Alam mo namang hindi kita matitiis—”
“Tsk!” Sabay irap ko.
He chuckled a bit, saka pinaandar ang kanyang motor. Napayakap ako ng mahigpit sa kanyang baywang habang ramdam ko mainit niyang likod sa aking tiyan dahil sa sobrang nipis ng aming uniporme, taliwas sa malamig na hangin na sumalubong sa amin.
Hinawakan niya ang aking kamay na parang mahuhulog ako kahit anumang oras sa bilis ng pagpapatakbo niya. Hindi naman kasi masyado traffic ngayon kaya deretso lang kami.
Nang makarating sa tapat ng gate namin. Nakita ko ang madilim na ang langit. Alas sais o malapit na mag-aalas siyete yata ngayon kaya madilim na ang paligid.
Bumaba na ako sa motor ni Dean. Tiningnan ko muna ang loob. Baka nandyan na sa garahe ang sasakyan ni Daddy. Ngunit nakita kong wala pa ito kaya tumingin ako kay Dean.
“Wala pa yata si Daddy, e.” sabi ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. Tsaka pinasadahan ng tingin ang bahay namin. Binalik niya ang tingin sa akin.
“Sige na. Pumasok kana sa loob. Mas mabuting nasa loob kana ng bahay pagdating ng parents mo.” sabi niya.
Ngumuso ako tsaka tumango sa kanya. Inabot niya ang leeg ko at hinila para ilapat ang aming mga labi. Napapikit ako. It was tender and sweet. Saglit lang 'yon pero grabe na ang epekto sa aking puso.
Pumungay ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
“I love you,” he subtly said.
“I love you too, Dean.”
Umalis na siya pagkatapos magpaalam. Pumasok na rin ako ng bahay at nagbihis. Pagkatapos magbihis ay narinig kong tumunog ang aking cellphone kaya tiningnan ko ito.
Dean:
Nakauwi na ako. Take your dinner and sleep early.
Napangiti ako at agad na nagtipa ng mensahe sa kanya.
Ako:
Kita tayo bukas ng umaga. 6:30 PM pa naman ang Acquaintance party n'yo 'di ba?
Humiga muna ako sa aking kama habang hinihintay ang reply ni Dean. Pero umabot na lang ng traynta minutos hindi pa siya nagreply. Mukang busy na 'yun ngayon o di kaya'y kumakain na. Bumangon ako sa aking pagkakahiga at nilagay sa side table ang cellphone. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nang may kumatok dito. Agad naman akong lumapit sa pinto at binuksan ito.
Namilog ang mga mata ko nang makita si Daddy ang nasa labas ng pinto. Naka white polo shirt pa siya. Halatang kadadating lang niya galing trabaho. Lumapit ako sa kanya at yumakap.
“Good evening, Dad!” I greeted him politely.
“ I'm just checking on you. Hindi kapa natutulog?” Sabay haplos niya sa aking mahabang buhok.
“I'm good, Dad. Nakauwi ako ng safe,” sabi ko sa una niyang sinabi, “at papatulog na rin naman ako,” sagot ko sa tanong niya. Nagkunwari pa akong humihikab para maniwala siya.
Humiwalay ako sa kanya nang yakap. Dinungaw niya ako gamit ang kanyang mapupungay at pagod na mata. Pilit siyang ngumiti sa akin.
“Kailangan munang magbubeauty rest ngayon dahil sa susunod na araw ay ang JS promenade at birthday mona,”
Tumango ako sa kanyang sinabi, tsaka ngumiti.
“Good night my princess,” He said as he gently kissed my forehead.
“Good night too, Dad!” Sabay halik din sa kanyang pisngi.
Natulog na ako. O should I say, nakatulog na ako sa kahihintay ng reply ni Dean. Akala ko kasi makakapag-usap pa kami ngayon kaya hinintay ko siya. Siguro, nagbubeauty rest din iyon dahil Acquaintance party nila bukas. Ano kaya ang itsura ni Dean bukas? Although, nakita ko naman siya na sinuot ang napiling damit para sa Acquaintance party, pero gusto ko pa rin siya makita na nakaayos ang buhok, pormadong pormado tingnan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top