CHAPTER 22

HOPEDEEPLY





“D-dad…” utal kong sabi nang nandito na kami sa bahay namin.

Ramdam ko ang panginginig ng aking labi, at ang mabilis na tahip ng aking dibdib dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit iba ang awra ni Daddy ngayon, galit na galit. Parang susugod na sa suntukan nang lumabas siya sa kanyang sasakyan kanina.

Lumayo agad ako kay Dean, at agad sinalubong si Daddy sa labas ng gate. Pinasakay niya agad ako sa sasakyan habang maririin ang titig niya sa aking likod, kung saan nakatayo si Dean. Abot-abot ang kaba ko habang nagmamadaling pumasok sa sasakyan. Nakita ko ang pananatili ni Daddy sa labas bago sumunod dito sa loob ng sasakyan.

Tahimik kami pareho ni Daddy sa loob ng kanyang kotse habang nagdadrive siya. Walang nangahas sa amin magsalita hanggang sa makarating kami sa bahay. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit kaya sobra ang kaba ko ngayon… hindi ko alam kung bakit.

May problema ba siya sa work niya? Pero hindi naman siguro… parang hindi tungkol sa trabaho ang problema niya. At kahit kailan hindi siya nagkakaproblema sa kanyang trabaho.

“Sa loob ng bahay na tayo mag-usap.” maririin at sobrang lalim ng boses nang sinabi niya iyon.

“May problema ba—”

“I said. Pumasok kana sa loob ng bahay at doon na tayo mag-usap!” he commanded.

I almost jumped on my seat. He's so intimidating! Kaya dahil sa takot ay dali-dali akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman agad sa 'kin si Daddy na madilim pa rin ang awra. Masama ang tingin nito sa 'kin.

“May meeting ako kanina with my client, Mr. Santos. Kasama niya ang kanyang anak na babae na nag-aaral din sa eskwelahan na 'yon. Ang sabi nito, pinagbintangan mo raw siya kaya siya na-suspended ngayon.” seryosong sabi ni Daddy.

Nagtiim-bagang ako sa sinabi ni Daddy. Alam ko agad kung sino ang Santos na tinutukoy ni Dad. How could that b*tch tell my Dad such a liar thing! How dare her!

I looked to my father. His dark brown-colored eyes which mirrored mine were now staring at me, badly. I equaled his serious eyes, and trying to be calm.

“That's not tru—”

He raised his hand that would stop me from speaking.

“She also said, nagkaroon ka raw ng boyfriend sa loob ng eskwelahan n'yo. Totoo ba, Marga?” dagdag pa niya, medyo tumaas ang boses.

Napayuko ako. My lips turns into a thin line. Umurong ang dila ko dahil sa tanong ni Daddy. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Daddy ang totoo. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

“Marga, answer me!” sigaw ni Daddy na ikinagulat ko. “Umatras sa agreement si Mr. Santos dahil sa sinabi ng anak niya, kaya sagutin mo kung totoo ba 'yon o hindi!” galit na galit na sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. Namumula na ang mga mata niya ngayon dahil sa galit, habang nanginginig naman ang aking tuhod dahil sa takot sa kanya. Nandito kami sa tapat ng hagdanan kung kaya't kitang-kita ko ang pagbaba ni Yaya Mina mula sa itaas. Nahimigan ko ang dismaya sa huling sinabi ni Daddy.

“'Di ba sinabi ko naman sa 'yo na hindi ka pa pwedeng magka-boyfriend! You're too young for that thing, Marga. You should prioritize your studies… and focus on it.” mariin na sabi ni Daddy sa akin.

Napayuko ulit ako at hindi na nakapagsalita. Ayokong dagdagan ang mga kasinungalingan ko sa kanila ni Mommy kaya mas mabuti pang tumahimik na lamang.

“Baka 'yang lalaki pa ang sisira ng kinabukasan mo!” galit na sabi niya.

Ngunit hindi na ako nakatiis pa at nagsalita na.

“No, Dad. He's good. He's not bad influence to me. Tinutulungan nga niya ako sa pag-aaral ko—”

Hinawakan ni Yaya Mina ang aking siko para tumigil ako sa kasasalita. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya habang nakahawak sa aking siko. Halatang natatakot na siya kay Daddy. Lalong dumilim ang awra at ang paningin ni Daddy sa akin habang naka-igting ang panga sa sobrang galit.

“What did you say?” maririin at ramdam na ramdam ko ang galit sa boses niya ngayon.

Nanginig ang buong sistema ko dahil sa takot. Pero hindi ko pa rin iniwas ang aking tingin sa kanya. Tinapangan ko ang aking mukha dahil handang-handa na ako sabihin sa kanya ang totoo. Ayaw ko na magsinungaling pa. At sana maintindihan nila ako... kahit wala akong karapatan na humiling ng mga bagay na tingin nila'y wala pa akong muwang.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita. “I'm sorry, Dad. But we were in love of each other,”

“Narinig mo ba ang sinasabi mo? At naintindihan mo rin ba ang sinasabi namin sa 'yo, Marga. Your age is not enough for having in relationship—”

Huminga ako ng malalim bago ko pinutol ang sinasabi ni Daddy.

“I loved him, Dad.” matapang na sabi ko sa kanya.

“Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo, Marga.”

“Alam ko, Dad. Alam na alam ko!” giit ko.

“No! And he's not the right person for you. So, you should break up with him, or you're grounded to your room, Marga!”

“But Dad! Kung kilalanin n'yo muna siya, nasisiguro kong matatanggap mo siya agad!” sigaw ko.

“Stop it!” Umalingawngaw ang boses niya sa bawat sulok ng bahay.

Sasagot pa sana ako nang pinigilan na ako ni Yaya Mina. Nangingilid na ang mga luha ko sa mga mata kung kaya't yumuko na lamang ako para hindi ito makita ni Daddy. 

“Sumunod ka na lang sa Daddy mo.” bulong sa akin ni Yaya Mina.

Lumingon ako sa kanya at umiling. Ayaw ko—hindi ko kayang gawin 'yon. Naramdaman kong lumandas na ang mga luha ko sa aking pisngi. Nagmamakaawa ako kay Yaya Mina na tulongan ako na magpaliwanag kay Daddy. Pero maski siya ay walang nagawa dahil takot din siya kay Daddy.

“Umakyat ka na lang sa itaas para magkapagbihis. Dalhan na lang kita ng snacks sa kwarto mo.” marahan na sabi niya.

Tumango ako at sinunod ang utos niya. Pinunasan ko muna ang aking mga luha saka tiningnan si Daddy na nakatalikod na sa akin. 

“I'm sorry, Dad…” I subtly said.

Nagkulong ako sa aking kwarto buong gabi. 'Yung sermon ni Daddy kanina ay dinagdagan pa ni Mommy nang umuwi siya mula sa kanyang trabaho. Ramdam na ramdam ko ang pagkadismaya nila sa akin dahil sa nalaman nila.

Ayaw kong hiwalayan si Dean. Ikulong man nila ako ng isang buwan o taon pa. Hindi ko hihiwalayan si Dean.

Sinabi ko naman sa kanila ang totoo kung bakit nasuspinde sila Abby. Pero nag-uumapaw pa rin ang galit nila sa pagkakaroon ko ng boyfriend. Kaya wala na akong magawa nang sinabi nila na bahay at eskwelahan na lang ako.

Umiyak ako buong magdamag dahil hindi ko gusto ang sobrang paghihigpit ni Mommy sa akin. Bahay at eskwelahan lang daw ako. Hindi na pwede pupunta sa kung saan-saang lugar, maliban kung may importanteng gagawin. Limitado na ito ngayon, hindi gaya ng dati. Kung noo'y masulsolan ko pa si Manong Edgar, ngayon hindi na. Dahil pati siya ay inutusan ni Mommy na palaging magre-report sa kanya.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Tinakpan ko agad ng aking mga kamay ang mukha ko. I'm still sleepy. Ang tagal ko kaya nakatulog kagabi dahil sa kaiiyak ko. Hindi ko pa rin kasi matanggap ang paghihigpit nila Mommy at Daddy sa akin. 

Sabado ngayon, at dahil sa nangyari kahapon at sa paghihigpit nila Mommy at Daddy ay biglang nag-iba ang disposisyon ko ngayong araw. Nawala ang gana kong bumangon sa araw na 'to.

“Branch in bed!” masayang bati ni Yaya Mina sa akin.

Dahan-dahan ko naman minulat ang mga mata ko. Naaninag ko naman si Yaya na may dalang tray na puno ng pagkain. Nilagay niya ito sa side table saka lumapit sa akin na may malamyos na ngiti sa labi. Umupo siya sa gilid ng aking kama, kaya bumangon naman ako mula sa aking pagkakahiga, saka sumandal sa head board ng aking kama.

Marahan niyang inayos ang iilang hibla ng aking buhok na tumatakip sa aking mukha.

“Anak, intindihin mo na lang 'yung Mommy at Daddy mo. Nag-aalala lang naman sila sa 'yo.” marahan na sabi niya.

Wala sa sarili akong tumango sa kanya at huminga ng malalim.

“Ya, ayaw kong hiwalayan si Dean.” I honestly said.

Napatigil siya sa pag-aayos ng aking buhok at tumingin sa akin. Puno ng pag-alala ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

“Anak, mas lalong magagalit ang mga magulang mo…”

Umiling ako.

“Hindi naman nila malalaman kong hindi ka magsusumbong, Ya.” sabi ko.

Namilog ang mga mata niya sa akin. “Hay nakung bata ka! Gusto mo bang madamay ako sa kalokohan mo?” gulat na tanong niya.

“Hindi, Ya! Ikaw na lang ang kakampi ko rito. Kaya please…” pagmamakaawa ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya at nag-isip nang mabuti. Alam kong hindi niya gustong konsentihin ako… pero alam ko rin hindi niya ako matitiis. Yumakap ako sa kanya. Si Yaya Mina na ang nag-aalaga sa akin simula nung tatlong buwan pa lang ako kaya alam kong mas naiintindihan niya ako kaysa sa magulang ko. Niyakap niya rin ako at dahan-dahan tinapik-tapik ang aking likod.

“Basta…” humiwalay na ako ng yakap saka tiningnan siya. Sinakop ng dalawang kamay niya ang mukha ko. “Mag-iingat ka lagi… at 'wag kakalimutan na laging uunahin ang sarili bago ang iba.” marahan na sabi niya.

Ngumiti ako saka tumango-tango sa sinabi niya.

“Thank you, Ya…” I subtly said.

“O siya! Kumain kana!” sabi niya saka kinuha ang tray na nasa lamesa ng aking kama.

Tinolang isda na may paborito kong kalabasa, kanin, at sunny side up egg na nasisiguro kong kanina pa 'tong breakfast na niluto ni Yaya. At may kasama pang juice at tubig.

Nagsimula na akong kumain.

Ang sabi ni Yaya, maagang umalis ng bahay sila Mommy at Daddy, at hinabilin niya ako sa kanya at kay Manong Edgar kapag aalis naman.

Pagkatapos kong kumain ay naligo at nagbihis na ako. Ayaw ko sanang umalis pero nabasa ko ang mga text ni Dean kaninang umaga. Mula kagabi at magpahanggang ngayon. Binasa ko ang text niya ngayong umaga. Nagtanong kung pupunta ba ako sa kanila o hindi. Pinag-isipan ko nang mabuti iyon, at dahil bored ako rito sa bahay o hindi ko lang nakasanayan na manatili rito kaya nagpasiya akong mag-ayos para pumunta roon.

Bumaba na ako at lumabas ng bahay. Agad naman sumalubong sa akin si Manong Edgar. Kaya tinaasan ko muna siya ng kilay bago huminto sa paglalakad. Binuksan ko ang bag na dala ko para hanapin ang sunglasses. Klaro pa rin kasi ang pamamaga ng mga mata ko mula sa pag-iyak ko kagabi, kaya kailangan ko itong takpan.

“Saan ka pupunta, Ma'am? Alam mo naman na—” pinutol ko agad ang kanyang sasabihin dahil maiirita lang ako sa rason kung bakit kailangan niyang gawin ang bagay na hindi ko gusto.

“Can you please get the car.” I commanded.

“Saan po tayo pupunta, Ma'am?” tanong niya ulit.

I immediately rolled my eyes and looked at him. Irritates grew within me. Oh my god! Bakit hindi na lang niya sundin ang utos ko?!

I immediately shut him up when he's trying to explain why he needs to asked me where were going, just for my Mom's command to him.

“Sa classmates ko. May gagawin kaming… project. Okay na ba 'yon?” sabi ko. ‘Wow! Nagkabuhol-buhol ka na nga, Marga. Nagawa mo pang magtaray!'

“Okay, Ma'am.” Agad naman niyang sinunod ang utos ko.

Nang makita ko na ang sunglasses ko ay pumasok na ako sa sasakyan at tinuro ko agad kay Manong Edgar ang daan patungo sa bahay nila Dean. Nang makarating ay kaagad akong bumaba. May sinasabi pa si Manong Edgar pero hindi ko ito pinansin. Dere-deretso ako sa bakuran nila Dean, sa likod ng karenderya nila. Sarado ang kanilang karenderya dahil sabado ngayon. Lunes hanggang biyernes lamang sila magbubukas.

Agad akong pumasok sa pintuan ng bahay nila dahil naiwan na naman ito na nakabukas. Tumambad sa akin ang sala nila na walang tao kaya pupunta na sana ako sa kusina nang marinig ko ang boses ni tita Karen sa second floor ng bahay nila.

Aakyat na sana ako ng hagdan nang maisip kong tawagin muna sila para malaman nila nandito na ako.

“Tita Karen! Nandito na po ako!” sigaw ko habang nakatingin sa itaas.

Nakita kong bumukas agad ang kwarto ni Dean at iniluwa doon si tita Karen.

“Marga! Umakyat ka dito! Tulongan mo 'kong pumili ng susuotin ni Dean!” sigaw niya mula sa itaas.

Umakyat naman agad ako gaya ng sabi niya. Pinapasok kaagad ako ni tita Karen sa kwarto ni Dean. Tumambad sa akin ang mga damit na nakalatag sa kama niya. Mukang bagong bili pa dahil sa tingkad ng kulay nito. Parang mamahalin at tila nanggaling pa ito sa ibang bansa dahil sa desenyo nito.

“Anak! Nandito na si Marga! Tapos kana ba diyan magbihis?” Sabay katok ni tita Karen sa pinto ng banyo ni Dean.

Napatingin ako kay Tita. Lumapit siya sa kama ni Dean para pumili ng isa pang pares na damit.

“Hay naku! Mabuti na lang nandito ka na, Marga. May katulong na rin ako dito. Nahihirapan kasi akong pumili ng susuotin ni Dean sa kanilang Acquaintance party.” Bumuntong-hininga si tita Karen.

Lumapit din ako sa kama at tiningnan ang damit na nakalatag. Oo nga pala, sa tuesday na pala ang Acquaintance party nila tapos sa sumunod na araw naman ay ang aming js prom. Malapit na pala. Nawala sa isip ko dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko pa nakita ang susuotin kong damit.

“Bakit Tita? Hindi ba bagay kay Dean ang mga damit?” pagtatanong ko.

Bumuntong-hininga ulit siya habang umiiling-iling. 

“Hindi, 'Nak. Wala lang talaga akong mapili dahil lahat naman ito ay bagay sa kanya.”

Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Tiningnan ko ang mga damit at ini-imagine na sinuot ito ni Dean. Dahan-dahan naman ako napatango kay Tita pagkatapos. Sa porma ni Dean at sa itsura, bagay na bagay naman talaga sa kanya lahat nang ito.

“Pinilit ko na nga lang ipasukat sa kanya ang mga ito, kasi ayaw niya itong suotin dahil galing ito sa kanyang ama.” Nahimigan ko ang kalungkotan sa boses niya.

Oh. Kaya pala ang mamahal at mukang galing sa ibang bansa ang mga damit na 'to dahil binili ng Papa niya.  I wonder kung sinadya ito ng Papa niya na ipagawa sa pinakasikat na fashion designer.

Sabay kaming napalingon ni tita Karen sa banyo nang bumukas ang pintuan at iniluwa roon si Dean. 

A checked black and white shirt, like a chessboard, partnered with black pants. Para siyang modelo na may photo shoot dito. Tumingin siya sa 'kin at tinaasan ako ng isang kilay.

Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. Agad naman lumapit sa kanya si tita Karen at tiningnan siya ng maigi.

“Anak, wala talaga akong masabi. Ikaw ba, Marga?” Sabay tingin ni tita Karen sa akin.

Tiningnan ko muna si Dean mula ulo hanggang paa. Tumitig din ako sa mga mata ni Dean. Nanunuya naman ito sa akin. Ikiniling ko ang aking ulo.

“Uh… ” hindi ako makakuha ng sagot sa tanong ni Tita kaya ibinaling ko na lang ang aking ulo sa mga damit na nasa kama ni Dean. “Pwede na 'yan pero… try mo rin ito.” Sabay kuha ko sa isang pares na damit na gusto kong ipapasuot sa kanya. Ngumiti ako habang ipinapakita sa kanila ang blue v-neck shirt and white pants.

Kinuha naman ito ni Tita at binigay kay Dean. Sumimangot naman ang mukha ni Dean.

“Na naman!” reklamo niya.

“Sige na, subukan mo raw ito.” sabi naman ni Tita.

Walang nagawa si Dean kung 'di ang bumalik ulit sa loob ng banyo para magpalit ulit. Wala pang limang minuto ay lumabas agad si Dean. Kaya napatingin ulit kami sa kanya.

Humarap siya nang maigi sa akin. Ipinakita ang kanyang suot.

I hummed as I narrowed my eyes on him. Kunwari nag-iisip pero ang totoo wala akong masabi. His thick eyebrow rose up at me, while he waited my complementary.

Umiling ako. “Pwede na… pero may kulang pa rin,” Kinagat ko ang aking pang-ibaba labi saka iniwas ang tingin kay Dean.

Kumuha ulit ako ng isa pang pares at agad na binigay sa kanya. Pinigilan ko aking ngiti dahil nakasimangot na naman siya. Dahil ayaw kong isipin niyang pinaglalaruan ko siya ngunit hindi ko talaga mapigilan kaya mas lalo siya sumimangot sa akin.

Kinuha niya ang damit. Pero bago siya pumasok ng banyo ay may sinabi pa siya na hindi namin maintindihan.

“Anak…” Tita Karen warned him.

“Wala bang snacks diyan, Ma? Nakakapagod kaya magpalit ng damit!” reklamo niya bago isinarado ang pintuan.

Agad naman tiningnan ni tita Karen ang kanyang relo.

“Sige! Gagawa na ako ng meryenda, 'Nak! Ano ba'ng gusto niyo ni Marga?” tanong ni Tita.

At dahil hindi nagsalita si Dean, kaya ako na lang ang sumagot.

“Bananacue na lang, Tita.”

“Okay. Ikaw na bahala sa kuya mo, ha.” 

Tumango ako kay Tita bago siya lumabas ng kwarto. At dahil hindi pa lumabas si Dean. Pumili ako ng isa pang pares para sa susunod na susuotin niya.

Napatigil naman ako sa aking ginagawa nang may biglang yumakap sa akin mula sa aking likod.

“Pinaglalaruan mo lang ba ako?”

Agad akong pumaharap sa kanya. Naaamoy kona ang mabango niyang hininga dahil sa lapit ng mukha niya sa akin.

“Hindi naman, ah…” sagot sa kanya.

“Really, huh?” mapanuya niyang sabi.

“Bakit? Totoo naman may kulang—”

Nanlaki ang mga mata ko nang mas lalo niya pang inilapit sa akin ang kanyang mukha. Nagpipigil ako ng aking hininga dahil sobrang lapit na ang mga labi namin. Bumaba ang mga mata niya doon. Pumikit naman ako habang hinihintay ang pagdampi ng mga labi namin. Pero agad din kami humiwalay sa isa't isa nang marinig ang boses ni tita Karen.

“Ano ang ibig sabihin nito?!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top