CHAPTER 19

HOPEDEEPLY





Kahit anong pagpupumiglas kong gawin. Hindi ko magawa dahil nakatali na ang kamay namin ni Lester. Ngayon, naglalakad na kami ni Lester na magka-holding hands habang nakasunod naman sa amin ang dalawang freshmen para bantayan kami sa kahit anong gawin namin.

Ngumuso ako. Hindi talaga kami makagawa ng paraan nito para makatakas dahil may nagbabantay sa amin.

Luminga-linga ako sa paligid nang maalala sila Sheena at Rafael kanina na nag-aaway. Wala na sila Sheena sa pwesto nila kanina. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari doon. Kung naitali na ba ang dalawa na 'yon sa isa't isa. O baka naman tumakbo na si Sheena.

“Please, pakawalan niyo na kami.” pagmamakaawa kong sabi sa mga freshmen na nagbabantay sa amin.

“I'm sorry, Ate, pero babagsak po kami sa isang subject namin 'pag pinakawalan namin kayo agad.” sabi ng isa sa kanila.

“Opo, binabantayan din kasi kami ng lider namin.”

Ngumuso ako sa kanilang sinabi at saka tumingin kay Lester.

“Huwag mona kasing pilitin na kumbinsihin sila. Isang oras lang naman 'to, e.” sabi ni Lester.

Sinamaan ko ng tingin si Lester dahil sa sinabi niya.

“E kung tulongan mo na lang kaya ako makawala rito,” sabi ko sa kanya habang naglalakad kami dito sa soccer area.

“Hindi kaba naaawa sa kanila? Babagsak daw sila,” mariin niyang sabi.

Umirap ako sa kanya tsaka siya hinila palayo sa mga nagbabantay sa amin, para hindi marinig ang usapan namin dalawa. Humarap agad ako sa kanya pagkatapos ng ilang minutong panghihila sa kanya. Pinunasan ko ang aking noo dahil sa munting pawis na namuo rito.

Alas nuwebe na ng umaga, tirik na tirik ang araw dahil siguro sa nalalapit na ang katapusan ng klase. At ilang buwan na lang ay summer na, kay bilis ng panahon.

Nakita kong tatlong metro lang ang layo ng nagbabantay sa amin, kaya nakakasiguro akong hindi na kami maririnig. Tumingin ako kay Lester na nakatitig lang sa akin. Tinaasan ko naman agad siya ng kilay.

“Excuse me, ang ibig nilang sabihin ay kapag pinakawalan nila tayo nang wala pa sa tamang oras, sila ang mananagot, pero kung tayo ang gagawa ng paraan para makatakas, hindi na nila kasalanan iyon.” I explained.

He shifted his gaze at my side and looked back at me.

“Oh, ano'ng gagawin ko?” tanong niya.

“May gunting kaba riyan?”

“Ha? Aanhin ko naman ang gunting? Ni hindi ko naman 'to ini-expect na mangyari sa atin,” he said matter of factly. “Hayaan mo na lang kasi. Isang oras lang naman 'to,” he added.

I rolling my eyes on him.

“Ewan ko sa 'yo! Hindi ka nakakatulong!” inis na bulyaw ko sa kanya.

Nagpatuloy na kami sa aming paglalakad habang hinihintay ang oras kung kailan matapos para pakawalan na kaming dalawa. Ilang beses ko pang inirapan si Lester dahil wala naman siyang ginawa kundi ang pasipol-sipol habang nakasunod sa akin. Nakasunod pa rin sa amin ang dalawang freshmen, nagmamasid.

Habang hinihintay matapos ang oras ay mas lalong bumabagal ang takbo nito. My throat was already dry, and I need water to drink. Tumingin ako sa aking katabi.

“Balik tayo,” I said.

Tinaasan niya ako ng kilay. Tumingin din sa akin ang grade seven students na nagbabantay sa amin.

“I'm thirsty. Ang init pa rito at gutom na gutom na rin ako,” I continued while caressing my tummy to assured them.

Tumango naman ang dalawang freshmen students na kasama namin.

“Sige po, Ate, Kuya. Gutom na rin kasi kami,”

Napangiti ako nang sumang-ayon agad sila sa aking sinasabi. Nauna na sila maglakad, kaya agad ko naman hinila si Lester papuntang Cafeteria. At habang naglalakad ay naramdaman ko ang paghawak ni Lester sa aking baywang kaya napatingin naman ako sa kanya. Inilapit niya sa aking tainga ang kanyang bibig kaya medyo natigilan naman ako.

Tumindig ang mga balahibo ko nang may maramdaman akong kakaiba na hindi ko alam.

“Hali kana, tumakas na tayo.” bulong niya.

Kumunot muna ang aking noo bago iyon matanto.

“Sira! Totoo 'yung sinasabi ko, gutom na ako!” mariin kong sinabi saka siya inirapan.

Lumayo agad ako sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nandito na agad kami sa Cafeteria. Konti pa lang ang estudyante rito dahil sa event na nasa ground area ngayon.

Nakahanap agad ang dalawang freshmen ng lamesa kaya doon na lang din kami Lester. Habang naglalakad papuntang lamesa ay napansin ko na may mga matang nakatingin sa amin. Nilingon ko ito at nakita ang dalawang kaibigan ni Lily na nagmamasid sa amin. Kumakain ng pizza sa lamesa, sa may gilid ng Cafeteria na ito.

Ngumisi sila sa akin na agad ko naman inirapan. Bakit ba sila nandito? Samantalang, si Lily ay busying-busy sa booth nila sa ground area. Tapos sila kumakain lang dito? Hindi man lang sila tumulong doon sa kanilang booth. Hindi ko tuloy ma-imagine na si Lily ang gumagawa ng lahat ngayon, walang bumubuntot at walang kaibigan na tumutulong sa kanya.

'Wow! What a kind friends!' Kung kailan kai-kailangan niya ng tulong, saka naman siya iniwan nito.

“Basta, Ate, Kuya, huwag n'yo na lang sabihin sa lider namin na pinakawalan namin agad kayo.”

Tumango kami ni Lester sa sinabi ni Ryan, isa sa freshmen na nagbabantay sa amin. Tinanggal nila kasi ang tali sa aming kamay.

“Oo naman, huwag kayong mag-alala hindi kami magsasalita.” banayad kong sabi sa kanila.

At nang natanggal ang tali ay tiningnan ko ang pulang marka sa aking kamay. Ngumuso ako dahil medyo mahapdi nang haplusin ko ito.

“Hala! Nagkasugat yata ang kamay ni Ate Marga,” gulat na sabi ni Riza.

Magsasalita na sana ako nang agad hinila ni Lester ang kamay ko para ihipan ito. Namilog ang mga mata ko sa kanyang ginawa. Hindi ako makaangal kaagad dahil sa gulat.

“Mahapdi ba?” tanong niya, na puno ng pag-aalala sa kanyang mukha.

Binawi ko naman ang kamay ko nang marinig ang hagikhik ni Riza sa aking tabi.

“H-hindi naman,” sagot ko, at nakaramdam ng pagkailang sa mga kinikilos niya.

Umiwas ako ng tingin kay Lester.

“Kuya Lester, kayo na ba ni ate Marga?” tanong ni Ryan.

Napatingin kaagad ako kay Ryan dahil sa tanong niya kay Lester.

“Oo nga, ang sweet niyo po kasi ni ate Marga.” dagdag pa ni Riza.

“Hindi a!” sagot ko kaagad sa dalawa.

Lester chuckled as he shook his head.

“Ikaw naman, binasted mo agad ako sa harapan nila.” sabi niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Binasted? Pinagsasabi nito! Hindi ko ma-gets.

“Hindi kami ng ate Marga n'yo. May iba na siyang gusto kaya wala na akong pag-asa,” sabi niya.

Kumunot naman ang noo ng dalawang bata sa kanyang sinabi. At bago pa man humaba ang usapan… o baka kung ano pang masabi ni Lester. Mahina kong sinapak ang kanyang braso kaya napatingin siya sa 'kin. Pinandilatan ko siya ng mga mata para matigil na siya sa kanyang sinasabi.

Alam kong may hinuha na siya tungkol sa amin ni Dean, pero ayaw ko munang malaman ng iba ang relasyon namin ni Dean, lalo na't magmula pa sa kanya.

Tumigil naman siya sa kanyang pinagsasabi kanina. Tumayo siya at agad na niyaya si Ryan para kumuha ng makakain namin. Bago sila umalis ay tinanong muna nila ang gusto kainin namin ni Riza.

Umalis na ang dalawa matapos namin sabihin ang gusto naming pagkain. Nagpaalam naman ako kay Riza na pumunta sa restroom para magsuklay ng buhok dahil pakiramdam ko magulo na ito.

Nang makapasok sa restroom ay hindi ko alam na nakasunod pala sa akin ang dalawang kaibigan ni Lily. Their eyebrows rose up as they entered the rest room. At syempre, hindi naman ako magpapatalo. Tinaasan ko rin sila ng kilay.

“Ang landi mo talaga, no?” sabi ni Abby habang palapit sa 'kin.

Inirapan ko agad siya at napabuntong hininga. Ano na naman kaya ang issue nito sa 'kin?

“Una si Dean ngayon naman si Lester,” sabi naman ni Lyse na ikinakunot ng noo ko.

“Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo,” kalmado kong sabi sa kanila.

Abby rolled her eyes and slowly walked towards me. She laughed sarcastically at me. Tumayo naman ako ng matuwid at tinignan siya na walang humor.

“Nabalitaan namin na may girlfriend na naman si Dean. Alam mo ba kung sino ang babae na iyon?” Abby asked with meaningful tone of her voice.

Oh? Sinundan nila ako rito para magtanong tungkol diyan. Inutusan ba sila ng lider nila kaya sila nandito? Well, kahit ano naman iuutos ni Lily ay gagawin talaga ng kaibigan niya. Psh. Nahabag pa naman ako sa kanya dahil mag-isa lang siya sa kanilang booth. 'Yun pala may ibang pina-plano.

“Hindi ko nga alam ang pinagsasabi nin'yo,” sabi ko ulit sa kanila, mariin na pero kalmado pa rin.

“I don't believe you,” mariin na sabi ni Lyse.

Umirap ako. Ano bang utak mayroon sila? Utak ng butiki! Hindi marunong umiintindi dahil sa sobrang liit nito.

“Edi… don't!” I said as I made a face on them.

Wala akong panahon makipag-away sa kanila ngayon, kaya hahakbang na sana ako palabas ng pintuan nang harangan agad nila ako.

“Hindi ba't alam mo kung sino ang girlfriend ni Dean dahil palagi kayong magkasama,”

I deeply sighed to sustain the calmness and stable thoughts. Baka masabi ko pa sa kanila ang totoo, at 'yun ang pipigilan ko ngayon.

“Aba malay ko. Hindi pa niya sinasabi sa akin kung sino ang girlfriend niya.” I said calmly.

“Really?” Nahimigan ko ang kakaibang tono sa boses ni Lyse.

Unti-unti silang lumapit sa 'kin kaya napaatras naman ako. Nanginginig ang mga tuhod kong umaatras dahil pakiramdam ko may alam na sila tungkol sa amin ni Dean.

“We saw you and Dean at the Park, yesterday...” she trailed off.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Lyse. Yesterday, right? At the Park? Kaya kong barahin ang mga sinasabi niya kung ang nakita lang nila ay 'yung naglalaro lang kami kasama ang mga bata. Ngunit hindi ko magawa dahil alam kong may iba pa silang nakita at kahit anong tanggi ko roon kung may ebedensiya naman sila na hawak, imposibleng wala. Hindi nila ako susugurin dito kung wala.

“We saw the two of you kissing,” Luna smirked, while waving her phone, showing the video recorded as evidence.

I mentally cursed. So, sila pala ang nagpapakalat na may girlfriend na si Dean. Bakit hindi ko naisip na mag-check ng account ko kanina, baka nai-post na nila iyan sa school page namin. Kapag nakita 'yan ng school head namin, paniguradong ipapatawag kami sa discipline office at ipapatawag din ang parents namin dito.

She smirked as she played the video, almost a minute. My blood boiled as my heart pumping rapidly. I clenched my hand turned into a fist, ready to punch them. But I can't take away my eyes on Lyse's phone.

Hindi na ako nakatiis. Inabot kona ang cellphone niya para agawin ito. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya rito kaya hindi ko naagaw ang kanyang cellphone.

Hinila naman ni Abby ang buhok ko kaya bumitaw ako at napahawak sa aking buhok.

“Akala mo ba mabubura mo ito? Hindi, dahil ipopost ko na ito ngayon—”

Siniko ko si Abby kaya nabitawan niya ang buhok ko. Lumapit agad ako kay Lyse para agawin ulit ang cellphone niya ngunit hindi pa naman ako nakalapit sa kanya ay sinipa na niya ako sa aking tiyan, dahilan na tumama ang likod ko sa semento. Napadaing ako sa sobrang sakit ng likod at tiyan ko.

Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko magawa dahil sa sakit ng likod ko. Nakita kong susugurin na sana ako ni Lyse nang biglang bumukas ng pagkalakas-lakas ang pinto ng restroom. Napatingin kami lahat doon.

Akala ko kung sinong super hero na ang dumating dahil sa kapa sa likod nito, pero nang umangat ang tingin ko sa mukha niya. Galit na galit ang mga mata niyang sinuri ang buong restroom na parang gusto ng manakit ng kung sinong tao rito sa loob. Lumapit agad siya sa akin nang makita niya akong namimilipit sa sakit.

“I'm sorry...” Dean whispered into my ear as he immediately scooped me.

“Miss Rivera and Miss Santos, go to the discipline office now!” rinig kong sigaw ni Sion nang palabas kami ni Dean sa restroom.

Gusto kong tumingin sa pinanggalingan namin para makita ang reaksyon ng dalawang babae na 'yon, kaso nakaharang naman ang itim na kapa ni Edward Cullen— este ni Dean pala. He's wearing a vampire costume na bagay naman sa kanya.

I looked at his face. His face looks so pale like a vampire's skin, the side of his eyes were black because of the thick eyeliner and his lips were also red because of lipstick applied on it.

Kung ganito lang naman kagwapo ang kakagat sa 'kin. Kahit ubusin niya pa ang dugo ko, ayos lang sa 'kin. Ako pa mismo ang mag-volunteer na kagatin niya ako.

Napabalik ako sa realidad nang may marinig akong nagbulung-bulongan sa paligid. Nilibot ko ang aking mga mata sa kung nasaan kami ngayon. Nakita kong maraming estudyante nakatingin sa amin ngayon habang naglalakad si Dean. Napakapit ako sa suot ni Dean at isiniksik ang mukha sa dibdib niya dahil sa kahihiyan.

Buhat-buhat niya ako habang naglalakad, deretso lang ang kanyang mga mata sa daan. Parang wala siyang pakialam sa paligid niya.

Tumikhim ako. “D-Dean ibaba mona ako,” nautal kong sabi sa kanya.

“Ihahatid muna kita sa Clinic,” mariin niyang sabi.

“Pero... kaya ko naman maglakad,”

Kumunot naman ang noo niya dahil sa aking sinabi.

“Naah, hindi mo kaya, Marga.” he directly said.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Malayo ang Clinic sa Cafeteria. Sa laki ba naman ng eskwelahan na 'to. Kaya sigurado akong mapapagod siya sa kabubuhat sa akin. At ayaw kong pinagtitinginan kami ng mga estudyante ngayon dahil buhat-buhat niya ako.

“Dean—”

Huminga siya ng malalim at saka binaba ako.

“Oh. Ayan! Maglakad kana. Ang tigas talaga ng ulo mo!” sabi niya na pikon na pikon.

Nabigla ako sa pagbaba niya sa 'kin kaya nang binitawan niya ako ay umikot ang buong paligid dahil sa pagkahilo.

“Fuck!” rinig kong mura niya bago ako mawalan ng malay.


Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko dahil sa ingay na narinig ko sa paligid. Una kong nakita ang puting kisame.

“Bagay na bagay talaga sa 'yo ang maging Joker, Sion.” rinig ko ang boses ni ate Tala na nagsasalita sa may gilid ko.

“Oh, talaga ba best? Mas gwapo pa ako sa orihinal 'no?” narinig ko rin ang boses ni Sion.

“Hindi!”

“E, ano?”

“Bagay talaga sa 'yo maging Joker kasi mas nakakatawa kang tingnan kesa sa orihinal,”

Narinig ko ang buhakhak na tawa ni Sheena sa kabilang gilid ko. Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Una kong nakita ang babaeng nakasuot ng puting dress habang nakalugay ang kanyang mahahabang buhok. Itim ang gilid ng mga mata at may dugo ang leeg nito pababa sa kanyang dress. Namilog agad ang mga mata ko dahil sa nakitang white lady sa aking gilid.

“Bakit ba kasi Joker ang costume mo kuya Sion? E horror booth ang sa inyo,” tanong ni Sheena, na natatawa pa.

Napatingin naman ako sa gilid ng white lady at nakitang may nakaupong Joker na nakasimangot. Basta, nakangiti siyang nakasimangot.

“Tsk. Itanong mo sa prof naming panot!” nakasimangot nitong sagot.

Nagtawanan ang lahat maliban kay Joker. Nandito rin sina Rafael at Lester, na nakikitawa rin. Natigil lang sila nang sumigaw na si Sheena.

“Oh my god! Gising kana!” masayang sigaw niya nang mapansin ang paggalaw ko.

Bumangon ako kaya inalalayan agad ako ni Sheena sa pag-upo. Lumapit din sina Lester at Rafael sa paanan ng kama. Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Sheena nang biglang lumapit ang white lady at ang Joker sa 'kin. Napatawa si Sheena sa naging reaksyon ko sa dalawa.

“M-mare, sina ate Tala at kuya Sion 'yan!” natatawang sabi ni Sheena sa'kin.

“Kuya S-Sion?” natataka kong tanong sa kanya.

Tumango naman ang nakangiting Joker— este si Sion pala.

“Kamusta na, Marga? May masakit pa ba sa 'yo?” nag-aalalang tanong sa akin ni Sion.

Kumunot naman ang noo ko at pinakiramdaman ang aking katawan. Wala naman masakit sa katawan ko ngayon maliban lang sa…

“Ang tagal naman ng boyfriend mo, Marga. Ang sabi ko, ako na ang bibili, e! Kasi wala naman siyang kaalam-alam sa kung anong bilhin.”

Napatingin ako kay ate Tala dahil sa sinabi niya. Alam na nilang lahat na boyfriend ko si Dean? Pa'no? Dahil siguro sa nangyari kanina.

“Kayong dalawa! Bakit n'yo pa tinatago sa akin na mag-boyfriend at girlfriend na pala kayo? Ha?” sabay turo sa 'kin ni Sion.

Nagulat ako sa kanyang sinabi.

“Wala kayong balak sabihin sa 'kin— Aray ko naman!” daing nito sabay haplos sa kanyang batok habang nakasimangot na nakatingin kay ate Tala.

“Tumigil ka nga diyan!” bulyaw naman ni ate Tala matapos niyang batukan si Sion. “Kita mo ngang kagigising lang ni Marga tapos magtatanong kana ng ganyan!”

“Nagtatanong lang naman ako—” pinutol na naman ni ate Tala ang sasabihin ni Sion.

“Kaya nila tinago sa 'yo kasi hindi ka mapagkakatiwalaan! Sa mukha mong 'yan! Nagtataka kapa ba Sion?” bara ni ate Tala sa kanya.

Mas sumimangot ang mukha ni Sion sa sinabi ng kanyang bestfriend.

“Ang savage mong kaibigan. Mahal mo talaga ako, 'no?” nakasimangot na sabi niya.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kaya napatingin kaming lahat doon. Pumasok doon si Dean na may dalang dalawang supot. Tumayo agad si ate Tala para lapitan si Dean at kinuha isang supot nito. Tiningnan niya ang laman nito.

“Wow! Ang galing pumili, a!” puri ni ate Tala sa binili ni Dean.

Kumunot ang noo ko. Lumapit din si Sion sa kanila at titingnan na sana ang supot na hawak ni ate Tala ngunit inilayo agad ito sa kanya.

“Patingin!”

“Bawal mo 'tong makita,” sabi ni Ate.

Naglakad naman palapit sa 'kin si Dean dala ang isang supot. Nilagay niya iyon sa side table. Tumikhim naman si Sheena na nasa aking tabi.

“Tabi lang ako, andyan na ang boyfriend mo.” bulong nito sa akin saka lumayo at nilapitan sila Rafael.

Umangat ang tingin ko kay Dean.

“Are you okay?” banayad na tanong ni Dean habang hinahaplos ang buhok ko.

Hindi ako nakasagot agad dahil sa paghaplos niya at sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Hindi ko maisatinig ang sagot na nasa aking utak.

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

“Sigurado ka? Hindi ba masakit 'yung…” he trailed off as he bit his lower lip.

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. Nakita ko naman ang pagbaba ng mga mata niya sa tiyan ko. Napahawak naman ako sa baba ng aking tiyan nang matanto iyon. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi saka iniwas ang tingin ko sa kanya.

Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.

Yumuko si Dean saka inilapit ang bibig niya sa aking tainga.

“Don't worry. Ako lang naman ang nakakita,” he whispered into my ear.

Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin, kaya mas lalong nanginit ang aking pisngi dahil sa sobrang kahihiyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top