CHAPTER 17

HOPEDEEPLY




Nahihiya kong sinagot ang mga tanong niya kanina dahilan kung bakit bumuhakhak siya ng tawa ngayon. Ngumuso ako sa kanya, habang umiiwas nang tingin dahil sa kahihiyan na nangyari.

“Bakit? Totoo naman! Nakatitig ka lang sa 'kin no'n kaya walang pumapasok sa isip mo.” pang-aasar niya.

“Oh, bakit hindi moko sinuway?” nakanguso kong tanong sa kanya.

“Dahil gusto kong malaman kung gaano ka ka-patay na patay sa 'kin.”

“Yabang!” sabi ko kaagad na ikinabuhakhak niya ulit ng tawa, tsaka pinaandar ang motor.

Naalala ko nung habang ini-explain niya ang formula ng equation ay sa kanya lang ako nakatitig, wala sa papel. Naalala ko rin na habang nagsasalita siya ay may multong ngiti akong nakita sa kanya labi. Ngunit binalewala ko lang 'yon, dahil akala ko namalikmata lang ako, hindi pala. At hindi ko rin alam na nagmamasid na pala siya sa 'kin.

Yumakap ako nang mahigpit sa kanya habang siya ay matulin na nagdadrive. Madilim na ang buong paligid pero nagpasya pa rin kami kumain sa labas bago umuwi. Pumunta kami sa mga nagbibenta ng street foods.

Huminto siya at agad ni park ang kanyang motor. Humiwalay na 'ko ng yakap sa kanya at kaagad bumaba sa motor. Bumaba na rin siya at hinubad ang kanyang helmet. Lumapit din siya sa 'kin para tulongan ako maghubad ng helmet dahil mukang naka-lock ito ng maayos kaya nahihirapan akong tanggalin ito. Ngumiti ako sa kanya nang iangat niya ang helmet ko.

“Thank you,” I subtly said.

Inayos ko naman agad ang magulo kong buhok. Habang siya naman ay isinabit ang helmet sa manibela ng motor. Pagkatapos ay humarap na siya sa 'kin, hinawakan niya agad ang kamay ko at hinila sa may nagtitinda ng street foods.

Pumunta kami sa dulo ng mga nagtitinda, doon sa dati naming suki noon. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang tumitingin sa mga tinitinda o iniihaw nila, tulad ng isaw, adidas, dugo ng manok, ulo ng manok, taba ng baboy, at paa ng manok, at may fried chicken pa. Hmmm… at amoy pa lang ng mga inihaw nila, nakakagutom na, pero syempre, pinigilan ko pa rin dahil gusto namin doon sa pinakamasarap na gumawa ng sauce, doon sa suki namin. 

Nilibot ko ang aking paningin. Puno ng usok ang buong paligid, dahil siguro dumadami na ang nagtitinda dito. Marami na ring ilaw sa buong paligid at medyo matao na rin ngayon. 

Wow! Halos tatlong taon akong hindi nakabalik dito, ang laki na'ng pinagbago ng lugar. Kung noo'y mabato ang daanan, ngayon, nakasemento na. Ang mga nagtitinda dito ay nasa tamang pwesto na rin, hindi na makalat o magulo tingnan. May mga upuan at lamesa na rin para sa mga gustong kumain dito.

I looked at him. His eyes roaming around the place like he's searching something. My forehead creased, and my eyes narrowed on him when he looked at me.

“May hinahanap ka ba?” tanong ko, dahil parang may hinahanap siya, e.

“Ahmm—” habang lumilingon-lingon sa paligid.

“Marga? Dean? Kayo ba 'yan?” Napalingon kami sa tumawag sa amin. Si Aling Nora.

Napangiti ako. Lumapit kami ni Dean sa pwesto nila. Nauna lang ako ng konti kay Dean sa paglalakad kaya parang nahihila ko siya dahil magkahawak pa rin ang kamay namin.

“Magandang gabi po, Aling Nora!” sabay naming sabi ni Dean. Nagkatinginan kami saglit.

“Ay, kayo nga iyan! Ang tagal niyo na hindi nakabalik dito, a! Lumipat ba kayo ng eskwelahan?” tanong ni Aling Nora sa amin habang nagpapaypay ng kanyang paninda.

Matagal na namin kilala si Aling Nora dahil palagi kaming pabalik-balik dito noon at sa kanila lang din kami bumibili ng mga inihaw. Maliban sa masarap nilang sauce at malambot pa ang mga karne nila.

Nilibot ko ang aking mga mata sa pwesto nila. Kung noo'y naka-payong lang sila habang nagtitinda. Ngayo'y naka bubong na yari sa yero. Lumaki na rin ang pwesto nila, at mas lalong dumami ang mga paninda. May chichirya, buko juice at gulaman, at nagluto na rin sila ng turon, pancit, fried chicken at adobo, hindi na tulad noon na puro inihaw lang.

Nung nalaman kong may nililigawan na si Dean. Sobrang broken hearted ako nung araw na 'yon, kaya nung niyaya ako ni Dean magpunta ulit dito, ay inayawan kona agad. Hindi na ako sumama sa kanya sa pagpunta rito, lalo na't kasama niya pa ang girlfriend niya.

Umiling ako. “Hindi naman po kami lumipat ng school, Aling Nora,” sagot ko habang tumitingin sa mga paninda niya.

“Oh, bakit ngayon lang kayo nakabalik dito? Masyado bang busy sa school niyo?” nagtatakang tanong niya.

“Opo, masyado po kaming busy school.” si Dean naman ang sumagot.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Dean. Matagal din ba siya hindi nakabalik dito? Kailan lang? At ilang buwan? Taon?!

Nasa likod ko siya. Binitiwan niya na ang kamay ko nang magsimula na siyang tumitingin sa mga paninda ni Aling Nora. Tatabi na sana ako para matingnan niya ang mga naka-display na inihaw. Nakaharang kasi ako sa kanyang harapan, ngunit hindi ko magawa dahil ipinulupot niya agad ang kanyang braso sa aking maliit na baywang.

Nanigas ako sa kanyang harapan, nahihirapan nang gumalaw dahil sa ginawa niya. Tumingin ako kay Aling Nora na nakatingin din pala sa kamay ni Dean na nakapulupot sa aking baywang. Ngumiti siya sa 'kin kaya nahihiya naman akong gumanti ng ngiti sa kanya. Ang alam niya kasi ay kapatid lang ang turing namin ni Dean sa isa't isa, kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o sabihin ngayon sa kanya.

Umangat ang tingin ko kay Dean na pumipili ng isaw at adidas sa harapan ko. Gamit ang isang kamay, tinatabi niya ito sa platong walang laman para maihaw na agad iyon ni Aling Nora.

“Ahh, Dean?” I called him. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa aking baywang.

“Hmm?” Tumingin siya sa 'kin. “Do you need anything? What else do you want to eat?” tanong niya.

Umiling ako. “Pwede bang bitiwan mo muna ako?” bulong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya saka umayos nang tayo habang nakapulupot pa rin ang kanyang braso sa aking baywang. At tumingin siya kay Aling Nora na nagmamasid pa rin sa amin. Bumalik ang tingin niya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. Ngumisi siya.

“Bakit, nahihiya ka kay Aling Nora?” balik na tanong niya sa 'kin.

Ngumuso ako. Lumaki pa ang ngisi niya sa 'kin. Tumikhim siya saka tumingin kay Aling Nora na ngumiti din sa kanya. Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa.

“Ahh, Aling Nora, sampung stick nga po ng isaw para sa girlfriend ko.” sabi ni Dean kay Aling Nora.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at sa pagtili ni Aling Nora. Excited na excited na kinuha niya ang order ni Dean.

“Sabi ko na nga ba, e. Kayo na! Ano'ng sinabi ko sa 'yo noon, Dean? 'Di ba magiging kayo? T'yaga lang!” sabi ni Aling Nora kay Dean, at nag 'okay' sign pa.

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Aling Nora. Ano raw? Wala akong maintindihan. Ano'ng pinag-usapan nila noon? Dean chuckled a bit as he's shaking his head and then hugged me from the back and put his chin on my shoulder.

“Oo nga po,” Dean subtly said to Aling Nora, but his serious eyes gazed at me.

Suminghap ako.

“Naku! Ang tagal mong hinintay 'yan, Dean! Kailan ba naging kayo ni Marga, ha? Gaano mo siya katagal na niligawan? At ikaw naman, Marga… pinahirapan mo ba si Dean sa panliligaw niya sa 'yo? Kailan mo siya sinagot? Alam n'yo, halos tatlong taon kayong hindi nakabalik dito kaya ikwento n'yo naman sa 'kin!” pang-uusisa ni Aling Nora.

Dean chuckled in my ear.

Bumilis ang tibok ng puso ko na parang gusto na lumabas sa aking katawan. Kahit wala akong maintindihan sa kanilang pinag-usapan, ay ramdam ko ang saya ng aking puso ngayon.

Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na boyfriend kona siya. At ngayon, sinabi niya pa sa iba na girlfriend niya ako. Ramdam ko pa ang pagmamalaki niya roon habang sinasabi niya ang mga katagang iyon, parang hindi siya nahihiya na sabihin sa lahat ng kakilala niya na girlfriend niya ako. Tuwang-tuwa pa siya nang malaman ng iba iyon.

Kumain na kami roon pagkatapos binigay ni Aling Nora ang order namin, dinagdagan niya pa ito ng karne ng baboy at binigyan ng maraming sawsawan para ma-enjoy raw namin ang unang date namin ni Dean ngayon. Umupo na rin si Aling Nora sa lamesa namin, excited na excited siyang makinig sa amin ni Dean.

Ang sabi ni Dean, kay Aling Nora siya humingi ng payo noon. Kaya alam na alam nito na may gusto si Dean sa 'kin.

My heart fluttered with overjoyed. Ang isipin na nagde-date kami sa paborito naming lugar. Hindi lang basta date, dahil unang date namin ito bilang mag-girlfriend at mag-boyfriend, tapos kinukwento pa namin sa ibang tao ang nangyari sa amin, kung paano ba naging kami… paano ba kami nagkaaminan sa isa't isa. Sa katunayan nga'y kahit ako nakalimutan kona dahil sa sobrang bilis na pangyayari na iyon. 

Ang tanging natandaan ko lang ay ang sinabi ni Dean na gusto niya rin ako. Kaya walang humpay ang kasiyahan ko ngayon, na parang nanaginip lang sa isang napakahimbing o mahahaba na tulog.

Kung panaginip man ito, ay hihilingin kona sana na huwag nang magising habang buhay…

Pagkatapos namin kumain ay hinatid niya na ako sa bahay namin. Pagkauwi sa bahay, dumeretso agad ako sa aking kwarto para matulog na. Madilim na kasi ang buong bahay. Siguro'y natulog na si yaya Mina sa kahihintay sa akin na umuwi. At nasisiguro kong hindi pa umuuwi si Mommy hanggang ngayon, lagi iyon nag over time sa hospital, kaya mamaya pa 'yon uuwi.

Nag-half bath muna ako at nagbihis para mas lalong humimbing ang tulog ko ngayon. Umupo ako sa aking kama nang makitang umilaw ang aking cellphone sa side table dahil sa isang mensahe. Kinuha ko ito at agad na napangiti sa mensahe na nanggaling kay Dean.


Suplado kong tutor(^^):

Nakauwi na ako. Matulog ka ng mahimbing.


Napakagat ako ng labi habang nagtitipa ng mensahe.


Ako:

Sige, ikaw rin.



Binalik kona ang cellphone sa side table ng aking kama. Ni off ko muna ang lamp shade saka humiga sa kama at natulog na.


Kinabukasan, maaga akong nagising para pumasok ng eskwelahan. Excited na excited ako, hindi ko alam kung bakit. Siguro masaya lang ako sa unang date namin ni Dean.

Ngunit ang kaibigan ko ay parang pasan ang buong mundo dahil sa naka-busangot niyang mukha. Nakatuko ang mga siko sa desk niya habang ang kanyang palad ay nasa kanyang mukha.

Kapapasok kopa lang sa classroom. Nang makita siya na nag-iisa rito, nakaupo sa kanyang upuan habang nakatingin sa labas ng bintana. At parang malalim ang iniisip. Kung tatanungin ko naman siya, ayaw naman sabihin. Napailing na lamang ako habang naglalakad papunta sa kanyang kinauupuan at umupo sa tabi niya.

“Hindi mo ikagaganda kung pasan mo ang buong mundo, Sheena. Ba't hindi mo sabihin sa 'kin ang problema mo? Sheena, kaibi—” balak ko sana siyang dramahan, but suddenly, she cutted me off.

“Ikakasal n-na'ko, Marga.”

“Edi wow—” pumalakpak ako dahil sa wakas nasabi na rin niya sa 'kin ang kanyang problema, ngunit napatigil ako nang marealize kung ano iyon. My mouth dropped open and my eyes widened in fraction as I looked at her, ang mga salitang gusto ko sanang sabihin kanina ay nagsiliparan na.

“Wait— w- what? You're married? With whom?” tanong ko nang makabawi sa gulat.

“Hindi! Sabi ko… ikakasal na ako. Ikakasal pa lang, Marga.” iritableng sabi niya.

Ngumiwi ako.

“Okay, pero kanino nga? God! Bakit?!” I groaned.

“Sila Mama at Papa ang may gusto nitong kasal. Sabi nila, para mapabuti raw ang kinabukasan ko… pero bakit pakiramdam ko hindi iyon ang dahilan nila… pakiramdam ko may hindi sila sinasabi sa 'kin. Hindi nila ito magagawa sa 'kin kung wala silang problema hinaharap.” sabi ni Sheena, naiiyak na.

Suminghap ako. Hinagod ko ang kanyang likod. Pinipigilan kong h'wag mahabag sa sitwasyon ni Sheena ngunit hindi ko talaga mapigilan.

“Bakit hindi mo sila tanungin?” sabi ko.

“Paulit-ulit ko na silang tinatanong ngunit ayaw nilang sabihin ang totoo sa 'kin.” hagulgol niya.

I embraced and gently caressed her back. She cried at loud on my shoulder. Hinayaan ko na lang siya kung iyan ang ikagagaan ng loob niya. Wala naman akong magagawa kundi ang yakapin lang siya ngayon. Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang problema na pasan niya. At hindi ko siya pwedeng kaawaan dahil alam kong kaya niya itong lampasan.


Nagsidatingan na ang mga kaklase namin. Humupa na rin ang pag-iyak ni Sheena. Tinulongan ko muna siyang magpunas ng mga luha niya bago tumayo at pumunta na sa aking upuan. Nagsimula na agad ang klase namin.

Alas sais y medya natapos ang practice namin kaya pagkatapos kong magbihis ng damit ay dumeretso agad ako sa gate kung saan naghihintay si Dean sa akin. Ngumiti ako nang makita ko siyang nakaupo sa may bench, nakasandal siya habang nakatingala sa langit. Kaya malayo pa lang ay nakikita kona ang paggalaw ng adam's apple niya dahil sa ginawa niyang paglunok. Naramdaman niya ang presensya ko kaya bumaba ang tingin niya sa 'kin. Tumayo siya agad para salubungin ako.

Nanigas ang katawan ko nang yumakap siya sa 'kin. Habang bumilis naman ang tibok ng aking puso sa pagkaalarma na baka may makakita sa amin dalawa. Nasa loob pa naman kami ng eskwelahan.

“I missed you,” he softly said.

Mahina ko siyang tinulak mula sa pagkakayakap.

“D-Dean, baka may m-makakita sa atin d-dito…” utal kong sabi.

“So?” tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

“Anong 'so' ka d'yan?” Takang tanong ko sa kanya. “Tsaka magkasama tayo kaninang lunch break, a, namiss mona agad ako…” dagdag ko pa, napangiti na.

He tapped my nose through his forefinger. “Bakit, hindi ba pwede mamiss ko agad ang girlfriend ko?”

He held my hand and pulled me onto his motor. Kinuha niya agad ang bag ko at pinasuot sa akin ang isang helmet. Pagkatapos ay sumakay na ako sa motor. Sabi niya, pupunta kami sa dalampasigan ngayon. Kaya nagtaka ako, pero bago pa man ako makapagtanong ay minaniobra na niya ang kanyang motor.

Ramdam ko ang malamig na hangin na sumalubong sa amin, dahilan na humigpit ang yakap ko sa kanya. Amoy na amoy ko ang kanyang pabangong mabango na nanunuot sa aking sistema, na parang nanghehele na naman.

Nang makarating kami sa dalampasigan ay may kinuha siyang makapal na kumot sa kanyang bag at isang supot. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila malapit sa may poste, malapit lang din sa dalampasigan, para may ilawan kaming dalawa.

Binitiwan niya agad ang kamay ko para mailatag niya na ang kumot sa buhangin. Napayakap naman ako sa aking sarili dahil sa ihip ng hangin. Manipis lang ang blouse na suot ko, kaya nanuot sa aking kalamnan ang lamig na nagmumula sa dagat. Napapikit ako at nanginginig dahil sa lamig na nararamdaman.

Minulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang init na hininga ni Dean. Pinasuot niya sa 'kin ang kanyang jacket, kaya sinuot ko naman ito nang maayos. Bumaba agad ang tingin ko sa mga pagkain na nakalatag sa kumot. May kanin na pusu, adobong manok, saging at juice pa. Kumunot ang noo ko at tumingin ulit sa kanya.

“Umuwi ka kanina?” kuryosong tanong ko sa kanya.

Tumango siya. “Nainip ako kanina sa kahihintay sa 'yo,” marahan niyang sabi.

Dahan-dahan akong umupo sa kumot habang nakatitig sa mga pagkain, hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa niya ito sa 'kin ngayon.

“Why? Don't you like it?” Nahimigan ko ang dismayadong tono sa kanyang boses.

“No! Gusto ko. Gustong gusto ko… Hindi lang ako makapaniwala ginagawa mo 'to sa'kin.” Umiiling na sabi ko sa kanya.

“What? You're my girlfriend now. So why not, ha, Marga?” sabi niya.

Oo nga naman, Marga. Pero bakit sa dati niyang girlfriend, hindi naman siya ganito. Nung sinuggest ko sa kanya noon ang mga bagay na ito'y ayaw niyang gawin. Imbes na makipag date sa girlfriend niya, ay mas gusto niya pang mag-review na lang ng notes, o turuan ako.

Naalala ko pa, na ako 'yung inutusan niya na magsabi sa kanyang girlfriend na wala siyang oras makipag-date dahil busy siya sa pag-rereview kahit wala naman silang quiz o exam kinabukasan. Kaya nakakapagtaka kung bakit ginagawa niya sa 'kin 'to.

“'Di ba ayaw mo sa clingy?” tanong ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. Oh, bakit, hindi ba? 'Yan kasi nahinuha ko sa kanya. At narinig ko rin sila ni Sion na nag-uusap tungkol sa bagay na 'yan noon. Actually, pati si Sion ayaw rin ng clingy.

“Bakit, ayaw mo ba sa clingy?” balik na tanong niya sa 'kin.

Kumunot ang noo ko.

“Teka, ako 'yung unang nagtanong, a!” agap ko.

“Oh, stop that question.” sabay kamot sa kanyang batok. “Let just eat, okay?” sabi niya, na parang naiirita na.

Kinuha niya agad ang isang plato, kutsara at tinidor. Ngumuso ako. Ba't ayaw niya akong sagutin? Madali lang naman 'yon. Nahihiya ba siyang umamin sa 'kin? Magsasalita na sana ako nang tumunog na rin ang aking tiyan dahil sa gutom.

Wala na akong magawa kundi ang kumain na lang. Sunod-sunod ang subo namin sa ulam at kanin dahilan kung bakit tahimik lang kami. Siguro dahil sa pareho kaming gutom na, kaya hindi na kami nagkukwentuhan pa, o siguro ayaw niya lang pag-usapan 'yung tinanong ko sa kanya.

Nang matapos kami sa pagkain, ang akala ko magtatagal pa kami rito. Ngunit bigla na lang siya tumayo at agad na niyaya akong umuwi matapos niyang tingnan ang kanyang wrist watch. Aniya'y masyado na raw gabi at baka hinahanap na ako sa amin. Sasabihin ko sana na 'okay' lang dahil wala namang maghahanap sa 'kin' ngunit hindi kona nasabi dahil natataranta na siya sa pagliligpit ng mga gamit.


“Dean, relax!” sabi ko sa kanya, na natatawa.

“Mapapatay ako ng parents mo at itatakwil din ako ng Mama ko 'pag hindi kita maiuwi ng maaga, Marga!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top