CHAPTER 16
HOPEDEEPLY
“Sgt. Dean.” bati ni Lester kay Dean, sabay salute pa.
Nanatiling madilim ang tingin ni Dean kay Lester habang papalapit siya sa pwesto namin. Nang nilipat niya naman ang tingin sa 'kin ay naging blangko na ito. Hindi ko mabasa ang kanyang iniisip.
I swallowed hard. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso. Pumagitna agad siya sa amin dalawa ni Lester, kaya napaatras naman si Lester sa kanyang kinatatayuan. Ang mga estudyante sa aming paligid ay mas lalong umingay ang bulung-bulongan.
“Ang swerte naman ni Marga. Dadalawang gwapo ang sumusundo sa kanya.”
“Ang ganda kasi niya!”
“Oo nga! Parehong sikat sa campus natin! Kuya niya si Dean tapos parang nanliligaw na yata si Lester sa kanya.”
“True! Kaya pala inggit na inggit sa kanya si Lily.”
“Kahit bobo si Marga. Kita naman na mas maganda siya kaysa kay Lily.”
Napatingin si Dean sa mga nagbulung-bulongan, pagkatapos tumingin uli sa 'kin.
“Kalalabas n'yo lang ba?” tanong niya sa 'kin.
“Uh… oo…” I trailed off as I bit my lower lip.
“Then let's go. Let's have our lunch.” mariin niyang sinabi.
Agad niyang kinuha ang aking bag at libro na walang sinabing kahit ano. Pagkatapos ay tumalikod na siya at nauna nang maglakad. Natulala pa rin ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kanyang likod, hindi makahinga nang maayos. Ngunit nang makabawi ay dali-dali akong sumunod sa kanya pagkatapos kong magpaalam kina Sheena at Lester.
“Wow! Welcome back!” ani ni Sion nang makalapit kami sa lamesa.
Ngumiti naman sa 'kin si Erin, ngunit alam kong iba na 'yun ngayon. Pagkatapos ay tumingin siya sa likod ko kung saan si Dean. Pansin ko ang maririin niyang titig sa mga gamit na dala ni Dean. Nilagay ni Dean ang aking libro at bag sa tabi ni Erin, kung saan siya nakaupo dati.
Nagtaka naman ang mga mata ni Erin sa ginawa ni Dean kung kaya't umangat ang tingin niya kay Dean, ngunit bago pa man siya nakapagsalita ay umupo na si Dean sa dati kong inuupuan. At dahil wala si Sheena, ako ang umupo sa kanyang pwesto. I heard Erin let out an exasperated sigh, and then she looked at her food.
“Buti naman hindi kana busy ngayon, ate Marga. Ahh… namiss talaga kita!” Sion acted gayishly as he opened his arms for a hug.
Natawa ako bago lumapit at tinanggap ang yakap ni Sion. Uminit ang bahagi ng aking puso na parang may humaplos dito. Oh, I really missed this man kahit lagi ko siya binabara. Humiwalay ako ng yakap nang tumikhim ang nasa likod ko. Ngumiti ako kay Sion.
“Namiss din kita, Kuya!” I said gigglingly.
“Weh?” he winced. “Maniwala lang ako sa'yo 'pag sinabi mong mas gwapo kaysa sa kuya Dean mo.” hamon niya na parang bata.
I chuckled.
“Huwag monang pilitin na sabihin 'yan ni Marga dahil halata namang mas lamang ako sa 'yo.” sabi ni Dean.
Natigilan ako sa kanyang banat, na minsan niya lang ginagawa dahil madalas siyang seryoso.
“Bro, no'ng umulan ng kaguwapuhan, mag-isa lang ako sa gitna ng kalsada kaya nasa akin napunta ang lahat.” Sion said arrogantly while he held his chin.
Dean laughed mockingly at Sion.
“Bro, alam ko 'yan. Dahil ako nagpaulan no'n!” sabi ni Dean na ikinasimangot ni Sion.
Natawa ako dahil halos hindi na maitsura ang mukha ni Sion pagkatapos siyang barahin ni Dean. Nakanguso siya habang sumusubo ng kanyang pagkain.
“Palagi n'yo na lang ako binabara,” sabi niya na parang bata.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nagkukulitan ang dalawang lalaki sa aking tabi. Sinasabayan ko naman sila sa kanilang mga biro kaya tawang-tawa ako habang kumakain. Napatingin ako kay Erin na kanina pa tahimik sa gilid. Nahuli ko siyang maririin ang titig sa akin habang sinasabayan ko ng biro ang dalawang lalaki. Agad siyang umiwas ng tingin sa 'kin, at bahagyang umikot ang mata niya.
Gusto kong punahin iyon, ngunit hindi ko magawa dahil sa dalawang lalaki, at hindi rin ako sigurado sa aking nakita. Tahimik lang siya sa tabi habang kumakain. Kung minsa'y sinusubukan din niya sumabay sa aming pinag-uusapan ngunit palagi siyang naiiwan. At parang walang kabuluhan lang sa dalawa ang kanyang sinasabi.
Tumayo ako pagkatapos kong magpaalam sa kanila na magpunta sa rest room. Maiihi yata ako sa katatawa sa mga biro ni Sion. Hindi kona sila hinintay na sumagot pa dahil umalis na agad ako roon.
Pagkatapos kong umihi ay naghugas agad ako ng kamay. Habang naghuhugas ng kamay ay may nagbukas ng pinto at pumasok dito si Erin. She smirked at me as she walked near me. Binuksan niya ang isang gripo at agad na naghugas ng kamay doon.
Pinagpatuloy ko lang ang paghuhugas ng kamay kahit ramdam ko ang repleksyon ng titig niya sa 'kin mula sa salamin. Naalala ko 'yung nakita ko kanina. Alam kong inirapan niya ako doon, pero binalewala ko lang iyon dahil kasama namin ang dalawang lalaki. Ngayon, na kami lang dalawa ay hindi ko alam kung bakit ayaw ko pa rin siya tanungin tungkol doon. Siguro, para iwas confrontation sa isang bagay na alam namin pareho mapupunta lang sa komplikadong sitwasyon o ano.
Tahimik naman akong kumuha ng tissue para magpunas nang bigla siyang nagsalita.
“I know you like Dean, Marga. And I know you don't like me.” she directly said.
I was stunned before looked at her. She smirked again. Pinatay niya muna gripo bago lumapit sa 'kin at kumuha ng tissue sa gilid ko. She very much satisfied at my reactions, so she smiled broadly at me. Para bang nahuli niya ako sa akto.
“Saan sa dalawa ang nakagugulat na alam ko, Marga?” she asked mockingly.
Isa ito ang sinasabi kong ayokong komprontahin. Na may iba pang naka-aalam na may gusto ako kay Dean. O baka ito pa ang maging dahilan ng away namin dalawa ni Erin. Oo nga, hindi ko siya nagustuhan pero ayaw ko siya maging kaaway. Hindi dahil sa takot ako sa kanya kundi sa kaibigan din siya ng dalawang lalaking malapit sa akin.
Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi ko alam kung paano sasabihin iyon sa kanya.
“Look, Marga. To tell you honestly, ayaw ko ring may kapatid na maraming issue at… walang alam kundi ang makipaglandian lang sa mga lalaki rito sa Campus.” she directly said.
Nagtiim bagang ako sa huli niyang pangungusap. What? Ano'ng sinabi niya? Wala akong alam kundi ang makipaglandian sa mga lalaki rito sa Campus. Biglang tumaas ang dugo ko sa aking ulo. Mariin ang titig na ipinukol ko sa kanya. Hindi na yata siya nakatiis at lumabas din ang totoo niyang kulay.
Bumuga ako ng hangin saka tumawa ng pagak, na naiiling pa.
“Ayaw ko rin namang may ate. Ayaw kong may kahati.” or should I say ‘ipinanganak talaga ako na walang kahati.’
“But Dean doesn't like you. Naaawa lang naman siya sa 'yo.” mariin niyang sabi. “He likes me anyway.” she smirked at me.
I rolled my eyes and smirked back at her, too. I don't care! Alam kong sinasabi niya lang 'yan para inggitin ako. Nagsimula na ako maglakad at nilagpasan siya ngunit bago pa man ako makalabas ng rest room. Nagsalita siya ulit kaya natigilan ako.
“Kaya huwag kang umasa na magugustuhan ka ni Dean. You are out of his standards.” sabi niya.
Bumuntong-hininga ako. Hindi ako basta lalabas lang dito na walang bala na maiiwan. Humarap ako sa kanya at ngumiti.
“It's not because you're up to his standard, he'll like you too.” Ngumisi ako sa repleksyon ng salamin kung saan siya nakaharap ngayon.
I saw how her lips were in a grim line and her breath was steady as her fist clenched before I turned my back on her and leave there.
Kumirot ang bahagi ng puso ko habang naglalakad. Kahit alam kong umamin na sa akin si Dean, na gusto niya rin ako. Hindi ko pa rin maiwasan isipin ang sinabi ni Erin.
Sa dami na naging girlfriend ni Dean, halos lahat representante ng eskwelahan na 'to. Matalino, matured na mag-isip, hinahangaan at nirerespeto ng lahat ng mga estudyante, tulad niya. Dean's girlfriend material was a good role model of our school. Nagtataka tuloy ako kung bakit nagustuhan niya ako… e malayong-malayo ako sa mga naging girlfriend niya noon.
Baka tama nga si Erin… baka naaawa lang talaga sa akin si Dean. Kung ganoon bakit sinabi niya pa sa akin na gusto niya rin ako?
Naguguluhan na ako kung totoo ba talaga ang lahat ng sinabi ni Dean sa akin.
Nakabalik na ako sa lamesa namin at nag-yaya na agad bumalik sa classroom. Hinatid naman ako ni Dean, siya ulit ang nagdala ng bag at libro ko. Nagtuloy lang ako sa aking paglalakad sa hallway ng building, habang nasa tabi ko naman si Dean. Tahimik ako habang binalewala ang mga tingin ng mga estudyante sa 'kin… o sa amin dalawa ni Dean… o siya lang talaga ang tinitingnan.
Dean is a tall man. Mahahaba ang kanyang biyas kaya aakalain mong sa unang tingin pa lang ay kasali siya sa varsity ng basketball. Ang hubog ng katawan niya'y sakto lang, hindi mapayat, hindi rin gaano kalaki. He has a black wavy hair, thick eyebrow, pitch black almond eyes shaped, and pointed nose. At dahil hindi siya naninigarilyo. His thin lips were pink. Nababagay sa balat niyang banyaga katulad ng kanyang ama.
Kaya maraming babae ang nakakagusto sa kanya, dahil maliban sa gwapo siya ay matalino pa. Snobbish and strict features kaya siguro halos ng mga estudyante rito ay takot sa kanya.
Nang makarating kami sa classroom ay binigay niya agad ang bag at libro sa 'kin. Ngumiti ako at tumango sa kanya nang sabihin niya na maghihintay raw siya sa 'kin mamaya hanggang sa matapos ang practice namin. Nagpaalam na siya pagkatapos sabihin iyon.
Pumasok na ako sa classroom at agad na nag-review nang maalala may quizz pala kami ngayon. Kinuha ko ang notebook sa math. Binasa ko ito nang maayos at umaasang maiintindihan na dahil tinuro na ito sa 'kin ni Dean kahapon.
Ilang ulit ko pang binasa ito para maintindihan nang mabuti, ngunit wala. Wala akong maiintindihan kahit isa sa mga tinuro ni Dean kahapon. Hindi ko maintindihan kung paano gawin ang formula ng equation. Hindi ko na memorize ang steps na tinuro niya kahapon. Binasa ko pa ulit at pilit na inintindi ang mga steps na isinulat ni Dean sa aking notebook. Ngunit habang inuulit ko naman ito ay mas lalong naiistress lang ang kilay ko sa dami ng numero na nakita ko.
Sa huli, tinaklob ko na lamang ang notebook ko, at huminga ng malalim bilang pagsuko. Mukang makaka-itlog na naman ako nito.
Nakasimangot ako sa papalapit na guro namin. Dere-deretso ang lakad nito sa aming classroom, at pagpasok pa lang ay sinabi na agad ang mga salitang nagpaalarma sa amin lahat... ang salitang ayaw kong marinig ngayon.
“Get one whole sheet of paper. Copy and answer this with solution.” he said as he started to write on the white board.
Tsk! Wala man lang ‘good afternoon, class!’
Kinuha kona lamang ang papel at agad na nilagyan ng buong pangalan. 'Yun lang! Hindi ko na kinopya ang sinulat ng guro namin dahil wala naman ako maisagot.
Natapos ang klase at 'yon nga ang ginawa ko. Hindi naman iyon napansin ni Sir dahil busy siya sa kanyang cellphone habang kami ay sunod-sunod na naglalagay ng papel sa kanyang lamesa. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa amin, dala-dala ang aming papel at libro niya.
Nasa ground area na kami lahat para sa practice. May paalala pa ang choreographer namin bago kami nag-umpisa ng sayaw.
Nakatitig ako kay Lester habang sumasayaw, gaya ng sabi ng choreographer namin sa amin. Aniya'y importante ang eye contact habang nagsasayaw, para maipakita na may koneksyon kami sa kapartner namin. At kahit hindi nagsasalita ay may komunikasyon pa rin kami sa isa't isa.
“Guwapo ko 'no?” tanong niya na muntik kona ikinatawa nang malakas.
“Feelerr!” sabi ko habang pinipigilan ang pagtawa dahil nagmamasid ang choreographer namin sa amin.
“Bakit? Hindi ba?” tanong niya saka hinila pa ako lalo sa kanya.
Umirap ako. Natatawa pa rin. Bakit ako natatawa sa kanya? Dahil nung hindi pa nagsisimula ang practice namin, ay lagi niya na tinatanong sa 'kin 'yan. Tapos paulit-ulit ko naman ito binabara.
Ang akala ko tumigil na siya dahil nagsasayaw na kami ngayon. Hindi pa pala.
“Hindi ako naggwa-guwapuhan sa 'yo, kahit kailan!” mariin na bulong ko sa kanya.
Pumikit siya nang mariin at bahagyang tumingala. He growled in a low tone while bitting his lips.
“Ouch! Ang sakit naman.” he growled.
Nagtuloy lang kami sa pagsasayaw habang nagkukulitan sa isa't isa. Nag-iingat din kami dahil baka masita ulit kami ng choreographer namin. Nang matapos ang aming practice ay nagbihis kaagad kami para makauwi na.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad ako sa aming locker room. Ngunit sa paglabas ko pa lang ng pintuan ay nakita kong nakasandal sa pader si Lester, habang nakasuksok ang kanyang kamay sa pantalon ng bulsa niya. Tila ba may hinihintay siya rito.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at babalewalain na sana siya nang umangat ang kanyang tingin sa 'kin. Tumayo siya nang maayos saka naglakad na papalapit sa 'kin. He smirked.
“Bakit kapa nandito?” tanong ko sa kanya pagkatapos ko siyang irapan.
Huminto na siya sa harapan ko.
“Sinusundo ka. Hatid na kita pauwi.” sabi niya.
“Hindi na, may naghihintay sa 'kin,” sabi ko agad.
“Oh! Sino? Si Sgt. Dean ba?” tanong niya.
“Oo.” sagot ko at ngumiti.
Naniningkit ang mga mata niya habang humakbang pa siya palapit sa 'kin. “Bakit parang may gusto ka sa kanya?” usisa niya.
Namilog ang mga mata ko. Masyado bang halata? I swallowed hard. Palihim na inayos ang sarili dahil sa gulat.
“H-hindi. Sige na alis na ako.” taranta kong sabi saka nagkukumahog sa pagtakbo palayo sa kanya.
Siguro nga halata masyado ang nararamdaman ko para kay Dean, dahil maski si Lily ay gustong gusto iyon ilantad sa lahat. I should be careful next time. Ayaw kong mapahiya si Dean. Baka kung ano pa ang isipin ng lahat.
Oo. Wala pang sinasabi sa 'kin si Dean kung ano kami ngayon. At kung meron man ay ayokong mawala ang respeto nila kay Dean ng dahil lang sa 'kin. Kaya hangga't maaari gusto ko munang itago ang relasyon namin dalawa.
“Are you alright?” tanong niya na nagpabalik sa aking diwa.
Nandito na pala ako sa gate. Hindi ko man lang namalayan. Tumingala ako at nakitang nagkukulay lila na pala ang langit. Malapit na dumilim. Natigilan ako at napatingin sa kanya nang hawakan niya ang pala-pulsuhan ko. He scanned me thoroughly na parang makikita niya na ang kaluluwa ko.
“Uh… yup!” medyo alanganin kong sagot sa kanya.
His one brow shot up at me. Tila hindi naniniwala sa naging sagot ko. Humakbang siya papalapit sa 'kin, kaya na alarma ako. Nilibot ng mga mata ko ang paligid. Baka may makakita pa sa aming sitwasyon ngayon at gawan na naman ng issue.
Ginawa niya rin ang ginawa ko. Tumingin siya sa kaliwa't kanan niya kung may estudyante bang nakatingin sa amin o wala. Pagkatapos, tumingin siya ulit sa 'kin at lumapit pa nang husto. Suminghap ako na napaatras.
“Why do I felt there's something wrong with you, Marga?” he said directly into my eyes. “What happened?” he asked softly.
I swallowed hard. “K-kuya, wala—” I stuttered.
“Kuya?” mariin niyang tanong.
Dumilim ang kanyang mata habang nakatitig sa 'kin. Tinikom ko aking labi habang bahagya namilog ang mata dahil sa pagputol niya sa 'kin.
“Boyfriend mona ako tapos ang tawag mo pa rin sa 'kin kuya?” he said annoyingly habang pinipigilan ang pagtaas ng kanyang boses.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang ang puso ko ay parang nagwawala na sa sobrang lakas ng tibok nito. Hindi na ako makapag salita, tila nablangko ang utak ko ngayon dahil sa sinabi niya.
Boyfriend kona siya? Is this for real?!
Hindi pa rin ako makapaniwala doon!
“Hmm…” Damn! Wala pa rin akong masabi!
“Hmm…” he mimicked me.
Maririin ang mga titig niya kaya umiwas na ako ng tingin nang hindi na kinaya. Lumapit pa siya lalo sa 'kin, umatras ulit ako hanggang sa napasandal na ako sa bakal ng gate. Naramdaman ko ang lamig nito na nanunuot sa aking balat dahil manipis lang ang damit ko.
Inikot niya ang kanyang mga braso sa aking baywang at nilapit sa kanya. Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Hinahabol niya ang aking mata ngunit pilit akong umiiwas. I heard him sigh.
“Marga, narinig mo ba ako?” malambing niyang sinabi.
Ramdam na ramdam ko na ang panginginit ng pisngi ko ngayon, na sana hindi niya mapansin. Hindi pa rin ako nagsalita.
“Boyfriend moko, Marga. Hindi kapatid dahil hindi naman talaga kita tinuturing na kapatid.” mariin na sabi niya. “Boyfriend mona ako kaya wala ka ng maiilihim pa sa akin ngayon… kahit pa ang mga quizzes mo ay puro zero… pero… may gusto lang akong malaman… bakit wala kang sagot sa quiz mo sa math kanina?” Nagtatakang tanong niya.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil sa sobrang kahihiyan. Yumuko ako. Hinuli niya ulit ang mga mata ko saka tinaasan ako ng kilay.
“You just passed your paper. With nothing else written. But only your full name.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top