CHAPTER 14
HOPEDEEPLY
It's saturday today, maaga akong nagising dahil mahimbing ang pagkakatulog ko kagabi. Hindi na ako nakapag-isip na kung ano-ano dahil sa sobrang pagod.
Nakalimutan ko nga magtext kay Dean, e. Kaya ngayon pupunta ako sa kanila para magpaliwanag. Hindi naman siguro 'yun magagalit dahil biglaan ang pagsundo sa 'kin ni kuya Lucas kagabi. Kailangan ko lang talaga magpaliwanag dahil hindi ko man lang siya naitext.
Naligo muna ako at nagbihis bago bumaba. Nagpunta agad ako ng kusina at nakita si yaya Mina na nagtitimpla ng gatas.
“Good morning, Yaya!” I suddenly greeted.
“Ay, pangit na kalabaw!” she looked so shock.
Nanlaki ang mata niya habang napahawak sa kanyang bandang puso. Ngumiwi ako nang makita natapon ng konti ang gatas na tinimpla niya.
“Nak naman, gusto mo ba ako mamatay sa gulat ha bata ka?” bulyaw niya sa 'kin.
Ngumuso ako. “Grabe ka naman, ya. Kalabaw na nga tapos pangit pa,” sabi ko sabay upo sa stool at humilig sa nook.
“Ikaw naman kasi, ang hilig mong gulatin ako lalo na 'pag masaya ka,” sabi niya, na nanunuya.
Ngumiti ako. Naniningkit naman ang mga mata niya habang tinitingnan ang kabuuan ko. Umikot siya sa nook at lumapit sa 'kin. Nakapamaywang siya habang tinitingnan ako ng maigi.
“Saan ka naman pupunta ngayon, Maria Gandrelle?” pagtatanong niya habang nanlalaki ang mga mata.
“Kina Dean po,” I directly answered.
“Nagbati na kayo?”
“Ya, hindi naman kami nag-away, e.” agap ko.
“Sus! Halos magkukulong kana nga sa kwarto mo nitong mga nakaraang araw, e. Ayaw mong lumabas… late kana rin kumain. Naku, anak. Hindi maganda 'yan, huh! Bata kapa…” sabi niya at bumalik sa pwesto niya kanina.
Inayos niya ang gatas sa aking harapan habang patuloy pa rin sa pagsasalita. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
“Unahin mo muna ang iyong sarili.”
Tumango ako sinabi ni yaya Mina. Sumimsim muna ako sa aking gatas bago tumayo. Tumalikod na sa 'kin si yaya Mina. Naghuhugas na siya ng plato. Lumapit ako sa kanya at agad na yumakap mula sa likod. Naramdaman kong nanigas siya sa aking ginawa at napatigil sa ginagawa.
“Thank you, Yaya Mina. I love you po.” I subtly said.
Malaki ang pagpapasalamat ko kina Mommy at Daddy sa pagpili nila kay yaya Mina para alagaan ako. Si yaya Mina na talaga ang nagturo sa 'kin kung ano ang tama o mali. Siya ang laging sumasaway sa 'kin 'pag may mali akong ginawa. Kapag may hakbang ako gustong gawin, andyan siya palagi upang alalayan ako.
She's my second mother to me. Siya rin ang nagsabi na habaan ko pa ang aking pasensya at palaging intindihin sina Mommy at Daddy.
Sa ngayon, ito lang muna ang magagawa ko para sa kanya… ito na muna ang kaya kong ibigay.
Hindi man ako showy, subalit kaya ko naman iparamdam sa kanila na hindi ko kayang mawala sila sa buhay ko.
Nahimigan ko bumigat ang paghinga ni yaya Mina at narinig ko rin ang mararahan niyang pagsinghot. Niyakap niya ang kamay kong nakapalipot sa kanyang baywang.
“Ikaw talagang bata ka. Pinapaiyak moko,” sabi niya habang pinapahiran ang kanyang luha. “Mahal din kita, anak. Kaya nga hindi kita maiwan-iwan dito.”
Kumirot ang puso ko sa kanyang sinabi. Alam kong may naiwan si yaya Mina na pamilya sa kanilang probinsya. Gustuhin ko man makasama niya ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak na nangangailangan din ng kanyang pag-aaruga. Hindi ko magawa.
Oo, madamot na kung madamot pero ayaw kong iwan niya ko. Kaya hangga't maaari ayaw kong aalis siya na hindi ko alam kung saan siya pupunta.
Pagkatapos kong mag-break fast ay nagpaalam agad ako kay yaya Mina para pumunta kina Dean. Nasisiguro kong nagtatampo na 'yun sa 'kin dahil hanggang ngayon hindi pa ako nakapagsabi kung bakit hindi ko siya nahintay kahapon.
Nang makarating kina Dean ay nagbayad muna ako sa driver bago bumaba ng taxi. Una kong nakita ang saradong karenderya ni tita Karen. Kaya dumeretso na ang lakad ko sa bahay nila Dean. Nakita kong nakabukas ang pintuan ng bahay nila kaya papasok na sana ako sa loob nang marinig ko ang boses ni Dean sa gilid ng kanilang bahay.
Naglakad ako papunta roon. Ngunit natigilan agad ako sa aking nakita. Isang babaeng nakatalikod sa 'kin habang nakatayo. Nakita ko ang pagpikit ng mga mata ni Dean habang magkalapit ang mukha nila ng babae. Hindi ko maigalaw agad ang mga paa dahil sa nakita. Parang nag-ugat na yata ako sa aking kinatatayuan. Tumigil saglit ang paghinga ko, habang ang puso ay kumikirot na sa lakas ng kalabog nito.
Isang mainit na tubig ang lumandas sa aking pisngi na agad ko naman sinalo. Suminghap ako. Parang sinaksak ng punyal ang puso ko. Hindi ko na napigilan. Buong lakas kong inangat ang aking paa sa pagkakaugat nito, dahan-dahan akong tumalikod sa kanila.
Ang saya ngayong umaga ay bigla naglaho, ang pag-asa na makasama siya ulit ay malabo na. Bakit hindi ko ito naisip? Si Erin, ang babaeng gusto niya… o mahal niya. Hindi ko alam na dinadala niya pala si Erin dito. Hindi naman siya ganito sa mga dati niyang karelasyon noon. So, ibig sabihin nito. Seryoso siya sa babae niya ngayon.
Sa pagtalikod ko ay napapikit ako ng mariin. Tumigil ako. Hindi sa tunog ng lata na naapakan ko, kundi sa pagtawag ni Dean sa pangalan ko.
“Marga!” kagarkar ang boses niya.
Ayaw ko na sana sila lingonin pero nagawa kona. Nakita ko ang paghakbang ni Dean palapit sa'kin. Napalunok agad ako at bahagya napaatras sa aking kinatatayuan dahil sa takot at kaba. Madilim ang awra niya ngayon habang ang kanyang mga mata ay seryosong nakatitig sa akin.
“Ahh… n-nandito ako…” nauutal kong panimula. “Kasi gusto kong magpaliwanag sa 'yo… hindi na kita nahintay kahapon kasi sinundo na ako ng pinsan ko.” sabi ko, habang dumadagundong ang aking puso dahil sa sobrang kaba.
Nasisiguro kong namutla na ako ngayon dahil sa panlalamig at pagkamanhid ng katawan. Nanginginig ang mga tuhod kong umaatras nang makita kong papalapit na siya sa 'kin.
Tumigil siya nang mapansin ang pag-atras ko. Tiningnan niya ko gamit ang namumungay niyang mata. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko o namalik-mata lang. Takot at pag-aalala ang nakita ko sa mata niya ngunit nawala rin agad iyon. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko, nagpatuloy pa rin ako sa pag-atras.
Pumiyok na ako.
“S-sige, alis na 'ko. Pasensya na sa abala.” sabay talikod sa kanya at agad na tumakbo palayo sa bahay nila.
Hindi ko na napigilan. Lumandas na ang mga luha ko sa aking pisngi. Pinagpatuloy ko ang pagtakbo kahit narinig ko ang pagtawag niya sa 'kin. Hindi ako lumingon o tumigil.
Sana hindi na lang ako pumunta rito. Sana sa text na lang ako nagpaliwanag sa kanya. Ang gaga mo, Marga! Bakit ka pa kasi nagpunta rito?
Marahas kong pinahiran ang luhang parang talon kung tumulo. Kahit nanlalabo ang mata ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Dapat kasi iniwasan ko na lang siya, dapat nilayuan kona siya!
Napahinto ako at lumingon sa aking likuran nang marinig ang tunog ng motor. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Dean, sakay sa kanyang motor. Suminghap ako.
Sinundan niya ako?
Imbes na magpatuloy sa pagtakbo ay hinintay ko pa siya sa aking kinatatayuan. Ano pang silbi kung tatakbo pa ako, naka-motor siya. Pinaalis ko muna ang luha na naglandas sa aking pisngi bago siya hinarap. Namumungay ang mga mata kong tiningnan siya. Tumigil siya sa harapan ko.
“Sakay,” mariin na sabi niya.
Nagdadalawang isip pa ako sumakay sa kanyang motor, kaya nang sumigaw na siya sa galit ay nagkukumahog naman ako sumakay sa likod niya. Bumundol ang puso ko na parang gusto na ito lumabas sa aking katawan. Nang bigla niyang pinaharurot ang kanyang motor. Napayakap ako sa kanya sa sobrang takot at kaba sa bilis ng pagpapatakbo ng motor niya.
Pumikit ako habang dinama ang hangin na tumatama sa aking mukha, habang nakayakap kay Dean. Nasa tiyan niya ang aking mga kamay na pinagsalikop ang mga daliri sa takot na mahulog.
Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa aking kamay na nakayakap sa kanya. Hinawakan niya ito ng mahigpit gamit ang isang kamay, habang ang isang kamay naman ay nakahawak pa rin sa manibela ng motor. Humigpit ang hawak niya sa kamay kong nakasalikop, parang ayaw niya na ito pakawalan.
Kumirot ang bahagi ng aking puso. Sa ginagawa niya ay parang ayaw kona rin siyang pakawalan. Kung pwede lang ihinto ang oras sa kahit anong pahanon gusto ko. Mas pipiliin ko yung dati. 'Yung dating wala pa akong nararamdaman para sa kanya… o 'yung hindi ko pa alam kung ano tawag sa nararamdaman ko ngayon.
Dahan-dahan tumigil ang kanyang motor. Nakayakap pa rin ako sa kanya, at nanatili pa rin ang kamay niya sa 'kin. Minulat ko ang aking mga mata at agad inikot ang paligid.
Ang tunog ng hampas ng alon mula sa dagat, ang kumikislap na buhangin sa dalampasigan dahil sa sinag ng araw, ang pang amihan na hangin na tumatangay sa mahaba kong buhok, sumasabay sa bawat indayog. Huminga ako ng malalim. Nandito ulit kami, kung saan ko binigay sa kanya ang sulat ng papa niya. Kung saan nagtalo kaming dalawa.
Nandito kami sa lilim ng puno ng niyog, sumisilong.
Dahan-dahan kong tinatanggal ang aking kamay sa pagkakayakap sa kanya. Ngunit humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
“Dean, bababa ako.” I uttered.
Nilingon niya ako gamit ang madilim at seryoso niyang mga mata, nagbabanta sa mga gagawin ko ngayon. At kahit nanghihina at parang lalabas nasa katawan ko ang aking puso ay pinantayan ko ang kanyang paninitig.
Ilang minuto lang ay ibinalik niya ang tingin sa dalampasigan at unti-unting lumuwag ang hawak niya sa aking kamay. Kaya tinanggal ko na pagkakayakap sa kanya at bumaba na rin sa kanyang motor.
Nang makababa ay nakahinga naman ako ng maluwag. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala rito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil imbes na manatili siya kay Erin, ay sinundan niya pa ako. Mahirap basahin ang nasa isip niya ngayon, hindi ko mawari kung ano ba itong ginagawa niya, o kung ano ba ang kahulugan ng mga pinapakita niya sa 'kin. Naguguluhan ako!
‘Naguguluhan ako, Dean?’ tanong ng isipan ko habang nakatingin sa kanya. Nanatili pa rin ang mata niya sa dalampasigan, tila sobrang layo ng iniisip niya ngayon.
Lumunok muna ako bago magsalita.
“Si Erin. Baka nainip na 'yun. Kailangan mona bumalik sa kanya,” sabi ko, parang gusto kong dumura dahil sa pait ng aking sinabi.
“Pinauwi kona siya.” Sabay baba niya sa kanyang motor.
Kumunot ang noo ko. “H-huh? Bakit?” tanong ko.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Bakit niya pinauwi? Dahil ba sa 'kin? Sana hindi, dahil ayaw kong maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila. Imbes na sagutin ang tanong ko ay humarap lang siya sa 'kin. Tiningnan ako ng mabuti, kaya napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.
“Nagpunta lang ako sa bahay nin'yo para magpaliwanag sa 'yo kung bakit hindi na kita nahintay kahapon. Kasi may family gathering kahapon kaya sinundo na ako ng pinsan ko.” ulit ko.
“Bakit hindi ka man lang nagtext? May cellphone ka naman...” sabi niya, na may konting inis sa tono ng kanyang boses.
Oo nga naman! Sana nagtext na lang ako. E 'di sana hindi ko sila naabala sa kanilang ginagawa ngayon.
“Alam mo bang hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip sa 'yo!” mariin na sabi niya.
Napayuko ako at hindi nakasagot sa tanong niya. Nakatingin lang ako sa kanyang mga paa na humahakbang palapit sa 'kin. I swallowed hard.
“Bakit gustong gusto mong mag-alala ako, huh?” mariin at may galit niyang sabi.
Napaatras ako, ngunit nahawakan niya naman agad ang aking siko. Kaya napaangat naman ang tingin ko sa kanya.
“May problema ka ba sa 'kin, Marga?” mariin na tanong niya ulit.
His serious eyes lingered on me, so dark like the night sky. Napalunok ako sa tanong niya. Hindi ko siya kayang tingnan dahil sa takot na malaman niya ang totoong nararamdaman ko. Hinila niya ko papalapit sa kanya. Mas lalong kumalabog ang puso ko, mas lalong nagwawala ito dahil sa kakaibang naramdaman.
Oo, Dean, may problema ako sa 'yo. Baliw na baliw ako sa 'yo. Nilalaman ka ng puso ko. Ang problema ko? Paano ba kita i-unlove?
Pumikit ako ng mariin. Kung may lakas na loob lang ako sabihin ang naramdaman ko sa 'yo, matagal ko na sana itong sinabi. Bakit pa kasi hindi ako nakontento sa kapatid lang? Edi sana hindi ako nahihirapan ngayon. Yumuko siya para hanapin ang mga mata ko, na nakatingin sa kanyang dibdib.
“Marga, answer me!” Sabay yugyog sa akin balikat, tila na-fufustrate na sa 'kin.
“May problema ka ba sa 'kin?!” sigaw niya, nahimigan kong naiinis na siya sa hindi pagsagot ko.
Mabilis ako umiling habang hindi pa rin tumitingin sa kanya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi, pinipigilan ang mga salita gustong lumabas sa aking bibig. Nangingilid ang mga luha sa aking mga mata dahil na rin sa inis, inis sa aking sarili dahil hindi ko man lang masabi-sabi ang tunay na nararamdaman ko.
“Marga. Please…” pagsusumamo niya.
Hinila niya pa ako lalo sa kanya. Nakahawak na ang kanyang mga kamay sa baywang ko, pilit dinidikit ang katawan niya sa 'kin. Muli akong pumikit ng mariin at huminga ng malalim. Pilit pinapakalma ang sarili para hindi sasabog itong nararamdaman ko, but then I realized something. Maybe, 'pag masabi ko na sa kanya ang aking nararamdaman ay baka hindi na ako mahihirapan na iwasan siya, dahil siya na mismo ang iiwas sa 'kin… siya na mismo ang lalayo sa 'kin.
“Marg—” agad kong pinutol ang kanyang sasabihin.
“Oo, Dean! May problema nga ako sa 'yo!” sigaw ko sa kanya nang hindi ko na mapigilan pa. “Alam mo ba kung ano iyon? Mahal kita, Dean!” sigaw ko na nasasaktan.
Nakita ko kung paano lumaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Nanigas siya dahil sa pagkagulat kaya nabigyan ako ng pagkakataon na makawala sa kanya. Ngunit nang makabawi siya'y hinuli niya agad ang aking mga siko at hinila muli palapit sa kanya. Umiwas uli ako ng tingin sa kanya.
“Kaya pwede ba ikaw naman ang umiwas sa 'kin… kasi nakakapagod na, e! Nahihirapan na ako, Dean! Kaya pwede ba hayaan mona ako! Layuan mona ako!” desperadang sigaw ko sa kanya.
I heard him hushed and whispered to stop me, pero binalewala ko lang ito. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa aking siko pero mas lalong humigpit pa ito. Matalim ko siya tiningnan. I saw how he bit his lower lip to hide his smile. Amusement is evidence in his eyes.
I frowned. “Anong nakakatawa?” I directly asked him.
Namumula ang kanyang labi dahil sa pamamasa. Ngumisi siya sa 'kin.
“Say it again to me, Marga. Ano nga 'yun?” Napapikit ako sa sobrang lambing ng boses niya.
“H-huh?” kunot noong tanong ko. “Ahhmm… I said, hayaan mona ako… l-layu—”
“Naah, hindi 'yan. 'Yung problema mo sa 'kin, ano 'yon?” sabi niya, nahimigan ko ang patuya sa tono ng boses niya.
Uminit ang aking pisngi at alam kong kasing pula na ito ng kamatis ngayon. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Sa mga pinagsasabi ko kanina ay ngayon lang ako nakaramdam ng hiya. God! Hindi ito ang inaasahan ko!
“Marga,” tawag niya sa 'kin, nahimigan ko ang pagbabanta sa tono ng boses niya.
“B-bakit? Hmmm… nakalimutan ko na,” pagmaang-maangan ko.
Napaangat na ako sa aking kinatatayuan nang humigpit pa ang yakap niya sa 'kin. Tingin ko pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri sa aking likod, parang lock lang ito. Kinukulong niya ako sa kanyang mga bisig.
“Really…” patuya niyang sabi.
I bit my lower lip. Nakatingin lang ako sa dagat. At alam kong nakatitig lang din siya sa 'kin. Nagpatuloy pa rin ang tahip ng aking puso. Malakas, na parang maririnig niya na ito. I heard him heaved sigh.
“Ayaw mong ulitin?” malumanay na tanong niya.
Hindi na ako makasagot. Ayaw ko rin tumingin sa kanya. Kinakabahan ako!
“Oh 'di sige, Buong magdamag tayo dito. Ng ganito.” Sabay siksik ng mukha niya sa aking leeg. Suminghap siya doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top