Ydriz and The Elementalist 1: Binibini Alinaya


"Teka lang. Bakit papunta ito sa Strait Forest?" Nagtatakang tanong niya mapansing ang tinatahak nilang daan ay papunta sa Strait forest.

"Dahil sa lugar na iyon lang matatagpuan ang portal."

Hindi na siya sumagot.

Tumigil ang sinasakyan nila sa putol na daan papuntang Strait Forest. Nagtungo sila sa isang parte ng nasirang gubat.

Ang parteng ito lamang ang hindi naapektuhan sa nangyaring pagsabog ng Strait Forest.

Napatigil si Ydriz makakita ng isang bangil. Ito ang lugar kung saan sila nalaglag ng kuya niya noon.

"Kuya Edrian." Ang nasambit na lamang niya.

"Kuya. Ate. Hahanapin ko kayo."

"Nandito na tayo Miss Florrel." Sabi ni Vincent na ikinaawang ng labi ng dalaga.

Agad siyang naghanap ng posibleng lagusan kaso wala naman siyang nakitang kakaiba.

"Wag mong sabihing tatalon tayo pababa?" Sabay turo sa bangil.

Tumango naman si Vincent.

"Sabihin niyo nga. Kaya ba pinapunta ako nina mommy at daddy dito para patayin na." Agad na umatras para tumakbo sakaling may gagawing masama sa kanya ang mga bodyguards niyang ito.

"May lagusan sa ibaba. At ang anumang oras magsasara na ito." Seryosong sabi ni Vincent.

Dumungaw sa ibaba si Yiu. " Paliit na ng paliit ang lagusan. Kapag hindi pa tayo papasok wala na tayong pag-asang makakabalik pa sa Mystika."

Napatingin naman sila kay Ydriz na tumigil na ngayon sa kakaatras.

"Si-sigurado ba kayo? Baka pinagloloko niyo lang ako. Sa kabilang buhay naman yata ang punta natin at hindi ibang mundo?" Makitang seryoso parin ang mga lalaki saka siya nagsimulang naglakad palapit sa gilid ng bangil at sumilip.

Nakita niya ang isang sink hole sa tubig na nasa ibaba ng bangil.

Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya sa sobrang kaba. "Sabi niyo lagusan e sink hole yan. Gusto niyo bang mamatay?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa mga kasama.

"Ang sink hole na iyan ang magdadala sa atin sa Mystika." Paliwanag ni Andrey. "Wag kang mag-alala, hindi yan nakamamatay. Mga ordinaryong tao lamang ang namamatay kapag nalalaglag sa bagay na iyan."

Muling tiningnan ng dalaga ang sink hole at ilang ulit na napapalunok ng laway. Ngunit naagaw ng kanyang pansin ang liwanag sa gitna ng sink hole.

"Bakit may puting liwanag? Di ba dapat madilim sa gitna?" Sabay turo sa sink hole.

"Saka bakit diyan pa ang lagusan? Bakit di nalang katulad sa mga napapanood ko sa pelikula na may bilog na papasok lang sa isang liwanag tapos mapupunta na sa ibang lugar. O ba kaya may pupunitin lang silang space tapos may malilikhang portal at kapag papasok sila rito mapupunta na sila sa ibang lugar."

"May iba't-ibang uri ng portal Miss Florrel at isa na dito ang portal patungo sa Mystika." Paliwanag ni Andrey.

"Tayo na." Hinawakan ni Vincent ang wrist ni Ydriz na ikinatingin ng dalaga sa kamay nito. "Kapag hindi kita hahawakan posibleng sa ibang lugar ka mapupunta."

"Okay."

"Tumalon na tayo." Sabi ni Vincent. Napalunok laway naman ang dalaga at dahan-dahang tumango saka inihanda ang sarili upang tumalon.

Ngunit sa tuwing tatalon na'y napapaatras ang dalaga.

"Hindi ko talaga kaya." Sambit nito na nakahawak pa sa dibdib.

Nanlaki na lamang ang kanyang mga mata nang hawakan ni Vincent ang baywang niya at tumalon sila pababa. Napapikit na lamang si Ydriz at wala sa loob na napayakap kay Vincent habang nakatikom ng mariin ang kanyang mga labi.

Naramdaman niya ang pagtama ng malakas na hangin at ang papabagsak niyang katawan hanggang sa tila ba hinihigop siya ng isang pwersa at halos mahilo siya sa kakaikot ng kanilang katawan. Gusto niyang ibuka ang mga mata kaso napakalakas ng hangin sa paligid na tumatama sa kanyang mukha.

Isinubsob na lamang niya ang mukha sa dibdib ni Vincent habang nanatiling nakapikit. Hanggang sa maramdaman niya ang pagtama ng kanyang katawan sa isang bagay na parang buhangin.

Napaubo pa siya dahil sa pumasok na alikabok sa kanyang ilong papunta sa lalamunan. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata ngunit napapikit ulit dahil sa liwanag na tumama sa kanya.

Napansin niyang may gumalaw sa tabi niya kaya naibuka ulit ang mga mata at napalingon dito. Saka napansing nakayakap parin pala siya kay Vincent at gano'n din ang lalaki sa kanya.

Mabilis itong bumitaw na tila ba napaso ganon din naman siya at sabay pang napaupo.

"Haist! Kaya nga ayaw kong dumaan sa ganoong uri ng portal dahil nakakahilo." Reklamo ni Yiu na nakaupo na ngayon habang pinagpagan ang suot bago tumayo.

Tumayo na rin sina Ydriz at Vincent saka pinagpagan ang mga buhangin at mga alikabok na na dumikit sa mga katawan nila.

"Sa wakas nakabalik na rin tayo." Sambit naman ni Mikoh at huminga ng malalim ngunit napaubo dahil may pumasok na alikabok sa ilong.

Nailibot ni Ydriz ang paningin sa buong paligid at natanaw ang napakalawak na disyerto. Mga naglalakihang mga bato at mga buhangin at alikabok lamang ang makikita sa buong paligid.

"Ito na yata ang unang pagkakataon kong makakita ng ganito kalawak na disyerto." Sambit niya habang tinatanaw ang mga bundok ng mga naglalakihang mga bato at mga bundok na binubuo lamang ng mga pinong buhangin at mga alikabok.

Kinurot ang sarili para matiyak na hindi ito panaginip. Hinawakan ang kanyang pisngi para malaman kung mainit pa rin ba ang kanyang katawan o ba kaya multo nalang siya.

"Mainit pa rin. Ibig sabihin buhay pa ako at totoong lagusan papunta sa ibang mundo ang tinalunan namin kanina." Sambit ni Ydriz sa sarili.

"Anong lugar kaya ito?" Tanong ni Milton habang inililibot ang paningin sa buong paligid.

"Hindi ako sigurado ngunit walang disyerto sa Pardeah. Ang alam kong may disyerto ay ang mga kahariang kabilang sa Northern Mystika." Sagot ni Vincent.

Nagkatinginan naman sila bago tumingin sa nag-iisang dalagang kasama nila.

"Bakit?" Nagtataka ang mga mata habang inilibot ang paningin sa pitong mga kasama.

"Mula sa Pardeah ang iyong mga magulang ngunit napakalayo ang lugar na ito sa lugar na iyon ngunit posibleng dito rin napadpad ang mga kapatid mo." Paliwanag ni Vincent.

Maalala ni Ydriz ang mga kapatid, nakaramdam siya ng tuwa at pananabik. Mas lumakas ang kutob niya na ligtas sila ngunit maalala ang mga magulang niya bigla naman siyang nalungkot. Naisip niyang mahalaga nga ba talaga siya o bumait lamang ito sa mga nagdaang mga araw na nakasama niya ang mga ito dahil siya na lamang ang kanilang pag-asa para matagpuan ang dalawang pinakamamahal nilang mga anak.

Iniling na lamang ang anumang negatibong naiisip bago sila nagsimulang maglakbay muli.

Sa kabilang bahagi naman halos magwala na ang hari ng Elfiro sa tindi ng konsumisyong ibinigay ng tatlong mga anak na prinsipe sa kanya.

"Ama, mahal na mahal ko po si Binibini Alinaya. Pakiusap, payagan niyo na akong pakasalan siya." Pakiusap ni Prince Minstrel at lumuhod pa sa tapat ng ama.

"Talaga bang gusto niyo na akong mamatay ha?" Mahina ang boses ngunit kapansin-pansin ang pagpipigil sa galit mula sa tono ng pagkabigkas ng mga salita nito.

Sa araw na ito, tatlo na sa mga anak niya ang lumapit at hinihingi ang mga kamay ni Binibini Alinaya upang pakasalan.

Si Binibini Alinaya ay ang pinakamagandang babae sa buong kaharian at nag-iisang anak ng Duke ng Elfiro.

Magulo ang kanilang kaharian dahil sa paulit-ulit na pag-atake ng karatig kaharian. Ang kaharian ng Yulliande na isa sa mga kahariang nagpapalawak ngayon ng teritoryo.

Gusto ng hari ng Yulliande na maikasal si Binibini Alinaya sa isa sa mga prinsipe ng Yulliande bilang tribute ng Elfiro sa kaharian nila kung ayaw nilang sasakupin pa ng Yulliande ang buong Elfiro.

Maliit lamang ang Elfiro at masyadong mahina kaya naman pumayag agad ang hari at kinausap ang Duke tungkol sa pagpapakasal ni Binibini Alinaya sa anak ng hari ng Yulliande. Ngunit tumutol ang apat na anak ng hari ng Elfiro malamang ipapadala sa ibang kaharian si Binibini Alinaya. Hindi sila pumapayag na mapunta sa kamay ng kalabang kaharian ang pinakamagandang Binibini sa kaharian nila.

Nagrebelde sila sa ama ngunit habang nagkagulo sa palasyo dahil sa mga anak ng hari ng Elfiro bigla na lamang lumusob ang mga Yulliandean. Sinabi nila na aatras lamang ang kanilang hukbo kapag ipapadala na ng hari ng Elfiro ang pinakamagandang dalaga.

Nang marinig ni Binibini Alinaya na ibibigay siya ng hari ng Elfiro sa Yulliande palihim siyang tumakas pagsapit ng dilim ngunit hindi niya inaasahan na may mga nakabantay na pala sa kanilang tahanan at pinahabol siya.

Nagalit naman ang prinsipe ng Yulliande na siyang susundo sana kay Binibini Alinaya dahil hindi dumating sa tamang oras ang hinihintay nila at iniisip na niloloko lamang sila ng hari ng Elfiro kaya naman nilusob nila ang bayan kung saan nakatira ang pamilya ni Binibini Alinaya.

Kahit saan magtungo si Binibini Alinaya nasusundan parin siya ng mga di kilalang Mystikan na humahabol sa kanya. Hanggang sa mapadpad siya sa isang disyerto.

Ang disyerto ay nagsilbing hangganan ng apat na kaharian na nasasakop sa Northern part ng Mystika. Walang direksyon ang pagtakbo ni Binibini Alinaya. Ang tanging gusto lang niya ay ang makalayo at hindi maikasal sa prinsipe ng Yulliande na kilala sa pagkawalang puso.

Napatigil naman sina Ydriz sa paglalakad makita ang usok sa isang bahagi ng disyerto.

"Ano 'yan?" Takang tanong niya. Nakita niyang naglabas ng teleskopyo ang pitong bodyguards niya at inabutan din siya ni Vincent ng isa.

Makitang wala naman silang dalang kahit isang bag tapos makakapaglabas sila ng mga bagay mula sa kung saan hindi niya maiwasang mainggit. Saka niya naalala na pati backpack niya hindi niya dala.

"Yung backpack ko." Sabi niya sabay lahad ng kamay kay Vincent.

"Dinala ko na muna." Sagot ni Vincent.

"Ako na ang magdadala non." Sagot ni Ydriz.

Hinawakan ni Vincent ang belt niya at ilang sandali pa'y may lumitaw na bag sa sa kanyang kamay saka iniabot sa dalaga.

"Kakainggit naman. Di mo na kailangan pang magdala ng mabibigat." Sambit niya bago isinuot ang sling ng itim niyang backpack.

Saka inilagay ang teleskopyo sa mga mata at pinagmasdan kung ano yung papalapit sa gawi nila.

Nakita nila ang limang mga pigura na tumatakbo at napansin din ang maliit na pigura na nasa unahan ng limang mga pigurang ito.

Hanggang sa unti-unti na rin nilang nakita ang katawan ng isang babae na patuloy sa pagtakbo habang palingon-lingon sa likuran niya.

Pagod na pagod na si Alinaya at halos hindi na maihakbang ang mga paa. Ilang sandali pa'y natumba siya at nagpagulong-gulong ang katawan sa alikabukan patungo sa kinaroroonan nina Ydriz.

"Parang nananadya ang panahon a. Sa dinami-rami ng maaring mapuntahan ng katawan niya dito pa talaga gumulong?" Sambit pa ni Ydriz ngunit tatakbo na sana siya palapit sa gawi ni Alinaya ngunit hinawakan ni Vincent ang braso niya.

"Ako na lang ang lalapit." Sabi ni Vincent at itinago si Ydriz sa kanyang likuran.

Napatingin sila sa paparating na limang mga nilalang na may suot na silver armor at may mga hawak din silang mga espada.

"Parang mga royal guard na napapanood ko sa mga movie." Nangniningning ang mga mata ni Ydriz habang pinagmamasdan ang mga silver armor ng limang mga kalalakihan.

"Sino kayo?" Tanong ng isa sa kanila habang nakaturo ang espada sa gawi nina Vincent.

Si Alinaya naman pinipilit tumayo ngunit nahihirapan na siyang tumayo kaya gumapang na lamang siya palapit sa kinaroroonan nina Ydriz habang humihingi ng tulong.

"Tulungan niyo ako. Pakiusap." Sambit niya bago bumagsak ang ulo sa buhangin at tuluyan ng nawalan ng malay.

"Umalis na kayo." Mariing utos ni Vincent sa limang kalalakihan.

Itinaas naman ng dalawa ang mga espada at inatake si Vincent. Ngunit tumilapon din sila agad matapos matamaan ng sipa.

"Woah. Ang galing." Masiglang sabi ni Ydriz at panay kuha ng video.

Dahil sa pagsalita niya napalingon ang limang mga kawal na ito sa dalaga. Hindi na gaya kanina na natatakpan siya sa katawan ni Vincent. Ngayon kitang-kita na nila ang mukha ng dalaga.

Napakunot ang noo ni Ydriz makita ang mga titig ng mga ito lalo na sa nakaawang nilang mga bibig. Kaya naman napahawak siya sa kanyang mukha.

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya kay Kodei na pinakamalapit sa kanya.

Ibinuka na ni Kodei anh ang bibig ngunit di niya alam kung paano sasabihin kay Ydriz na hindi dahil sa may dumi siya ng mukha kaya siya tinitigan ng mga kawal.

"Di bale na. Pipi ka nga pala."

Kodei: Di ako pipi.

Napataas ang kilay ni Ydriz dahil palipat-lipat ang tingin ng mga kawal sa kanya at sa babaeng nakahiga sa alikabukan.

Binuhat ni Andrey ang babae at inilayo sa gawi ng limang mga kawal.

Nagkatinginan ang limang mga kawal.

"Hindi kaya tayo nagkamali ng hinahabol?" Tanong ng kawal sa katabi.

"Di ba sabi nila si Binibini Alinaya ang pinakamagandang babae sa buong Elfiro bakit may mas maganda pa sa kanya?" Tanong din ng isa.

"Di kaya siya ang tunay na Binibini Alinaya?" Tanong naman ng isa pa na natumba kanina dahil sa sipa ni Vincent.

"Binibini Alinaya?" Sambit ni Ydriz at pinagmasdan ang mukha ng babaeng nakahiga na ngayon sa buhangin at ginawang unan ang isang bato.

Punit-punit na ang sapatos at mahabang blusa nito. Nababalot na rin ng alikabok at buhangin ang katawan. Ngunit kahit ganon hindi nito naitatago ang kanyang angking kagandahan.

"Ang ganda niya." Sambit ni Ydriz at hinawakan pa ang pisngi ng walang malay na Binibini.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top