YaTe 3: Sa tabing ilog
Gumawa sila ng tent sa kalagitnaan ng disyerto. Nasa pinakagitna ang tent nina Ydriz at ng binibining kasama nila.
"Labis akong nagpapasalamat sa pagtulong niyo sa katulad ko Binibini." Pagpapasalamat ni Binibini Alinaya kay Ydriz sa malamyos na boses.
"Woah. Pati boses mo ang ganda." Namamanghang sambit ni Ydriz. Nahihiya namang napayuko si Alinaya.
"A, maaari po bang malaman ang inyong pangalan magandang Binibini? Iyon ay kung mamarapatin niyo."
"Bakit parang kakaiba yata ang pananalita ng babaeng ito? Wag ko na ngang isipin yun. Ang mahalaga nagagandahan din siya sa akin." Sambit naman ni Ydriz sa isip bago sumagot.
"Ydriz. Tawagin mo nalang akong Ydriz."
"Binibining Ydriz." Sambit ni Alinaya.
Nakita nilang papalapit sa gawi nila si Andrey na may dalang mga pagkain na nakalagay sa isang tray.
"Kailangan niyo na pong kumain Miss Ydriz." Sabi ni Andrey at inilapag ang tray sa maliit na mesa na nasa loob ng tent.
Pagkatapos magpasalamat nagsimula ng kumain ang dalawang dalaga. Dito napansin ni Ydriz ang mahinhing mga kilos ni Alinaya. Kahit sa pagsubo kapansin-pansin ang mabining-mabining kilos nito. Maliliit din ang bawat subo nito.
"Hindi ka ba gutom na gutom?" Tanong ni Ydriz makitang nakailang subo at lunok na siya ngunit nakadalawa pa lamang ang kasama.
"Kumain ka lang. Sandali manghihingi lang ako ng sabaw." Pagpaalam ni Ydriz at lumabas. Naabutan niya si Kodei na nag-iihaw ng manok.
"Wow! Mukhang masarap." Sambit niya at tumabi ng upo kay Kodei.
"Hindi dapat basta-basta lang tumatabi ang isang binibini sa isang lalake." Narinig niyang sabi ni Vincent na papalapit sa kanya.
"Hindi naman siya mukhang babae e." Rinig niyang bulong ni Kodei.
"Ako? Kung manlait ka na nga lang pwede bang wag ka nalang magsalita?" Sagot ni Ydriz at napanguso sabay bigay ng matalim na tingin kay Kodei.
"Hindi ka na sana umalis sa loob ng tent. Dadalhan ka rin naman namin kapag naluto na ito." Sabi ni Vincent.
Inilipat na ni Kodei ang inihaw na karne sa isang plato.
"Nasa ibang lugar o mundo na tayo. Higit sa lahat, ibang-iba ang mundong ito sa lugar na kinagisnan mo. Kaya magmula ngayon kailangan mo ng matutunan ang mga dapat ikilos o gawin ng isang Binibini na katulad mo. Magsisimula na rin ang pagtuturo sa'yo." Sabi ni Vincent.
Saka naalala ni Ydriz ang sinabi noon ng parents niya na sina Vincent ang magiging tagapagtanggol at tagapagturo niya.
"Okay." Sagot niya at bumalik na sa tent na dala ang inihaw na manok.
Kinabukasan, maagang bumiyaheng muli ang grupo nina Ydriz.
May natanaw na rin silang mga halaman hanggang sa makarating na rin sa kakahoyan.
"May nakita akong ilog sa unahan." Sabi Yiu na siyang nauna sa kanila kanina.
Pagdating sa ilog agad na niyaya ni Ydriz si Alinaya sa pagligo.
"Ligo tayo."
"Pero Binibini." Sambit ni Alinaya at napasulyap sa mga kasama nilang mga lalake.
"Wag kang mag-alala, mabubuting tao sila." Sagot ni Ydriz.
"Aalis po muna kami para makaligo na muna kayo. Ngunit kung may mangyayaring di maganda sumigaw lamang kayo." Sabi ni Milton at naglaho na sa paningin nila ang pitong bantay ni Ydriz.
Nag-alala man si Alinaya na baka may mangyayaring di maganda lalo na mga babae sila at di rin nila kabisado ang lugar ngunit gustong-gusto na rin niyang maligo.
"Maligo ka na muna Binibini. Wag kang mag-alala, babantayan kita." Pangako ni Ydriz.
Dahan-dahan namang lumusong sa tubig si Alinaya at nagsimula ng maligo. Makalipas ang tatlumpong minuto umahon na rin ito. Inabutan naman siya ng mahabang tuwalya ni Ydriz na nakita lang niya sa may bato. May mga nakatupi na rin silang mga pampalit sa ibabaw ng bato.
"Tapos na ako Binibini." Sabi ni Alinaya nang makabihis na.
Hinubad ni Ydriz ang t-shirt niya at may naiwan na tube sa loob. Hinubad din ang jogging pants na suot at may natirang maikling short. Saka siya lumusong sa tubig.
Nakakalat naman sa paligid ang pitong bantay niya.
Nakaupo ngayon sa isang sanga ng malaking puno si Milton. Nakatayo naman sa itaas na bahagi ng lupa si Mikoh. Si Andrey at Yiu naman magkasama.
"Iiwan ba talaga natin ang Binibini kasama ang babaeng di natin kilala?" Tanong ni Yiu kay Andrey.
"Wag kang mag-alala nakabantay naman sa kanila si Captain e." Sabay turo ni Andrey kay Vincent na nakaupo sa isang malaking bato at nakatalikod sa gawi ng ilog.
Ngunit ilang sandali pa'y nakarinig sila ng sigaw mula kay Alinaya.
Mabilis nilang tinungo ang kinaroroonan ng dalawang dalaga at naabutang hinihila ni Alinaya ang kamay ni Ydriz mula sa umiikot na tubig.
Mabilis namang hinila ni Vincent ang papalubog ng kamay ni Ydriz. Mabilis na binalot ng coat ang katawan ng dalagang wala ng saplot. Muntik ng matumba si Alinaya nang mabitiwan ang kamay ni Ydriz kanina na agad namang nasalo ni Kodei.
Napatingin sila sa ipo-ipo na nasa tubig. May nakikita silang liwanag na nagmumula rito.
"Isang portal." Sambit ni Milton.
"Kailangan na nating makaalis sa lugar na ito." Sabi ni Vincent at napatingin kay Ydriz na nababalot pa ang katawan ng itim na coat. Kinuha ang damit na inihanda niya kay Ydriz at binuhat ang dalaga saka tumakbo na sila palayo.
Muntik na ring mapatili si Alinaya dahil binuhat na rin siya ni Kodei at dinala na ring tumakbo. Nang makaalis na sila siya ring paglitaw ng mga ulo mula sa ipo-ipo.
Umahon sila mula sa tubig at napatingin sa mga bakas ng mga paa at sapatos na bumakat sa lupa at buhangin.
"Hanapin niyo kung sino ang nanggaling dito kanina." Utos ng lalaking may suot na kapa. Kahit kaaahon lamang sa tubig wala kang makikitang bakas ng tubig mula sa kanyang katawan.
"Master, sa palagay mo anong uri ng kasuotan ba ito? Amoy babae e." Sabi ng isa na hawak na tela.
"Hanapin sila. Natitiyak kong hindi pa sila nakakalayo." Sagot ng kanilang Master.
Nang tuluyan ng makalayo saka ibinaba ni Vincent si Ydriz at pinagbihis.
"Bakit ba kayo biglang tumakbo kanina? Nagulat na nga ako dahil may kung anong enerhiyang humihila sa akin tapos bigla-bigla mo pa akong itakbo?" Sabi ni Ydriz kay Vincent pagkatapos makapagbihis.
"Isa iyong portal at di namin alam kung saan iyon papunta. Walang portal sa gawing iyon kanina ngunit bigla na lamang nagkaroon ng portal. Ibig sabihin na may gumawa ng portal mula sa ibang panig ng Mystika at sa lugar na iyon sila lilitaw." Paliwanag ni Vincent.
Napatingin sina Andrey at Yiu sa suot ni Ydriz.
"Bakit yung damit na para sa kanya pinasuot niyo sa Binibini tapos si Miss Ydriz pinagsuot niyo ng panlalaki?" Tanong ni Yiu makitang nakasuot ng panlalaking kasuotan si Ydriz. May nakapaikot pang brown na scarf sa leeg at nakasumbrero ng kulay brown. Nakatago rin ang mahabang buhok.
Hindi sumagot si Vincent at inabutan lamang ng mga scarf at sumbrero ang mga kasama. Kaya naman parang si Alinaya lamang ang nag-iisang babaeng kasama nila dahil siya lang ang nakabestida at babaeng babae tingnan.
Nakaalis na sila sa kakahoyan at ngayon naman nakarating sila sa tabi ng ilog na humahati sa dalawang kaharian ng Elfiro at Yulliande. Malawak ang ilog na ito na halos di na maaabot ng tingin ang kabilang pangpang.
"Nakaalis na tayo sa disyerto Binibini. Kailangan na nating maghiwalay ng landas." Sabi ni Vincent kay Alinaya.
Napatingin naman si Alinaya sa mga mamamayan sa tabi ng ilog. Abala ang mga ito sa kanilang pang-araw-araw na gawain. May makikita ka ring mga tolda sa paligid at maliliit na mga kainan.
Nagliwanag ang mga mata ni Alinaya makita ang isang pamilyar na mukha na kumakain ngayon sa isang maliit na food stall.
"Ake." Tawag ni Alinaya sa lalaki. Kaya napalingon ito. Mabilis itong tumayo nang makita ang dalaga at tumakbo palapit kay Alinaya.
"Alinaya. Mabuti at ligtas ka." Natutuwa nitong sabi at niyakap si Alinaya.
"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Sinuri ang katawan ng dalaga at makitang ayos lang ito saka siya nakahinga ng maluwag. Saka siya napatingin sa mga kasama ni Alinaya.
"Sila ang nagligtas sa akin." Sabi ni Alinaya.
Agad na nagpasalamat si Ake kina Vincent.
"Maraming salamat sa pagligtas niyo sa aking kapatid. Kung may kailangan kayo handa akong tumulong sa abot ng aking makakaya." Sabi ni Ake na nakapatong ang isang palad sa nakakuyom na kamao at yumuko ng bahagya bilang pagbibigay pugay.
"May mga itatanong lang sana kami. Mula sa kahariang ito ilang kaharian pa bago namin marating ang Pardeah?" Tanong ni Vincent.
Si Ydriz naman hinila na si Yiu at naglakad sila sa buhangin palapit sa tubig. May malawak na kapatagan na nababalot ng mga puting buhangin ang gilid ng ilog kaya magandang tambayan o tayuan ng mga tirahan ang tabing ilog na ito. Wala ring putik ang buhangin at malinis na malinis rin ang tubig sa ilog.
"Tingnan mo. Ang linaw ng tubig. Ang dami ring mga isda o."
Tumikhim si Yiu at sumulyap sa kamay niyang hawak ni Ydriz. Napataas naman ng kilay si Ydriz at tinaas ang kamay na hawak niya at tinignan kung anong meron dito bakit naiilang si Yiu at panay iwas ng tingin sa kanya. Naisip niyang baka mabaho ito kaya inamoy ang kamay ni Yiu. Namilog naman ang mga mata ni Yiu makitang inilapit ni Ydriz ang kamay niya sa mukha nito. Mabilis niya itong hinila at tinago agad sa likod.
"Miss Ydriz. Hindi mo dapat hinahalikan ang kamay ng isang lalake. Maliban nalang kung papakasalan mo siya." Mabilis na sabi ni Yiu na halos hindi na huminga.
"Aamoyin ko lang sana. Akala ko kasi mabaho kaya naiilang ka noong hawakan ko. Ang dumi pala ng iniisip mo." Sabi ng dalaga at dumistansya kay Yiu.
Si Yiu naman napakamot sa noo. Saka lang natauhan makitang papalayo na si Ydriz kaya hinabol niya ito.
"Masyadong malayo ang Pardeah mula rito. Kailangan niyo pang tumawid ng dagat at madadaanan niyo pa ang frozen forest. Ilang kaharian parin ang dapat niyong lagpasan. Ngunit hindi ko alam ang eksaktong bilang ng mga kaharian na kailangan niyong madaanan." Sagot ni Ake.
"Kailangan pang tumawid ng dagat? Kung ganon nasa ibang kontinente ang lugar na ito?" Tanong Milton.
"Nandito kayo ngayon sa Elemental continent at nasa kahariang nasasakop ng Elfiro." Sagot ni Ake.
"Hindi ko alam kung saan kayo nanggaling at kung bakit kayo napadpad dito. Dahil iniligtas niyo ang kapatid ko sasabihin ko sa inyo ang mga impormasyong alam ko." Makikita ang lungkot na dumaan sa kanyang mga mata. "Hindi ligtas ang lugar na ito. Magulo ngayon ang Elfiro dahil sa pananakop ng mga sundalo ng Yulliande. Baka madamay pa kayo sa kaguluhan sa lugar na ito." Dagdag pa ni Ake.
Napatingin si Vincent kay Milton. Saka napatingin sa gawi kung saan nakatayo si Ydriz kanina kaso wala na roon ang dalaga maging si Yiu.
Mabilis silang umalis upang hanapin sina Ydriz at Yiu.
Natagpuan nila ang dalawa na nakaapak sa malalaking bato habang masayang pinagmamasdan ang mga maliliit na mga isda sa ilog.
"Tingnan mo ayun o, kulay green."
"Iyon pa kulay purple."
"Ang ganda ng mga isdang ito." Ito ang sunod sunod na sambit ni Ydriz makita ang mga isdang may mga kakaibang mga kulay at anyo.
"Mas marami ka pang makikitang mga kakaibang mga bagay sa mundong ito Binibini." Dahil sa masigla at masayang mukha ng dalaga ay tila ba naapektuhan nalang din si Yiu. Nakangiti siya habang tinuturo ang makikitang mga isda sa tubig.
"Tingnan mo ang isang yan. Para siyang maliit na dragon." Sabi ni Yiu at tinuro ang kulay itim na isda na may dalawang palad ang haba at may katawan na katulad sa snake dragon.
"Ang cute ng isdang yan." Sambit ni Ydriz.
Sasagot na sana si Yiu ngunit nakaramdam nang panlalamig sa paligid kaya dahan-dahan siyang lumingon at nakita si Vincent na ang talim ng tingin sa kanya.
"Sa susunod wag kayong umalis na walang paalam. Alam mo naman siguro kung gaano ka panganib para sa Binibini ang lugar na ito." Kalmadong paalala ni Vincent kay Yiu.
Nakayuko lang ang mga kasama habang si Yiu naman humingi ng paumanhin.
"Paumanhin captain. Hindi na po iyon mauulit."
"Ako ang dapat humingi ng paumanhin. Ako kasi ang humila sa kanya palayo. Pansin ko kasi masyadong seryoso ang pag-uusap niyo sa kapatid ni Miss Alinaya." Nakayukong paumanhin ni Ydriz.
"Wag mo na ulit gawin iyon Binibini." Seryosong sagot ni Vincent. Tumango naman ang dalaga bilang tugon.
"Binibini?" Tanong ni Ake saka napatingin sa kapatid. Inaakala kasi niya kanina na si Alinaya lamang ang babae sa grupo kaya kahit na sinagot niya ang tanong ni Vincent kanina hindi niya hindi niya ibinigay ang kumpletong detalye sa pag-alalang may ibang pakay ang grupo ni Vincent. Naisip din niya na baka niligtas nila ang kapatid niya dahil nahulog rinsl sila sa kagandahang taglay ng kapatid.
Ngunit makita ang magandang mukha ni Ydriz kahit nakasumbrero pa ito at may makapal na scarf na halos tumakip na sa kalahating mukha hindi nito maitatago ang kagandahang taglay ng dalaga.
"Si Binibini Ydriz ang nag-utos sa kanilang tulungan ako Ake." Paliwanag ni Alinaya para mawala na ang anumang pagdududa ni Ake sa pitong mga kalalakihang ito. Kahit isang araw lamang niyang nakasama ang grupo natitiyak niya kung gaano kahalaga sa kanila si Ydriz kaya naman posibleng hindi ordinaryo ang background ng Binibining ito.
Natigilan sila mapansing may mga nag-aaway sa isang maliit na kainan.
"Nandito na naman sila." Sambit ni Ake.
"Sino?" Tanong ni Alinaya.
"Ang grupo ng mga kabataang hindi sumusunod sa batas ng Elfiro."
Inalalayan ni Vincent si Ydriz sa pagtulay sa mga bato.
Natanaw nilang may mga tumilapon palabas sa kainan. May tumilapon din palabas galing sa bintana at bubong.
"Ang sinumang hindi susunod sa batas ko matutulad sa taong ito." Sigaw ng isang lalake habang nakaapak ang isang paa sa middle aged man na nakahiga sa buhangin.
"Anong nangyari?" Tanong ni Ydriz. Wala kasi siyang makita dahil sa tangkad ng mga kasama. Tumalon-talon na siya para makasilip.
"Wag mong tingnan." Sabi ni Vincent.
Narinig nila ang umalingawngaw na sigaw ng isang lalaki.
Naisubsob ni Alinaya ang mukha kay Ake. Kitang-kita kasi niya ang pagkabali ng buto ng kamay ng middle-aged man.
"Pagbilang ko ng sampo dapat nasa tapat ko na ang mga benta niyo dahil kung hindi susunugin ko ang lahat ng mga tahanan niyo dito at mababalian din kayo ng mga buto." Sabi ni Yionji.
"Isa." Sigaw niya at may apoy na lumabas mula sa kanyang palad ngunit natigilan dahil sa isang mahabang sipol na narinig.
"Hanapin niyo kung sino ang gumawa non." Utos niya sa mga tauhan. Inaakala kasi niya na isa itong signal para manghingi ng tulong.
Napalingon naman si Vincent sa likuran kung saan niya itinago si Ydriz. "Nasaan na naman yon?" Inilibot niya ang paningin at nakitang pangiti-ngiti itong naglakad palapit sa gawi nila.
"Ayos na." Nakangiting sambit ni Ydriz at nagtip-toe para makita kung ano na ang nangyayari sa mga walang pusong mga siga sa tabing ilog na ito.
Napatalon-talon na ngayon si Yionji at halos di na alam kung aling parte ng katawan ang kakamutin. Ang mga tauhan naman niya nagpagulong-gulong na sa lupa na ipinagtataka ng mga mamamayan sa lugar na ito.
"Wag mo na ulit basta-bastang ginagamit ang kakayahan mo sa lugar na ito Binibini." Sabi ni Vincent kay Ydriz at umalis na sila sa gawing iyon.
Makita ang grupong papalayo, sumigaw si Yionji.
"Huy! Tumigil kayo." Sigaw niya habang binabato ng mga maliliit na bolang apoy ang mga langgam na papalapit sa gawi niya.
Ngayon pang siya nakakakita ng ganito karaming mga pulang langgam sa lugar na ito at sa hinala niya may kinalaman ang grupong ito sa pagdagsa ng mga langgam na ito. Lumikha siya ng bolang apoy na kasing laki ng bola ng basketball upang itapon kina Vincent ngunit bigla na lamang umangat ang tubig mula sa ilog at lumikha ng ilang water blade patungo sa gawi ni Yionji. Isa sa mga water blades ang tumama sa kanyang palad na may apoy at parang matulis na bakal na tumusok sa palad niya bago nabasag ang tubig. Ang natira na lamang ay ang palad niyang nabutas na sa gitna at umaagos na ngayon ang saganang dugo na humalo sa tubig kanina.
Bihira lang ang mga taong may kakayahang gumamit ng elemento sa lugar na ito, kaya naman ang sinumang may kakayahang kontrolin ang limang elemento ay siyang kinatatakutan at hinahangaan ng lahat. Isa si Yionji sa may kakayahang gumamit ng fire element na maituturing na pinakamalakas na uri ng elemento kaya siya naging mayabang at inaapi ang mga taong walang mga kakayahan.
Sigurado siyang mga sub-element lamang ang meron ang mga naninirahan sa lugar na ito kaya malakas ang loob ng maghasik ng lagim dito sa bawat oras na maisipan niya. Ngunit hindi niya inaasahan na darating ang araw na mabubutas ang palad niya dahil lang sa isang tubig.
"Ano pa bang hinihintay niyo? Oras na para makaganti kayo sa mga taong ito." Sabi ni Vincent bago sila tuluyang umalis.
Natauhan naman ang mga tao sa paligid. Saka nila nakitang nababalot na ng mga bagin ang katawan ng mga kasamahan ni Yionji. Mabilis naman silang inatake ng mga mamamayan sa gilid ng ilog at pinagtulungang bugbugin ang grupong nagpapahirap sa kanila sa loob ng ilang taon.
Sa isang tolda naman, pinapanood ng isang grupo ang grupo nina Vincent.
"Alamin niyo kung ano ang mga katauhan at kung saan nagmumula ang grupong iyan." Sabi ng lalaking may magarang kasuotan at may espadang nakasabit sa tagiliran.
Nakatingin sila sa grupong papadaan sa tolda kung saan sila nagpapahinga. Bahagya pa siyang natigilan makita ang napakagandang mukha ni Alinaya na nakahawak ngayon sa kamay ni Ake. Ngunit tumigil ang tingin niya sa binatilyong patalon-talon pa habang naglalakad. At halata sa mukha ang tuwa dahil abot tainga ang ngiti nito.
Mapansing may nakatingin sa kanya napalingon si Ydriz sa loob ng bahagyang nakabukas na tolda at nakita ang lalaking nakaupo sa loob. Hindi niya gaanong namukhaan dahil lumagpas na sila.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top