YATE 2: Itim na bandido

Pinagmasdan ni Ydriz ang mukha ng Binibini. Makinis ang kutis nito, perpektong hugis ng mukha, maganda ang hugis at tangos ng ilong, mahahaba rin ang pilikmata.

"Para siyang anghel." Hinawakan niya ang cute na pisngi ng Binibini at napa-woah pa dahil sobrang lambot.

Nagkatinginan naman ang limang mga kawal.

"Kapag nakuha natin silang dalawa siguradong magagantimpalahan tayo dahil dalawang napakagandang mga kababaihan ang nadadala natin." Sabi ng isa sa mga kasama. Nag-uusap sila through telepathy.

Nagsitanguan naman ang mga kasama at buo na ang desisyong patayin sina Vincent at ang iba pa para makuha nila sina Alinaya at Ydriz.

Dalawa sa limang kalalakihan ang sumugod ulit kay Vincent ngunit sa ikalawang pagkakataon tumilapon sila.

Isang espada ang sumulpot sa palad ni Vincent at itinutok ito sa leeg ng isa sa mga kalalakihan na nanatiling nakatayo. Napapigil ito ng hininga maramdaman ang lamig ng espada sa kanyang leeg.

Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng mga yabag ng tumatakbong mga kabayo at mga hiyaw ng mga tao.

"Mga bandido." Sambit ng isa sa limang lalake. Nanginig ang mga tuhod nila makita ang bilang ng paparating na grupo.

"Ang itim na bandido iyan." Sambit ng isa pa na nakahiga parin sa alikabokan. Mabilis siyang tumayo at inihanda ang espada.

Nakasakay ng itim na mga kabayo at nakasuot ng itim na mga cloak ang mga bandidong ito. May kulay itim din ang mga pana at itim ang nga espada.

"Kung kaya mong tumawag ng hangin  kailangan mo na iyong gamitin ngayon din." Sabi ni Vincent.

Napataas naman ng kilay si Ydriz pero makita kung gaano kaseryoso ang mukha nito at kung paano nanginig ang mga tuhod ng limang mga kalalakihan naisip niyang mapanganib ang mga paparating na grupong ito.

May mga mahahabang baril na ring hawak sina Mikoh at ang iba pa.

"Okay. Ang seryoso niyo naman. Kinabahan pa ako." Sambit ni Ydriz at inilagay ang hinlalaki at hintuturo sa bibig at ilang sandali pa'y maririnig sa buong paligid ang tunog na nalilikha niya.

Napatigil ang papalapit na grupo makarinig ng kakaibang pagsipol. Dahan-dahang gumalaw ang mga buhangin at mga alikabok sa paligid. Unti-unti ring lumalakas ang ihip ng hangin na tila ba sumasabay sa bawat himig ng whistle na kanilang naririnig. Bigla silang napahinto at napaatras ng ilang hakbang.

Biglang tumigil ang whistle na kanilang naririnig kasunod nito ang pag-ihip ng malakas na hangin at kapansin-pansin ang mga alikabok at mga buhangin na dinala ng malakas na hangin papunta sa gawi ng itim na mga bandido.

Nanlaki ang mga mata ng mga bandidong ito makita ang malaking alon ng mga buhangin at mga alikabok na papalapit sa gawi nila.

"Atras!" Sigaw ng pinuno nila sabay patakbo sa mga kabayo nila ngunit tinangay na rin sila sa malakas na hangin na ikinahiyaw nilang lahat.

Parang binalatan ang lupa at wala na ang mga alikabok at mga buhangin kundi ang mga tuyong lupa at mga naglalakihang mga bato na lamang ang natira sa bahaging dinaanan ng hangin kanina. Makikita rin ang papalayong tsunami ng mga alikabok hanggang sa maglaho na ito sa kanilang paningin.

Si Ydriz naman napakurap-kurap sa mga mata. Kinuso pa ang mga mata. Sa pagkakaalam niya sakto lang na liparin ang mga bandidong iyon pero bakit tila sobrang lakas yata ng hangin na tumama sa mga bandido kanina? Higit sa lahat parang may sariling buhay na ang hangin dahil iniwasan sila nito hindi tulad dati na tinangay pa siya sa kanilang lobby dahil sa pagtawag niya noon ng hangin.

Ang limang mga kalalakihan naman napapaatras habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin kay Ydriz. Bumuka-tikom ang mga bibig at halos bumigay na ang mga tuhod sa sobrang panginginig.

"Isang... Isang nature summoner." Sambit pa ng isa at ilang sandali pa'y mabilis silang lumuhod at paulit-ulit na humingi ng tawad.

"Patawarin niyo po kami Binibini. Patawarin niyo po kami." Ang paulit-ulit nilang sambit.

"Nature summoner?" Nakakunot ang noo na tanong ni Ydriz sa sarili habang nakatingin sa limang mga lalake na nanginginig sa takot habang nakaluhod.

"Nature Summoner, tawag sa mga Mystikan na may kakayahang tumawag ng pangyayaring katulad sa mga pangyayaring gawa ng Nature. Tulad ng ulan, baha, tsunami, lindol, pagtubo ng mga halaman o anupamang mga pangyayari. Maari silang tumawag ng disaster or katulad ng ginawa mo sandstorm kanina." Paliwanag ni Vincent. Napatingin siya sa limang kawal na nanginginig ngayon sa takot.

"Anong dahilan at bakit niyo hinahabol ang binibining ito?" Tanong ni Vincent sa lima.

Huminga ng malalim ang isa sa kanila bago sumagot.

"Inutusan kaming dalhin ang Binibini sa prinsipe ng Yulliande ngunit tumakas siya." Lumunok siya ng ilang ulit bago muling nagsalita.

"Dahil hindi kami dumating sa tamang oras nilusob ng Yulliande ang syudad ng Frin. Balak naming dalhin ang Binibini sa kanila sa pag-asang hindi na tuluyang sasakupin pa ng Yulliande ang Elfiro." Dagdag pa nito.

Nagkatinginan sina Vincent at Milton. Nasa Elfiro sila at malayo sa lugar kung saan talaga nila gustong pumunta. Napatingin sila kay Ydriz na sinisipa-sipa ngayon ang makikitang maliliit na bato na nahalo sa mga buhangin habang nasa likuran ang dalawang kamay.

Nakarinig sila ng ubo kaya napatingin sila sa bagong gising na babae. Mabilis na lumapit si Ydriz sa tapat ng babae.

"Ayos ka lang ba?" Kinuha ang lalagyan niya ng tubig mula sa kanyang backpack at pinainom ang babae.

"Salamat Binibini." Pagpapasalamat ni Alinaya sa paos na boses pagkatapos makainom ng tubig.

"Kaya mong tumayo?" Inalayang tumayo ang babae ngunit napapaupo ito dahil sa sakit ng paa.

Kumuha siya nga puting tela sa loob ng backpack upang itali sa sugatang mga paa ni Alinaya.

"Ako na ang gagawa niyan Miss Ydriz." Sabi ni Andrey at tinanggal ang punit-punit at duguang sapatos ni Alinaya saka kinuha ang hawak ni Ydriz na puting tela at itinali sa mga sugat ng dalaga.

Tinaboy nila ang limang lalake bago sila muling naglakbay papunta sa kasalungat na direksyong pinagmulan ng limang kalalakihan kanina.

Si Alinaya naman binuhat ni Milton na nawalan na naman ng malay ngayon dahil sa pagod at panghihina ng katawan.

"Kilala niyo ba yung mga tinatawag nilang bandidong itim? Bakit pinatawag niyo ako ng hangin kanina?" Tanong ni Ydriz.

"Mga bandido sila na ang sinumang gagawing biktima ay tinu-torture. Ang lahat na nabibihag nila mas pipiliin pang magpakamatay kaysa mahuli nila at mapahirapan. Lalo na sa mga kababaihan." Sabay tingin kay Ydriz.

"Ang tanong bakit sila nandito?" Tanong ni Andrey.

Napatingin naman sila sa babaeng nakapasan sa likuran ni Milton.

"Posibleng balak din nilang makuha ang binibining iyan." Sagot ni Mikoh sabay sulyap sa walang malay na dalaga.

"Napakaganda naman kasi niya. Nakakatomboy nga e." Sambit ni Ydriz ngunit napataas ang isang kilay makita ang kakaibang tingin nila sa kanya.

"Bakit kakaiba ang mga tingin niyo?" Nagsiiwas naman sila ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad.

***
Papalubog na ang araw habang panay kuha naman ng larawan si Ydriz.

"Smile naman kayo. Lagi lamang kayong parang natatae."

"Pwede ba mamaya na? Ang panget ko na kaya?" Reklamo ni Yiu at hinarang pa ang dalawang braso sa mukha para di makunan ng larawan.

Ngumiti naman si Andrey para maganda ang kuha sa kanya.

"Ganyan dapat. Ang poge mo Andoy." Natapilok si Andrey sa narinig at naglaho ang ngiti sa mga labi.

"Andrey nga."

Naunang maglakad si Ydriz at nakaharap siya kina Vincent habang patuloy sa paglalakad. Nakaharap ang video camera kina Vincent.

"Matutumba ka sa ginagawa mong iyan. Maraming nakausling mga bato sa lupa kaya kailangan mong mag-iingat." Paalala ni Vincent sa kanya.

"Kaway muna sa cam-aray." Bumangga kasi ang paa niya dahilan upang mapaupo siya. Bago pa man tuluyang tumama sa lupa ang pang-upo may humila na sa kanya pabalik.

Napasigaw siya sa gulat dahil bigla siyang pinasan ni Vincent.

"Te-teka uy." Pero di siya pinansin. Pagod na din naman siya sa kakalakad kaya di nalang siya umangal at yumakap na lamang leeg nito at ipinatong ang ulo sa balikat ni Vincent saka nagsimulang pumikit.

Sandaling napatitig si Vincent sa mukha ng dalaga na sobrang lapit lang sa mukha niya. Huminga siya ng malalim bago itinuon ng muli ang tingin sa dinadaanan.

Sa isang bahagi ng disyerto naman kapansin-pansin ang mga gumagalaw na buhangin. Makikita ang mga daliri hanggang sa lumitaw ang mga kamay bago ang katawan.

Pinagpagan ng lider ng grupo ang katawan saka napatingin sa mga kasama na bumabangon mula sa pagkakalubog ng mga katawan nila sa buhangin.

"Boss. Lagot tayo kay Master nito." Salubong sa kanya ng sa isa nilang kasama habang pinagpagan nila ang mga alikabok at buhangin na dumikit sa kanilang mga katawan.

"Kailangan natin maibalita kay Master ang tungkol sa pagbabalik ng Nature Summoner." Sabi niya at saka hinanap ang iba pang mga kasamang nabaon sa mga buhangin para makabalik na agad sila sa kanilang Master.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top