Strait forest 6: Death of handsome soldiers
Chapter 6: Death of handsome soldiers
======
"Im doomed." Sambit ni Ydriz at napa-sign of the cross pa.
Naglakad palapit sa kinaroonan niya ang lalakeng naka-cloak. Kaya nakita niya ng mabuti ang hitsura nito. Maputla, may eyebag at nang bahagya itong ibuka ang bibig don niya napansing may pangil ito.
SSSSH!
Nanlaki ang mga mata ni Ydriz maramdaman ang malamig na bagay na gumapang sa kanyang binti. Lalo pang lumaki ang kanyang mga mata makita ang gumagapang na ahas sa kanyang binti. Mga 24 inches ang haba nito pero singlaki lang ng hintuturo ang katawan. Sobrang itim din ng kulay.
“Hideout ba to ng mga ahas? Bakit ang daming ahas rito? Mommy! Daddy! Ayaw ko pang mamatay. San ba ako magpakagat? Sa mga mukhang halimaw na yun o sa ahas na to?”
Nagtagpo ang kilay ng lalakeng naka-cloak at bahagyang napangiti dahil may naamoy siya sa lugar na iyun.
Presko pa ang amoy.
Bagong-bago pa.
Amoy...
Amoy...
Ihi!
Kaya tiningnan niya ng masama yung isa sa mga kasamahan niya na pipikit-pikit pa habang umiihi malapit sa kanya.
"Lanyaka Muro! Dito mo pa nilabas yang mabaho mong ihi." Sigaw ng lalakeng naka-cloak na malapit sa kinaroroonan ni Ydriz.
Maya-maya'y may gumalaw-galaw sa may damuhan kaya lumapit ang naka-cloak na lalake rito at agad hinawi ang mga dahon at halaman.
Napapigil pang lalo ng hininga ang si Ydriz at ilang saglit ay napatakip siya ng tainga at napangiwi dahil lakas ng sigaw ng lalakeng naka-cloak na ito.
"AAAAH!" Ang umalingawngaw na sigaw ng lalake habang pilit na tinatanggal ang maliit na kulay itim na ahas na nakapaikot sa leeg niya at kagat-kagat ang kanyang ilong. Natumba siya at nagpagulong-gulong sa sahig.
Ilang minuto pa'y nagsipagtumbahan din ang mga kasamahan niya. Katulad ng lider may mga kagat din sila ng ahas sa parte ng mga katawan. Saka nila napansin ang mga maliit na mga ahas na gumagapang sa lupa. Nagpaputok ang iba at pinagbabaril ang mga ahas, dahil don sunod-sunod din ang pagsabog na nangyayari dahil sa pagsabog ng mga na-trigger na mga bomba.
Si Ydriz naman ay napa-goodbye world na habang nakatakip ang dalawang kamay sa tainga.
“Kundi man ako mamamatay rito siguro namang mabibingi ako.” Ang nasambit na lamang niya hanggang nawala ang ingay.
Nang tuluyan ng tumahimik ang paligid kinurot ni Ydriz ang sarili. Ngunit napaaray siya dahil sa sakit.
"Nasasaktan parin ba pati multo?" Saka sinuri ang katawan. Wala siyang galos pero yung damit niya may mga kunting sunog habang nagkandauling naman ang mukha at balat.
Kinuha muna niya ang salamin sa may bulsa at tingnan ang sarili. "Pwede na akong maging bida sa horror movie. Ako nga lang ang aswang." Magulo ang buhok, nangingitim ang mukha na may kasama pang alikabok. May nakadikit pang mga dahon sa punit-punit ng damit. Mas malala pa sa pulubi ang ayos niya. Ni di na niya makikilala ang kanyang sarili.
Gumapang siya para makaalis sa ilalim ng kahoy na patay na ngayon. Wala ng mga dahon at tanging katawan nalang ang natira.
"Buhay pa nga ako. Di ako tumagos eh." Tumayo siya upang tingnan ang paligid kaso may nagpaulan ng laser bullets kaya napayuko siya at napatago sa may malaking bato.
Kinuha niya ang slingshot at pumulot ng maliit na bato saka tinira sa gawi ng bumaril sa kanya gamit ang laser gun.
Sa kabilang dako naman, cool na cool pang naka-ready position si Vincent or captain Ibarra habang nakadapa. Kaso napaungol dahil sa maliit na batong tumama sa kanyang noo. Nakakita pa siya ng maraming star sa ibabaw ng kanyang ulo.
"That was so fast. Ni di ko namalayan." Sabi niya sa sarili.
"Captain ang tigas nga ng bungo mo. Sa halip noo mo ang mabutas yung bato pa ang nabasag." Manghang sabi ni Yiu.
"Tumahimik ka nga." Sabay kuha sa maliit na tipak ng batong tumama sa kanyang noo. Patay na bato iyun at kulay dilaw na. Kaya pala nabasag.
"Humanda kayo. Iyan siguro ang pinakapinuno nila. Dahil di siya napano sa bomba." Paalala ni Milton sa mga kasama.
Yun kasing mga kalaban na di nakatakbo at nasama sa pagsabog ay nawasak ang mga katawan at naging abo. Hindi mga ordinaryong mga bomba ang mga gamit nila. Ang sinuman kasing matamaan nito ay magiging abo kaya nagmistulang maliit na disyerto ang parte na naapektuhan ng pagsabog ng bomba kanina.
Inihanda nila ang mga sarili at ang mga laser gun para paulanang muli ang malaaswang na nilalang na nakita nila. Pero nagulat sila nang galit na galit itong sumigaw.
"Hoy! Mga walangya kayo! Papatayin nyo ba ako? Sinira nyo na nga beauty ko pati ba naman buhay ko!" Inis na inis na sigaw ng malaaswang na nilalang.
"Wala ka namang beauty miss!" Sagot naman ni Yiu kaya binatukan siya ni Mikoh. Kasi nalaman tuloy ng malaaswang na nilalang na ito kung saan sila nagtatago.
"Mukhang hindi siya kalaban." Sabi ng Captain Ibarra.
"Anong hindi eh, mas malala pa nga ang hitsura niya kaysa sa mga malahalimaw na iyun." Sagot din ni Andrey.
Sumigaw muli ang malaaswang na babae na naglalakad na ngayon sa gawi nila.
"Lumabas kayo dyan mga duwag. Wag kayong magtago! Hoy! Ang duwag-duwag nyo talaga!" Sigaw ng malaaswang na babae.
Nagkatinginan ang pitong Rangers. Iniisip kung ilusyon ba siya, tao ba siya o kalahi ng aswang. Sinuri nila ang hitsura ng nilalang na ito. May mga sunog na ang mga kasuotan ng malaaswang na ito at punit-punit pa. Kahit ang suot na sapatos nagkapunit-punit na rin. May mga uling pa ang mukha. Samahan pa ng nagkakulot na dulo ng buhok na wari'y nasunog. At may brown na sumbrerong may kaunting sunog. Malapit na itong magkulay abo at di na brown.
May camerang nakasabit sa leeg niya at isang slingshot sa kabilang kamay habang yung isang kamay nakahawak sa strap ng backpack.
"Reporter kaya siya?" Tanong naman ni Seo. Habang nakatutok parin ang armas na hawak niya sa malaaswang na babae.
Nagtaka sila kung bakit tumahimik ang babae at parang may pinapakinggan.
"Sige, magtago na kayo at magtatago na rin ako." Sabi ng babae at bigla nalang nawala.
Saka nila narinig ang mga yabag na paparating. Marami ito kumpara sa unang humabol sa kanila. Napakuha ng sigarilyo ng di oras si Andrey. Saka sinindihan.
Pinindot naman agad ni Seo ang cellphone at tinawagan ang ina para makapagpaalam bago pa man mamatay.
"Hello mom. I love you. Kahit dito ako mamamatay gawan mo parin ako ng lapida dyan." Pamamaalam niya. Kaso ang sagot sa kabilang linya ay
"Toot! tot! Tot!"
"Ma! Ba't mo pinatay?" Sabi pa niya na naiiyak na.
"Gago! Walang signal dito." Sagot ni Vincent.
"Sowri. Nakalimutan ko." Sabi na lamang niya at binaba ang phone.
"Saka wala ka ng mommy duh!" Singit ni Milton.
"At wala karing load." Dagdag pa ni Yiu.
"Suportahan niyo naman ako kahit paminsan-minsan lang." Sagot ni Seo at inirapan ang mga kasamang nangboking sa kanya.
Agad silang lumipat ng mapagtaguan habang si Yiu ay itinataas ang cellphone. Naghahanap ng signal.
"Huy! Yiu! Mamaya na yang facebook. Mamamatay na tayo post ka parin ng post kita na ngang nasa panganib na tayo oh." Sita ni Mikoh rito.
"Kaya nga susulitin ko na para kung sakaling mamamatay na tayo eh may remembrance naman ang mga friends natin. Lalagyan ko pa ng #deathofhandsomesoldiers. O di ba- aray." Nabatukan kasi siya ni Mikoh.
Gaganti na sana siya pero nang makitang ang sama ng tingin ng captain nila, agad na naitikom ni Yiu ang bibig. Sabay paalala sa sarili na dapat May military manner para di maparusahan ng captain nila.
"Ayun sila!" Sigaw ng kalaban at pinaulanan sila ng mga bala. Mabilis naman silang nakakubli sa mga halamanan at kakahoyan. Gumanti sila kaya nagpalitan na ngayon ng mga bala ang dalawang panig.
Ilang sandali ay natigilan sila makarinig ng mga kakaibang tunog. Parang boses ng libo-libong mga daga. Napahiyaw pa sila ng dumagundong ang mga kaluskos at nakita ang mga nag-uunahan sa pagtakbo galing sa kani-kanilang mga lungga ang libo-libong mga daga na may iba't-ibang mga laki.
May tumulay pa sa katawan ng pitong mga sundalo. Yung iba tumalon na ikinaaray nila dahil sa matutulis na mga kuko. Napaawang na lamang ang kanilang mga bibig at nanlalaki ang mga mata sa kakaibang nangyayari sa paligid.
Nagkatinginan ulit sila at ngayon naman ay napatingala dahil nakarinig sila ng ingay ng mga bubuyog at napansin na medyo dumilim ang langit. Halos lumuwa na ang kanilang mga mata makita ang nangigitim na mga bubuyog sa langit.
Si Ydriz naman ay napapangiti dahil sa tuwa. Ngayon lamang niya nalamang kaya pala niyang magtawag ng hayop kahit ibulong lamang niya ito sa hangin.
Samantalang napatakbo ng di oras ang pitong rangers dahil pati sila ay hinabol ng mga bubuyog. Napilitan silang lumubog sa tubig ng ilog na kanilang nakita. Lubog-litaw ang kanilang ginagawa para makakuha ng hangin. Ilang oras din silang ganoon hanggang sa mapansing wala ng mga bubuyog ay saka pa nila inahon muli ang mga ulo.
"Hindi nga ordinaryo ang forest na ito." Sabi ni Vincent. Ngunit napakunot ang noo mapansin na may nakapaikot sa leeg niya.
"Ano to?" Kinuha niya ito at tinignan.
Napansin niyang isang piraso ng kulay puting tela. Inunat-unat niya ito at napansing underwear pala ito ng isang babae kaya naman mabilis niya itong tinapon na kala mo nakuryente sa nahawakang bagay.
Kaso papunta na naman sa gawi niya ang bagay na iyon kaya naman nagmamadali siyang lumangoy palayo. Kaya lang papunta parin sa gawi niya ang bagay na iyon kaya naman lumubog na lamang siya sa tubig.
Si Ydriz naman halos maiyak na. Bakit kasi di niya nai-check ang bag niya? Naglalaglagan kasi ang mga gamit na dala niya at kasama na roon ang kanyang isang underwear. Balak pa naman niyang magpalit ng suot niya kaso nalaglag naman ang pinakaimportanteng pampalit na kailangan niya.
Yung isa pa naman niyang dala ay basa parin hanggang ngayon. Nagsisi tuloy siya kung bakit tatlo lang ang dinala niyang pangloob.
"May baby undies ko nasan ka na ba?" Sambit niya at hinanap ang nawawala niyang baby undies.
Maya-maya pa'y nakita niya ang hinahanap na nakalutang sa tubig. Naghanap siya ng mahabang sanga ng kahoy at isinungkit dito.
"Ito na. Malapit ko ng makuha." Sambit niya makitang sumabit na sa panungkit niya ang tela nito.
Napangiti siya dahil malapit na rin niya itong makuha. Nang bigla na lamang may lumabas mula sa ilalim ng tubig.
Hinihingal na inilitaw ni Vincent ang ulo sa tubig. Hinanap agad ang bagay na iniiwasan niya kanina. Nang mapansing di na niya ito nakita, napahinga siya ng sobrang luwag. Kaya lang may nakita siyang pigura sa tabi ng ilog kaya napatingin siya rito.
Sumalubong sa kanyang paningin ang napakagandang mukha na parang dyosa sa kanyang paningin. Kaya lang naniningkit ang mga mata ng dyosang ito na nakatingin sa kanya.
"Ano bang kasalanan ko?" Nagtataka niyang tanong sa sarili. Saka napansing may bagay na nakapatong sa kanyang ulo.
Dinampot niya ito gamit ang kaliwang kamay at tinignan. Napainom pa siya ng tubig sa gulat makitang iyo yung bagay na iniiwasan niya kanina. Nanlalaki ang kanyang mga mata na napalingon sa dyosang galit na galit sa kanya.
"Miss... Hi-hindi ko sina..." Di pa man natapos ang sasabihin, tumama ang isang kamao sa mukha niya na ikinalunod niyang muli sa tubig.
Nang makaahon ulit, hindi na niya nakita pa ang galit na dalaga at wala na rin ang bagay sa kanyang kamay.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top