Strait forest 5: I'm Doomed


May mga ingay na naririnig ang pitong mga sundalong nasa gubat parin hanggang ngayon.

"Dito!" Tawag sa kanila ni Andrey na nakadapa habang nakatunghay ang ulo sa ibaba ng bundok. Agad silang lumapit sa kanya na nagsidapaan din sa lupa.

"Kilos na! Bilis!" Rinig nilang sigaw kasunod ng isang tunog ng latigong tumatama sa balat. Sumilip sila sa ibaba ng kanilang kinaroroonan. Kinuha ang mga teleskopyo para malinaw na makita ang mga pangyayari sa ibaba.

Natanaw nila ang mga taong walang saplot na nababalot ng mga matutulis na balahibo ang mga katawan. Katulad sa napatay ni Vincent nong una. Pinag-aagawan ng mga ito ang patay na hayop at kinain na di man lang niluto sa apoy.

"Ohgosh! Mga kumakain ng mga raw meat. Ni di man lang tinanggalan ng balahibo." Ang nasambit na lamang ni Andrey. Yung iba pinipigilang masuka. May dugo pa kasi ang paa ng isang leon na hawak ng isang taong may balahibong sing tulis ng karayom.

"Dapat pinaligo muna nila bago kinain. Di man lang nila hinugasan." Sabi naman ni Yiu makitang may putik pa yung piraso ng laman nong hayop na kinakain ng mga kakaibang tao na ito.

"Sa dinami-rami ng dapat mong pansinin iyun pa? Ibang klase." Sagot naman ni Seo.

Sinuri nilang mabuti ang buong paligid. Sa di kalayuan natanaw nila ang bunganga ng isang yungib. Marami itong mga bantay na balot ng mga metal ang katawan at kumpleto din ng mga armas.

Sa silangang banda ay butas na lupa at doon nila napansin na may mga nagbubungkal rito. May mga bantay rin sila. Ang di kikilos ay pinapalo ng latigong may matulis na metal sa magkabilang dulo.

"Bakit sila nagbubungkal ng lupa?" Pabulong na tanong ni Milton sa sarili na narinig naman ni Yiu.

"Gumagawa sila ng libingan ng mga bangkay." Seryosong sagot ni Yiu. Sabay-sabay naman siyang sinamaan ng tingin ng mga kasama kaya nag-iwas na lamang si Yiu ng tingin.

"Gumagawa sila ng underground hideout." Sagot ni Vincent.

Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng mga paparating na mga yabag. Mabilis silang umalis sa kinaroroonan at naghanap ng mapagtataguan. Kaso huli na dahil nakita na sila ng mga taong nakasuot ng itim na cloak.

"Ayun sila! Hulihin nyo!" Utos ng tingin nila'y alalay lang.

"Yung lider nila mukha lang alalay." Sagot pa ni Yiu at lumingon pa habang tumatakbo. Nakita niyang binatukan ang nagsalita sa katabi nito.

"Gago ka at ako pa ang utusan mong alalay ka." Galit na sabi nong isa. "Hulihin ang lahat ng manghimasok sa teritoryo natin!" Utos ng tunay na lider.

Sumunod naman agad ang mga kasamahan nito na nasa likuran. Hinabol nila ang pitong sundalo at dahil ayaw tumigil pinaulanan narin nila ng mga bala.

Tumalon sa ere si Vincent para di tamaan ng bala at umikot pa sa ere. Habang nasa taas pa, binaril niya ang mga kalaban bago bago pa man lumapat ulit sa lupa ang mga paa. Laking gulat niya dahil hindi naaapektuhan ng mga bala ang mga kaoaban na parang hinihigop lang ng katawan ng mga nakacloak ang kanilang mga balang galing sa baril ni Vincent na parang parte ito ng kanilang katawan.

"Kita nyo yun. Ang galing niyang mag air spin. Ang astig!" Sabi ng isa sa mga kalaban na humanga sa ginawa ni Vincent.

"Kung nainggit ka magtumbling karin mag-isa mo." Sabay tulak ng lider sa kanyang alaly na ikinagulong ng alalay sa lupa. "Ayan nakapagtumbling ka na. May free ikot pang kasama." Dagdag pa nito.

"Boss naman,gumulong yun hindi tumbling." Reklamo ng alalay.

"Yun ang tinatawag na ground spin. Bagong tuklas yun ng pag-ikot na ngayon ko lang nadiskubre." Pagmamayabang pa ng boss.

"Ang bobo talaga nitong boss namin kahit kailan." Bulong naman ng isa sa mga alalay ng boss.

Patuloy sa pagpalitan ng bala ang mga cloakman at ang mga Rangers pero dahil di natatablan ang mga kalaban napilitan ang pitong sundalo na maghanap ng mapagtataguan.

Kailangan nilang mapalitan ang kanilang mga armas ng laser gun. Kaya lang nasa loob ito ng naglalakihan nilang mga dalang back pack.

Habang si Ydriz nama'y kampanteng naglalakad. Nakahawak ang isang kamay sa strap ng backpack habang ang isa nakahawak sa camera. Maya-maya pa'y parang kidlat na agad nagtago sa makapal na mga ugat ng puno nang makarinig ng putukan. Dumapa siya para magkasya sa pinagtataguan.

May mga malalagong dahon din sa gawing ito at kung may darating man kailangan pa nitong yumuko at sumilip sa ilalim ng mga ugat ng puno para makita ang sinumang nagtatago sa kabila nito. Pero kung kailan iniisip niyang ligtas na siya ay napansin naman niyang masyadong malambot at malamig ang lupang dinadapaan niya. At ngayon lamang niya napagtantong nakapatong siya sa isang itim na ahas. Kasinglaki ng binti niya ang katawan nito. At kasing laki ng kanyang kamao ang ulo nito.

"Oh my gulay? Mommy! Daddy! Natatakot na ako." Ang di niya naiwasang sambit na halos mangiyak-ngiyak na. Lalo pa't gumalaw-galaw yung ahas. Sa lahat ng hayop, ahas ang pinakaayaw niya at kinatatakutan. Nong minsan kasing ginaya niya ang hss ng ahas na nakita niya ay kinagat siya nito. Kaya naman naisip niya na sa lahat ng mga hayop ahas lamang ang may lakas na loob na saktan siya kaya naman natatakot siya sa mga ahas.

"Waaahuhuhu!" Sigaw na lamang niya sa isip at mangiyak-ngiyak na sa sobrang takot. Habang panay dasal sa isip na sana di siya kakagatin ng ahas na ito. Kaso di umaayon sa kanya yung tadhana dahil itinaas ng ahas ang ulo at ibinuka ang bibig. Tuklawin na sana siya kaya mabilis niyang hinawakan ang ulo nito upang pigilan.

"Wag mo akong kagatin di ako masarap. Saka wag kang maingay may paparating." Sabi niya rito pero nagwawala naman ang nasabing hayop at pinaikutan pa siya ng katawan nito.

Naalala niya ang kanyang kwintas kaya kinapa niya ito sa leeg gamit ang isang kamay. Maraming nakabitin na mga palawit na gawa sa mga mamahaling bato ang kanyang kwintas. Hinanap agad niya ang pendant nitong hugis sphere na may 1 inch ang haba. Binuksan niya ang maliit na sphere at kumuha ng isang karayom mula sa loob ng sphere saka tinurok sa leeg ng ahas.

Naririnig niyang papalakas na ang mga tunog ng mga yabag habang unti-unti ring nanghihina ang ahas na hawak niya. Ilang sandali pa'y di na ito gumagalaw.

"May gamit din pala tong needle ni mama. Kaya pala ayaw niya itong ihiwalay sa akin dahil baka raw kakailanganin ko pagdating ng araw."

Tumigil ang yabag sa kinaroroonan niya kaya sinilip niya ito. May nakikita pa siyang papalayong mga naka-combat shoes at isang pares ang tumigil sa kinaroroonan niya at nagtago.

"Sundalo?"  Sambit niya sa isip makita ang isang cute na lalakeng nakasandal sa punong malapit sa kinaroroonan niya na nagmamadaling mag-assemble ng armas na di niya alam kung anong uri ng armas iyun.

Kaya lang nakita niya si Milton sa di kalayuan na nagtatanim ng bomba. Halatang nagmamadali ang mga ito na parang may humahabol sa kanila.

"Naloko na. Di nga ako malilitson o mababarbecue pero matutusta naman." Tumalikod sa gawi niya ang lalakeng nasa tapat niya ngayon. Kumuha si Ydriz ng maliit na sanga ng putol ng kahoy at sinungkit sa puwetan ni Yiu.

Napatalon naman si Yiu sa gulat at hinanap ang may gawa non pero wala siyang makita.

"Waah! Milton may multo." Sabay karipas ni Yiu ng takbo at iniwan ang lalakeng naglalagay ng mga bomba sa bawat madadaanan.

Napakamot na lamang siya ng ulo. Gusto lang naman sana niya itong kausapin at tanungin dahil tingin niya di naman sila masasamang tao. Balak lang naman sana niyang pagtripan muna yung isa.

Mabilis pa sa alas kwatrong biglang nawala ang lalakeng naglalagay ng bomba dahil sa mga paparating na mga yabag.

"Hanapin sila. Nasa paligid lang ang mga yun." Utos ng pinuno nila.

"Ibang grupo ba to? O kasamahan din nong nakita ko sa nagtapon ng kalansay?" Sinuri niya ang mga ayos ng mga mga bagong dating. Naka-cloak sila pero kapareho ang boots nila sa grupo noong nagtapon ng kalansay.

Naghiwa-hiwalay ang mga naka-cloak sa paghahanap sa pitong Rangers.

"Sandali!" Pigil ng pinuno. Kunti nalang sana ay mapapaapak na ang isa nilang kasama sa bombang natakpan ng mga dahon.

"Shit! Mukhang nahalata niya." Bulong ni Milton sa sarili. Nakita niyang suminghot-singhot ang mga cloakman.

"Lagot na. Naaamoy yata kami." Anang isip ni Seo.

"May lahi atang aso ang mga to." Ika naman sa sarili ni Yiu. Sabay amoy sa sarili. Nag-aalalang baka madali siyang matunton dahil ilang araw narin siyang di nakaligo.

"Naaamoy nyo yun?" Tanong ng lider habang nagpalinga-linga. At patuloy parin sa pagsinghot.

"Oo, naaamoy namin." Sagot ng isa na sumisinghot rin.

Nang suminghot ulit ang lider ay bigla itong sumigaw ng

"SINONG UMUTOOOOOT!"
Sabay takip ng ilong.

"AMBAHOOO!" Galit nitong sigaw.

"Prrrt!" Farting sound. Kaya nagkatinginan sila at napalingon sa isang puno kung saan nagtatago si Ydriz.

"Im doomed!" The girl said to her self. Kung kailan nasa panganib ang buhay niya saka naman sumakit ang tiyan niya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top