Strait forest 3: Unknown creatures


Chapter 3: Unknown creatures
=====


Nag-empake silang muli dahil pupunta sila ngayon sa isang parte ng lugar kung saan matatagpuan ang tulay na may mga buwaya sa ibaba. Balak kasi nilang makakita ng real life crocodile sa lugar na ito.

Panay naman ng kuha ng mga larawan si Ydriz sa mga buwayang nakikita niya sa ilalim ng tulay. May lumalangoy, may di gumagalaw at ang makikita mo lang ay ang mata at ulo ng mga buwaya habang nakalitaw ang mga tinik sa likod.

Napapanganga pa siya tuwing may nakikita siyang buwayang bumubulusok pailalim sa tubig. Iba't-iba naman ang mga reaksyon ng mga estudyanteng mga kasama nila. May natatakot, may naeexcite, may namamangha habang siya naman ay napalingon-lingon sa paligid.

Ang gurong kasama nila ay di na niya mahanap. At nagtataka na rin siya kung bakit sila dinala sa lugar na ito. Ni di nila alam kung anong lugar ito. Wala narin ang mga driver sa tatlong bus na sinakyan nila at pakiramdam niya may mangyayari talagang hindi maganda.

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Hindi naman pwedeng don sila magkacamping malapit sa ilog. Paano kung aakyat ang mga buwaya at gagawin silang hapunan? Mukhang walang pakealam ang iba sa kahinahinalang pangyayari sa paligid.

Paalis na ang iba sa tulay na gawa sa metal kaso bigla nalang nasira ang inapakan nila. Nagulat naman ang iba pang mga naroroon dahil sa kalabog na likha ng nasirang tulay. Kasunod non ay ang sigaw ng isang estudyanteng lalake na nalaglag dahil nasira ang inaapakan nito.

Kasunod non ay ang sunod-sunod na tunog ng bumagsak sa tubig dahil sa mga estudyanteng isa-isang nagsipaglaglagan ni di nila alam kung bakit nasira ang kanilang inaapakan gayong mukha naman itong matibay.

Napatingin si Ydriz sa inaapakan niya na unti-unting nabibitak hanggang sa tuluyan na itong bumigay. Naramdaman niya ang malamig na tubig na sumalo sa kanya at narinig ang sunod-sunod na sigaw ng mga estudyante sa sobrang takot at pagkataranta.

"Aaah!"

"Aaaaaah!"

"Tulong!"

Mga sigaw ng mga estudyante na nagsisigaw sa sobrang takot. Hinahabol kasi ito ng mga buwaya na tuwang-tuwa dahil may masarap na pagkain silang nakita.

Napatingala siya at nakita ang isang lalake na nasa gilid ng tulay. Naka-evil smirked habang nakadungaw sa kanila. Pamilyar ang tindig nito pero di niya maaninag ang mukha.

Napansin niyang may halo ng dugo ang tubig at hiyawan lamang ng mga estudyante ang kanyang naririnig.

Isang babaeng estudyante na akmang kagatin ng buwaya. Agad kinuha ni Ydriz ang slingshot na nakasabit sa leeg at kinapa ang bala sa bulsa ng kanyang short. Ni-tirador niya ang mata ng buwaya kaya napaungol ito at lumubog muli sa tubig saka muling inangat ang ulo at ibinaling ang tingin sa direksyon ni Ydriz.

"Huy mga buwaya! Halikayo!" Tawag niya sa mga buwaya at kumaway-kaway pa. Napalingon naman ang iba pang mga buwaya sa kanya.

"Ydriz, magpapakamatay ka ba?" Di makapaniwalang tanong ni Jasmine mapansing papalapit na nga kay Ydriz ang mga buwaya. Mapupula ang mga mata ng mga ito na masamang nakatitig kay Ydriz.

"Patay. Mukhang mga demonyong hayop ang mga to." Nagmamadali siyang lumangoy palayo dahil nag-unahan ang mga itong lumangoy palapit sa kanya.

"Waaah! Mommydaddy!" Sigaw niya at nagmamadaling lumangoy palayo. Gusto niyang lumangoy patungo sa pampang ng ilog kaso hinihila siya ng agos ng tubig palayo.

Naramdaman niya ang malakas na hampas ng tubig. Pinilit niyang ikapa ang mga binti, kamay at paa pero animo'y may humihila sa kanya sa sobrang lakas ng agos ng tubig. Napapainom na siya ng tubig at halos mauubusan na siya ng hininga.

Pinilit niyang iangat ang ulo dahil hinihila siya pailalim. Hanggang sa naramdaman niya ang panghihina at tuluyan ng bumigay ang katawan.

"Ito na siguro ang katapusan ko. Makikita ko na siguro ang porgatoryo o ba kaya empyerno." Sambit niya sa isip at tuluyan ng nawalan ng malay.

***
Sa isang gubat naman, kapansin-pansin ang pitong mga sundalo na paikot-ikot lamang sa isang lugar.

"Nadaanan na natin to di ba?" Nagtatakang tanong ni Mikoh dahil kanina pa niya napansing pabalik-balik lamang sila ng dinaraanan.

"Dito." Sabi ni Vincent at sumuot sila sa makakapal na mga damo na mas mataas pa sa kanila.

Puro naglalakihang mga kahoy at naglalaguang mga damo at talahib ang palage nilang nadadaanan. At nang makaalis sa lugar na yun, bumungad sa kanila ang malinis na kapaligiran. Nagtataasan parin ang mga punongkahoy pero sa ibaba nito ay mga pinong mga damo na may nasa isa o dalawang inches lamang ang haba at maayos ang pagkakatubo.

"Wala namang kakaiba." Sabi ni Seo na pasan-pasan ang machine gun at maangas na naglakad habang nakataas ang noo kaso may naapakan siyang bagay na ikinabagsak ng puwet niya sa lupa.

May narinig pa siyang tunog na animo'y may nadurog na bagay. Kaya napatingin siya sa bagay na iyun at napaawang ang bibig sabay takbo sa likod ni Captain Vincent Ibarra dahil sa takot. Nasira tuloy ang astig lakad style niya.

Naji-jingle si Milton kaya naman tumayo siya palapit sa isang puno habang pa-whistle-whistle pa habang umiihi pero biglang naputol ang ginagawa at agad napa-zipper na ikinaaray niya kasi may naipit pa sa sobrang pagmamadali.

Naglalakad naman si Yiu nang bigla na lamang mauntog sa kung saan kaya napaupo siya.

"Kung sino ka mang umuntog sa akin masasapak talaga kita. Peksman. Dudurugin ko yang bungo mo maging sino ka man. Mahalimaw o madiyablo di kita uurungan." Sambit niya pa at marahas niyang inangat ang paningin at iniamba ang kamao na may mga masasamang tingin ang mga mata. At matapang na tiningnan ang sinumang halimaw na umuntog sa gwapong tulad niya. Pero sa halip na gumanti ay bigla siyang napasigaw at napayakap sa punong pinakamalapit sa kanya.

"Waaaah! Kuya Vincent!" Sigaw niya na nakayakap sa puno pero napatigil bigla dahil kasabay niyang sumigaw sina Seo at Milton.

Napamura naman si Vincent makita kung ano ang ikinagulat ng mga kasama. Kaharap ni Yiu ngayon ang isang katawan ng isang estudyanteng lalake na butas ang tiyan. Nakabitin ito patiwarik at vines ang ginamit sa pagbitin rito. Walang dugo ang nasabing katawan ngunit halatang presko pa ang sugat nito na tila ba kanila lang ginawa. Pero di na nila mahitsura ang mukha dahil balot ito ng sugat. Nakauniporme ito at may school ID pang nakasabit sa leeg kaya  nalaman nilang isa itong estudyante.

Si Seo naman ay hawak ang nabasag na bungo na naapakan niya kanina. Habang si Milton ay tinuturo ang mga kalansay ng mga tao sa gilid ng puno. Habang nakahawak sa may zipper niya.

Nakarinig naman ng mahihinang tawa si Mikoh kaya sinundan niya ito. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa ibabang bahagi ng kanyang kinaroroonan kaya dahan-dahan siyang sumilip pababa.

Unti-unti niyang nakita ang batis na napapalibutan ng mga puno at nakita ang tatlong mga babaeng nakatalikod habang naliligo na walang mga saplot.

"Sino at ano sila?" Bulong niya nang bigla nalang makarinig ng isang ungol mula sa kanyang likuran na agad niyang ikinalingon.

"Wag magpadala sa ilusyon." Cold na sabi ni Vincent at nakita ni Mikoh ang nakahandusay na lalaking may mga matutulis na balahibo sa katawan.

Nang tingnan muli ni Mikoh ang tatlong babae ay wala na ito roon at wala narin ang batis. Tanging mga kahoy at mga halaman nalang ang nakikita niya ngayon.

Pinag-aralan nilang mabuti ang kakaibang tao. Nakabahag lang ng dahon ang nasabing tao. At di nila mawari kung anong uri ng tao ito dahil kasing tulis ng karayom ang mga balahibo.

"Posibleng ang mga lahi nito ang pumapatay sa mga naliligaw rito." Paliwanag ni Vincent.

Sinundan kasi niya agad si Mikoh kanina dahil nagtaka siya kung ba't ito biglang umalis. Hindi muna siya lumapit nang mapansing may iba pang presensya ang nasa paligid. Pinili niyang magtago muna sa likod ng isang puno at hintaying lumabas ang may-ari ng presensya. Lumabas nga ito sa gilid lamang ng walang kamalay-malay na Mikoh. Akma nitong sasaksakin si Mikoh kaya lumabas na siya at sinaksak din ang mabalahibong lalake mula sa likuran.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad at naglagay din ng mga camera sa mga lugar na madadaanan.

Maya-maya pa'y napansin nila ang mga ibong nagliliparan palayo. At naramdaman ang kakaibang ihip ng hangin na nagpapatayo sa mga balahibo nila. May mumunting kaluskos silang naririnig kaya agad silang nagtago upang magmasid. Hinintay na darating kung sino mang may-ari ng kaluskos na iyun pero biglang nawala.

"Tsk!" Sambit ni Andrey dahil nagpipigil hininga pa siya tapos wala lang naman pala iyun. Bigla siyang tumayo upang umalis sa pinagtataguan pero agad ding napayuko para di tamaan sa isang bagay na lumipad sa gawi niya. Tumarak ang nasabing bagay sa katawan ng puno.

Isa itong maliit at matulis na metal. Hinanap nila kung saan ito galing pero wala silang makita. Pero napansin ni Vincent ang damong nayupi na animo'y may umaapak rito na dalawang paa ngunit di niya makita kung sino ang may-ari ng dalawang paang nakaapak rito.

Kinuha niya ang sumpit na may balang karayom na binalutan ng pampatulog at lason. Hinipan niya ito na nakatutok sa lugar kung saan ang invisible creature.

Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng ungol sa gawing iyun at nakita ang mga damong nagsipagtumbahan na animo'y nadaganan ng katawang hindi nila makita.

Naghintay pa sila at nakiramdam. Nang matiyak na wala ng ibang presensya ang naroroon saka pa sila lumabas at tinungo ang nilalang na di nila nakikita.

Nang dumampi ang palad ni Vincent sa invisible na nilalang ay unti-unting naging visible ang katawan. At ang di nila inaasahan ay naka-military camouflage ito. Agad nilang tiningnan ang mukha saka nag-search agad si Milton sa ipod niya at hinanap ang mga pangalan at impormasyon ng mga sundalong pinadala sa lugar na ito. Natuklasan nilang isa iyun sa mga sundalong unang pinadala ng pamahalaan na di na nakabalik.

"Tingnan nyo." Sabay turo ni Andrey sa may tiyan ng lalake.

Pinunit kasi niya ang damit nito para makita ang katawan at masuri. Napamura sila makitang may peklat ito na wari'y hiniwa ang kalahating katawan. Mula dibdib pababa sa tiyan ang peklat nito. Kumuha si Andrey ng kutsilyo at di nag-atubiling sinugatan sa tiyan ang lalake. Napamura sila makitang wala itong lamang loob at ang tanging nandoon ay mga wire.

"Robot ba to?" Naguguluhang tanong ni Seo.

"May nilalang na may matutulis na balahibo, tapos may invisible na parang robot. Anong klaseng nilalang sila?" Tanong ni Milton.

"Sa palagay ko resulta sila ng isang eksperimento." Sagot naman ni Andrey.

"Kung gagawa lamang sila ng eksperimento di pa binago ang mukha. Dapat pinagwapo narin nila, di tulad nito lalong pinapanget. Tsk!" Sagot ni Yiu na sinamaan ng tingin ng captain. Napaiwas naman agad siya ng tingin.

"Ikaw kasi Yiu eh, sinabi ng military manner wala ka paring manner." Sermon niya sa sarili.

Mapipilitan kasi siyang magmukhang malakas at matapang kapag nasa misyon sila gayong ang totoo ay isipbata talaga siya at masyadong dependent sa mga kasamahan niya. Hindi siya takot sa anumang death battle pero matakutin siya sa ibang bagay. At ang pinakakinatatakutan niya sa buong mundo ay ang halimaw nilang captain. Ang captain Vincent nila na tinatawag din niyang kuya kung wala sila sa misyon.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top