Strait Forest 15. mapa
Napangiti si Ydriz makakita ng batis. Makakapaglaba na rin siya. Kaya lang wala siyang gaanong alam sa paglalaba. Mabuti nalang talaga at minsan na siyang nakapaglaba kaya kahit papano may kaunti siyang alam.
Kinuha na niya ang mga marurumi niyang mga kasuotan. At inilubog isa-isa sa tubig. Kinukuso niya ang dumi kaya lang hindi natatanggal. Wala siyang dalang sabong panlaba, panligo lang kaya iyon na lamang ang ginamit niyang pang sabon.
Kaya lang nandoon parin ang dumi.
"Waah." Naiiyak na siya. Pag pinapanood niyang naglalaba ang mga katulong nila inaakala niya sobrang dali lang. Pero ang hirap naman pala.
"Babae pa ba to? Paglalaba lang di na alam?" Sabi ni Yiu at inikot pa ang mata. Sila nga alam maglaba. Syempre wala namang ibang maglalaba sa mga maruruming mga damit nila pag nasa mission sila kundi sila lang din.
Makitang hinampas-hampas si Ydriz ang short sa isang bato nilapitan na niya ito.
"Hindi ganyan. Ganito kasi." Kinuha ang short at nilubog sa tubig saka kinuso. Kinuha ang sabong hawak ni Ydriz at sinabunan ang short ng dalaga.
"Tapos banlawan mo." Sabi ni Yiu at ipinakita kay Ydriz ang short na kaaahon lang niya sa tubig. Malinis na ito at wala ng dumi.
Tumayo naman si Ydriz at humakbang palapit kay Yiu para matingnan ng mabuti kung malinis na malinis na nga ba ang short niya. Kaya lang nadulas siya dahil sa naapakang madulas na bato. Mabilis siyang nasalo ni Yiu ngunit nakita ng lalake na masusubsob sa mukha niya ang mukha ng dalaga kaya nanlaki ang mga mata at kaysa madikit sa kanya ang mukha at magkahalikan sila pinili nitong ibagsak ang katawan sa tubig.
Nalaglag din si Ydriz.
Hinihingal na umahon si Yiu sa tubig.
"Kinabahan ako don." Sambit niya at dinukdok ang dibdib.
Umahon naman si Ydriz at ilang ulit na napaubo. Naluluha ang mga mata na napatingin kay Yiu.
"Paumanhin po kuya ha. Di ko talaga sinasadyang madulas." Pagpapaumanhin niya. Ngunit maalala na nabasa ang suot niya hindi niya maiwasang mainis sa sarili niya.
Umahon na lamang siya at ipinagpatuloy ang paglalaba.
"Ganyan ka ba talaga? Alam mong puro mga lalake ang mga kasama mo tapos parang wala kang pakialam sa sarili mo?" Pangaral ni Captain Vincent sa kanya at pinatungan ng military coat ang dalaga.
"Magpalit ka muna ng suot." Sabi nito bago muling umalis.
"Wala na akong pampalit." Sagot ni Ydriz sa papalayong captain.
Naisipan niyang pahanginan ang katawan para mabilis matuyo. Ininguso niya ang mga labi at ipinuposisyon ang dila para magsimulang pumito.
Napahalukipkip naman si Yiu dahil saktong pag-ahon niya saka naman humangin sa paligid.
"Nananadya ba ang hangin na to?" Sambit niya na bahagyang nanginig. Niyakap ang sarili at tumakbo patungo sa tent niya.
"Malamig yung hangin. Mukhang may paparating na ulan." Mabilis niyang tinapos ang nilalabhan at isinampay sa mga mga tuyong sanga ng kahoy.
Ang iba may dumi pa rin kaso kailangang matuyo na ito ngayon dahil uulan na mamaya.
Tiningnan niya kung ayos ba ang tent niya. Nilapitan niya si Andrey dahil nakalagay malapit sa ilog ang tent ni Andrey.
"May malakas na ulan mamaya baka bumaha at matangay itong tent mo." Sabi ni Ydriz kay Andrey na nakasandal ngayon sa haligi ng tent nito.
Napatingala naman si Andrey sa langit at nakitang maaliwalas naman ang kalangitan. Ngunit makitang napakaseryoso ng mukha ng dalaga, tinanggal na lamang niya ang tent niya at inilipat medyo mataas na bahagi ng lupa.
Nilapitan na rin si Kodei dahil madadaanan ng tubig mula sa itaas na bahagi ng gubat ang tent nito.
"Dito mo dapat nilagay ang tent mo. Kasi kapag may malakas na ulan, dito dadaan ang mga tubig dahil parang kanal ang kinaroroonan ng tent mong ito." Gaya ng dati tiningnan lang siya ni Kodei.
Makitang walang balak kumilos si Kodei tumalikod na lamang si Ydriz at nagtungo sa ginawang bonfire ni Milton.
Dumating naman si captain Vincent na may dala ng dalawang rabbit at isang wild chicken.
"Di ba sabi ko magpalit ka kanina?" Salubong niya kay Ydriz makitang ganon parin ang suot niya.
"Ano naman kong sinabi mo? Wala nga akong pampalit. Saka tuyo na nga o." Sagot ni Ydriz.
Kinuha naman nina Mikoh at Seo ang hawak ni Vincent para malinisan na.
Matapos ihawin ang mga dalawang rabbit at isang manok inalis agad nila ang apoy.
"Problema to kapag natunton tayo dahil sa usok. Master Sargeant Milton, icheck mong mabuti ang paligid." Utos ni Vincent kay Milton.
"Sir yes Sir." Sabi nito muling kinuha ang laptop niya.
Pumasok na si Ydriz sa loob ng tent niya pagkatapos kumain. Kinuha na din ang mga sinampay niya mapansing dumidilim na ang kalangitan.
Pagsapit ng gabi nagkaroon ng napakalakas na ulan. Masyado ring malamig ang paligid kaya naman nanginginig ngayon si Ydriz habang nakayakap ng mahigpit sa kanyang bag.
Napaangat siya ng tingin makitang bumukas ang zipper ng kanyang tent. Isang kamay lang ang nakita niyang lumabas mula roon na may hawak na makapal na kumot. Tinapon ito sa gawi niya na ipinagtataka niya.
Sa pagkakaalam niya sakto lang ang laki ng dalang mga bag ng mga Rangers na ito pero bakit nakapaglabas ang mga ito ng makapal na kumot? Kinuha niya ito at ibinalot sa kanyang katawan bago natulog.
Kinabukasan, sobrang lakas parin ng ulan hanggang sa mga sumunod pang mga araw. Malakas rin ang hangin na sinabayan ng mga kulog at kidlat. Halos mabuwal na rin ang mga puno sa paligid. Mabuti na lang at di natatamaan ng malakas na hangin ang mga tent nila.
Rumaragasa rin ang malakas na agos ng ilog. Ang dapat sanang pinaglagyan ng tent ni Andrey ay nababalot na ngayon ng dilaw na tubig.
"Pano yan? Mamamatay na yata tayo sa gutom nito." Sambit ni Yiu na nakahawak na sa tiyan.
Kahit si Ydriz nagugutom na rin kaso may malakas na ulan at hangin. Saan sila makakahanap ng pagkain sa ganitong panahon?
Dinama ni Ydriz gamit ang isang palad ang patak ng ulan. Hindi niya maiintindihan ngunit tila may sinasabi sa kanya ang hangin ngunit di niya maintindihan dahil sa maingay na kulog at kidlat.
Napansin niyang hindi nababasa ang kamay niya kahit napatakan ng ulan. At di rin natatamaan ng hangin ang katawan niya kahit may malakas namang hangin sa paligid. Sinubukan niyang lumabas sa kanyang tent at napansing iniiwasan siya ng patak ng ulan na labis niyang ipinagtataka.
"Miss Florel anong ginagawa mo? Mapanganib ang lumabas baka tangayin ka ng hangin." Sigaw ni Milton para marinig ni Ydriz.
Kaya lang natigilan ito makitang parang iniiwasan ng hangin at ulan ang katawan ng dalaga.
Nabitiwan ni Vincent ang hawak na espada at biglang napatayo mula sa pagkakaupo niya sa loob ng kanyang tent.
Nagkatinginan ang pitong Rangers na parang may pinag-uusapan.
"Siya na ba ang hinahanap natin?" Tanong naman ni Kodei gamit ang mga sign language nila.
Naglaho si Ydriz sa kakahuyan. Susundan sana siya ni Milton ngunit pinigilan siya ni Vincent.
"Mapapahamak ka lang kapag pumunta ka. Hindi siya mapapano. Kita mo na ngang ang hangin at ulan na mismo ang umiiwas sa kanya?" Sabi ni Vincent.
Tatlong oras magmula nong umalis si Ydriz, at pagbalik niya may dala na siyang iba't-ibang uri ng mga prutas. Nakabalot ito sa military coat ni Vincent.
Napakunot naman ang noo ni Ydriz makitang iisang tent na lamang ang nanatiling nakatayo. May lawak na itong 35 meter radius. Sa gitna ng tent ay ang bonfire kung saan nakapaikot sina Yiu, Mikoh at Milton. Nakabantay naman sa labas sina Vincent, Seo, Kodei at Andrey.
Inabot ni Ydriz ang 20 kilos na karga na nakalagay sa Military coat ni Vincent.
"Pasensya na. Wala kasi akong mapaglalagyan kaya yung coat mo nalang. Wag kang mag-alala. Lalabhan ko siya bukas."
"Bakit alam mo bang maglaba?" Tanong naman ni Vincent. Saka naman naalala ni Ydriz na di nga pala siya marunong maglaba.
"Hindi. Pero matututo din ako." Sagot ni Ydriz at napayuko.
"Sa susunod wag ka ng pumunta sa alinmang parte ng gubat na ito para lang manguha ng mga prutas. Mga lalake kami. Kami ang dapat naghahanap ng makakain mo." Sabi nito.
"Alam kong hindi mapanganib sa akin ang ulan at hangin kaya naman hindi ako natatakot umalis. Saka nagugutom na kaya ako." Sambit niya. May kinuha siya sa likuran at inilabas ang tatlong wild rabbit na nakuha niya. Kaya pala may nakataling maliit na halaman sa kanyang baywang. Ito pala ang ginamit niya para maitali sa baywang niya ang tatlong rabbit.
"Di ko sila kayang patayin at di ko kayang makita silang nalulungkot o natatakot kaya sa likuran ko sila ipinuwesto."
Ang mga pitong rangers naman ay napayuko. Iniisip na dapat sila ang naghahanap ng makakain hindi si Ydriz na mas bata sa kanila at babae pa.
Hindi sana tatanggapin ni Vincent pero kinuha na agad ni Yiu.
"Tamang-tama. Gutom na gutom na rin ako." Sabi nito na di pinansin ang matatalim na tingin sa kanya ng mga kasama.
"Saan mo ba nilagay iyang pride mo ha?" Tanong ni Andrey.
"Ayaw kong isasama sa kamatayan ang pride ko. Para na akong mamamatay sa gutom kaya talikuran ko na muna ang pride na yan. Ibabalik ko nalang kapag nabusog na ako." Sagot ni Yiu at pinatay na mga hayop para malinisan na.
"Kung di matanggap ng pride niyo, bawi na lamang kayo sa akin kapag nawala na ang malakas na ulan na ito." Sabi ni Ydriz.
Ang totoo gutom na gutom na nga talaga sila. Sinubukan pa nilang sundan si Ydriz kanina kaso di talaga nila kayang lusungin ang malakas na hangin. Muntik na ngang matangay ng hangin si Mikoh, mabuti nalang at nahila nila pabalik. Napansin din nila na nasa 50 meter radius mula sa kinaroroonan nila ito lamang ang di naapektuhan sa napakalakas na hangin.
Ang mga prutas na dala ni Ydriz ang naging pagkain nila sa loob ng talo pang mga araw. Nahihirapan lang talaga sila kung saan sila magbabanyo kaya napipilitan ang iba na sa malapit sa tabi na lang ng ilog ilabas ang sama ng kanilang pakiramdam.
Sa kaso naman ni Ydriz, maari naman siyang lumabas o gumala sa kung kailan nniya gusto dahil bukod sa nalalamigan siya sa klima wala namang iba pang inaalala niya.
Ikaapat na araw, nawala na rin ang malakas na hangin at ulan. Kaya nagsimula ng maglakbay muli ang kanilang grupo para makahanap na rin ng makakain sa gubat.
Napamura si Milton makitang maraming mga red dot ang makikita sa monitor niya ngayon.
"Ayun sila! Hulihin nyo!" Sigaw ng isa sa mga kalaban na nakasalubong nila.
Napamura na lamang sila mapansing napapaligiran na pala sila ng mga ito. Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan sila sa mga ito. Pero hindi natatablan ang ibang mga kalaban ng anumang bala ng laser gun.
"Katapusan na yata natin sa mundong ito." Sabi ni Vincent na nakahawak na ngayon sa isang granada. Iyun nalang ang nag-iisang armas na natitira sa kanya.
"Pag ako talaga namatay mumultuhin ko sila." Sabi naman ni Yiu na nakahawak sa brasong duguan.
Papalapit ng papalapit na ang mga kalaban sa kanila. Mga sampung hakbang nalang sana at handa na silang makipagmano-mano sa mga ito nang bigla silang nakarinig ng alulong.
"Awooooow!"
Napatingin tuloy silang lahat kay Ydriz.
"Ginagawa mo?" Tanong ni Andrey.
"Kumakanta?" Sarcastic na sagot ni Ydriz. "Syempre umaalulong. Malay mo may darating na mga asong lobo." Dagdag pa nito.
Napataas sila ng mga kamay makitang nakatutok sa kanila ang baril ng limampong mga kalaban. Naghihintay rin ng oportunidad na makaagaw sila ng armas mula sa mga kalabang ito.
Si Ydriz naman ay umatungal na naman. Tapos umalulong ulit. Na ikinakunot ng mga noo ng mga kalaban at ng pitong Rangers.
"Huy! Tumigil ka nga!" Sigaw ng isa sa mga kalaban.
"Kung nainggit ka umatungal ka rin." Sagot ni Ydriz na ikinainis ng lalake at paluin sana ang dalaga sa hawakan ng armas nito. Pero iniharang ni Vincent ang katawan kaya siya ang nahampas at bumagsak sa lupa.
Si Ydriz naman ay inulit ang ginagawa pero wala paring nangyayari.
"Natatawag ko ang mga ibon, ahas at bubuyog. Hindi ko ba matatawag ang mga asong lobo?" Ang malungkot niyang sambit sa sarili.
"Baka mali yung tunog na ginawa ko." Sabi niyang muli. Naramdaman niya ang bakal na dumampi sa wrist niya. Nang tingnan niya ito isa palang kadena.
"Lakad!" Sabay tulak sa kanya. Dismayado siyang naglakad. Pero napatigil din dahil sa naririnig na mga alulong. At mga yabag ng kung sino-sinong tumatakbo at papalapit sa kinaroroonan nila. Nang inangat ni Ydriz ang paningin nakita niya ang mga pack ng mga asong lobo.
Napawoah na lamang si Ydriz nang makita ang libo-libong mga asong lobong paparating at tinalunan nito ang mga kalaban. Hindi agad nakakilos yung mga kalaban. Saka lamang sila natauhan ng maramdaman ang mga pangil at kuko ng mga nasabing hayop.
Sinampal-sampal pa ni Ydriz ang sarili para matiyak na di siya nananaginip. Maging ang pitong Rangers ay napatulala pero agad ding nakabawi.
Habang busy sa pakikipaglaban sa mga lobo ang mga kalaban sinamantala naman nila ang pagtakas.
Wala namang kahirap-hirap na sinira ni Ydriz ang kadenang nakagapos sa wrist niya saka siya kumaripas ng takbo.
Inalis din ng pitong Rangers ang mga kadenang nakagapos sa kanila. Nagulat sila makitang bukod sa mga asong lobo may mga ahas ding nagsidatingan. Hindi lang apat o lima kundi nasa higit sa tatlumpo. Nilagpasan sina Vincent at inatake ng mga ahas ang mga kalaban.
Hinanap ng paningin nila si Ydriz ngunit hindi na nila ito nakita pa.
"Nasan na naman yun?" Hindi maiwasang itanong ni Kodei.
Habang si Ydriz naman ay ngingiti-ngiti habang pinagmamasdan nito ang bukana ng Yungib.
"Ang ganda pala rito. Madami akong natatawag na mga hayop. Sino kaya ang nasa loob ng yungib na iyan ngayon? May alam kaya siya sa pagkatao ko? Mukhang exciting pala rito, nga lang nakakatakot." Sambit niya sa sarili.
"San tayo pupunta nito?" Tanong ni Milton sa mga kasama habang nililibot ang paningin sa buong paligid. Pawang kakahoyan lamang ang nakikita nila. At pare-pareho pa ang mga laki nito. Wala din silang makikitang bakas ni Ydriz para malaman nila kung nasaan na ito ngayon.
Napasandal si Vincent sa puno na nasa gilid ng batis. Saka napatingin sa braso niya. Napansin niyang may parang guhit ang panyong nakatali sa braso niya na may dugo na ngayon. Dumugo na naman kasi ang sugat niyang malapit na sanang maghilom.
Hinubad niya ito at nilabhan sa tubig ng batis saka muling tiningnan. Doon malinaw niyang nakita ang mga larawan na nakaguhit sa panyo.
"Tingnan nyo. Parang mapa ito sa gubat kung saan tayo ngayon." Agad naman silang nagsilapitan at pinagmasdan ang larawan.
"Mga sekretong ruta at tunnel ito ng yungib at mga undergrounds sa lugar na ito." Sabi ni Vincent.
"Bakit may mapa sa lugar na ito ang batang iyun?" Nagtatakang tanong ni Milton. Kay Ydriz kasi ang panyong may mapa.
Tinahak nila ang isa pang ruta. Nadadaanan nila ang mga inabandonang lupa na parang pinagminahan. Ilang oras rin silang naglakad hanggang sa matanaw ang lugar kung saan may mga taong nagbubungkal ng lupa.
Nagtago sila para di makita ng mga bantay. Saka sinuri nila ang paligid. Tiningnan kung may chance bang mapatakas nila ang mga bihag na pinagbubungkal ng lupa para makakuha ng mga diyamante.
Nakita nila roon ang mga sundalo kasama ang heneral na isa sa mga naging bihag. Punit-punit na ang mga damit nila at magugulo ang mga buhok. Nanlalalim rin ang mga mata na halatang kulang sa mga tulog.
Gumapang si Vincent para makalapit sa isang bantay. Nagtungo siya sa likuran nito. Dahan-dahan siyang tumayo para hindi mamalayan nito saka mabilis na hinawakan ang leeg at binali.
Ganon din ang ginawa ng anim sa iba pang mga bantay saka nila tinago ang mga katawan nito at ginamit ang mga kasuotan nila. Sila ang pumalit sa pwesto ng mga bantay at nagpanggap.
Nang tumunog ang parang trumpeta may bumukas na pintuan sa lupa. Lumabas mula roon ang mga kababaihang bihag na may mga dalang pagkain. Binigay nila ito sa mga kalalakihang bihag. Nakita pa nila roon ang mga sundalong kababaihan.
Iniwas nila ang mukha sa mga ito para di sila makilala. Kaso hindi umaayon ang tadhana dahil ang pinuno na mismo ng mga bantay ang nakapansin sa kanila.
"Huy! Kayo. Itaas mo ang mukha!" Utos nito kay Milton. Dahan-dahan naman niyang inangat ang mukha. Inihanda na rin ang sarili para atakehin ang lider na ito pag nakilala siya.
Pinagmasdan siya ng mabuti ng lalake. Pagkatapos ay nagsalita.
"Sabi ko na nga ba, gwapo ka nga. Sabihin mo kay Boss na marami na tayong nakuhang diyamante." Tumango lamang siya at pumasok sa nilabasan ng mga babae kanina.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top