Strait Forest 13. Sampul

Ydriz p.o.v

Hay, lakad. Lakad. Lakad. Lakad nalang ng lakad. Kakapagod kaya. Tapos ito pa. Ang bigat-bigat ng bitbit kong ewan kung anong armas ba to. Hindi naman siya katulad sa mga nakikita kong M16 rifle. Pero magkasing haba sila. Ito pang boots ko, ang bigat-bigat kaya.

Pinagitnaan pa ako ng pitong ito. Ang tatangkad pa naman nila kaya di na ako makikita kapag katabi ko sila. 5'6 ako at tingin ko sa kanila mga 6 foot pataas ang height nila. Tinaas ko ang bitbit kong armas. Masampulan nga to. Kinasa ko ang trigger kaya pumutok.

Bang!

May bala pala to? Kala ko dekorasyon lang.

Agad silang nagsidapaan. Akala siguro may kalaban.

"Sorry. Sinampulan ko lang." Sabi ko at nagpeace sign na may kasamang pekeng ngiti.

Inagaw tuloy ni captain Vincent Barako este Ibarra ang hawak kong armas.

"Di ka dapat basta-bastang nagpapaputok." Sabi niya pero napatigil bigla dahil sa kalabog ng kung anong bagay na nalaglag.

Napatingin kami sa tapat namin at nakita ang nakamaskarang tao na bumagsak galing sa itaas ng puno. Napalingon silang lahat sa akin.

"Paano mo nalamang may—" Di na natapos ni Milton ang sasabihin dahil bigla ng sumigaw si Vincent.

"DAPAAA!" Sabay tulak sa akin. Saka sunod-sunod na putukan na ang naririnig ko. Ako naman ito, napasubsob sa lupa. Wait mukhang di ito lupa ah. Parang buto.

Napa-ew na lamang ako dahil sa dinami-rami ng dapat kabagsakan ko ay ang kinalalagyan pa ng mga bungo. Ito yata ang mga ulo nong mga kalansay na nakita ko noon. Naghanap agad ako ng armas na maari kong gamitin.

Lumingon sa akin si Vincent sabay tapon ng baril sa akin kaso di umabot sa kinaroroonan ko. Gumapang ako para abutin ito. Mahirap ng tamaan ng bala nilang parang kuryente. Masusunog pa ako. Sayang ang beauty ko.

Nahawakan ko na sana pero may umapak pa. Kaya tumingala ako. Nakangising lalakeng may pulang mata ang sumalubong sa aking paningin. Adik ba to o bampira?

"Die!" Sabi niya at kinasa ang baril niya pero di pumutok. Eenglish-english pa wala naman palang bala.

"Die die ka pa. Wala ka naman palang bala." Sabi ko at hinila ang paa niya kaya napahiga siya. Kinuha ko ang baril niya at hinampas sa kanya. Kaya nawalan siya ng malay.

"Sa susunod kasi ihampas mo nalang." Sabi ko pa at pinagpagan ang damit sabay flip hair pero bigla akong napadapa kasi may lumipad na parang liwanag na kulay blue ang patungo sa akin. Iyun siguro ang tinatawag nilang laser bullets?

Tumama sa isang puno at nakita ko kung paano natunaw ang parteng tinamaan ng liwanag. Nakakatakot naman. Muntik na ako don a. Mabuti nalang talaga at mabilis ang reflexes ko.

Third person's p.o.v

Patuloy sa pakikipagbarilan ang mga Rangers. Pero nang tingnan nila si Ydriz ay wala na ito sa kinaroroonan. Tinapunan ni Vincent ng pampasabog ang kabilang kampo at naghand signal ang anim na umalis sila sa lugar na iyun.

Naglagay din sila ng mga bomba sa bawat nadadaanan. Saka sila nagtago sa di kalayuan. Saktong di maaapektuhan ng pagsabog. May nilagay din silang camera doon at ikinunekta sa laptop ni Milton.

Papasabugin na sana nila ang bomba pero napatigil si Mikoh sa pagpindot sa bomb controller dahil nakita nila sa monitor si Ydriz na papalapit roon.

"Pahamak talagang batang to!" Ang nasambit na lamang niya.

Napa No!No! Na lamang sila makitang papalapit si Ydriz sa mga untouchable bomb na itinanim nila.

Nakipagbarilan ng muli ang lima dahil papalapit na sa kanila ang mga nakamaskarang mga kalaban. Si Vincent ang may hawak sa remote controller para sa mga bomba at si Milton naman ang nag momonitor kung saan banda nagtutungo si Ydriz.

Napasabunot si Vincent ng buhok dahil sa labis na frustration. Kasi ba naman, naagaw na sana nila ang atensyon ng mga kalaban kaso tinawag pa sila ni Ydriz at kumaway pa para makita.

"Huy! Nandito ako!" Sabay takbo nito patungo sa nilagyan nila ng mga untouchable bomb. Napapapikit na lamang sina Vincent at Milton sa bawat ginagawang paghakbang ng dalaga. Lalo pa't di ito nakatingin sa dinadaanan.

Bago pa man makatayo si Vincent para irescue ang dalaga ay sunod-sunod na ang mga pagsabog ang kanilang naririnig galing sa mga untouchable bomb.

"No!" Sigaw pa ng captain at magtutungo sana ito sa kinaroroonan ng dalaga ng may bala ng kanyon ang patungo sa kinaroroonan nila. Agad silang nagsitalunan sa isang bangil. Sa ibaba nito ay tubig na karugtong sa ilog kung saan nalaglag sina Ydriz noon.

Kahit nasa tubig na'y pinapaulanan parin sila ng mga bala. Sumisid sila at nagtungo sa pinakagilid ng pangpang at kumubli sa mga naglalakihang mga bato.

"Dito kayo!" Tawag sa kanila ni Ydriz na nakatago at nakakapit sa likod ng mga vines sa bangil na iyun.

"Miss Ydriz?" Halos panabay nilang sambit na nagtataka. Mabilis din naman silang lumangoy palapit kay Ydriz at nagtago sa likod ng vines. Don nila nakitang may butas na lupa sa lugar na iyun at pwedeng pagtaguan. Nagmukha kasi itong maliit na kweba. Nga lang parang manmade na kweba. Kasi sadyang binutasan ang lupa at hinarangan ng malaking bato para di mapapansin.

Magtatanong sana sila nang mag-ssh ang dalaga na nilagay pa ang isang daliri sa bibig. Agad naman silang tumahimik.

"Hanapin sila!" Ang naririnig nilang boses.

"Nandito lang ang mga yun." Medyo papalapit na ang mga boses na ito sa kinaroroonan nila.

"Yung batang yun. Nakakatakot." Napahawak naman si Ydriz sa mukha dahil sa sinabi nilang nakakatakot na bata. Wala naman kasing mas batang tingnan sa mga kasama niyang ito maliban sa kanya.

"Nakakatakot ba talaga ang mukha ko?" Tanong niya sa isip.

"Bata lang yun! Duwag!"

"Mas nakakatakot yun kay Master." Hanggang sa mawala na ang mga boses.

Tiningnan nila si Ydriz. Kumuha si Ydriz ng kapiraso ng tela sa backpack niya at tinali sa sugat ni Yiu na nasa baywang nito. Tinalian din niya ang sugat ni Andrey sa paa ganon din ang sugat ng iba. Nang maubusan ng tela ay kinuha nito ang panyo sa bulsa at tinali sa braso ni Vincent.

Napansin ni Vincent na may sugat din siya sa tagiliran.

"May sugat ka." Sabay punit sa damit niya para itali sa sugat ng dalaga.

"Okay lang ako. Malayo sa bituka." Sagot niya. Dinuro naman ni Vincent ang sugat niya na ikinapikit ng dalaga dahil sa sakit. Binatukan niya si Vincent sa inis.

"Kita mo ng sugat di ba? Ba't mo ginalaw?" Sigaw niya.

"Tsk! Yan ba ang okay, nasasaktan?" Sagot din ni Vincent.

"Eh, sa hinawakan mo eh." Reklamo ng dalaga.

"Ehem! Bawal mag-away di pa kayo." Tukso ni Yiu na ikinasama ng tingin ni Vincent sa kanya. Si Ydriz naman naguguluhan.

"Anong di kami?" Tanong niya.

"Tsk!" Vincent replied at tinalian na ang sugat ng dalaga. Pinaikot niya ang kapiraso ng tela sa baywang ni Ydriz.

"Paano ka napunta dito? Di ba nandon ka pa sa itaas at nandon ka pa nga sa pinagsabugan ng bomba?" Tanong ni Milton.

"Tumalon agad ako dito bago pa man ang pagsabog." Sagot din ni Ydriz habang nakatingin sa mukha ni Vincent na seryosong pinapaikot ang tela sa kanyang baywang.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Tanong ni Milton.

"Ewan. Basta parang kabisado ko na itong lugar na to. Ewan ko lang kung bakit."

Pamilyar sa kanya ang bawat paligid kaya lang wala siyang maalala na minsan na siyang nakapunta sa lugar na ito.

"Bakit?" Tanong niya makitang nakatitig sa kanya si Vincent.

"Nakapagtataka lang at buhay ka pa kahit dalawang beses ka ng nasabugan ng bomba. Tao ka pa ba?" Tanong ni Vincent.

"Kung hindi ako tao kung ganon alien ba ako?" Tanong niya pabalik.

Naramdaman na ng pito ang kamig dahil sa basa nilang mga kasuotan kaya naman naisipan nilang magpalit ng damit.

Hinubad nila ang kanilang mga pang-itaas kaya naman tumalikod na agad si Ydriz. Ni-check kung may nawala ba sa mga gamit na dala niya. Nagpasalamat siya dahil kumpleto naman ito. Kaya lang tatlong araw na siyang hindi nakakapaglaba at naubos na ang kanyang pampalit.

Tatlong t-shirt dalawang long sleeves, tatlong shorts, anim na underwears, tatlong bra at dalawang stretchable pants lamang ang dala niyang kasuotan. Nakaapat na araw na rin siya sa lugar na ito kaya naman naubos na niyang gamitin ang lahat at hindi nagkakaoras na makapaglaba kaya naman wala na siyang iba pang maisusuot. Nagpasalamat na lamang siya ay si siya nabasa kanina.

===


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top