Strait Forest 10: the sound


Nang maipasok na siya sa loob ng tent ay panay ang reklamo niya at sigaw.

"Huy! Uwi na nga ako!" Sigaw niya mula sa loob ng tent kaso wala siyang marinig na ingay mula sa labas.

"Ano ba! Wag nyo akong iniinis kung ayaw nyong mapipilitan akong saktan kayo." Banta niya pa. Kaso mukhang wala paring nakinig sa kanya.

Sinubukan niyang buksan ang zipper nito kaso mabubuksan lamang pala ito mula sa labas. Hindi rin basta-basta napupunit ang materyal na ginamit nila sa pagawa ng tent na ito.

Sinubukan niyang butasan ang kutsilyo saka lang niya natuklasang hindi rin ito natatablan ng matutulis na bagay.

"Anong uri ng tela kaya ang ginamit dito para maging ganito katibay?" Nagsisi tuloy siya kung bakit di pa siya tumakas kanina o kagabi ba kaya.

"Wag n'yo akong ikulong dito. Buti sana kung may maraming chocolate rito wala naman!" Sigaw niyang muli.

"Palabasan n'yo ako! Pano pag binomba tong tent nyo? Di malelechon pa ako!" Ang patuloy niyang sigaw dahil wala parin siyang naririnig na sagot mula sa labas.

"Bobombahin ka talaga kasi ang ingay-ingay mo!" Sagot mula sa labas.

"Pwede bang tumahimik ka na diyan? Bakit ba ang ingay-ingay mo?" Sagot mula sa labas.

"Sinisigurado ko lang kung may tao pa diyan sa labas o may hayop akong makakausap. Ngayon alam ko na." Tumigil sandali. "Na may hayop nga."

Si Andrey na tinawag na hayop indirectly, umasim ang mukha. Kundi lang sa ayaw nilang maisama sa mapanganib na misyon si Ydriz hindi siya magbabantay ngayon dito. Mas pipiliin niyang makigyera.

Kaya lang balak ng heneral na yun na gawing guide si Ydriz na mahigpit na tinutulan ng team nila. Iyon ay dahil alam nilang suicide mission ang gagawin ng mga sundalong ito ngayon.

Umupo na lamang si Ydriz sa may gilid at sumandal sa bakal na ginagamit na stand ng tent. Pinagmasdang mabuti kung anong uri ng materyal ba galing ang tent na ito at di natatablan ng kutsilyo o ng kahit ano mang matutulis na bagay.

"Anong uri ng materyal ba gawa ang tent niyong to?" Tanong niya pa.

"Hindi yan basta-basta tent. Kala mo lang tent yan. Saka di yan natatablan ng bomba o maski bala. Kahit laser di tatalab diyan." Sagot ni Andrey mula sa labas.

Napawoah naman si Ydriz at tumayo saka hinimas ang inaakala niyang tela ng tent. Malambot at makintab ito.

Umupo na lamang siyang muli at hinawakan ang kwintas na dala-dala niya mula pa bata. Umupo siya at isinandal ang likuran sa bakal na parte ng tent. Kiniskis niya rito ang pendant ng kwintas niya dahil wala naman siyang ibang magawa maliban sa tumunganga. Kiskis-kiskis. Kiskis ulit na nagbibigay ng tunog ng pinagkiskis na bakal.

"Teka? Ba't parang lumilindol?" Napatigil siya saka pinakiramdaman ang paligid. "Wala naman pala." Sabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa.

Napansin niyang lumindol ulit. Binilisan niya ang pagkiskis bumilis rin ang paglindol kaya mas binilisan pa niya at mas bumilis rin ang lindol. Bigla siyang tumigil at bigla ring tumigil ang lindol. Naguguluhan siyang pinagmasdan ang kanyang kwintas.

"Bakit ganon? Ah, nagkataon lang siguro." Pinukpok na naman niya ang pendant ng kwintas sa bakal na stand ng tent.

"Aah!" Ungol na mula sa labas na wari namimilipit sa sakit.

"Aaaah!" Sigaw iyun mula sa labas na  sinundan ng iilan pang mga sigaw dahil sa sakit.

Lalo namang nilakasan ni Ydriz ang pagpukpok sa pendant sa bakal ng tent. Lalo ring lumakas ang mga sigaw mula sa labas. Nagmistula tuloy itong background sa tunog na nalilikha niya. Tinigil niya ito at mga ungol na rin ang naririnig niya.

Sa labas ng tent naman, aalis na sana ang mga sundalo kaso napatigil dahil sa pagyanig ng lupa. Napahawak pa sila sa kanilang ulo dahil sa kakaibang tunog na naririnig na nagpapasakit sa kanilang mga ulo na wari hinahati ito sa dalawa.

Ilang sandali pa'y naglaho ang kakaibang tunog pero bumalik ulit at mas lalo pang sumakit ang kanilang mga ulo dahil sa tunog na ito. Para ring hinahampas ng maso ang ulo nila dahilan upang para na itong mabiyak.

Nagtungo naman si Mikoh sa tent at binuksan ang zipper nito. Agad namang tumayo ang dalaga pagkarinig na bumukas ang zipper ng tent.

"Are you okay?" Tanong ni Mikoh na nakahawak parin sa ulo na halatang nahihilo at nanghihina parin.

"Yeah. Ano ba kasing nangyayari? Ba't sila nakahawak sa ulo at may nakahandusay pa o. May mga nakaluhod din." Pagtatakang tanong ni Ydriz na nakasilip na ngayon sa labas.

Nakita niya si Andrey na nakahiga na sa lupa habang hawak ang ulo.

May mga sundalo ring nakahiga sa lupa bukod kay Andrey. May nakataob, may nakaluhod at halos lahat nakahawak sa mga ulo.

"Didn't you hear a sound? Nakakasakit sa ulo. Nong una parang binibiyak. No'ng sumunod naman parang pinupukpok ng maso." Sagot ni Mikoh.

Napakamot sa ulo si Ydriz at napaisip. "Dahil nga ba talaga ito sa ginawa ko kanina? Subukan ko kayang muli?"

Bumalik na si Mikoh sa kung saan siyang platoon naka-asign. Tinanong muna siya ni Milton kung ayos lang ba ang dalaga at sinagot naman niya ito na di ito naapektuhan sa nangyari sa paligid. Na kanilang ipinagtataka. Aalis na sana silang muli para ituloy ang plano kaso napahawak na naman sina Milton at ang iba pa sa kanilang mga ulo. Dahil muli na naman nilang narinig ang kakaibang tunog na iyun.

Si Ydriz naman ay nakasilip sa labas habang kinikiskis sa bato ang pendat ng kanyang kwintas. Napangiti siya sa bagong nadiskubrehang kakayahan ng kwintas niya. At dahil sa may pagkapilya inulit pa niya ito ng inulit.

"Tingnan natin kung makakaalis pa ba kayo." Sabi niya sa isip.

Tinigil niya ang ginagawa nang mapatingin sa gawi niya si captain Vincent. Napakunot ang noo ng Captain makitang nagpipigil si Ydriz ng ngiti. Naglakad ang captain palapit sa kanya at nagdududang may kinalaman siya sa mga kakaibang mga nangyayari.

"What are you laughing at?" Cold nitong tanong.

"Hehehe! Ampanget nyo po kasing tingnan pag ngumiwi." Nakangiting sagot ni Ydriz.

Nagdududa namang nakatingin sa kanya si captain Vincent bago ito tumalikod ng muli sa gawi ni Ydriz. Lumabas si Ydriz ng tent at pinagmasdan ang mga sundalong medyo nahihilo pa at pasuray-suray pa ang mga ito kung maglakad habang hawak ang mga ulo.

"Anong tunog ba yun? Parang binibiyak ang aking ulo sa sakit kanina. At kahit takpan ko pa ang tainga ko ganon parin." Sabi ng isang sundalong may kaedaran na.

"Ano ba yan? Umiikot yung lupa." Angal ni Yiu. Nang damputin sana ang baril yung bato ang nakuha. "Pati yung baril nahihilo narin."

"Nalasing siguro." Gatong din ni Seo. Na ikinairap at buntong-hininga ng ibang mga sundalong nakarinig.

"Mga mukha niyo, nalasing." Sagot ni Mikoh na akmang batukan ang dalawang katropa.

"Ba't mo siya pinalabas?" Tanong ng heneral na nakahawak parin sa sentido at pasuray-suray rin sa paglakad. "She's our top priority. We need to keep her safe."

Napakunot ng noo si Ydriz. Why would this soldiers need to protect her?

Pero may binabalak siya. Ayaw niyang makadamay ng iba kaya di niya sinasabi. Gusto niyang walang ibang buhay ang masasayang. And lastly, gusto niyang tuklasin kung ano ang kinalaman niya sa lugar na ito.

"You can't go. And you can't lock me here. I can take care of myself. Kayo ang dapat nag-iingat. This place is not for ordinary human." Sabi ni Ydriz.

"Are you saying that you are not ordinary too?" Tanong ng heneral sabay tawa ng mahina. Sinamaan siya ng tingin ni Ydriz.

"Binalaan na kita." Saka pumasok muli sa loob ng tent. Ngumisi muna ang dalaga. "Don't blame me kung mahihilo kayo." Pahabol nito.

Mayamaya pa'y napahiyaw silang bigla dahil naging doble ang sakit na kanilang nararamdaman. Pinilit ni Vincent na maglakad papasok sa tent upang tingnan si Ydriz. Naabutan niya itong malakas na pinupukpok ang pendant ng kwintas sa bakal ng tent.

"Stop it!"

Agad namang itinigil ni Ydriz ang ginagawa at nawala rin bigla ang malakas na tunog at ang sakit na nararamdaman ni Vincent.

"Who are you? And what are you?" Naguguluhang tanong ni Vincent.

"Iyan din ang tanong na gusto kong malaman. I want to know who I am and what I am." Seryosong sagot ni Ydriz.

"Feeling ko kasi pamilyar sa akin ang lugar na ito na di ko naman maalala kung pa'no at bakit. Feeling ko malaki ang bahaging meron ako sa lugar na ito. Gusto kong malaman kung sino ako. Anong mga nililihim nina mommy at daddy sa akin? Maraming mga tanong  ang gusto kong masagot. And I think sa yungib ng mga unknown being na iyun ang kasagutan." Paliwanag ni Ydriz.

Natigilan naman si Vincent sa narinig.

"Stay here. Understand?" Ipinasok niyang muli sa loob ng tent si Ydriz.

"Oo na po." Niyakap na lamang ni Ydriz ang kanyang bag. Ilang sandali pa'y naisipan niyang magselfie na lamang.

Sinubukan niyang mag-online gamit ang data lamang. Napangiti siya mapansing may signal na. Naisipan niyang maghanap ng impormasyon sa internet tungkol sa Strait forest.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso makitang katulad sa apelyido ng kanyang ina ang pangalan ng nasabing gubat na ito.

"Boss. Captain! Tingnan mo." Pinakita ni Milton kay captain Vincent ang impormasyong nakuha niya tungkol sa Strait forest at kay Ydriz.

"Mukhang siya po ang susi sa mga misteryosong hindi natin malutas-lutas sa lugar na ito." Pagbabalita ni Andrey.

***

Sumigla si Ydriz makitang bumukas ulit ang pintuan ng tent.

"Maari na ba akong umalis?" Tanong niya agad.

"Ano nga ulit ang pangalan ng ina at ama mo?" Tanong bigla ni Vincent.

"My mother is Riza Strait. And my father is Ivan Florrel." Sagot ni Ydriz.

"You are admirals daughter?" Gulat na tanong ni captain Vincent.

"Admiral?" Sa pagkakaalam ni Ydriz na dating sundalo ang ama bago naging isang scientist at inventor. Pero di niya alam kung ano ang ranggo ng ama noong sundalo pa ito.

"Don't you know what place is this?" Tanong ulit ni captain Vincent.

"This is Strait forest." Sabi ni captain Vincent na siya ring sumagot sa sariling tanong..

"Yeah I know. But so what?" Nagtataka niyang tanong. Pero ilang sandali pa ay nanlalaki ang mga mata.

"Wait? Iniisip mo bang may kinalaman ang mama ko sa pangalan ng lugar na ito? Pwede namang nagkapareho o nagkataon lang di ba?" Pero sa totoo lang iyun din ang iniisip niya kaya di niya agad pinaalam ang middle name niya. Dahil maaaring may kinalaman ang lugar na ito sa pinagmulan ng kanyang ina.

"This place where the Strait family was buried and died. And most of all, this is the place where admirals daughter and son died." Sagot ni Captain Vincent.

Dumaan ang lungkot sa mga mata ni Ydriz maalala ang mga kapatid. Magmula no'ng mamatay ang kanyang kuya at ate, hindi na siya pinayagan ng mga magulang na lumabas pa ng bahay. Kamakailan lamang siya pinayagan na mag-aral sa isang private school at hindi na home schooled. At ngayon lang din pumayag ang mga magulang niya na sumama siya sa outdoor activities ng paaralan.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top