Yakap sa Yaman
Ikaw na yumakap sa mga nasusunog na dyamante
Minahal mo ito at tinuring mo'ng parte ng yong buhay
At tunay na kung ito'y mawala sa iyong palad para ka na ring namatay
Hinangad mo pang mga ginto ng mahirap ay iyong mapanghawakan
Humalakhak ka't tila wala ka ng kinatatakutan
Subalit manahimik ka't darating unos
Na talagang ang trahedya'y sa puso mo'y tatagos
Ginamit mo ang dahas at sa iyo'y ito ay babalik
At ang pagmamaliit mo sa mahirap ay isusumbat sa'yo ng dalawampung ulit
At panaho'y darating na ang hihilingin mo'y pumutla na lang ang iyong labi
Maririnig mo ang kanilang sinasabi
Usap-usapan ka sa lahat ng iyong mapuntahan
Heto na si Don Juan na sa pagmamahal sa yaman ay nabuwang....
written: July 27, 2001
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top