Walang Pamagat
Sa paglakbay natin sa tinatawag na buhay
Minsan kanyang kahuluga'y di natin matanto ang kulay
Sa bigat kadalasan ng natatamong pasakit
Masisisi mo ba ang taong kalungkutan ang maukit
Pilit nating inaabot minsan ang kaalaman ng ulap
Ngunit kabiguan ang ating naaapuhap
Kailan mapupunan ang bawat bakit
Di masagutan kahit sa mundo ng panaginip
Bagamat kadalasan naghahari ang pagkahapis
Sana'y di ito maging dahilan upang maging literal na punyal itong lapis
Dahil dito sa mundo'y marami pa tayong di nakita
Baka bukas magningning ang bagay na hinahagilap ng mata
Pumikit minsa't alalahanin ang buhay ng ibang tao
Baka ang hinahanap nati'y nasa malapit lang, wala sa malayo
O kaya'y samahan mo ako minsang damhin itong ihip ng hangin
Baka sakaling marinig natin ang kanyang boses na sa ating karamdama'y magpapagaling
2-2-2016
Mysterious_aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top