Panulat Na May Halong Gin
Di ko ito maliklikha kung walang halong gin
Kung hindi nagdilim itong paningin
Alak na sadyang nakakalasing
Ngunit minsan nakakatulong din
Kinabukasan bulsa ko'y maghihinagpis
Sa pulutan pitaka ko'y biglang ninipis
Ngunit sa maling bagay alam kong makakapulot ng aral ng mabilis
Kung malamang buhay ay lumihis
Ang tumahak sa mali minsa'y kakatwa
Bibigyan ka muna nang saya sa simula
Sa tawanang tila walang katapusan
Na sadyang magwawakas ng di namamalayan
Ang bisyo minsay nagpapaalala
Kung paano minsa'y ika'y lumala
Ngunit isang bagay ang sadyang natutunan
Bumukol ang aral dito sa bunbunan
At kung sakali mang mauulit muli
Hindi ako magsisisi
Dahil minsan ang gimik nagtutuwid ng mali
Tumutulong lumimot sa mga pagkasawi
Marahil humirit ka sa salitang napakinggan
O kaya'y pananaw mo'y di ito naintindihan
Subukan mo minsan kaibigan
Dahil kung hindi kailan ma'y di mo ito maiintindihan...
9-9-2015
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top