Pagbabago Ngayon Na (Ikalawang Bugso)

Di ba maganda kung ang tamang daa'y nakikita

Isipa'y buksan doo'y matatagpuan

Ang hiwagang himala ngunit sabi mo di mo makaya

Konting pagsubok lang kasi ayaw mo nang ituloy pa

Tumayo kang nadapa, ilakad mga paa

Habang may buhay may pag-asa

Labanan natin itong sigalot ng buhay

Konting tiyaga lang ito'y magbabawa

Di ba maganda ang bukas kung sa ngayo'y mayroon kang ginawa

Kung wala kang ginawa ano ang mapapala

Di ba ang bukas mong makikita'y wala

Gising tama na ang tulog

Ang kahapon ay wala na

Ang susunod na araw ay bukas pa

Ang dapat nating isipin may ngayon pa

Sige gawin natin ito... ngayon na.

written: Jan. 13, 2000 @ 10:00 am

Mysterious Aries

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: