Katatawanan


Halakhak na malakas ito ba ang uso

Samantalang pinagtatawana'y nasusugat ang puso

Sa mga pangyayaring di inaasahan

Sa bawat pagkakamali tiyak hangi'y mabibingi sa tawanan


Noong madulas si Kulas

O kaya'y noong napansing zipper nya ay bukas

Noong suot nyang damit ay butas

Sangkaterbang tawana'y bumulaslas


Katatawana'y ibigay sa mga payaso

Hagikhik na malakas ilugar sa komedyang kastilyo

Doon natin tipunin ang ating kabag

At di sa mga bagay na ang nararapat na ibalik ay habag


Noong magsalita si Kulas na uutal-utal

O kaya'y dahil sa ngipin nya na nagkabungal-bungal

Noong dinampot n'ya ang nahulog na pandesal

Ito ay ginawang katatawanan ng mga hangal


Ngunit alam ni Kulas na wala sa atin ang banal

Katatawanan may sumusugat sa puso n'yang pagal

Nanatili s'yang matatag sa karimla'y di sumugal

Bagkus mga tumatawa sa kanya'y isinama n'ya sa kanyang dasal


5-19-2015

Mysterious Aries

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: