Doon

Dama mo ay hirap at lungkot dito sa lupa
Sa iba'y ginhawa't saya
Mga mayayaman walang pangamba
And di nila alam di nila madadala

Paano di makapag-iisip ng masama
Ang taong tiyan na laman ay wala
Habang mayama'y tumatawa't tumataba
Hayaan mo kaibigan ang gutom mo'y mawawala

Doon sa dako roon walang problema
Doon sa banda roon gutom ay wala
Hinanagpis mo at luha'y mawawala
Mapapawi doon ang problema

Habang mahirap ay binabagyo
Masarap naman ang tulog n'yo
Kayo, kayo riyang walang puso
Masdan, masdan mo, pagmasdan mo

Maraming hindi alam ang mahirap
Sabi ng mayaman sila'y inosente't tanga
Ngunit di ba sa kanila'y sinabi
Mayaman ay mahirap mapabilang doon

Doon sa dako roon, mahirap ay mayaman
Doon sa banda roon, lahat ligaya
Doon sa dako roon, walang mayabang
Kaya doon tayo... mag-ipon ng yaman...

Written: Oct. 20, 1998

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: