Bulag sa Kulay

Sumigaw ang mahirap ngunit walang nakinig

Paulit-ulit na dinaing ang sakit ng bayan

Nabingi ang mga puno na kanyang katabi

Napaos ang boses at nag-umpisang umuwi

Mayama'y bumulong at narinig ng lahat

Mali-mali ang awit niya ngunit lahat pumalakpak

Isang galaw niya lang sumusulat sa aklat

Ang yaman talaga'y agimat

Bulag sa kulay, bulag sa kulay

Sino ang bulag sa kulay?

At kung sinabi mong ikaw

Ika'y di tunay

Mahirap ay nanligaw 

Di pa nga nakakapasok, siya na'y pinalalabas

Ngunit mayaman di na kailangang kumatok

Dahil laging bukas ang pintuan ng langit upang makapasok

Sa buhay ang ganito'y masakit

Ngayon sino ang bulag sa kulay?

At kung sinabi mong ikaw

Ika'y di tunay.....

written: June 2, 2000 @ 9:40 am

Mysterious Aries

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: