SaGaLa

SaGaLa

Matagal na pala nang huli kong panunuod ng sagala. Naging busy na kasi sa sariling mga gimik. Masaya... Masayang makakita ng iba't ibang kulay at disensyo ng mga saya na noon ay pinangarap kong masuot.

Noong bata pa ako nais ko ring maglakad sa kahabaan ng kalye, suot ang magarbo at puno ng manik na saya, sabay rarampa sa entablado, dala ang titulong ipinakikilala ko–Reyna na kung ano-ano. Marami akong masayang imahinasyon noon ngunit sa pagkakataong ito, ibang imahinasyon ang natupad.

Pilit kong pinipigilan ang pagngiti ko dulot ng kilig at tuwa. Wala ako sa entablado, narito ako sa baba at nanunuod ng mga binibining rumarampa ngunit iyong tuwa ko kinabog ang ngiti ng mga binibining ngayon ay nasa taas.

"Buti nakauwi ka. Ilang fiesta ang wala ka," bungad ni Archie, lalaking nakasuot ng americana.

Si Archie ay dati kong kaasaran–dating natitipuhan, kumbaga.

"Naggaganyan ka pala, ngayon ko lang nalaman," tukoy ko sa pagsasagala niya.

"First time."

Tumahimik kami at matagal na nagkatitigan. Maya-maya'y sabay na napangiti at nag-iwasan ng tingin. Pakiramdam ko'y may nais siyang sabihin ngunit hindi niya masabi.
Nagkibit-balikat ako at muling ibinalik ang tingin sa mga naggagandahang binibini sa entablado. Hindi pa man nag-iinit ang mata ko sa panunuod nng maramdaman ko ang mga titig ni Archie. Hindi ako sigurado baka guni-guni ko lamang iyon kaya minabuti kong simpatin siya gamit ang gilid ng aking mata. At tama ako... nakatitig nga siya sa akin.

Tuluyan ng nawala ang atensyon ko sa panunuod at natuon iyon sa malakas na pagkabog ng aking dibdib. Daig ko pang sasagot ng tanong mula sa hurado kung kabahan ako ngayon.

"Sagala."

"Huh?" kunot noo kong tanong kay Archie nang bigla na lamang siyang nagsalita sa tabi ko.

Ngumiti ang left side ng kaniyang labi kasabay ng pagtagilid ng kaniyang ulo.

"Sagala..." Tumingin siya sa kalangitan at napasunod din ako ng tingin.
Maraming bituin...
maliwanag na kalangitan..
malamig na simoy ng hangin...
malakas na tugtog ng amplifier...
Mabilis na tibok ng aking puso.
Maaliwalas na ngiti ni Archie.

"Sa matagal na panahong hindi tayo nagkita... Ga...ya pa rin ng dati ang nararamdaman ko sa 'yo...Lala, mahal pa rin kita..."

At doon ko naunawaan ang SaGaLa na tinutukoy niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top