Isang Malaking Sana
Nakahalumbaba ako sa aking study table habang iniisa-isang tignan ang aking mga gawain.
Ayoko na! pagod na ako.
I chatted my friend on messenger. We had our gc for our Tropa-nisasyon.
'I'm tired!" my message.
"Ako din. pagod na ako. Nakakastress magsagot." sagot naman ni Olivia.
"Potek! kakatamad na magsagot." sagot naman ni Crisha.
Ilan lang yan sa reaction din nila. They are my friends on my new school. I met them on my Senior High School and became my friends nung nagtagal.
Naalala ko ang mga kakulitan ng mga bago kong kaibigan kanina lamang.
"Awitt. Magmahal ka ng guard."
"May mahal na akong bebe ko." sabi ni Flinn.
"Sana ol mag bebe" epal naman na sabi ni Charis.
"Ayaw nyo sa guard? Bakod nga bantay sarado non. Ikaw pa kaya." muli kong chat sa kanila.
"Ay utass sayo Ella" reply ni olivia sa message ko.
"Mga gaga! ay utas sa inyo."
Kahit papaano ay napangiti ako sa mga naalala ko. Sila nga pala yung nag-iisang magandang nangyare sa akin dahil sa paglipat ko. The rest, wala na just a mess!
Nagscroll muna ako sa fb dahil nada-down na naman ako. Pero mas ikina-down ko na makita ang masasayang mukha ng mga kaibigan ko in my former school. Memories ito na nagbalik sa fb.
I smiled bitterly at the pictures. Iba't- ibang emosyon na naman ang aking naramdaman ng oras na iyon.
Bakit nga ba ako napalipat ng pinapasukan? Pilit akong ngumiti nang maalala ko kung ano ang dahilan ng paglipat ko.
'I want to take Exam on that department and school baka sakaling makapasa ako.'
Isang rason kung bakit pinilit kong tatagan ang loob ko na talikuran at ihakbang ang aking mga paa palayo sa tahanang nagpakilala at nagturo sa akin ng ibat-ibang karanasan.
Subalit ang rason na iyon ang maglulubog sa akin sa isang masamang bangungot dahil nang-iwan lamang ako ngunit hindi naman ako makapagtake dahil pandemic.
Habang napupuno ng inggit ang aking sarili sa tuwing tinitingnan ang mga litrato ng mga kaibigan kong pinilit kong iwanan para lang sa aking ambisyon habang puno nang panghihinayang sa aking damdamin sa tuwing makikita ko ang ngiti nila kahit na wala ako.
May nag pop up na Notif sa aking chrome. Sa chrome kase ako nagffb dahil wala akong fb lite. I deleted it just to have some space para sa google classroom.
"Uyy Ayos ka lang?" Iyon ang tanong sa akin sa notif.
Nagulat ako dahil para talagang itinadhana na magnotif sakin.
'Ayos lang ba ko?
Muli kong binalikan ng sulyap ang aking laptop kung saan nakaplay ang videos namin nung junior high School.
Nagtype ako doon sa may site. "Isang malaking Sana" iyon ang pangalan ng site.
"Ayoko na! Pagod na ako! Puno na ako nang pag sisi sa aking tinahak na ito. Hindi ko na alam kung tama pa ba ito. Pagod na ako na hanapin ang rason para magpatuloy pa kung palagi ako hinaharangan ng madaming rason para sumuko na. "
Nang mapindot ko na ang rocket button. Lumipad ito at may dala muling isang mensahe.
"Cge magkuwento ka pa! Papakinggan kita. May surpresa ako pagkatapos."
Nagtaka man sa sinasabi niyang surpresa nagpatuloy ako sa pagtatype.
"Nakakatangang isipin na mas pinili ko pa ito kahit hindi ako sigurado.Nakalimutan ko lang mahalin ang sarili ko Dahil sa lintik na ambisyon na to🥺 galit inggit panghihinayang at pagsisisi yung babalik sakin😥 Galit sa sarili ko dahil mas pinili kong lumipat. Inggit sa mga taong bagong kasama ng mga kaibigan ko. Panghihinayang sa panahon na dapat mas pinayabong pa namin ang aming samahan. at pagsisisi dahil akin naman itong desisyon.Na wala sana ako sa sitwasyon na ito kung hindi ko pinili mag ambisyon. hays. pagod na ako. "
umiiyak pa ako habang itinatype iyon.
Muling lumipad ang rocket na iyun at may inilaglag itong mensahe.
"Ano ang malaki mong sana Ella"
Hindi ko alam ngunit dahil sa bigat na aking dinadala at sa mga bagay na gusti kong mangyare. Mga what ifs na tumatakbo sa aking isipan.
Nakapagtype ako dito sa mabilis na takbo ng oras.
"Sana doon nalang muli ako nag-aral. Sana hindi nalang ako lumipat"
Natauhan lamang ako ng malaglag muli ang isang mensahe galing sa lumipad na rocket.
"Your wish is my command Ella. At iyon ang aking sorpresa."
Lumiwanag ang aking cellphone. Nakakasilaw ang liwanag na iyon hanggang sa naramdaman ko na lamang ang muling pagbalik nito sa dating kulay.
Wala na ito sa chrome. Wala na rin ang aking wallpaper ng mga bago kong kaibigan.
What happened? Bakit nag-iba ang wallpaper ko?
I searched my gallery at ni isang litrato ng mga bago kong kaibigan ay wala doon. Wala na rin doon ang mga ala-ala ng bago kong school.
Shit ! What is happening on my phone?
Napatigil ako sa paghahanap sa aking gallery nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto.
"Ella, your classmates are here."
Naexcite ako dahil sa sinabi ni mama. Baka kasama sina Charis Olivia, Claris, at Flinn.
Patalon pa akong bumati habang nakataas ang kamay. Ngunit ganun na lamang ang aking gulat at pagkapahiya ng hindi sila ito. Ngumiti ako za mga dati kong kaklase.
"Wow! may iba kang inaasahan Ella?" tanong ni Akira.
" Hahaha Wala sabi kasi ni mama mga kaklase ko daw. Oy Naparito kayo."
Nakakunot ang kaniyang noo sa akin. Napatingin naman ako kay Kianna na ganun din ang reaksyon dahil sa sinabi ko.
"Oh? Bakit oara kayong mga gulat? Haaha Sabi kasi ni mama. kaklase ko daw tas hindi naman pala."
Lalong kumunot ang noo nila. Sumunod na ang kanilang mga kilay at nag isang linya dahilan sa kunot nilang mga noo.
"Kami nga mga kaklase mo. Bakit may section ka pa bang iba?" tanong ni Sheena sa akin.
"Haha. Baliw kayo. Diba lumipat akong school. Haha tas ano na ako ngayon Section Sampaguita."
Nakakaloka kayo. Ibinabalik nyo pa sa dati namimiss ko na nga kayo. hayy.
"Napapano ka Ellapot? Anong pinagsasasabi mo dyan. Anyway Tara sa bayan gagala."
"Baliw kayo. Haha Sampaguita na nga. Hala kayo Madami akong sinasagutan at ginagawang activity." tonong pareklamo ang pagkakasabi ko sa kaniya.
"Potek ka Ella? Nagdadrugs ka ba? Bakit ka ganyan? Kakaexam lang natin kahapon kaya wala na tayong gagawin Ano ba yang pinag iisip mo. Sige na magbihis kana pinayagan ka na ni tita."
Mabagal akong tumalikod sa kanila.
'Bakit kung umasta sila parang kaklase parin nila ako? Sila nakaexam na, pano naman ako?
Binalikan ko yung aking table kanina kung saan ako nagsasagot ng aking mga sagutan at ginagawang mga activity.
Wala akong nakita doon kung hindi notes or hindi kaya naman ay mga test paper na kelangang papirmahan sa magulang.
Bakit ganito? Hindi kaya ?
'Anong malaking sana mo?'
Kinabahan ako nang bumalik sa aking ala-ala iyon.
No! wag sana.
Pagdating namin sa bayan ay gumala lamang kami ng gumala. Pumasok sa mga store kahit wala namang bibilhin.
"Uyy sa tahimik mo din. Nakakapanibago ka Ella." sabi ni Sheena.
"Sorry may iniisip lang ako."
Ngumiti muna ako sa kanila bago muling inilipat ang aking tingin sa mga damit na tinitingnan namin.
Gaya ng iba naming napasukan susukatin lamang namin ito ngunit hindi naman namin bibilhin.
Nagulat ako ng may nahawakan akong maliit na kamay nang kuhanin ko ang isang damit na may tatak ng stitch. Napalingon ako sa taong may ari ng kamay na iyon.
"Charis." Masayang bati ko sa kaniya.
Nagulat ito sa pagkakabati ko.
"Kilala mo ako?" tanong niya sa akin.
"Bes sino yan?" Binigyan ko ng sulyap ang mga nagsalitang iyon at doon ko nakitang magkakasama ang buong tropa maliban sakin.
"Flinn, Olivia,Charis at Clariss, Anong binibili nyo."
Nagulat sila dahil sa pagkakilala ko sa kanila.
"Kilala mo kami?"
"Oo ano ba kayo. Team Churva tayo right? "
Tumawa ng pilit si Flinn.
"Sorry huh. bat we don't know you. Yes we're team churva. But, apat lang kami e! "
Laglag panga akong napatingin sa kanila.
"Anong malaki mong sana?"
"Sana doon nalang muli ako nag-aral. Sana hindi nalang ako lumipat"
"Your wish is my command."
"Aalis na kami miss. Mauna na kami ng team Churva. We're happy to know na may nakakakilala saming iba. Bye."
Tila gumuho ang aking mundo habang nakatalikod na naglalakad palayo ang aking mga kaibigan.
Ngayon ko lamang naintindihan ang lahat.
This is what I wished for, right?
Ito yung malaking sana ko! Akala ko noon napakamalas ko na dahil lumipat ako sa wala. Pero mali pala. May isa pa palang magandang rason para sana magpatuloy roon at maging masaya dahil may mga kaibigan din ako doong totoo.
Ngunit wala na sila dahil sa
Isang malaking sana.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top