Ako ang yong prologo ngunit hindi ang yong dulo
Lumuluha akong tumingin sa malayo kung saan naroroon ang boyfriend ko kasama ang babaeng nagpapasaya na sa kaniya ngayon.
"Hello babe asan ka?" pinipilit kong huwag iparinig sa kaniya ang bawat hikbi ko.
"Nasa office ako ngayon. Pwede bang mamaya ka na tumawag?"
"si-"
Agad niyang ibinaba ang tawag at masayang kinausap ang babaeng dahilan na ngayon ng ngiti niya.
Humahagulhol akong bumalik sa bahay dahil hindi ko rin naman kayang komprontahin siya. Paano kapag ginawa ko iyon? Ayaw ko na marinig ang sagot niya. Ayoko na marinig mismo sa kaniya na hindi na talaga ako. Ayoko na malaman na inaantay na lamang niya ang pagbitaw ko.
"mahal na mahal kita Kirah. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka. Hindi ko alam kung anong mangyayare sakin kung wala ka."
Kelan ko nga ba huling narinig ang mga katagang iyon sa kaniya. Kelan niya muling nasambit na mahal niya ako?
Agad akong napalingon sa may pintuan nang marinig ko ang pagtunog noon tanda na dumating na si Harold.
"Babe?" Agad akong yumakap sa kanya ngunit hindi ko man lang naramdaman na tugunin niya iyon.
"Ginabi ka ata sa work mo babe? Gutom ka na ba? May hinanda ako rito."
Hinawakan ko siya sa kaniyang braso para alalayan papunta sa kusina ngunit tinanggal niya lamang ang kamay kong nakahawak sa kaniya.
"Busog pa ako. nagmeryenda ako sa labas kanina. Ikaw kumain ka na ba?"
Ngumiti ako rito na tila hindi ko alam na nakipagdinner siya sa babae niya na ilang linggo na rin niyang inilalabas-labas.
"Hindi pa babe. Inantay talaga kita. Pero dahil busog ka pa, ako nalang ang kakain mag-isa. Magpahinga ka na. I love you babe."
Tumango lamang ito at dere-deretsong tumalikod para umakyat na sa taas ng kwarto.
Agad na nagsiunahan sa pagpatak ang aking mga luha. Bakit tayo umabot sa puntong ganito Harold?
Last time I checked, ako pa ang laman ng puso mo. Ako pa ang dahilan ng bawat pagngiti mo. Hindi tayo ganito ka walang kibo sa isat-isa.
Hindi ko na nagawang kumain dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ilang linggo na ba kitang sinusundan sa nga lakad nyo? Ilang beses ko pa bang sasaktan ang sarili ko habang pinapanuod kayong masayang nagtatawanan sa piling ng isat-isa?
Umakyat na ako sa tinutuluyan naming kwarto. Naabotan ko siya roong masayang may kausap sa kaniyang cellphone.
"Yes love oo nga bukas lalabas tayo ulit."
Hindi muna ako pumasok dahil gusto ko pang marinig ang mga sasabihin niya.
"Opo love. Hayaan mo hindi naman niya malalaman na lalabas tayo. Wala siyang alam sa relasyon nating dalawa."
Pinipilit kong tatagan ang aking loob habang tinatakpan ang aking bibig upang hindi niya marinig ang aking paghikbi. Alam kong maririnig niya ako kapag nilakasan ko ang pag-iyak ko dahil nandito lamang naman ako sa may pinto sa may likod niya.
"Love, Alam mo naman na hindi ko pedeng gawin yun. Magagalit si mama kapag nalaman niyang nakipaghiwalay ako sa kaniya. Gusto ko na maging tayo lang dalawa. Kaso hindi pwede dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay mama na nakipaghiwalay ako sa kaniya dahil lang pinili kong makasama ang taong mahal ko."
Tama na Kirah! Hanggang saan ka magpapakamartyr sa boyfriend mo? Hindi kayo kasal, ngunit hindi ka niya iwanan dahil lang sa mama nya.
"Sige na love. Papatayin ko na ito dahil baka pumasok na si Kirah! I love you. Kita tayo bukas."
Hindi niya siguro inaakala na narito ako sa kaniyang likuran dahil nakangiti pa siyang humarap sa akin. Laglag panga siyang tumingin sa akin. Samantalang ako naman ay tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha.
"K-Ki-rah!"
"Yes babe. Hindi ka pa natutulog?" tanong ko rito na tila walang nangyari. Na parang hindi ko narinig ang bawat katagang sinabi niya sa babae niya.
"Kirah." ulit niyang tawag sa akin. Bakas ang awa niya sa kaniyang mga mata.
Ngunit hindi awa ang kelangan ko Harold.
"Okey lang ako babe. Tulog na tayo?"
Yumakap pa ako sa kaniya habang patuloy sa pag-agos ang masagana kong luha sa aking mata.
"Kirah, Hindi ka okey." Inilayo niya ako sa kaniya na nagdulot ng pagkalas ko sa aking yakap.
"Okey lang ako babe. Okey na okey."
nagpilit akong ngumiti sa kaniya kahit na sa loob ko durog na durog na ako.
"No Kirah. Hindi ka okey."
"Sabi ng okey ako, ano ba ? Okey na okey ako."
"No kirah You're not-"
"Oo na Hindi ako okey. Alam mo naman pala na hindi ako okey diba? Bakit ginagawa mo parin? Alam mo naman palang nasasaktan ako bakit ginawa mo pa rin Harold?"
Doon na sumabog ang aking nararamdaman na kinimkim ko ng ilang linggo.
"Hindi ako okey. Sobrang durog na durog na ako Harold. Sino bang magiging okey kung yung mahal mo may mahal na palang iba? Harold Bakit? Kulang ba ako? Harold Kulang pa ba ako?"
"No Kirah. Hindi ganun."
pinipilit niya akong hawakan ngunit lumalayo ako sa kaniya.
"Bakit Harold? Bakit tayo humantong sa ganitong sitwasyon? Akala ko ba ako yung gusto mong makasama habang buhay? Akala ko ba ako ang mahal mo?Ganun ba ako hindi sapat sayo? Kulang ba yung pagmamahal na ipinaranas ko sayo?"
"Kirah no. Ngunit hindi na talaga ikaw."
Doon mismo na durog ako. Ganun pala yun kahit alam mo ng iba talaga ang mahal niya, iba parin kapag sinabi niya iyon sayo.
"Bakit Harold? Bakit kelangan mong syang piliin? Bakit sya? Bakit hindi na ako? Harold pede mo bang ipaliwanag sa akin dahil pagod na akong isipin kung ano pa ba yung hindi ko naibigay sayo. Pagod na akong mag-isip kung bakit hindi na ako."
Napaupo ako sa kama dahil sa panlalambot ng aking mga tuhod. Nakakapagod.
"Hindi ko rin alam Kirah. Basta nagising na lamang ako na hindi na ikaw. Hindi na ikaw ang hanap ng puso ko. Nagising na lamang ako na wala na akong nararamdaman para sayo, Kirah."
"Paano naman ako Harold? Paano akong sa bawat paggising ko ikaw yung hinahanap nitong puso ko. At bawat gabing matutulog ako, hindi ka nawala sa isip ko na kahit panaginip ko ikaw parin. Paano naman ako? Hindi ko alam paano ako mabubuhay nang wala ka."
Nakaangat ang aking mga paningin sa kaniya habang kinakapos ng hininga sa paghikbi.
"Ngunit paano rin naman ako Kirah? Paano yung kaligayahan ko? Paano ka ngunit paano din naman akong nagtitiis na lamang sa relasyon ito. Kahit na sa bawat araw na narito ako, walang sayang namumutawi sa aking puso. Na sa bawat araw na narito ako tila sinasakal ako ng katotohanang hindi naman ikaw yung mahal ko. Kirah, pagod na akong magpanggap na ikaw yung babaeng mahal ko kahit hindi na ikaw. Tama na Kirah. Palayain na natin ang mga sarili natin."
"Wala ka na ba talagang nararamdaman kahit konting pagmamahal pa para sakin, Harold? "
"Ayaw man kitang saktan ngunit awa na lamang ang natitirang nararamdaman ko sa iyo."
Napatulala ako sa kawalan at hindi na sumabat pa sa kung anong sinabi niya.
Wala na talaga siyang nararamdaman sa akin. Hindi na siya maligaya sa kung anong meron kami ngayon.
Tumayo ako sa kama at ngumiti sa kanya ng pilit. Walang mangyayari sa akin kung magiging mahina ako. Tapos na ito. Kahit ano pang paglaban ko kung siya na mismo ang may gusto ng pagsuko ko, wala na akong magagawa. Matatalo at matatalo lang din ako.
"So I think we should let ourselves be free from each other. Ipinapaubaya na kita sa kaniya Harold. "
Matay ko mang pigilan ang pagpatak ng luha ay patuloy ito sa pag-apaw.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin na nagdulot ng lalo kong pag-iyak."
"Salamat Kirah. Balang araw makakakilala ka rin ng taong mamahalin at ibabalik ang pagmamahal na ibinibigay mo. Maaaring ako yung prologo ngunit hindi ako ang iyong dulo."
Nang kumalas siya ng yakap ay agad siyang nagtungo sa labas dala ang kaniyang cellphone. Maaaring ipapaalam niya sa babaeng mahal niya ang nangyari ngayon.
Agad ko ring ipinagsusuot sa isang bag ang aking mga gamit bago nilisan ang bahay na naging saksi sa aming simula hanggang sa aming katapusan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top