I

Chapter 1

MAAGA ako sa mall dahil makikipag agawan na naman ako sa limited edition na miniature ni Nami ng one piece. Kasi naman, makukumpleto ko na sila at si Nami nalang ang kulang. Bakit kasi palaging sold out sa otaku store na meron dito sa mall malapit sa bahay.

Gusto kong pumunta sa ibang mall kahit sa ibang lugar pa pero pakiramdam ko ay magsasayang lang ako ng oras dahil palagi ring sold out sa ibang stores sa mga malls.

Binalak ko siyang bilhin online pero napakahigpit nila! Ayaw nilang tumanggap ng orders online. Kailangan mo talagang mag-effort na pumunta sa stores nila. Wala silang pinipili, kahit na doble o triple ang binayad mo, wala silang paki. Pero maigi na din iyon para fair sa lahat.

Pinag ipunan ko pa naman iyomg miniature ni Nami.

Nakaupo ako dito sa may sahig ng mall, sa harap ng otaku store habang inaantay na mag-open siya. Ilang minuto nalang at reresbak na ako sa pakikipag unahan.

Tumunog ang cellphone ko. Lagot na, nanay ko 'to!

"Kiana, nasaan ka na naman bang babae ka?!"

Si Mama, akala mo palagi, bata pa ako na kailangan niyang hanapin oras oras. My gosh, nasa tamang edad na ako at may trabaho na ako. Pero dahil only child ako, bine-baby tuloy ako ng nanay ko.

"Ma, kailangan ko lang bumili ng sketchpad. Naubusan ako e. Alam mo na, kailangan sa work iyon for practice and all." Sabi ko.

Isa akong illustrator sa isang sikat na publishing company. Animes ang madalas kong i-drawing.

"Tambak ang sketchpad mo dito, tapos bibili ka na naman? Alam mo, 'nak, kung pasikreto kang nakikipagtagpo aa boyfriend mo, itigil mo na 'yan. Alam mong mas gusto kong magpakilala ka na ng boyfriend sa bahay. Tumatanda ka na."

"Yun nga, 'Ma, matanda na ako at hindi niyo na ako kailangang hanapin oras oras na parang isang highschool student."

"Nag-aalala lang ako! Ikaw talaga, anak. Umuwi ka na at siguraduhin mong kasama mo ang boyfriend mo."

"Pero 'Ma! Wala akong boyfriend! Masyado kang advance mag-isip!"

"E sino iyong nasa poster sa kwarto mo, aber?!"

Natawa ako. Jusko si Mama. Cosplayer ni Rukawa ang nasa poster na nakadikit sa kwarto ko.

"Opo, Ma! Boyfriend ko 'yun. Sige ipapakilala ko mamaya pag-uwi ko. Bye!"

Binaba ko na ang tawag dahil alam kong magkakahaba pa kami ni Mama. Sakto namang bumukas na ang pinto ng store. Nakipagsiksikan ako at nakipag-unahan sa loob. Si Mama naman kasi! Naunahan tuloy ako sa pila papasok e.

Nang makapasok ako ay sa display ng one piece miniature agad ako dumiretso saka nangislap ang mga mata ko nang matanaw ko ang kaisa isang miniature ni Nami.

Malapit na.

Mapapasa akin na siya!

Makukumpleto ko na sila!

"Ohh!"

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadapa ako dahil pinatid ako ng isang lalaking matangkad na ngayo'y nakatalikod sa akin.

At... at hawak niya ang miniature ni Nami! Nag-iisa nalang 'yon!

"Hoy, ako ang nauna diyan!" Sigaw ko sa lalaki.

Hindi maaari! Akin iyon!

Humarap siya sa akin saka itinuro ang sarili niya. "Ako ba ang kausap mo?"

"Sa tingin mo, sino pa ba?" Wala akong paki kung gwapo ang lalaking 'to. Wala ng mas mahalaga pa kundi ang miniature na iyon! Buti sana kung bumibili ako ng mga fake at iyong mga nabibili lang sa divisoria but no way! Lahat ng collections ko ay original at talagang pinag ipunan ko!

"Ah, okay." Aniya saka ako tinalikuran ulit.

"Hep hep!" Hinarang ko siya. "Yang si Nami, ako ang nauna diyan! Last piece na 'yan at akin 'yan!"

"May nakalagay bang pangalan mo dito para masabi mong sa 'yo ito?" Tanong niya.

Bwisit! "Wala! Pero mas nauna ako! Kung hindi mo ako pinatid e'di sana nakuha ko na 'yan."

"Hindi ko kasalanan na lampa ka. Ako ang nauna dito dahil ako ang may hawak nito." Diin niya.

"Sa susunod ka nalang bumili. I badly wanted it. Iyan nalang ang kulang sa collection ko!"

"Miss, ikaw ang sa susunod nalang bumili. I also wanted this. Crush na crush ko si Nami at hindi ko ito ipagpapalit sa 'yo."

Sinamaan ko aiya ng tingin. "Ako ang nauna diyan!" Giit ko.

Itinaas niya ang kamay niya habang hawak ang miniature ni Nami. Ngumisi siya saka nagsalita. "Kapag naabot mo, sa 'yo na. I will pay for it."

E gago pala 'tong lalaki na 'to!

"Sira ulo ka ba? Nakita mo nang halos kalahati lang ng height mo ang height ko tapos ipapaabot mo sa akin 'yan?! Napaka imposible ng pinapagawa mo!"

Tumango siya habang nakangiti. "Yun nga ang gusto kong iparating sa yo. Imposibleng makuha mo pa 'to sa akin. Better luck next time, miss." Sabi niya saka tumalikod na papuntang counter.

Hindi maaari!

Bumwelo ako saka tumakbo palapit sa kaniya saka bumaba sa likod niya. Para akong unggoy na nakalambitin sa likod niya. Jusko, nakakahiya pero pakapalan na ng mukha!

"What the fuck?" Mura niya.

"Akina sabi 'yan!" Sigaw ko.

Akma kong hihilahin sa kaniya pero mabilis niyang nailayo ang kamay niya saka basta nalang akong tinaggal sa likod niya at kinarga sa harap niya.

Punyeta ano 'to!

He smirked. "You're cute. Pero mas cute pa din si Nami sa 'yo." Aniya saka ako ibinaba.

Halos mabingi ako sa tibok ng puso ko. Siguradong pulang pula ang mukha ko. Ano bang ginawa ko?!

Tumingin ako sa lalaki na abala na sa pagbabayad sa counter. How dare him! Nang dahil sa kaniya, nasayang na naman ang effort ko sa paghihintay ng stock na 'yun! Buti sana kung maraming stocks ang dumarating pero madalas ay ilang piraso lang dahil sa lakas ng demand sa iba't ibang stores all over the philippines.

Halos mag-super saiyan na ako sa galit. Kaya sinundan ko siya palabas ng otaku store.

Nakangiti pa siya habang nakatingin sa hawak niyang paperbag. Bwisit siya! Akin dapat 'yon! Akin!

Wala sa sariling sinundan siya hanggang makalabas ng mall. Dumiretso siya sa parking lot, nakasunod pa rin ako.


SETH

PUMASOK ako sa hide out namin. Tangina whoa! Nabili ko rin ang miniature ni Nami. Pinagnanasaan ko pa naman siya. Damn.

"Ocampo, putangina, pinakialaman mo ba 'yung boxer kong star ang print?!"

Sinamaan ko ng tingin ang ka-gang king si Kieffer. "Putangina din, kapag ba boxer ang nawawala, palaging ako?"

"Oo! Gago ka e. Ikaw lang naman ang mahilig manggamit ng boxer ng may boxer."

Puta, laging ako, ako, ako! Pero ako nga. Hehe.

"Hayup, Kieffer! Lakas mo mambintang ah! Andon, mamaya lalabahan ko!" Sabi ko saka nilampasan siya. Dumiretso ako sa kwarto.

"Tangina, sabi na e!"

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay inilabas ko sa paperbag iyong nabili. Oh damn, perfect.

Ipinatong ko sa istante ng puro collectible items and miniatures ang bagong bili ko.

Hilig ko ang magcollect ng mga items na may kinalaman sa anime. Yeah, some may hink that I'm childish but no, wala e, kung ang iba nalulong sa alak, o nalulong sa droga, ako naman nalulong sa anime.

I'm Seth Ocampo. Myembro ako ng sikat na gang na Xbang. Hindi ako ang leader, hindi din ako ang kanang kamay pero ang pinakagwapo sa aming anim.

When I say gang, oo, nakikipagbasagan kami ng ulo. Rank number 1 ang Xbang sa lahat ng gang at wala lang nakakatalo sa amin. Naiisip kong, sa San Goku nalang talaga ang makakatalo sa amin. Fuck.

May tambayan kami. At dito,may mga sarili kaming kwarto. Halos bahay na namin ito dahil mas madalas kaming dito nakatambay. Maliban sa dalawa naming ka-gang na may mga asawa na.

Tangina, nakakasuka na nga minsan kapag narito ang asawa nila tapos naglalambingan pa,  mapapailing ka nalang. Mga walang pakundangan.

Hinding hindi talaga ako gagaya sa mga 'yun.

Tumingin ako sa pinto nang may kumatok. Binuksan ko agad 'yon.

"Ano na naman ba, Sandoval?! Sinabinng lalab---PUTANGINA?"

"May girlfriend ka na palang gago ka." Sabi lang ni Sandoval.

Puta nanlaki ang mga mata ko sa babaeng nakatayo ngayon sa harap ko. Paano 'yan nakarating dito?

"Huwag mo sabihing sinundan mo pa ako dito dahil sa miniature ni Nami? O dahil type mo ako?" Sigaw ko sa babaeng kaagaw ko kanina sa otaku store.

"Hoy, feelingero ka! Mas hamak namang mas gwapo pa sa 'yo ang mga anime! Mas pipiliin ko pa ang anime kesa sa'yo 'no!"

Pinag iinit nitong babae na 'to ang dugo ko. "Paano ka nakapunta rito?!"

Sinimangutan niya ako. "Hala siya, hindi mo talaga ako naramdaman? Nasa likod lang ako ng kotse mo nakasakay at nagtago."

Nanlaki ang mga mata ko. "Putangin---"

"Hep hep! Puro muka ka ah! Ibigay mo na sa akin si Nami! Hindi ako uuwi hangga't hindi mo binibigay sa akin!"

Damn. Kung hindi lang 'to babae, nabangasan ki na 'to sa mukha.

"Hindi mo ako kilala."

"Hindi naman talaga kita kilala e. Narito lang ako para sa miniature ni Nami! Ano na? Doblehin ko bayad."

Lumabas ako ng kwarto saka isinara ang pinto. Hinila ko siya palabas ng hide out namin.

"Alam mo ba ang lugar na 'to ha?!"

"Hindi. Malay ko ba e nakasakay lang ako sa sasakyan mo!"

Puta!

"Go home!" Taboy ko sa kaniya.

Tangina baka maabutan pa yan ng leader namin. Bawal kaming magdala dito ng ibang tao maliban nalang kung girlfriend o asawa namin.

"Ayoko."

"Hindi ka ba natatakot sa akin?"

"Bakit mumu ka ba?"

Nakakagago 'tong babae na 'to.

"Gangster ako. At ang lalaking nagbukas sa yo ng ointo kanina ay gangster din. Sa madaling salita hide out namin 'to."

"O tapos? Kaya mo bang mag x4 ganern kage bunshin technique ni Naruto ha? Matatakot lang ako sa 'yo kung si freeza ka!"

Sumasakit ang ulo ko.

Hinila ko siya lalo hanggang makalapit sa kotse kong nakaparada.

"Get in."

"Si Nami muna kasi!"

"I said get in! Kung hindi ka pa makikinig, papatulan na kita!"

"Bakit papatulan ba kita?"

Tangina talaga.

Tinulak ko siya papasok sa kotse ko saka isinara ang pinto. Damn this woman.

Mabilis akong sumakay sa driver's seat.

"Ano ba! Si Nami kasi!"

I automatically locked the door para hindi siya makalabas.

"Masamang tao ako. Kaya kitang rape-in." Pananakot ko sa kaniya pero pota hindi ako rapist.

Natahimik naman siya. I looked at her in rearview mirror. Mukha naman siyang natakot sa sinabi ko.

Tangina akalain ko bang may abbae palang handang sundan ang taong hindi man lang nya kilala para lang sa miniature na 'yon. Pasalamat siya ako ako ang nataunan niyang sinundan niya, masyado aking mabait. Paano kung ibang tao?

"Kasi ano e... kasi ibenta mo na sa akin si Nami."

"Hindi siya bagay na pwede kong ibenta."

"Hala sya. Bagay 'yun 'no!"

"Sa puso ko? Hindi." Sabi ko. Crush na crush ko si Nami potek. Nakakabakla tuloy.

Tumawa ng malakas ang babaeng mukhang nawala na ang takot sa mukha niya.

"Ang korni mo!" Sabi niya. "Pero pareho pala tayo kasi grabe para sa akin, totoo talaga ang anime! Gusto ko nga silang mapangasawa e! Hay kung pwede lang talaga 'di ba?"

Tangina ang daldal ng babaeng 'to.

"So pinaka crush mo ba si Nami? Ako kasi crush na crush ko si Rukawa saka si Sasuke."

Hindi ako nagsalita. Ihahatid ko lang siya sa highway. Bahala na siyang nag-taxi.

Iba kasi ang daan papasok ng hide out namin. Malayo sa kabihasnan. Tangina hindi ko talaga naramdamang may nakasakay pala sa likod ng kotse ko kanina. Ganoon na ba ako ka manhid?

"Tapos minsan bias wrecker ko talaga si Gohan. Yeee! Nakaka fall kasi."

Fuck.

"May dragon balls pa nga ako sa bahay e."

Napapreno ako. "Tangina seryoso? Nakita mo na ang nawawalang dragon balls?"

Tumango siya. "Oo naman! Gusto mong makita?"

Tangina walang kaarte arte sa mukha ng babaeng 'to. Naoaka jolly niya masyado at napansin kong kapag anime na ang pinag uusapan, madaldal siya at hindi man lang niya naisip na hindi kami magkakilala.

"No." Tanggi ko.

"Bahala ka nga diyan. Ikaw na nga ang inaalok e."

"Where?" Tangina ni Goku naunahan pa ng babaeng 'to na mahanap ang dragon balls.

"Sa bahay namin. Okay, hatid mo ako ha. Then bibigyan kita ng dragon balls." Sabi niya saka dumungaw sa unahan ko at tinype sa GPS ng sasakyan ang address niya.

Damn. Pinagkatiwalaan talaga agad ako ng babaeng 'to?! Napailing nalang ako.

Ihahatid ko siya hindi dahil gusto ko kundi para sa nawawalang dragon balls na natagpuan na niya. Fucking excited.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top