Sa Isang Sulok

Trivia: My first ever entry in WWG. Ako unang nagpasa at tuwang tuwa ako non. Feel na feel ko pagiging magaling na writer, sabi ko pa sa sarili ko, magugulantang sila sa ending/twist ko but it turns out na ako ang nagulantang, na-okray maigi ang entry ko sa critic session! Langya. HAHAHAH. Hiyang hiya ako sa sarili ko eh. 

Inspired din 'to nung nasa mcdo ako mag-isang kumakain sa sulok. Feeling ko talaga that time na ang galing galing kong writer, patapon pala nagawa ko. HAHAHAH. 

---

Genre: Teen Fiction

Description: Ano nga ba ang meron sa isang sulok? Anong nangyayari sa isang sulok? Ano nga ba ang hindi natin alam na maaaring mangyari sa isang sulok? 

Why: Isinulat ko ang istoryang ito sa kadahilanang hindi ko rin malaman. Basta na lamang pumasok sa isip ko na gawan ng kwento ang eksena kung saan palaging nasa isang sulok ang babae na tila ba nag-hihintay sa tinatawag nilang 'forever'. Nais ko ring baguhin ang pananaw ng iba sa taong palaging nasa sulok at nag-iisa. Sa paanong paraan? Basahin mo para malaman mo. 😂

How: Naisulat ko ang istoryang ito dahil sa minsang pagpwesto ko sa isang sulok habang nag-iisang kumakain. Nakakabaliw pala mag-isip nang kung anu ano kaya nag-isip ako ng kwento.

---

Sa sulok ng isang fast food chain. Ito ang paborito kong pwesto dahil kita ko ang lahat ng customers dito, nagagawa ko silang obserbahan at gawan ng istorya.

"Miss pwede na 'ba?" Napalingon ako sa lalaking kumausap sa'kin. Siya ang paborito kong crew.

Nginitian ko lang siya at tumango. Nagpatuloy na muli ako sa pag-susulat.

Ganito lang ang routine ko sa bawat araw, iba't ibang istorya ang nabubuo mula sa bawat taong nakakasalamuha ko dito sa fast food chain.

Sa bawat araw ngang iyon, ay palaging siya ang lumalapit sa lamesa ko. Palagi din naman siyang nag-iiwan ng tissue na may sulat bago ligpitin ang kinainan ko. Palagi ko din iyong binabasa at tinatabi.

~*~

Panibagong araw dito sa sulok. Kakaiba ngayong araw pagkat may kasiyahan. Mas maraming tao, mas maraming kwento.

Pabalik balik yung paborito kong crew. Sobrang busy niya. Hindi niya siguro ako napapansin.

Kumain na ako at nagulat ako sa maingay na tunog. Parang emergency.

FIRE ALARM YUN!!!

Nagsimula nang mataranta at magtakbuhan ang mga tao.

Para akong natulala, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatayo ako pero para akong nabato.

Nilibot ko ang mata ko ngunit hindi ko makita ang paborito kong crew.

"Nasaan ka na ba?" Sabi ko habang may kaba sa aking dibdib.

Niligpit ko na lamang ang gamit ko, sa baba ko nalang siya hahanapin.

Nagmadali akong pumunta sa hagdan pero nagulat ako nang paakyat ang lahat ng tao. Kaya natumba ako at natamaan na nila ako. Hindi ko magawang tumayo dahil napahiga na lamang ako at nagtakip sa ulo.

"Bhie?" Napalingon ako sa nagsalita. Napayakap ako sakanya.




Sa paborito kong crew.

"Bhie!" Sabi ko habang umaagos ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa takot na baka hindi kami makalabas dito ng buhay o dahil sa miss na miss ko na siya.

"Tahan na Bhie. Halika na, lalabas na tayo dito." Kinuha niya ang mga gamit ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Nakisabay na kami sa mga tao na lumalabas sa fire exit ng second floor.

Hindi kami makababa dahil nagsisiksikan sila.

"Bhie, dito na tayo dumaan." Sabi niya at hinila niya ako pero hinigit ko ang kamay ko.

"Hindi ako tatalon jan!"

"Bhie, magtiwala ka sa'kin, hindi kita pababayaan. Alam ko sa tissue lang kita kinakausap at ikaw naman ay sa resibo. Pero kahit ganun, sobrang mahal na mahal kita kaya halika na."

Yung resibo ng order ko, dun ko sinusulat lahat ng gusto kong sabhin sakanya.

"Mahal na mahal din kita Bhie kahit na hindi tayo nagdate kahit minsan, kahit ngayon lang kita nahawakan. Patawarin mo ako kung kinailangan kong itago ang relasyon natin. Pero ngayon handa na akong ipaglaban ka. Mahal na mahal kita kahit na ano pang mangyari Bhie."

Sabay kaming tumalon mula sa 2nd floor papunta sa bubong. Kung anumang mangyari sa amin pagkatapos nito, wala na akong pakialam. Basta ipaglalaban ko na siya dahil mahal namin ang isa't isa.


Ngayon, hindi na lamang sa isang sulok iikot ang aming relasyon....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top