Nang Vs. Ng
Writing Tip No. 1: Nang Vs. Ng
~✒~✒~✒~
NANG
✔ Kasing kahulugan ng noong, upang o para
✒ Nang (noong) isilang ka sa mundong ito.
✒ Mag-aral kang mabuti nang (upang) makatapos ka sa iyong pag-aaral.
✔ Para pagsamahin ang 'na' at 'ang'
✒ Labis nang (na ang) panglalait ang natamo niya.
✔ Para pagsamahin ang 'na' at 'ng'
✒ Napahamak nang (na ng) tuluyan ang kanyang anak nang (noong) ito'y kanyang iwan.
✔ Para pagsamahin ang 'na' at 'na'
✒ Umalis ka nang (na na) hindi man lang nagsusuklay.
✔ Para magsaad ng paraan
✒ Manalangin ka nang taimtim nang (upang) makamit mo ang iyong minimithi.
✔ Bilang pang-angkop ng pandiwang inuulit
✒ Iyak nang iyak ang mga batang naulila dahil sa trahedya.
NG
✔ Ginagamit kung sinusundan ng pangngalan, pang-uri o pamilang.
✒ Ang tokador ay puno ng damit.
✒ Bumusina nang malakas ang tsuper ng taksi.
✒ Nagsama siya ng sampung kawal.
✔ Katumbas ng 'of' sa Ingles.
✒ Ang pangalan ng bata ay Yrah.
✔ Ginagamit na pang-ari (possessive case) o pamalit sa katumbaa ng 's' sa Ingles.
✒ Ang panyo ng dalaga. (The maiden's handkerchief.)
✔ Nagpapakilala ng tuwirang paksa o bagay na ugnayan (direct object) ng pandiwang transibo (transitive verb)
✒ Nagtitinda siya ng palay.
✔ Gumagawa o gumaganap ng kilos, katumbas ng 'by' sa Ingles.
✒ Hinabol ng pusa ang daga.
❣Nang / Ng (Same usage but different meaning)❣
✒ Kumuha ka nang papel.
(Kumuha ka na ng papel.)
Nagbibjgay diin na dapat ngayon na.
✒ Kumuha ka ng papel.
Nag-uutos lang na kumuha ng papel.
~✒~✒~✒~
Sources:
1. Manwal ng Masinop na Pagsusulat.
2. WikaPedia
Sana po makatulong!
Eiramana325
Ignoranteng Otor
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top