Kabanata 9
SHAN
MATULIN na lumipas ang isang buwan at hindi man lamang ako kinontak ni Zeev. Sinubukan ko siyang tawagan nang makailang ulit ngunit out of reach na ang telepono niya. Gabi-gabi akong umiiyak dahil pakiramdam ko bigla na lamang nawala ang huling taong inaasahan kong makakapitan ko hanggang dulo.
"Shan Kassidy Alvarez," narinig ko ang tinig na iyon pero para talaga akong hinihila ng antok kaya't kahit pagsasabi ng present ay hindi ko magawa.
"Huy, cyst!" Tila ako bumalik sa reyalidad nang marinig ko ang singhal na iyon sa akin ni Mikmik.
"P–Present po!" sigaw ko na ikinagulat pa ng klase. Nakita ko ang pangungunot ng noo ng karamihan na mukhang nawirdohan sa iginawi ko. Hiyang-hiya tuloy ako na napaupo.
"Ano bang iniisip mo, cyst? Para kang lutang, gaga!" sita sa akin ni Mikmik nang matapos na ang klase namin.
"Sa pagod siguro ng bobaytang 'yan. Sinabi na kasing isang part time na lang ang kuhanin tutal SA naman na siya ni Ma'am Nocom at may sweldo rin, aba talagang kinarir. Pumapasok pa rin sa burger machine! Pero maiba ako, Shan, ilang araw ko nang napapansin 'to, feeling ko may mali talaga sa 'yo. Alam mong 'yong parang hindi lang all about work. Ngayon may patulala at antok effect ka pa. Pa-mysterious ka rin na gaga ka, e." sermon naman ni Dash.
"Hindi naman. Pagod lang lagi talaga, hayaan n'yo na. Alam n'yo naman na kailangan ko talaga ng pera. Hindi naman ako kasing yaman n'yong dalawa. Kung hindi nga ako scholar baka hindi ako nakapag-aral—"
"Ay, ewan ko sa 'yo! Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, Michael Angelo. Nakakapikon masyado ang kabaitan!" putol na singhal ni Dash. Mukhang ang tinutukoy na naman niya ay ang paghingi-hingi sa akin nila Nanay ng pera.
"Gaga naman, Dashinel! Buong-buo at lalaking-lalaki. Dimunyu ka. Sinabing huwag mo 'kong tawagin sa ganiyang pangalan! Barako ba 'ko? Pang-snow white and the seven dwarfs kaya ang ganda ko!" angil naman ni Mikmik kay Dash.
Kung wala siguro ang dalawang kaibigan ko na 'to, lalo ko nang dinibdib ang pagkawala na lang bigla ni Zeev. Kung wala sila para mapagsabihan ko ng sakit, baka matagal na akong nalugmok ng sobra.
"Huwag na kayong mag-away. Vacant natin, gusto n'yong kumain ng kwek-kwek?" tanong ko sa kanila.
"Manlilibre ka ba?" tanong ni Dash pabalik sa akin at nakataas pa ang isqng kilay.
"Hoy, babaeng bakla, nakita mo naman na problemado 'tong tao sa pera, huhuthutan mo pa!"
"Si bakla naman, hindi mabiro. Tara na nga!" aya ni Dash saka nila ako inangklahan sa magkabila kong braso.
Nang makita ko ang kwek-kwek ay para akong lumutang bigla sa saya. Hindi ko nga mabilang kung nakailan na 'ko. Basta ang alam ko lang ay nakakarami na 'ko.
"Awow! Patay-gutom ka, cyst? Para kang aagawan, ah?" puna sa akin ni Mikmik pero hindi ko siya pinansin. Mas nakatuon ang pansin ko sa sarap ng kwek-kwek.
"Kakalamon mo na 'yan lalo kang lolobo, gaga! Itlog pa ng pugo ang tinira, e ang taas ng calories niyan!" sabat naman ni Dash pero busy talaga ako sa pagkain. Talo-talo muna.
"Parang gusto ko ng guyabano shake?" wika ko nang bumaling ako sa kanila. Tapos na akong kumain at busog na busog na 'ko.
"Para kang naglilihi—" Hindi natapos ni Mikmik ang sasabihin niya dahil hinampas siya ni Dash at para silang nagka-unawaan sa tinginan nila.
Hindi nila ako pinagbigyan, bagkus ay inaya nila akong magpahinga sa full house ng eskwelahan, pero ramdam ko na agad na may nag-iba sa awra nila.
"Magsasalita ka o matatampal ka?" seryosong wika ni Dash na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Cyst, si Shan ka ba talaga? Hindi ka ganiyan katakaw noon, at mas lalo naman na hindi ka lumolobo dahil tagtag ka sa trabaho. Anyare? Magsalita ka," wika naman ni Mikmik at kunot-noo lamang akong napatingin sa kanila.
"Anong—"
"Buntis ka ba?" deretsong tanong ni Dash at para akong hinambalos ng dos-por-dos sa narinig ko.
"H–Hindi," maagap na sagot ko ngunit hindi nawala ang mga mapang-usig nilang tingin sa akin.
"Ako nga huwag mong pinaglololoko, Shan! Expert ako sa panloloko. Nafe-fake ko nga ang orgasm ko sa jowa kong gago tapos lolokohin mo 'ko. I-fe-friendship over talaga kita!" singhal sa aking muli ni Dash. Ramdam kong nanggagalaiti na siya.
"Baby cyst, umamin ka na kasi. Hindi naman kaso 'yon—"
"H–Hindi talaga ako buntis," putol ko saka ako napayuko. "Hindi. . . hindi yata. Hindi ko alam."
"Anong hindi, tapos hindi yata, ngayon hindi mo alam? Punyemas, Shan Kassidy! Nawiwindang ako sa mga ganap mo sa life!" ani Dash. Kita ko sa mata niya ang frustration dahil sa mga isinagot ko.
"Sinong ama? Isang buwan na mula nang mawala ang gago mong jowang deputa! Huwag mo rin akong babanatan na aksidente 'yan, dahil imposibleng makabunggo ka ng tite sa daan!" wika naman ni Mikmik at para akong nanglulumo. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila.
"Sumagot ka, susmaryosep! Shan naman, halos baby-hin ka nga namin nito ni Michael Angelo tapos biglang ganito? Kailan ka huling dinatnan? Kailan kayo huling nag-chukchakan? Noong lumuwas ka pa-Manila? Punyeta talaga!"
"S–Si Zeev. Sigurado ako. Sa kaniya ko lang naman ginawa—"
"Ay, punyawa! Ang jowa niyang hilaw na lulubog-lilitaw tapos biglang nawala!" putol sa akin ni Dash saka ako inismiran. Nahihiya ako sa kaniya. . . sa kanila.
Hindi na ako nagtaka nang sinabi nila na huwag na kaming pumasok sa last subject. Alam kong nais na nilang kumpirmahin kung totoo nga ang pagbubuntis ko.
Nauna kaming tumungo sa botika. Namili si Dash ng pregnancy test kit, at siya na rin ang nagbayad.
"Hindi mo kami kasama noong nasasarapan ka, cyst. Pero itong mudra mo Dash, go na go," bulong sa akin ni Mikmik nang nasa jeep na kami patungo sa apartment niya.
Nang marating namin ang apartment ni Mikmik ay agad inabot ni Dash sa akin ang kit. "Oh, alam mo bang gamitin 'yan?" tanong niya.
"H–Hindi," utal kong sagot dahil ang utak ko ay naroon na sa resulta.
"Makukurot ko na talaga 'yang singit mo!" aniya at pinanlakihan pa ako ng mga mata. Lumapit siya sa akin at kinuha ang kit. "Umihi ka rito sa plastic cup tapos ito 'yong dropper, para hindi makalat sa pagkuha ng ihi mo. Cyst, iyong gitnang ihi mo ang saluhin mo para mas legit ang resulta. Itong bilog na maliit, dito mo ipapatak 'yong ihi mo. Kapag gumapang na 'yong ihi at dalawang guhit na pula 'yan, welcome motherhood ka na and hello abugbog Nanay at Tatay ka pa," pagtuturo niya sa akin na may halong kasarkastikuhan.
Nakuha ko naman lahat ng mga sinabi at itinuro niya saka na ako tuluyang pumasok ng banyo at sinunod ang mga iyon.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita ko ang dalawang pulang guhit sa PT. Agad akong lumabas at pinakita ito kina Dash at Mikmik.
"Ay, sheeeet! Buntis nga ang bruha!" ani Mikmik at hindi ko maipaliwanag ang emosyon niya.
"Matulis at asintado ang jowa mong bugok pa sa lahat nang bugok," iiling-iling na reaksyon ni Dash.
Kung ako ang tatanungin, para akong masayang-masaya na takot na takot. Nangingig nga rin ang mga kamay ko habang hawak ko ang kit. Hindi ko rin maipaliwanag ang tibok ng puso ko. Ang daming gumugulo sa akin ngayon. Ang daming tanong na hindi ko mahanapan ng sagot.
Kaya ko ba?
Paano na ang pag-aaral ko?
Handa ba ako sa responsibilidad?
Paano ang mga pangarap ko para sarili ko at kapatid ko?
Disiotso lamang ako at hindi pa sigurado sa lahat ng mga nais mangyari sa buhay. . . tapos magkakaroon na ako ng isang responsibilidad.
Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Zeev lalo pa at hindi ko siya makontak kahit na anong gawin ko. Hindi ko rin alam kung paano kong aaminin kay Nanay at Tatay na nagdadalang-tao ako. Tiyak na papatayin nila ako sa galit dahil wala silang malay nagkaroon ako ng nobyo.
"Masaya ako para sa'yo, Shan, pero natatakot din ako. Alam naman natin ang mga magulang mo. Hindi ko alam kung anong magagawa nila sa'yo," malungkot na pahayag ni Mikmik. "Kaya hindi rin maganda talaga na sobrang istrikto ng mga magulang. Mostly, most strict parents raised the best liars. Sa sobrang istrikto, napipilitan magsinungaling ang mga bata para lang magawa ang mga gusto."
Napakagat ako sa pang-ilalim na labi ko. Nararamdaman ko na agad na kasusuklaman ako ni Nanay at Tatay dahil dito. Siguradong ipapamukha nila na wala pa akong napapatunayan, na wala pa akong maipagmamalaki, na wala pa 'kong karapatan dahil kargo pa rin nila ako hanggang ngayon, at higit sa lahat, ipapamukha nilang wala pa akong naitutulong.
Tumingin ako kina Dash at Mikmik. Nakita ko ang awa sa mga mata nila. "Hindi ko alam ang gagawin ko—"
"Gaga ka pala, e! Natural sasabihin mo sa tatay niyang anak mo ang sitwasyon para mapanagutan ka niya!" angil naman ni Dash.
Yumuko lang ako dahil hindi ko na alam ang isasagot ko. Hindi ko alam saan ako magsisimula.
"Alam n'yong isang buwan ko na siyang hindi makontak. . ."
"Puntahan natin, 'tang ina niya! Ano 'to? Sa kaniya amg sarap, sa 'yo ang hirap? Siya ang magpapakasasa, ikaw ang magdurusa? Pupuntahan natin ang animal na 'yon!" ani Dash at dinig ko ang pagkabasag ng boses niya na wari bang siya ang nasasaktan para sa akin.
Nagulat na lamang ako nang bigla nila akong niyakap na dalawa. Mahigpit na mahigpit na tipong ramdam ko ang concern at pagmamahal.
"Mabuti pa't umuwi ka na para makapagpahinga. Kahit wala akong matris, mauuna pa akong makunan sa mga pasabog mo," ani Mikmik nang humiwalay sila sa akin.
"Tara nga't ihahatid ka namin sa sakayan," dagdag naman ni Dash na ikinatango ko.
Naisakay na nila ako ng jeep at ngayon ay unti-unti nang nag-sink in sa akin ang lahat. Buntis nga ako. Gusto ko mang pumalahaw ng iyak, ngunit nandito na 'to, at hindi ko ito dapat pagsisihan kahit na kailan.
Lihim akong napakapa sa tiyan ko, at bahagyang ngumiti.
"Anak, kapit lang ha? Ipapaalam natin sa Papa mo na narito ka na sa mundo. . . sana tanggapin at mahalin ka niya. Hindi ka pa naisisilang, anak, pero mahal na mahal na kita."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top