Kabanata 8
SHAN
"PAANO itong gaga mong kaibigan, binalak lang iharap sa nanay ng jowa niyang hilaw, akala mo nasa alapaap na, kaya noong hindi natuloy, ito at akala mo semana santa na sa kaniya!" ani Dash may Mikmik. Katatapos kong magkuwento sa kaniya at saktong kadarating lang ni Mikmik at tinatanong kung bakit parang wala raw ako sa sarili. Narito kasi kami sa ilalim ng malaking puno ng Narra.
"Tsaka nga pala, cyst, akala ko ba tatlong araw ka roon bakit isang araw lang nandito ka na?" tanong sa akin ni Mikmik.
"May emergency business meeting kasi siya sa Siargao—"
"At naniwala ka naman? Sabagay, uto-uto ka nga palang talaga," angil sa akin ni Dash.
"Alam mo, Dashinel, lagi ka na lang masungit. Para kang laging may dalaw. Natural na maging uto-uto 'tong si Shan, first time, e. Isa pa, hindi mo naman maalis sa kaniya ang maniwala, bukod sa mahal niya, nabilog na ni manila boy ang ulo niya. Wala namang masama—"
"ANONG WALANG MASAMA? GAGA, NAGING PARAUSAN IYANG KAIBIGAN MO ROON, TAPOS SASABIHIN MO WALANG MASAMA? KUNG TUMBUNGAN KAYA KITA TAPOS SABIHIN MO SA AKIN NA WALANG MASAMA SA GINAWA KO?" putol niya kay Mikmik saka pa siya umirap.
Nakita kong nag-make face si Mikmik habang nakatingin kay Dash kaya'y bahagya akong napangiti. "Hayaan n'yo lang ako. Masaya ako sa nangyayari at sa ginagawa ko," marahan kong turan sa kanila kaya'y sabay silang napalingon sa akin.
"Happy now, hinagpis later," masungit na pahayag ni Dash. "Hinatid ka ba?" tanong niya.
"Nag-commute lang ulit ako pabalik. Kailangan niya kasing humabol sa flight," sagot ko sa kaniya.
"Flight o baka may ibang kinakalantari? Alam mo, girl, minsan may mga iwinawagayway naman na talagang red flag pero pinipili nating huwag tignan kasi tanga tayo kapag nagmamahal. Sa kaso mo, baka may mga clue na pero nagtatanga-tangahan ka lang muna," aniyang muli sa akin at unti-unting rumehistro sa isip ko ang mga naging agam-agam ko nang minsan.
Yumuko ako bago ako nagsalita. "H–Hindi ko alam."
"Dahan-dahan namin kasi, Dash! Matatampal din kitang bruha ka, e. Hindi lahat kasing tigas ng puso mo. Pareho kayong disiotso pero hindi gaya mo, late namulat ang isang 'to," sita sa kaniya ni Mikmik kaya'y napa-angat ako ng tingin.
Nakita kong pumikit si Dash at bununtonghininga. "Minsan ko lang sasabihin 'to maya makinig kayo. Okay?" aniya nang makadilat at tumingin sa amin.
"Okay, gora!" sagot ni Mikmik.
"Alam kong nagtataka kayo kung bakit ang bitter ko, kung bakit lahat ng lumalabas sa bibig ko at negatibo, pero kasi lahat iyon. . . galing sa experience ko."
"So totoong na-broken ka noon?" tanong ni Mikmik sa kaniya at ako naman ay tahimik lamang at nakikinig.
"I was raped. . . by my boyfriend at the age of sixteen. . . we're both sixteen," aniya na ikinagulat namin ni Mikmik nang husto. Literal akong napanganga at naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. "Huwag n'yo 'kong kaawaan. Hindi ko 'yan kailangan," masungit at taas-kilay na sita niya sa amin.
"Anong nangyari?" Bigla ang paghina ng boses ni Mikmik na wari bang nakikisimpatya.
"He told me he loves me. He told me that I am the meaning of world for him. He gave me so much sweet words that I felt so damn important," panimula niya nang pagku-kuwento.
"Totoong nakakauto-uto ang pagmamahal?" singit ni Mikmik.
Tumango si Dash sa kaniya at ngumiti nang mapait. "Pakiramdam ko ang ganda-ganda ko at napakahalaga ko. Pakiramdam ko mahal na mahal na mahal niya 'ko dahil sa mga sinasabi at ipinapakita niya. . . but I was wrong. I was fooled," patuloy ni Dash at ramdam ko na ang pagkabasag ng boses niya.
"Kung hindi kaya, Dash, huwag mo nang ituloy," sabat ko at umiling siya sa akin na tila sinasabi niyang itutuloy niya.
"He only did and said the actions and words that I wanted to see and hear to completely fool me and be his slave. Sinabi niya lang ang mga salitang gusto kong marinig para tuluyan akong mahulog at bumigay. . . and when I did, he took advantage of my vulnerability and naiveness. Natatakot akong iyon ang mangyari sa 'yo, Shan. Natatakot akong pagkatapos mong mabilis na ibinigay ang lahat, maiwan kang mag-isa at durog na durog."
Bigla akong yumakap kay Dash at umiyak sa balikat niya. "Akala ko hobby mo lang na kagalitan ako sa mga katangahan ko, pero lahat pala nang sinasabi mo ay naranasan mo kaya ayaw mong maranasan ko."
"Hindi puwedeng padalos-dalos ang mga desisyon. Hindi puwedeng porke't ginusto mo, tama ka na at gagawin mo na. Hindi porke't pinaramdaman ka nang kakarampot na pagmamahal, akala mo totoo na. Hindi dahil pinakitaan ka ng kabaitan, akala mo iyon na hanggang dulo. I don't want to sound bitter but it's the reality of life, Shan," aniya at hinagod ang likuran ko.
"Ang drama n'yo naman!" ani Mikmik at nakiyakap na rin sa amin.
"We tend to decide things base on what we feel and not with what we think is right and appropriate, kaya madalas tayong napapahamak. Minsan sa sobrang lunod natin sa galak o sa sakit, nakakalimutan na nating mag-isip nang tama. Basta kung anong tumakbo sa utak natin, iyon na ang gagawin natin at wala nang bawian. Hindi ganoon, Shan. Baka kung anong bilis nang akala mong pagmamahalan n'yo ay siya ring bilis nang paglagpak. Take it slowly and surely," mahabang turan niya at doon na lalong bumuhos ang mga luha namin. Para kaming sirang tatlo na nag-iiyakan sa lilim ng malaking puno.
NAABUTAN kong nanahi si Nanay nang makarating ako sa bahay. Normal sa kaniyang hindi kumibo kahit pa makita niya akong dumating kaya't tuloy-tuloy na lamang akong nagmano sa kaniya.
Paakyat na sana ako ng silid namin ni Sharry nang bigla na lamang siyang magsalita na umagaw ng atensyon ko. "Baka may naitatabi kang pera diyan?"
Lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang patuloy pa rin na nananahi. "May naitatago po akong pera ngayon, Nay, pero gagamitin ko po siya para sa feasibility study po namin—"
"Huwag na. Masyado kang maraming sinasabi," putol niya sa akin at pabagsak pang binitawan ang gunting.
"Ipapahiram mo na lang muna po sa inyo—"
"Huwag na! Baka sumbatan mo pa 'ko!" aniya at parang nakaramdam ako ng panlulumo. Ang hirap lang nang ganito. Sa tuwinang manghihiram siya sa akin kahit la gagamitin ko, ibibigay ko, ngayon lang ako nakatanggi ng ganito pero parang ang sama ko na agad na anak.
Tumuloy ako sa silid namin ni Sharry at hindi ko naabutan ang kapatid ko. Maaga lang siguro akong nakauwi.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan at tumingin lamang ako sa kawalan.
Minsan hindi ko alam kung ano ba ako sa nanay at tatay ko. Nawala ako ng isang araq ngunit hindi man lamang nila pakibalitaan kung anong naging ganap ko roon o kung anong nangyari sa akin. Gusto ko nang makaramdam nang pagtatampo pero pinipilit kong iwaksi iyon sa utak ko.
Bumangon ako at kinuha ko ang telepono ko sa bag ko. Kanina pa rin ako naghihintay ng text o tawag ni Zeev ngunit wala pa rin talaga akong natatanggap mula sa kaniya.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bigla na lamang tumunog ang telepono ko at awtomatiko ang naging pagsilay ng ngiti sa mga labi ko nang makita kong pangalan ni Zeev ang rumehistro sa caller ID.
"Hello?"
"Hi, love! I'm sorry I have to sent you alone. Hindi ko rin naman inaasahan na magkakaroon ng emergency meeting dito sa Siargao—"
"Ayos lang, Zeev. Hindi mo kailangan magpaliwanag. Naiintindihan ko," putol ko sa kaniya.
"Love. . . alam kong merong problema kahit hindi mo sabihin. Nararamdaman kong balisa ka kahit pa magkasama tayo. Kung hindi makakasakit sa 'yo, can you tell me what is it? Gusto ko lang na damayan ka," aniya at hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko. . . kung dapat ba akong matuwa na alam niyang may mali sa pagitan namin o masaktan dahil tila siya nagpapanggap na ayos lamang ang lahat.
"Zeev, alam mong ikaw ang una ko sa lahat, hindi ba?" tanong ko sa kaniya.
"Of course, love. I felt it, and I am so grateful about it. Pakiramdam ko nga ako na yata ang pinakamasuwerteng lalaki sa mundo dahil pag-aari kita," tugon niya sa akin.
"Do you think na ang tanga ko dahil bumigay agad ako sa 'yo kahit pa mag-iilang buwan pa lamang ang relasyon natin?" tanong kong muli at napakagat labi pa ako sa dahil sa pagiging deretso mg mga tanong ko.
"No. No, love! Of course not. Pinatunayan mo lang talaga na mahal mo 'ko kaya mo ginagawa iyon. Binigyan mo lang din ako ng sapat na karapatan para matawag kitang sa akin," sagot niya sa akin mula sa kabilang linya.
"Iiwan mo ba 'ko? Lolokohin mo rin ba 'ko? Sasaktan mo rin ba 'ko? Hindi ko alam kung kakayanin kong kayanin kung darating man tayo sa puntong iyan, Zeev. Iniisip ko pa lang, parang nahihirapan na akong huminga. Iniisip ko pa lang pero parang ang sakit-sakit na," wika ko at napatutop pa ako sa mga labi ko dahil natatakot akong baka may tumakas na hikbi mula sa akin. Ayaw kong isipin niyang nag-iinarte ako.
Ayaw ko man bigyan ng kahulugan, ngunit nakaramdam ako nang pangamba nang hindi siya agad sumagot mula sa kabilang linya.
"N–No, love. I'm not gonna leave you. I–I will never cheat on you. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, 'hindi ba?" sagot niya sa akin ngunit hindi n'on nagawang pagaanin ang loob ko lalo pa at narinig ko siyang bahagyang nanga-utal sa pagsagot sa akin.
Huminga muna ako nang malalim bago ko tuluyang sinabi ang mga salitang noon pa nais kumawala mula sa akin. "Sino siya, Zeev? Sino ang babaeng tumawag sa 'yo at tinawag mong babe—"
"Who are you talking to, babe? Answer me! Who are you talking to, Zeev!?"
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top