Kabanata 7
SHAN
NAKARATING ako ng siyudad at namamangha ako sa bilang ng mga taong narito. Mas higit pang nakakalula ang bilang nila higit pa sa mga nagtataasang mga gusali.
May humintong itim na sasakyan sa harap ko at bumaba mula roon si Zeev na maluwag ang pagkakangiti sa akin. "Hi, love. Thank you for coming," salubong niya sa akin saka niya ako pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Ngumiti lamang ako nang tipid sa kaniya saka na ako sumakay.
Habang daan ay tahimik lamang ako at nakamasid sa magulong siyudad. Kahit kailan ay hindi ko pinangarap na tumira sa ganitong lugar. Kuntento ako sa katahimikan ng Pampanga at sa mga oportunidad na kayang ialok nito sa akin.
"How was your travel?" pukaw niya sa atensyon ko.
"Ayos lang naman," tipid na sagot ko ngunit hindi ko naman siya nilingon.
"Love, may problema ba?" tanong niyang muli kaya't doon na ako napalingon sa kaniya.
Magkakasunod akong umiling saka ko siya nginitian. Siguro nga at forte ko na rin sa ngayon ang pagiging mapagpanggap. "Wala naman. Iniisip ko lang ang naging pagsisinungaling ko sa Nanay at Tatay," sagot ko sa kaniya.
"I'm sorry that you have to lie, Shan. I just wanted to be with you. I know that you knew that you are my greatest escape. Gusto ko lang tumakaw muna sa pagod, and you are my only way out," aniya at itinuon na ang paningin sa kalsada.
Hindi na ako muling kumibo hanggang sa huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakataas na gusali. "Bababa na ba 'ko?" tanong ko sa kaniya.
"Yes, love. Wait for me at the entrance. I'll just park my car," sagot niya at tumango ako.
Bumaba ako mula sa sasakyan at tumuloy sa may entrada ng building. Nginitian pa ako ng guwardiya na nagbubukas ng pintuan na animo ba kilala na ako nito.
"Good day po, Ma'am," bati nito sa akin. Yumuko lamang ako ng kaunti saka ako ngumiti rito. "Kasama po kayo ni Sir Zeev?" tanong nito at tumango naman ako. Ayaw kong magsalita at ayaw kong makipag-usap. Hindi ko alam ngunit iba ang pakiramdam ko ngayon.
Naramdaman yata nito na ayaw kong magsalita dahil hindi na ako nito muling kinausap.
"Love!" Awtomatiko akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko si Zeev ba humahangos patungo sa akin. "Sorry for making you wait," aniya sa akin saka kinuha ang kamay ko at magkapanabay naming binagtas papasok ang building.
"SIR ZEEV!" Kapwa kami napalingon ni Zeev sa pinanggalingan ng tinig at nakita namin ang guwardiya na patungo sa pinaghintuan namin.
"Ano po iyon, Mang Agosto?" tanong ni Zeev dito.
"Tumawag po si Ma'am Re—"
"I've already talked to her. Thank you," putol niya sa guwardiya at hinatak na niya ako paalis. Naguguluhan man ako ay nagpatianod na lamang ako sa paghila niya sa akin. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na tanungin at kuwestiyonin siya sa mga gagawin at sasabihin niya lalo pa at ako mismo ang dumayo upang makasama siya.
"Zeev—"
"We're here," aniya sa akin nang marating namin ang isang unit. "Our love nest."
NAKATANAW lamang ako sa makulay na siyudad habang nakasalumbaba sa railings. Katatapos ko lamang maligo at hindi pa rin bumabalik si Zeev. Siya ang nagsabing gusto niya akong makasama ngunit magli-limang oras na siyang wala.
Pinipilit kong iwaksi lahat nang pagdududa ko sa kaniya lalo pa't ipinararamdam naman niya sa akin na gagawin niya ang lahat nang kaya niya para lamang makasama ako. Tanga, marupok, bobo, lahat na yata ng mga salitang iyan ay ako ngunit nauubusan na ako nang pakialam. Mas nananaig pa rin ang kagustuhan kong maging masaya at ang pakiramdam na maging mahalaga.
Have you ever this felt way? Iyong pakiramdam na para kang uhaw sa pagmamahal, kaya ngayong ipinararamdam sa iyo, kahit pa nakakakita o nakakaalam ka ng mga bagay na alam mong dapat mong ipagkabahala ay pipiliin mo na lang na hindi pansinin? Iyong gusto mo na lang enjoyin ang katangahan dahil ngayon mo lang naman naranasan maging masaya at mapahalagahan? 'Cause I do. Right at this moment.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya't napalingon ako roon. Nabungaran ko si Zeev na may dalang mga plastic na mukhang galing nag-grocery at may dala rin siyang bouquet ng mga dilaw na rosas.
Dumulog ako sa kaniya at aabutin sana ang mga plastic na dala niya nang iabot niya bigla sa akin ang bulaklak saka ako hinalikan sa noo. "I love you, Shan," aniya bago na tumuloy sa kusina. Para na namang nalulusaw ang puso ko sa mga ginagawa at sinasabi niya.
Dala-dala ko ang mga bulaklak at agad akong sumunod sa kaniya. Naabutan ko siyang inilalagay sa ref ang mga binili niya.
"Bakit hindi mo sinabing maggo-grocery ka? Sana nasamahan man lang kita—"
"I want you to rest, love. I brought you here to relax at hindi para samahan akong umintindi ng mga bagay-bagay. I bought foods that will be sufficient for your three-day stay here," baling niya sa akin saka naglakad papalapit. Hinawakan niya ang pisngi ko nang tuluyan na niyang marating ang gawi ko. "You just have to relax. . . and oh, you also have to love me deeper," nakangiti niyang turan bago unti-unting bumaba ang mga labi niya patungo sa mga labi ko at hinagkan niya iyon nang marahan.
Ilang segundo ang lumipas at humiwalay na siya sa akin. "Zeev. . ." Hindi ko mawari ang sarili ko kung bakit tinawag ko siya nang ganoon.
"Don't seduce me through the way you call me, Shan. I might not be able to hold on," aniya at muli nang bumaling sa inaasikaso niyang mga grocery.
Hindi ko alam kung anong iniisip ko, basta't bigla ko na lamang binitawan ang mga bulaklak at yumakap ako sa kaniya mula sa likuran at hinimlay ko ang ulo ko sa likuran niya.
"Mahal na mahal kita, Zeev. Mahal ko lahat ng sa iyo, pati mga bagay na hindi mo masabi sa akin. . . pipiliin at pipilitin kong mahalin. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, and I want to cherish this feeling for the rest of my life," turan ko sa kaniya at ramdam na ramdam ko kung paano siyang tila natuod sa narinig niya mula sa akin.
"Shan—"
"Kung makakahanap ka ng ibang babaeng gusto mong piliin kaysa sa akin, just tell me, Zeev. Hindi ako makasariling tao. Sanay akong magpaubaya. Hindi mo kailangan na maglihim sa akin kung mayroon kang ibang napupusuan. Kaya kong tanggapin at kaya kong lumayo para sa ikasasaya mo—" Naputol ako sa pagsasalita dahil bigla na lamang niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya at hinarap ako.
"Where did those words come from?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo. "You are the only one I love and I will always choose you over anything, Shan. Stop thinking low about yourself. Mahal kita. Mahal na mahal kita and I want you to always keep that in mind. Kung may mamahalin pa ako nang higit sa 'yo. . . that would be our child, Shan."
Bigla ko siyang niyakap nang napakahigpit dahil sa mga sinabi niya sa akin. I no longer care about my intuition. I must have been overthinking without proper proofs.
"Zeev. . . Don't leave me. . . ever. Baka hindi ko kayanin."
Inilayo niya ako sa kaniya saka niya ako tinitigan sa mga mata ko.
"I won't, love. I won't," sagot niya sa akin saka ako siniil ng isang halik na tila mapaghanap at nakakaakit.
"Hmmmm. . ."
"I love you, Shan. . ."
NAGISING ako dahil sa pag-ring ng telepono ko. Dahan-dahan ko itong kinuha dahil baka magising si Zeev na nasa tabi ko.
Nakita kong pangalan ni Dash ang nakarehistro sa caller ID kaya'y agad ko itong sinagot bago ako bumangon.
Sinuot ko ang bathrobe na nakasabit sa may cabinet dahil wala pa akong saplot sa mga oras na 'to bago ako tumungo sa veranda.
"PUNYETA KA!" salubong na mura sa akin ni Dash sa kabilang linya. "Hindi ka man lang nagsabi na may alok-alok kang nagaganap na ganiyan kung hindi ko pa nakausap si Sharry!"
"Dash. . ."
"Punyemas. Hindi ko gusto iyang mga ganiyan mong tono!" singhal niya sa akin.
"Hindi totoong may alok ako rito sa Manila. Kasama ko ngayon si Zeev. Nagsinungaling ako kay Nanay at Tatay—"
"'Tang ina talaga. Kapag tinamaan ka naman pala talaga ng lintek. Ang talino mo, Shan, pero bakit ang bobo mo ngayon?" Ramdam ko ang iritasyon niya sa mga binibitawan niyang salita. "Pagrarausan ka lang niyan nang makailang ulit kaya ka niya dinala diyan. Dito kasi sa atin limited ang oras na puwede ka niyang gamitin nang gamitin. Jusko, girl! Parang gusto na lang kitang ikandado sa basement ng bahay namin para hindi na magkanda letse-letse iyang mga desisyon mo sa buhay!"
"Totoong mahal ko siya, Dash. Hindi ko alam kung anong nangyayari o kung ano bang ginagawa ko, pero totoong nalulunod ako sa pagmamahal na meron ako para sa kaniya. I could go against my parents and principles for him. Hindi ko alam. . . Hindi ko na alam," sagot ko kay Dash at narinig ko ang malalim niyang buntonghininga mula sa kabilang linya.
"Kaibigan lang ako. Wala na akong magagawa sa katigasan ng ulo mo. Ang sa akin lang, mag-iingat ka," aniya na may himig pagtatampo bago niya pinatay ang tawag.
Napabuntonghininga na lamang din ako bago ako bumalik sa loob. Naabutan kong gising na si Zeev at nakaupo sa gilid ng kama.
"Good morning, love," bati niya sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko.
"Good morning. Anong gusto mong almusalin?" tanong ko sa kaniya.
"Ikaw po sana. Ayos lang po ba?" aniya at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko sa isinagot niya.
"Z–Zeev naman," nahihiya kong wika sa kaniya at napayuko ko.
Tumawa siya at lumapit sa akin saka hinawakan ang baba ko at pinagtama ang mga mata namin. "I'm just kidding, love. Hindi tayo rito mag-aalmusal," wika niya at bahagya akong naguluhan sa narinig ko.
"S–Saan?"
"Sa bahay. My mom wants to meet you."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top