Kabanata 6
SHAN
NAKAALIS si Zeev pero hindi ko nagawang magtanong sa kaniya. Hindi ko alam, pero hindi ko kaya. Natatakot ako sa maaaring marinig ko. Natatakot ako sa maaaring isagot niya sa akin. Katangahan mang maituturing, pero takot ako sa katotohanan. . . na baka tama ang hinala ko base sa narinig ko.
"HOY!" Napaigtad ako sa panggugulat na iyon sa akin ni Mikmik. Alam kong kanina pa ako tulala. Hindi ko kasi maiwasang isipin ang narinig ko.
"Bakit ka tulala, Shan Kassidy? Punyeta ang aga-aga para kang nababalutan ng masamang espirito," sabat ni Dash at pabagsak na inilapag ang bag niya sa harap ko.
"W–Wala. May iniisip lang—"
"Lokohin mo na lahat pero huwag ako! Iba ang itsura mo ngayon. Para kang bagong dilig pero disappointed kasi maliit," putol niya sa akin saka pa ako tinaasan ng kilay na ikinakaba ko. Ganoon kalakas ang instinct ni Dash. Para siyang nanay na nanghuhusga at nangingilatis.
Napalunok ako at inilihis ko ang tingin ko patungo sa ibang bagay. "Huwag n'yo 'kong isipin. Alam n'yo naman na ganito lang ako," alibi ko. Ang hirap talaga kapag ganito na sila, parang gusto ko na lang biglang sumabog at magsumbong. Sila lang kasi ang sa palagay ko ay nakakaintindi sa akin nang husto.
"Iyan ang ayaw na ayaw ko talaga sa ugali mo, cyst! Para kang clown na magpapanggap na masaya pero deep down, nilalamon ng problema. Ikakamatay mo ang pananarili niyan, sinasasabi ko sa 'yo!" sumabat sa akin ni Mikmik kaya't agaran akong napabuntonghininga.
"Tungkol kay—"
"Sa jowa mong hilaw," putol sa akin ni Dash saka niya inikot ang mga mata niya na animo napipikon na sa akin. "Nasaktan ka na?"
Muli akong bumuntonghininga at umiling sa kaniya. "Hindi. Hindi naman gano'n. Baka mali lang ako," sagot ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagkalito sa mata ni Mikmik dahil sa sinabi ko. Alam kong gusto niya lang akong maging masaya kaya ngayong may ganito akong iniinda, alam kong iisipin niyang may kasalanan siya.
"Shan—"
"Pero okay lang ako. Ayos lang. Wala naman problema. Utak ko lang ang gumagawa ng problema. Overthinking," putol ko kay Mikmik.
Lumapit sa akin nang mas malapit si Dash saka ako hinawakan sa braso. Ramdam ko na tila nagpipigil siyang sigawan ako. "Ibinigay mo?" bulong niya na totoong nagpakabog sa dibdib ko nang malakas.
"D–Dash. . ."
"Ay putang ina talaga!" galit na bulalas niya at napahilamos pa sa mukha niya. Alam mong hindi naiintindihan ni Mikmik ang pinag-uusapan namin ngayon kaya kita lalo sa mga mata niya na naguguluhan siya.
"Punyemas kayong mga babae kayo, i-explain n'yo sa akin! Hindi ko ma-gets kung napapano na kayo!" entrada ni Mikmik at inalos pa si Dash sa balikat.
Tumingin ako kay Dash at nakita kong masama ang tingin niya sa akin. "I–I'm sorry. . ." utal kong wika sa kaniya.
Nakita kong pumikit siya at huminga nang malalim bago ako muling tinignan. "Hindi ako nagagalit na ang tanga mo at ang rupok mo, Shan. Nagagalit ako kasi nagamit ang mga 'yon para makuha ang gusto sa 'yo. Naiinis ako sa sobrang inosente mo. Sinabi ko na sa 'yong mag-ingat ka tapos ganito bigla ang mangyayari," aniya at napahawi pa siya sa buhok niya. "Nasaan ba ang hayop na 'yon? Bibigyan ko lang ng isa sa mukha!"
"SANDALE! ANO BA KASI ANG TOPIC AT PROBLEMA? HINDI AKO MAKASABAY MGA BRUHA KAYO!" singhal sa amin ni Mikmik.
"Iyang kaibigan mong kulang sa aruga, nagpabakuna sa puke sa jowa niyang hilaw!" sagot sa kaniya ni Dash at bigla nitong kinuha ang bag at nilayasan kami ni Mikmik.
Gusto kong maiyak sa inakto ni Dash pero alam kong nagagalit siya dahil mahalaga ako sa kaniya.
Naramdaman kong yumapos sa akin ang mga braso ni Mikmik kaya't yumapos din ako sa kaniya. "Pagpasensyahan mo na ang ate mo Dash, cyst. Alam mo naman na bunso kung ituring ka n'on. Ayaw niyang masaktan ka at ayaw niyang magamit ka. Intindihin mo na lang," ani Mikmik sa akin at naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko. Tumango ako at mas yumakap sa kaniya nang mahigpit.
Ilang saglit ay inalayo ako ni Mikmik sa kaniya saka niya inilagay sa likod ng tainga ko sa mga nalaglag na hibla ng buhok ko.
"Kaya nga pala kami nandito kahit hindi naman klase, pinapatawag ka kasi ni Ma'am Nocom. May iaalok yata sa 'yo," aniya sa akin at napatango naman ako.
Inayos ko lang sandali ang sarili ko bago na ako tumungo sa faculty ng mga teacher na iika-ika, kung saan naroon si Ma'am Noeme Nocom—isa sa mga prof namin na magaan ang loob ko. Ang alam ko ay kilala niya ang pamilya ko dahil malapit lang ang bahay niya sa bahay namin. Sabi-sabi rin ng mga estudyante na namatayan ng anak na babae si Ma'am Nocom kaya raw malapit ito sa mga babaeng estudyante.
"Good morning po, Ma'am," bati ko sa kaniya nang makapasok ako ng faculty.
"Anak, halika rito," aniya at sinenyasan ako na lumapit sa table niya na agad ko namang ginawa. "Anak, kailangan ko kasi ng encoder ngayon. Don't worry ipapahiram ko naman itong laptop ko sa 'yo then I will be paying for your tuition fee as my payment. Alam kong hindi mo naman tatanggapin kung iaabot ko," paliwanag niya sa akin at lubos ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa gulat.
"P–Po?" hindi makapaniwalang wika ko.
"Hindi ko na kasi kaya ang mag-encode, anak. Sumasakit ang likod at mata ko sa pagkakaupo sa harap ng kompyuter. Balak ko nga rin sanang kuhanin kang student assistant ko kapag may dissertation na 'ko. For now ito munang encoding ang maibibigay kong trabaho sa 'yo," mahabang turan niya at hindi ko alam kung ito na ba ang kapalit nang pag-iisip ko ng hindi maganda kanina.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapayakap kay Ma'am Nocom at magpasalamat dito. Hindi ko na rin iintindihin sa wakas ang tuition fee ko.
KASALUKUYAN akong nasa trabaho ngayon. Tanghali ang shift ko at medyo nakakaramdam ako ng antok nang bigla na lamang nag-vibrate ang telepono ko na nasa bulsa. Naipu-puslit ko ito kapag wala ang manager.
"Bea, sagutin ko lang 'to," senyas ko kay Bea na nasa kabilang cashier. Tumango naman ito sa akin kaya't mabilis akong tumungo ng banyo.
Pagkakita ko ng pangalan ni Zeev sa call register ay agad sunud-sunod na kumabog ang dibdib ko. Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba ito o hindi.
"H–Hello?" nanginginig na wika ko nang sagutin ko ang tawag.
"Hi, love. How are you?" tanong niya sa akin sa masiglang tono.
"A–Ayos lang ako. Bakit hindi ka nag-text kung nakarating ka na? Nag-alala ako," wika ko ngunit ang totoo, alam kong hindi iyon ang mga salitang nais lumabas sa mga labi ko.
"I immediately joined the meeting, love, and guess what? My project has been approved. You are indeed my lucky charm!" masayang wika niya ngunit hindi ko magawang maging masaya. Paano naman akong sasaya hindi ba? Hindi ko nga sigurado kung ako ba talaga ang tinutukoy niya. Ayaw ko man mag-isip pero hindi ko mapigilan.
"C–Congrats! Sabi ko naman sa 'yo kaya mo, hindi ba?" pagkukunwaring bati ko.
"Yes, love. Well, it's all because of you. You keep believing in me kahit ako mismo sa sarili ko, hindi ko mapaniwalaan ang sarili ko," aniya at hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman para sa mga salitang iyon.
Dahil siguro sa sobrang pag-iisip ko, iba ang nagiging dating sa akin ng mga salitang iyon.
"Love, are you still there?" tanong niya nang makalipas ang ilang segundo na hindi ako nagsasalita.
"Oo. Kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah. I already ate—"
"With whom?" Ako mismo ay nagulat sa ginawa kong pagputol sa kaniya sa pagsasalita.
"With the clients, of course. By the way, love, can you go here in Manila for three days? I will secure a place for you to stay. I just want to be with you. Nanghingi kasi ako ng three days na pahinga and I want to spend those days with you. . . and no one else but you," paliwanag niya at ang hindi ko maintindihan sa puso ko. . . nalulunod na naman sa mga salita niya. Para akong nagagayuma at nagagawa niyang ipakalimot sa akin ang pag-iisip ng mga bagay-bagay.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil tatlong araw ang hinihingi niya sa akin. Hindi ko alam kung paano kong malulusutan si Nanay at Tatay na mawawala ako ng tatlong araw.
"H–Hindi ko alam paano ako magpapaalam—"
"I already arranged that for you, love. I sent an invitation to your house. Sinulat ko roon na meron kang three-day-seminar dito sa Manila at lahat ng gagastusin mo ay sagot ng kumpanya. I also wrote there na bibigyan ka ng magandang posisyon kung magugustuhan ang performance mo sa seminar to make the invitation more appealing," putol niya sa akin. Hindi ko sigurado kung ano bang dapat kong maramdaman sa mga ipinaliwanag niya. Parang naplano na niya ang lahat at parang wala akong ibang puwedeng gawin kung hindi ang pumayag.
Katangahan man na ipagsawalang-kibo ko ang mga iniisip ko at mga pagdududa ko. . . sa huli ay pumayag ako. Gusto ko lang. . . gusto ko lang din makasama ang taong mahal ko. . . kahit nakaw. . . kahit bawal.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top