Kabanata 28
SHAN
NAUMID ang dila ko sa narinig ko sa kaniya. Hindi rin ako magalaw lalo pa't sobrang lapit niya. Isang maling galaw ko lamang ay magtatama ang mga labi namin.
"Z–Zeev?"
"Pero alam ko naman na tatanggi ka. Nagbaka sakali lang naman ako," nakangiti niyang tugon sa akin saka siya lumayo at naupo nang maayos.
Napalunok ako at napahinga ng malalim sa sinabi niyang iyon. Gulat na gulat ako sa mga nalaman ko na para ba akong nabuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan.
"B–Bakit mo ginawa iyon? B–Bakit kailangan mong ipangalan sa akin ang resort?" tanong ko sa kaniya nang lingunin ko siya. "A–At bakit kailangan mong gamitin ang apelyido ko?"
Siya naman ngayon ang tumingin sa kalangitan at nakita kong ngumiti siya. Isang totoong ngiti na kakikitaan mo ng galak.
"Hinding-hindi ko pinagsisisihan na ipinangalan ko sa 'yo iyon, dahil iyon ang unang naipundar ko na masasabi kong akin talaga at hindi lang ipinamana. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ko noon, basta ang alam ko. . . I want you to be part of my every success. Kahit hindi tayo magkasama. . . kahit na wala kang alam sa mga ginagawa ko para sa 'yo. . . kahit na ang nasa utak mo ay ginago kita. . . gusto kong maging parte ka pa rin ng buhay ko. Kahit na patago, kahit na palihim. . . masayang-masaya na 'ko," aniya at animo ba ay sinasariwa niya ang mga panahon na sinabi niya.
Hindi ko maipagkakaila na sobrang tumatagos sa akin ang lahat ng sinasabi niya. Pakiramdam ko, ibang Zeev na ang kaharap ko sa mga oras na ito. Pakiramdam ko, ito ang Zeev na mahal na mahal ako. . . kaming dalawa ni Keev.
"B–Bakit? H–Hindi mo naman alam na may anak tayo, hindi ba? B–Bakit kailangan mong gawin 'yon? W–Wala ka namang utang sa akin na dapat mong bayaran, at para maging dahilan para paglaanan mo ako ng—"
"Mahal na mahal kita, e. Hindi siguro nasabi ng Zeev na twenty-four years old sa 'yo 'to, pero mahal na mahal na mahal kita, Shan. I love you so much that making you hurt and hate me was the only way I could ever think of para lang makalayo ako sa 'yo. Sobrang mahal na mahal kita. . . higit pa sa inaakala mo. . . higit pa sa mga naipakita ko noon. I was twenty-four and you were just eighteen. Gusto kitang itakas sa tuwing makikita ko ang lungkot sa mga mata mo. Gusto kitang angkinin at gawan ng sarili mong mundo na matatawag mong sa 'yo sa sobrang pagmamahal ko. . . pero sa tuwing maiisip ko na may sarili kang pangarap para sa sarili mo. . . naduduwag ako. . . dahil alam kong kung ikukumpara sa akin at sa pangarap mo, pipiliin mo 'ko dahil iyon ang mga oras na nalulunod ka sa pagmamahalan natin. . . at ayaw ko n'on. Ayaw kong sirain ka. Ayaw kong maging hadlang sa mga gusto mo pang gawin. I left hurting. . . but I always tell myself. . . it was for you. It was for the only woman I ever loved."
Tumulo na ang mga luha ko. Tuloy-tuloy at walang patid. Gusto kong pumalahaw. Gusto kong saktan ang sarili ko.
Sa mga nakalipas na taon, ang alam ko. . . ako ang nasasaktan at ako lang ang nagsasakripisyo. Ang alam ko, walang kahit na anong makakapantay sa sakit na dinanas ko. . . pero mali ako. Pareho pala kaming nasasaktan. Pareho pala kaming nahihirapan. Pareho pala kaming may mga isinakripisyo.
"S–Sana sinabi mo noon, Zeev. . . sana—" Bigla na lamang niya akong kinabig at niyakap ng napakahigpit.
"We could never turn back the time, Shan. Kahit anong gustuhin natin, hindi na natin maibabalik ang anim na taon. Kahit anong sabihin ko, puro na lang pagsisisi ang mararamdaman natin. Hindi kita mamadaliin na tanggapin at mahalin mo ulit ako. . . uunti-untiin natin. Hindi na natin itutulad sa nakaraan na naging mabilis ang lahat at nagpadalos-dalos tayo. Unti-unti. . . hanggang sa maramdaman mong mahal mo na ulit ako. . . hanggang sa ako na ulit na ang nasa puso mo," aniya at naramdaman kong hinagkan niya ako sa ulo ko.
Mahal kita, Zeev. Hindi naulit at mas lalong hindi biglaan. . . dahil kahit lokohin ko pa ang sarili ko na kinamumuhian kita. . . tanggap ko nang hindi talaga nawala ang pagmamahal ko. Mahal kita. . . mahal pa rin kita. Hindi nagbago. . . mula noon at magpahanggang ngayon.
MATULING lumipas ang dalawang buwan. Narito na kami sa sariling bahay namin na kinuha ni Zeev pero kada ikalawang linggong buwan ay binabayaran ko sa kaniya.
"Ate, si kuya Mikmik po at ate Dash ay nasa sala na. Pinapasok ko na po," ani Sharry sa akin dahil kasalukuyan akong nasa kusina at naghuhugas ng pinagkainan naming dalawa.
"Sige, Shar. Pakisabi mo na lang na sandali lang—"
"Kumusta ka, bakla ng taon?" putol sa akin ni Mikmik na kakapasok ng kusina. Hindi talaga uso sa kaniya ang kaseryosohan.
Nginitian ko sila ni Dash at naupo naman sila sa harap ng lamesa.
Kulang isang buwan na rin mula nang makita ko silang dalawa dahil nagtatrabaho na ako sa resort ni Zeev at silang dalawa naman ay naging sobrang busy sa mga trabaho rin nila, lalo na si Mikmik. Na-promote kasi siyang college dean ng Social and Behavioral Sciences.
"Ayos naman ako. Mabuti at na-timing-an n'yong day off ko," anas ko sa kanila at nagpunas ng kamay dahil tapos na rin ako maghugas. "Gusto n'yo ba ng juice—"
"Shan, maputla ka. May sakit ka ba?" putol sa akin ni Dash at nalingunan ko siyang nakakunot ang noo sa akin.
Umiling-iling ako sa kaniya at ngumuso. "Ito naman! Nadalas lang ako siguro ako sa aircon kaya medyo pumuti," pagbibiro ko pero hindi nawala ang pangungunot ng noo niya sa akin.
"Kilala kita. Kahit paghinga mo, kabisadong-kabisado ko, Shan Kassidy Alvarez," aniya sa akin narinig ko pa siyang pumalatak. "Magpa-check-up ka. Akong gagastos—"
"Ako na, cyst. May free consultation voucher ako kung nahihiya ka. Ikakamatay mo 'yang sobrang pagtitipid mo," putol naman ni Mikmik kay Dash.
"Ayos nga lang ako. Siguro napapagod lang ako dahil peak season na at summer pa," nakangiting tugon ko at naupo sa tabi ni Dash. "Huwag na pong mag-alala. Ayos na ayos lang ako. Kayo ba? Kumusta?" tanong ko.
"Haaay, cyst. Mas stress pa ako ngayon kaysa noong may estudyante ako. Mas matigas pala ang ulo ng professor kaysa students. Lumuluwa na ang mata ko sa gigil, wala pa rin silang kiber. May gulay!" reklamo ni Mikmik na ikinatawa ko pero hindi ni Dash. Mataman lang siyang nakamasid sa akin.
Kinurot ko siya sa pisngi at pinanggigilan ko pa iyon kaya't sininghalan niya ako. "Bwiset ka talaga!" aniya at tumawa ako nang tumawa.
"Ikaw, cyst? Anong progress n'yo ni Zeev? Sorry kung magiging balimbing ako, ha? Pero grabe ang effort niya. Kung ako lang talaga ikaw? Bubukaka ako kahit anong angle," ani Mikmik sa akin.
"Malandi ka namam talaga. Kahit hindi kay Zeev at kahit walang effort, bubukaka ka. Ilan nga ba ang booking mo this week?" asar sa kaniya ni Dash.
Inambaan niyang sasampalin niya si Dash at nagkunwari pa siyang gigil na gigil na ikinailing ko habang tumatawa. "Panira ka talaga, letse! At anong booking? Excuse me! Sa ganda kong 'to, ako ang ibinu-book, hindi ako ang nagbu-booking!"
"Sus! Susubo lang ng tite pinakaka-arte pa," sagot ni Dash sa kaniya.
Ibang klase talaga silang dalawa. Wala akong masabi. Mula noon hanggang ngayon, malaki talaga ang ambag nila sa kasiyahan ko sa buhay.
Inaya ko sila sa sala at sumama naman sila sa akin. Wala si Keev ngayon. Kinuha siya ni Zeev dahil balak niya yatang ibili ang anak niya ng kiddie pool. Si Sharry naman ay siguradong nasa kwarto niya at gumagawa ng mga activities niya sa school.
"Kinontak daw ng Nanay si Sharry noong makalawa," pag-imporma ko sa kanila at nakita ko kung paano tila biglang nag-init ang ulo nila.
"Tumawag because? Sorry, cyst. Pero dapat talaga pinakulong mo na sila!" ani Mikmik sa akin. Bakas ang inis at galit.
"Hindi ko nga ba alam dito kay Shan bakit hinayaan niya pang hindi sila makulong," sabat naman ni Dash.
Nginitian ko sila at kapwa ko hinimas ang mga likod nila dahil nasa gitna naman nila ako. "Hindi sa ganoon. Huling regalo ko na lang sa kanila ang pagbibigay kalayaan sa kanila. Huli na 'yon, kaya nang tumawag sila sa kay Sharry at pinasasabi sa akin na bigyan sila ng pera, si Sharry na mismo ang nagsabi sa kanilang aasikasuhin ko ang family registry naming magkapatid. Aalisin na namin sila," anas ko at tatango-tango naman sila sa akin.
"Aanhin daw ang pera?" tanong naman ni Dash.
"Pipiyansahan daw ang kuya Seph. Nasangkot sa usaping droga," sagot ko sa kanila at mukhang hindi naman na nila ikinagulat iyon.
Magsasalita pa sana si Mikmik nang biglang tumunog ang telepono ko at nakita kong si Zeev ang tumatawag.
"Saglit lang," wika ko sa dalawa saka ko sinagot ang tawag.
"Hello—"
"Shan, I'm sorry to bother you on your day off it can you please drop by at the resort? Naiwan ko kasi iyong ireregalo para kay Sharry," aniya sa kabilang linya. Darating na nga pala kasi ang kaarawan ni Shar sa linggo.
"Sige, sige. Magpapasama na lang ako kina Mikmik at Dash," sagot ko saka ko na pinatay ang tawag.
Humarap ako sa dalawa na mukhang may pinag-uusapan dahil kapwa sila seryoso. Hindi na ako magtataka kung tungkol iyon sa pamilya ko.
"Samahan n'yo ako sa resort. May kukuhanin lang. Free kayo r'on. Akong bahala," nakangiting wika ko sa kanila.
"Siguraduhin mo lang, cyst. Wala akong sampung libo ngayon," sagot ni Mikmik na ikinatawa ko.
NAKARATING kami ng resort at sinalubong ako ni Belinda, iyong receptionist.
"Good day, Ma'am Shan. Akala ko po day off n'yo?" salubong na tanong niya sa akin.
"May pinakukuha si Sir Zeev," nakangiting tipid na sagot ko sa kaniya at inaya ko na sila Mikmik at Dash sa loob.
First time ni Dash dito kaya't nakita ko kung paano siya namangha sa paligid. Malalaking kliyente ang dumadayo rito sa resort at hi di ko rin naman sila masisisi. Maganda talaga rito.
Si Rebecca? Inalis siya ni Zeev sa resort magbuhat nang dumating ako. Nakatoka si Rebecca sa ibang business. Hindi siya basta maialis ni Zeev dahil mula noon ay magkasosyo na sila sa negosyo.
Tumuloy ako sa opisina ni Zeev dito at nakasunod naman sa akin ang dalawa.
"Sheeeet! Pati ang office, mabango!" ani Mikmik at hindi ko napigilang matawa.
Saktong kukuhanin ko na sana ang nakita kong kulay pink na box sa ibabaw ng mesa niya nang bigla na lamang lumabas si Keev at Zeev mula sa kung saan habang may dala-dalang cake.
"Happy mother's day, love," ani Zeev na ikinagulat ko. Awtomatiko akong napatingin sa dalawa at nakita kong nakakunot ang mga noo nila at may nakakalokong pang-uusig ang mga mata.
Umiling-iling ako sa kanila na ikinangisi nila. "H–Hindi! H–Hindi pa kami nagkakabalikan!" depensa ko.
"Hindi pa? So, baka bukas? Ganern?" pang-aasar ni Mikmik sa akin.
"Happy Mama's day po, Mama!" ani Keev saka inilapit sa akin ang cake. "Blow po 'yong candle, Mama!" utos niya sa akin na ikinangiti ko.
"Inaanak, si Ninang Mikmik may gusto ring i-blow pero hindi candle—ARAY! PUNYEMAS!" Natawa ako nang hampasin bigla ni Mikmik si Dash na ikinatawa ko.
Sa mga oras na ito ay nalulunod ang puso ko sa galak. Hindi ko malaman kung ito na ba ang kapalit ng lahat ng sakit na naranasan ko. . . dahil tila sobra-sobra pa.
Narito sa paligid ko ang mga taong alam kong malaking-malaking parte ng pagkatao ko at ang mga dahilan kung bakit narito ako ngayon.
Sobrang saya ko. . . sobra, o higit pa sa salitang sobra. Para akong idinuyan sa sobrang galak at kasiyahan. Wala na akong mahihiling pa sa mga oras na ito.
Saktong hihipan ko na sana ang kandila sa cake nang bigla na lamang akong makaramdam ng napakasakit na pagguhit ng sakit sa may tiyan ko.
"Shan? Ayos ka lang ba?"
Ngayon ko lang naranasan ang ganito kasakit na hilab. Dati ay hindi naman ganito.
"Shan? Anong nangyayari sa 'yo?"
Bigla itong mas sumakit na halos hindi ko na matiis pa kaya't napakapit ako sa mesang nasa gilid ko.
"Ahhh!" Naramdaman ko na ang pagtumba ko maging ang unti-unting pagkawala ng ulirat ko.
"SHAAAAAAAANNNN!!!!"
"MAMAAAAA!!!!"
Ang hirap maging masaya. . . ang hirap.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Last 2 chaps.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top