Kabanata 23
SHAN
HINDI ko magawang ngumiti kahit pa nasa harapan ko siya ngayon. Parang noong nakaraang linggo lang ay halos nagmakaawa akong makita siya.
"He's your four-year sponsor, Shan. He's Mr. Zeev Alejandro Arcanghel," ani Ma'am Nocom at hindi ko alam kung may boses pa ba akong mailalabas.
"M–Mula po nang bumalik ako sa pag-aaral at nag-apply ng iskolar—"
"Oh yes, iha. Si Mr. Arcanghel ang nag-process ng mga papel mo na ipinasa mo sa registrar at nagbigay ng sponsorship sa 'yo," putol sa akin ni Ma'am Nocom at hindi ako makapaniwala. Parang isang malaking kalokohan lamang ang naririnig ko at hindi ko malaman kung paano ko ba dapat iproseso.
Nilingon ko si Zeev at may hindi mabasang emosyon sa mga mata niya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pasalamatan o ano. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kaniya.
Tumayo ako at kinuha ko sa bag ko ang flashdrive na ibibigay ko kay Ma'am Nocom. "Ito na po iyong data." Inabot ko iyon. "Aalis na po ako. Salamat po," anas ko saka ako agad na tumungo sa pinto.
"Shan, iha—" Hindi ko na pinatapos si Ma'am Nocom. Lumabas na agad ako ng opisina at mabilis na naglakad. Bumagal lang ako nang makalabas na ako ng gate ng school at narito na ako banda sa parking area na mapuno.
Nanginginig ako. Hindi ko alam kung paano ko ba siyang dapat na pakitunguhan o kausapin man lang. Kahit pa nakita ko siya nang nakaraang linggo, iba pa rin ang makita ko siya nang malapitan.
Itinuon ko ang pansin ko sa bag ko dahil hinahanap ko ang wala ko nang bigla na lamang akongmay mabangga na bulto ng tao sa harapan ko.
"Sorry po—"
"Shan," tawag niya sa akin at dinig ko pa ang hingal niya sa paghinga.
"A–Anong ginagawa mo rito?" utal na tanong ko saka pa ako napahakbang papalayo sa kaniya.
"Kumusta. . . Kumusta ka na?" tanong niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko magawang tumingin pabalik sa kaniya. Ayaw kong muli na naman akong tangayin ng mga mata niya palayo.
"Hindi natin kailangan mag-usap, Zeev. Layuan mo na 'ko," wika ko at akmang lalagpasan ko sana siya nang bigla na lamang niya akong yakapin nang mahigpit na mahigpit.
"You're finally achieving your goal," aniya habang nakayapos sa akin. "I was afraid six years ago that you might end up giving up your study because of me," aniya at napakunot ako ng noo kahit pa kakaiba ang kabog ng dibdib ko. Marahas ko siyang itinulak palayo.
"Huwag mo na akong paikutin na naman, Zeev. Tapos na ako sa parteng iyan ng buhay ko. Kung gusto mong magpasalamat ako sa pagpapaaral mo sa akin, sige. Salamat sa 'yo. Maraming-maraming salamat dahil sa wakas ay makakatapos na ako sa tulong mo," anas ko sa kaniya at tila hindi naman iyon ang hinihintay niya mula sa akin. "Hindi ko alam bakit mo ginawa iyon, pero totoong nagpapasalamat ako. Dahil kung hindi sa tulong ng pera mo, hindi ako makakatapos ng pag-aaral ko at hindi ko mababayaran ang ibang gastusin ko," patuloy ko.
"Why. . . Why did you change so much?" tanong niya sa akin na tila biglang-bigla siya sa inakto ko.
Anim na taon. . . anim na taon ang lumipas, at inaasahan pa rin niya na ako pa rin ang batang babae na walang ibang ginawa kung hindi mahalin siya?
"Zeev, wala na akong oras sa ganito. Marami akong kailangang gawin at hindi ito parte ng mga plano ko para sa araw na ito. Pasensya na. Aalis na 'ko—"
"Just please answer this question before you leave," putol niya sa akin kaya't lalong naging mataman ang pagtingin ko sa mga mata niya. "Why did it take you six years before you finally graduated? May naging problema ba n'ong makipaghiwalay ako sa 'yo? Was it because of me? Huminto ka bang mag-aral dahil sa akin?" tanong niya at bahagya akong nakahinga nang maluwag.
Doon ko napagtanto na wala siyang alam tungkol kay Keev. Isa rin kasi iyon sa dahilan kung bakit gusto kong tumakbo palayo sa kaniya. Ayaw kong malaman niya ang tungkol sa anak namin. Ayaw ko. Sa akin lang ang anak ko.
"H–Hindi. K–Kinapos kami noon kaya't kailangan kong huminto," pagsisinungaling na sagot ko sa kaniya at nakita ko siyang nagbuntonghininga.
"I'm really glad about it. Magiging mabigat para sa akin kung malaman ko na huminto ka ng pag-aaral dahil lang sa nangyari sa atin," anas niya at napayuko ako.
"Aalis na 'ko," wika ko at mabilis ko siyang nilagpasan. Ramdam kong gusto niya akong habulin kaya'y nagpapasalamat ako na hindi niya ginawa. . . dahil hindi ko na alam kung ano pa bang dapat na sabihin ko.
Tumungo ako sa waiting shed. Naupo ako sa tabi ng babae na mukhang nag-aabang din ng masasakyan.
Kapwa lang kami tahimik nang bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ng malakas na hangin. Kapwa kami nataranta nang umabot ang anggi ng ulan sa amin. Basang-basa tuloy kami pati ang mga damit namin.
"Hala! Bakat 'yong bra mo!" puna niya sa akin at napatingin nga ako sa sarili ko at tama siya.
"Ikaw rin," tumatawang wika ko na ikinatawa niya rin.
"Ang lakas kong mang-okray, ako rin pala," aniya at nagpagpag pa ng sarili.
Ang ganda niya. Para siyang manika kung titingnan pero kung iaanalisa mo ang mga mata niya, parang may mga mabigat siyang pinagdaanan—sabagay, sino ba naman ang wala?
"Here," abot niya sa akin ng isang libro na medyo malaki kaysa sa mga novel sizes. "Pangtakip mo na muna sa bra mong kulay neon orange. Ang weird ng taste mo, sister!" aniya at bigla naman akong nahiya kaya agad ko iyong kinuha.
"Salamat," nahihiyang wika ko at ngumiti naman siya sa akin.
"No worries. O'siya, aalis na rin ako tutal basa naman na ako," anas nitong muli saka kumaway at iniwan na ako.
Tiningnan ko ang libro ay may nakita akong pangalan na nasa front cover nito.
Phoebe Cuevas. Ito siguro ang pangalan niya. Masasabi mong pang mayaman.
"Thank you, Phoebe," mahinang usal ko.
"GRABE! Daig ko pa ang nanay na proud na proud sa anak, pero girl, proud na proud talaga ako sa 'yo. At long last, nandito ka na!" ani Dash habang inaayos ang sumbrero na pares ng toga na suot ko.
"Ako rin, cyst. Gustong-gusto ko talagang sabihin na sobrang nakaka-proud ka. Sa dami ng mga pinagdaanan mo, you still pursued education. Kaya hindi ako naniniwala na kapag batang naging ina, wala nang magiging kinabukasan. Nakabase talaga iyan sa pagpupursige ng tao—"
"At sa klase ng kaibigan o pamilyang meron. Malaki lang talaga ang pasalamat ko dahil nandiyan kayong dalawa ni Dash. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin ng anak ko kung wala kayong dalawa," wika ko saka ko pa sila niyakap na dalawa.
"Nasaan na nga pala si Keev at Sharry?" tanong ni Dash.
"Kanina ko pa pinaupo sa loob. Mangangawit lang sila kung pati sila makikipila," sagot ni Mikmik. "By the way, Dash, knows mo bang nakipagbantaan pa ako sa mudrakels nito ni Shan bago namin nakuha si Sharry kahapon?" tsismis niya kay Dash.
"Paanong nakipagbantaan?" curious na tanong ni Dash.
"Girl, kinailangan ko pang sabihin na itutuloy namin ang kaso sa kanila ng Dibinang anak ng diablo na 'yon kapag hindi nila ipinaubaya kay Shan si Sharry. Iyon. Na-warshock yata. Sila pa ang naglabas mismo ng mga gamit ni Sharry," pagkuwento ni Mikmik na ikinatawa ni Dash.
"'Tang ina, ganoon lang pala kadaling takutin ang mga 'yon, sana noon pa natin ginawa," ani Dash. "Well, ngayon nga lang pala tayo nagkaroon ng sapat na rason para takutin sila. Hindi naman sa nagpapasalamat akong nakaranas ng bugbog ang guwapo kong inaanak sa kamay nila, pero nagpapasalamat ako na dahil doon, namulat itong mga mata ng gaga na 'to sa katotohanan na puwede naman siyanv lumaban," patuloy ni Dash na sinang-ayunan ni Mikmik.
Napapangiti akong napapailing sa kanila. Wala talagang pinipiling lugar ang pagtsitsismisan nila.
Nagsimula ang pagmamartsa mg mga graduants kaya't nagsimula na rin akong kuhanan ng litrato ng dalawa kong kaibigan. Alam na alam kong proud na proud sila sa akin. Nandoon sila sa lahat ng phase ng buhay ko. Sa hirap, sa saya, sa iyakan, sa tawanan, maging sa lahat ng problemang kinaharap ko.
Hindi man ako swerte sa kinabilangan kong pamilya, sila naman ang inalaan para kahit paano maalala ko pa rin na hindi pa rin ako kinakalimutan ng Diyos.
Nang makapasok kami sa loob ng malaking venue ay naupo ako kahanay ng mga graduants at sila naman ay naupo kasama nina Sharry at Keev. Kitang-kita kong manghang-mangha ang anak ko sa mga ilaw at palamuti sa paligid.
Nagsasalita ang guest speaker namin nang may mahagip na pamilyar na bulto ang mga mata ko sa stage. Sunod-sunod ang naging paglunok ko dahil sa kaba.
Agad kong binunot ang cellphone ko at tinext ko si Mikmik, ngunit nang ise-send ko na sana ay unable to send. Pag-check ko sa signal ay wala.
Para akong natataranta na hindi ko malaman.
Nagpatuloy ang program pero tila wala na talaga r'on ang atensyon ko. Nandoon na ako sa takot at pangamba na sumasalakay sa akin.
"Shan Kassidy Alvarez. Bachelor of Science in Psychology major in Clinical Psychology," anonnounce ng host kaya't tumayo ako, maging si Dash at Mikmik para tumungo sa stage para kuhanan ako ng litrato.
"Bakit para kang natatae na ewan?" sita sa akin ni Dash nang magkasabay kami sa paglalakad.
"N–Nandiyan si Zeev sa stage. Natatakot akong baka magkita sila ni Keev," nangangatog na wika ko.
"Kumalma ka nga! Nandoon si Keev kay Sharry!" aniya sa akin hanggang sa sapitin namin ang stage.
Lalo pa akong kinabahan ng si Zeev ang nasa dulo ng pila ng mga kakamayan at siya rin ang may hawak sa diploma na ibibigay sa akin.
"Congratulations, Shan!" ani Ma'am Nocom at niyakap pa ako nang mahigpit saka kami nagpakuha ng litrato.
Nang marating ko na si Zeev ay inabot niya sa akin ang kamay niya kaya't kinuha ko naman iyon kahit pa gusto ko na lang tumakbo palayo sa kakaibang dagundong ng dibdib ko. Nakakanginig sa kaba. Pakiramdam ko rin ay nanglalambot na ang mga tuhod ko at hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
"S–Salamat po—"
"Congratulations. . . love," aniya saka inabot sa akin ang diploma. Sobra akong nagulat sa narinig ko na hindi ko nga alam kung tama ba ang pagkakarinig ko.
May asawa na siya at anak. Hindi niya maaaring gawin ito. Kung noon ay hinayaan ko dahil hindi ko naman alam na may nobya siya, ngayon ay hindi na maaari pa iyon. Hindi na. Hindi kahit na kailan.
Saktong pababa na sana ako ng stage kahit hindi pa binibitawan ni Zeev ang kamay ko, nang biglang manglaki ang mga mata ko nang mamataan ko kung sino ang naghihintay sa akin mula sa kabilang dulo ng hagdanan. . . si Keev at Sharry na malawak ang pagkakangiti sa akin.
"MAMA! YEHEY! TAPOS NA ISKUL MAMA!" sigaw ni Keev na kumuha halos ng pansin ng mga kaguruan na nasa entablado.
"Oh my gosh. Iyan na ba ang anak mo, Shan?" tanong ni Ma'am Nocom at naramdaman ko ang biglaang paghigpit ng kapit sa kamay ko ng kamay ni Zeev.
"S–Sir. . . ang kamay ko po—" Bigla niya akong hinatak pasandig sa kaniya na sobrang ikinagulat ko.
"Why did you lie to me?" bulong niya.
"S–Sir—"
"Is he my son, Shan? Is he our son?"
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top