Kabanata 18
NOTE: SALUBONG NA SA PROLOGUE ITO. PRESENT DAYS (6 YEARS LATER).
--
SHAN
PASADO alas nuebe na nang makarating ako ng terminal kung saan ko kikitain si Ma'am Nocom.
"Ready na ba lahat ng dadalhin mo?" tanong sa akin ni Ma'am Nocom. Siya ang prof na tinutulungan ko sa dissertation.
Malaking-malali ang pasalamat ko sa kaniya na kahit dalawang taon akong humintong mag-aral, hindi siya nawala ng tiwala sa akin na muli niyang kunin bilang student assistant niya.
"Yes po, madam," sagot ko at nginitian ko siya.
"Shan, may bangas ka na naman sa mukha. Ano na naman iyan?" tanong niya sa akin ngunit mabilis lamang akong umiling-iling.
"Wala po 'to, madam. Kaka-cellphone ko nabangga ako sa pinto," alibi ko na mukhang bumenta naman sa kaniya.
"Naku pong bata ka! Sa susunod nga ay mag-ingat ka. Sayang ang ganda kung lagi kang may bangas!" sermon niya na ikinatawa ko. Para na siyang ina sa akin. Naramdaman ko sa kaniya ang pagmamahal ng isang magulang. Alam niyang may anak ako at hindi niya ako hinusgahan sa bagay na iyon.
"Aalis na po ako," paalam ko saka na ako sumakay ng sasakyan na nirentahan niya.
Ang sabi sa akin ni Ma'am Nocom, isla raw ang pupuntahan ko at naayos na niya mismo ang tutuluyan ko roon. Nais niyang mamigay ako ng survey questionnaires sa mga dumadayong turista r'on dahil napag-alaman niyang ang isla na iyon ay puntahan ng mga taong may mga hinaing sa buhay at mga taong gustong mag-unwind. Ang focus kasi ng dissertation ni Ma'am Nocom ay tungkol sa depression and anxiety.
Kung tutuusin, pwede namang siya ang tumungo sa isla ngunit mas ginusto niyang ako ang ipadala. Siguro kahit hindi ako magsalita, nararamdaman niya ako. . . nararamdaman niyang may dinadala akong mabigat na emosyon sa dibdib ko.
Sumakay na ako ng bus. Naglagay ako ng earphones saka ako nagpatugtog. Papikit na ako nang biglang nagpreno ang driver ng bus at narinig kong nagmura ito nang malakas. Sapat ang lakas para marinig ko kahit pa naka-earphones ako.
"'Tang inang babae 'to. Magpapakamatay rin lang naman yata, mandadamay pa! Papabuntis ng murang edad tapos ngayon ngangawa sa daan!" dinig kong singhal nito nang hinaan ko ang volume ng tugtog.
Napadungaw tuloy ako sa unahan at nakakita ako ng babaeng buntis na nasa gitna ng daan. Hindi siya mukhang baliw, pero mukha siyang wasak, at desperada.
Napangiti ako ng mapait. Ang dali kasing magsalita para iba, pero kapag naranasan nila, hindi nila alam kung gaano nakakamatay ang sakit.
Mahaba-haba ang naging biyahe ko bago ko narating ang isang bayan na hindi rin pamilyar sa akin. Sinusundan ko lang naman ang mapa na ibinigay ni Ma'am Nocom.
Bitbit ko ang may kalakihan kong bag nang manlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa isang maliit na tindahan.
"MIKMIK!" sigaw ko at napalingon ito saka kumaway sa akin. Agad akong napatakbo sa gawi niya at sinalubong naman niya ako ng yakap.
"Ang bango mo," wika ko nang makalayo ako sa kaniya at nakita ko ang pandidiri sa mukha niya.
"Lumubay ka, cyst. Tatampalin kita riyan!" aniya na ikinatawa ko. Psychology professor na siya ngayon kaya guwapong-guwapo na talaga siya. Manly ang datingan niya, barber's cut ang buhok, napanatili niya ang mapupula niyang mga labi kahit pa hindi niya iyon pahiran ng kadalasan niyang dalang lip gloss, at naroon pa rin ang mapupungay niyang mga mata at matangos na ilong. Kung hindi ko nga alam na gwapo rin ang gusto niya, baka puwede ko na siyang i-recruit na Daddy ni Keev.
"Anong ginagawa mo rito? May dissertation ka rin?" tanong ko sa kaniya.
"Excuse me! I'm on leave. Nai-hanash lang ni Ma'am Nocom na gogora ka here kaya sinabi ko sa kaniya na jo-join force akes," sagot niya sa akin na ikinangiti ko.
"So, nandito ka para sa 'kin talaga?" manghang tanong ko at maarte siyang napatango.
"Opkors! Sino pa bang dadamay sa 'yo sa pagso-soul searching mo kung hindi ang Mikmik mong beauty queen," sagot niya sa akin saka pa niya pinaikot ang mga mata niya. Natutuwa talaga ako sa kanila ni Dash. Si Dash kasi ay naka-graduate na rin pero hindi niya sinunod ang daan na tinahak nito ni Mikmik. She's a model now. Madalang namin siyang nakakasama, pero lagi pa rin siyang gumagawa ng oras para sa amin ni Mikmik. Ako lang ang naiwan sa aming tatlo dahil nga sa pagbubuntis at panganganak ko kay Keev.
"Oh, tara na pala. Sakay raw tayo ng tricycle para makarating sa mismong isla," wika ko.
"Okay, gora," aniya saka siya pumara nang tricycle na paraan.
"Manong, sa may Redemption Island po," turan ko sa driver at agad naman itong tumango.
"Bente-singko po isang tao papunta roon, Ma'am," sagot nito sa akin at agad naman akong sumang-ayon.
"Ayos lang po, Manong. Anak po ng presidente ang kasama ko," pagbibiro ko kaya bahagya pa akong kinurot ni Mikmik sa tagiliran bago kami tuluyang nakasakay.
"Gaga ka talaga. Kapag may bumaril sa akin dito, kasalanan mo!" hirit niya na ikinatawa ko.
Bumaling ako sa kalsada at hindi ko maitago ang mangha sa mukha ko. Malayong-malayo ang itsura ng probinsya na ito sa mga karatig lungsod. Dito, ramdam mo na tila ka nasa sinaunang panahon dahil sa lamyos ng hangin na tumatama sa balat. Para ka rin nasa isang paraiso dahil pawang mga matatayog at mayayabong na puno ang madaraanan.
"Nangangarap ka na naman ng gising, cyst! Hindi ka makakapag-asawa ng porenjer kahit anong gawin mo," pang-aasar ni Mikmik na pumukaw ng atensyon ko.
"Wala naman akong balak na mag-asawa—"
"Chika mo! Baka 'ka mo walang balak 'yang mga magulang mo na pag-asawahin ka kasi hindi ka pa nila napapakinabangan nang husto. Naku! Kung hindi nga lang ako madedemanda, matagal ko na kayong inampon ng pogi kong inaanak kaysa nandiyan ka sa pamilya mong walang pakialam sa 'yo!" putol niya sa akin.
Lumingon ako sa kaniya saka bahagyang ngumiti. "Ayos lang. Kaya ko pa naman."
Kaya ko pa. . . ?
***
"Punyeta! Punyeta! Punyeta!" dinig kong galit na galit na wika ni Dash pero hindi ko siya mapigilan. Mas iniintindi ko ang bawat hilab ng tiyan ko.
"Bakit ba ganitey ang pamilya mo, cyst? Jusko! Lalabas ang egg ko sa kanila!" histerya rin ni Mikmik.
Manganganak na ako at kailangan ng consent dahil i-cesarean ako dahil malaki ang bata at hindi kakayanin ng bata kong katawan. Baka dalawa raw kaming mamatay kapag nagkataon.
"H–Hayaan n'yo na—"
"HAYAAN!? KAILANGAN NGA NATIN NG PUNYETANG PIRMA NILA! KUNG PUWEDE LANG AKO, HINDING-HINDI KO NA KAYO IBABALIK SA PAMILYA MO!" sigaw ni Dash at may nangingilid na mga luha sa mga mata niya. Alam kong awang-awa na sila sa akin.
"P–Pasensya na kayo—"
"NOONG MUNTIK KANG GAHASAIN NG HAYOP NA CALVIN NA 'YON, HINDI MAN LANG NILA SINAMPAHAN NG KASO DAHIL LANG ANAK NG KAPITAN! 'TANG INA, TAPOS NGAYON ITO NA LANG ANG KABAYARAN NILA SA MUNTIK MONG PAGKAKAPAHAMAK, HINDI PA RIN NILA MAGAWA!?"
Kung hindi sila agad dumating ni Mikmik nang araw na iyon. . . siguradong may masama nang nangyari sa amin ng anak ko.
"Baka puwedemg emergency CS? Hindi naman puwedeng hintayin pa natin—"
"K–Kuya Mik, ate Dash," agad kaming napalingong tatlo sa pinanggalingan ng tinig at nakita namin si Sharry na pawis na pawis pa at naka-uniporme. "K–Kaya ko pong gayahin ang pirma ni Nanay," humihingal na wika nito.
Hindi na nagdalawang-isip si Dash at mabilis niyanh inabot kay Sharry ang consent form habang ako ay humihigpit ang pisil sa braso ni Mikmik dahil sa sakit.
Ginulo ni Dash ang buhok ni Sharry at ngumiti siya sa kapatid ko. "Salamat, Shar. Huwag mo nang intindihin ang pambayad dito sa ospital. Kaya naming bayaran 'to at may ipon din naman ang ate mo."
"Pasensya na po talaga kayo. Hindi ko rin po alam na kaya nilang tiisin si ate nang ganito. Hindi ko na rin po alam ano pong mali sa nanay at tatay ko," ani Sharry at lumapit sa akin saka ako niyakap nang mahigpit.
***
"Hindi mo pa rin ba kinukuha ang anak mo sa tiyahin mo?" tanong niya at magkakasunod akong umiling.
Magbuhat nang maglimang buwan ang anak ko ay ibinigay na nila ang anak kong si Keev kay tita Divine dahil sinabi nilang babalik ako sa pag-aaral. Naniwala ako sa kanila dahil akala ko ay para sa kapakanan ng anak ko ang iniisip nila ngunit mali ako.
Matapos nilang ipaubaya kay tita Divine ang anak ko, ipinasok nila ako ng trabaho sa kung saan-saan para matustusan ko ang mga pangangailangan ni Keev maging ang pag-aaral ni Sharry. Wala akong nagawa. . . naki-ayon ako sa mga kagustuhan nila dahil lagin nilang ibinabala sa akin ang kahinaan ko. . . ang anak ko at ang kinabukasan ni Sharry. Dalawang taon. . . dalawang taon akong nakipanulungan sa kung saan-saan hanggang sa makatanggap muli ako ng iskolar mula kay Mayor.
"Ayaw ni Nanay. Mahirap daw magdagdag ng isa pang papakainin," pahayag ko. Pinipilit kong iwaksi ang lungkot sa tono ko. Ayaw kong mabahiran ng lungkot ang sandaling bakasyon na ito.
"Mudra mo kung makapagsalita akala mo hindi apo 'yong pinag-uusapan. Naaawa na 'ko sa inyong mag-ina. Limang taon na 'yong anak mo pero madalang pa sa patak ng ulan kung makasama mo." Ramdam ko ang inis sa tono ni Mikmik pero gaya nga ng kadalasan kong sinasabi, wala naman akong magagawa. Para sa mga magulang ko, hindi ko hawak ang buhay ko—sila ang nagmamay-ari sa akin at ang magdedesisyon para sa akin.
"Naniniwala naman akong darating ang araw na makakasama ko ang anak ko, at maipaparamdam ko sa kaniya ang pagiging ina ko," sagot ko.
Magsasalita pa sana si Mikmik ngunit huminto na ang tricycle at sinabihan kami ng driver na narito na kami sa destinasyon kaya't bumaba na kami.
Nag-abot si Mikmik ng isang daan sa driver at hindi na niya ito hiningian ng sukli.
Magkapanabay namin tinahak ang entrada ng isla at may isang napakaguwapong lalaki ang sumalubong sa amin ni Mikmik. Naka-polo ito na kulay dilaw at berde na mukhang uniporme nila rito sa isla, pati na rin itim na pants. Matangkad ito, siguro kakayanin nitong mauntog sa pintuan ng bahay namin. Maputi, mapuputi rin ang mga ngipin niya na kitang-kita dahil sa lawak ng ngiti niya, at medyo mahaba ang bahagyang kulot na buhok.
"Ay sheeeet! Ang wafu! Kapag ba VIP, wafu talaga ang taga-welcome?" tili ni Mikmik na nasa gilid ko.
"Huyy!" sita ko sa kaniya habang natatawa. Kahit kailan talaga, malinaw ang mga mata niya sa mga ganito.
"Good day!" bati ni Mikmik sa lalaki.
"Hi, good afternoon! My name is DZ, welcome to Redemption Island! Kumusta po ang biyahe?"
"Ayos na ayos lang lalo na kung kasing wafu mo ang sasalubong! Shongal agad ang pagod!" sagot ni Mikmik, at nahihiya ako sa inaasal niya. Totoong kinikilig talaga siya sa lalaki.
May inilabas na clipboard si DZ at muling bumaling sa amin nang nakangiti.
"Mr. Michael Angelo Bermudez and Ms. Shan Kassidy Alvarez?" tanong nito sa amin kaya't naglabas kami ni Mikmik ng mga id namin. "Thank you for confirming your identity."
"Salamat din."
"By the way, Sir Bermudez and Ma'am Alvarez, I'm your island guide for today and will support you during the tour. I promise you are going to enjoy your stay here in Redemption Island. I will tell you all about the things you will see here. And if you have any questions, please ask. It's my job to answer them. All my time is free to talk to you."
"Wow! Wafu na, inglisero pa. Parang ang yummy naman n'on—OMG! Maghunos-dili ka, Michael Angelo! Professor ka!" Natawa ako nang siya mismo ang manermon sa sarili niya.
"Tara na. Ang harot-harot mo!" sita ko sa kaniya at hinampas niya ako sa braso.
"Ayokong mamatay na single gaya mo, cyst. Kiber na sa pagharot ko," angil niya sa akin kaya napailing-iling na lamang ako habang nakangiti.
"Okay lang naman ba sa Mommy mo na mag-boyfriend ka?" tanong ko sa kaniya.
"Ay cyst, kung alam mo lang! Mudrakels ko pa ang nagpu-push na mag-jowa ako. Ayaw niya raw na malungkot ang buhay ko!" sagot niya at bahagya akong namangha.
Minsan hinihiling ko na magkaroon ng mga magulang na gaya ng mga magulang ni Mikmik. Iyong maintindihin, iyong mga magulang na tanggap ka sa kung ano ka at sa kung ano lang kaya mong ibigay sa kanila. Sa tuwing magku-kuwento si Mikmik sa kung gaano siya katanggap at kamahal ng mga magulang niya, naiinggit ako. Ayaw ko man magkumpara pero nagagawa ko dahil sa mga pasakit na naranasan ko mula mismo sa mga magulang ko.
"HUY!" singhal ni Mikmik ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad. "Para ka na namang namaligno diyan. Nabanggit lang ang mudrakels ko, parang nasapian ka na naman!"
Ngumiti ako sa kaniya at doon ko lang napagtanto na nasa isang silid na pala kami. Ibinaba ko ang mga gamit ko at isasalansan ko sana ang mga damit ko sa kabinet na narito nang makaramdam ako ng kamay sa braso ko.
"Cyst, ayaw na ayaw ko sa lahat iyang pananahimik mo. Parang mas mauuna akong maloloka sa 'yo," aniya kaya't napaupo ako bigla sa kama na narito.
"Naisip ko lang kasi, bakit kailangan ko pang tumakas ng ganito para lang makalimutan ko kahit sandali lahat ng mga nangyari—at patuloy na nangyayari sa akin? Bakit ko natitiis na malayo ako sa anak ko gayong malakas ang loob ko na ipaglaban siya noon? Bakit kung kailan dapat mas matatag na ako, bakit ako naging mas takot pa ngayon? Ang hirap lang—"
"Huwag mong isipin na mas naging mahina ka ngayon kaysa noon, kasi cyst, that's a big no no. Kaya ka takot ngayon, kasi mas malaki na ang puwedeng mawala sa 'yo. Alam mo na. . . 'yong junakis mo. Isa pa, alam mo kasing sa 'yo lang siya umaasa. Minsan kasi, the more na iniisip natin na may nakadepende na sa atin, doon tayo nagiging mas maingat sa mga susunod nating hakbang," putol niya sa akin saka niya ako niyakap at hinaplos-haplos ang likod ko. "Huwag ka nang magdrama diyan. Nandito tayo para sa reasearch n'yo at para na rin kahit paano makalimot ka," dagdag niya.
"Salamat, Mik. Salamat kasi kung wala kayo ni Dash noon para sumalo sa akin, baka hindi ko alam kung anong nangyari sa akin."
Inilayo niya ako sa kaniya saka siya ngumiti sa akin na animo batang nagpapacute. "Kiber na, cyst! Bakit nga pala Redemption Island ang napili n'yo ni Ma'am Nocom?"
"Naisip ko na rin 'yang tanong na 'yan. Bakit niya ako rito pinadala? Bakit dito niya napili? Siguro may ideya siya. . . na dito ko mahahanap 'yong sarili ko na matagal ko nang nakalimutan."
Sarili ko nga lang ba ang gusto kong maibalik? O maging ang mga panahon na dapat sana'y naging mapili ako sa mga desisyon na ginawa ko?
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top