Kabanata 11
SYREEN
"ZEEV? That's my fiancé. That's a rare name para pag-usapan na lang bigla sa kalsada." Kapwa kami napalingon ni Dash sa pinanggalingan ng tinig at nakita namin ang magandang babaeng kasama ni Zeev kaninang kumakain. "So, who are you?"
"Shan, sasaktan ko 'to!" galit na bulalas ni Dash.
"Oh! Shan? Ikaw ba 'yong tumawag? The so-called-girlfriend of my fiancé? Damn! Please, Miss, gumising ka sa ilusyon mo. Hinding-hindi ka papatulan ng fiancé ko," mapanghamak na wika nito at lalo akong nanliit sa sarili ko dahil sa narinig kong iyon.
Hinatak ko si Dash at pinipilit na sumakay na kami ng sasakyan. Napapagod na 'ko. Napapagod na 'ko ng sobra. "D–Dash, tara na. U–Uwi na tayo. P–Please—"
"Ang tatapang, damn! Madalas talaga kung sino ang side chick at kabit, sila pa ang mga tanga na akala mong privilege! Hello woman, please wake up. My fiancé only played with you kung totoo ngang girlfriend ka niya, and ikaw naman 'tong si uto-uto, bumigay!" anito sa akin at wala akong magawa kung hindi tanggapin ang mga salitang iyon kahit gaano pa kasakit.
Kasalanan ko. . . kasalanan ko naman talaga kung bakit umabot sa ganito. Hindi ko pa lubusang kilala si Zeev pero ibinigay ko na ang lahat sa kaniya. Kasalanan ko. . . sobrang kasalanan ko dahil nagpalamon ako sa kapusukan at padalos-dalos kong mga desisyon. Wala naman akong dapat pang sisihin. . . kung hindi sarili ko lang.
"Mawalang galang na sa 'yo. Kung anong kinaganda mo, siyang kinabaho ng ugali mong gaga ka!" sabat ni Dash at kinabig niya sa akin ang kamay niyang hawak ko bago niya tinulak ang babae sa balikat. "Pareho kayong biktima ng kaibigan ko rito pero kung makapanghamak ka, para bang okay na okay lang sa 'yong nambababae 'yang hayop na mapapangasawa mo!"
"D–Dash, tama na!"
"Yuck! Squammy!" tili nito kay Dash at may biglang inilabas sa may supot na dala niya at walang habas niya itong ibinatos bigla sa amin ni Dash.
Nakita ko ang panggigigil ni Dash sa ginawa nito lalo pa at naliligo kami ngayon ng soup ni Dash. "HAYOP KA! HAYOP KANG BABAE KA!"
"Leave now, squammies! And don't you ever dare come near my Zeev again!" sigaw nitong muli sa amin at tinalikuran na kami.
Akma pa siyang hahabulin ng sabunot ni Dash ngunit pinigilan ko na siya. "D–Dash, tama na. N–Nasasaktan na 'ko. G–Ginagawa ko na lang katatawanan ang sarili ko. T–Tama na. . . please. U–Uwi na tayo. . ." pagmamakaawa ko sa kaniya.
Gusto ko nang bumigay. Gusto ko na lang maglaho ngayon. Gunaw na gunaw ang mundong inaakala kong mabubuo ko kasama siya.
Ang sakit-sakit na akala kong mahal na mahal niya 'ko. . . tapos ako pala ang pangalawa. Ako pala ang umaapak sa dignidad ng kapwa ko babae. Ako pala ang naninira ng relasyon. Akala ko ako lang. . . ako pala ang hindi dapat narito.
Bakit, Zeev? Paano mong nagawa sa akin—sa amin 'to? Binigay ko ng buo ko ang pagmamahal ko. Binigay ko lahat ng kaya ko. Inalay ko lahat sa 'yo kahit pa sandalian pa lang kitang nakikilala. . . pero bakit kailangan mo 'kong durugin at pahirapan ng ganito? Sana. . . sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko. Sana hindi na lang kita nakilala.
Nakarating ako sa bahay namin ngunit agad akong dumeretso sa kuwarto. Hindi ko alam kung naraanan ko ba ang Nanay at Tatay sa sala, basta't dumeretso ako sa silid namin ni Sharry. Malaki ang pasasalamat ko na wala rito nag kapatid ko, dahil hindi ko alam kung kakayanin kong hindi niya makita ang pagkadurog ko.
Dumapa ako saka ko ibinaon sa unan ang mukha ko at agad na ibinuhos lahat ng mga luha kong naipon.
Daig ko pa ang pinaulanan ng maraming patalim sa dibdib dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ito na ba ang kabayaran sa mga desisyon ko? Ito na ba ang kabayaran sa pagiging padalos-dalos ko? Bakit ganito kasakit? Bakit ganito ang hatid sa buong sistema ko? Nakakapangsuko. Ayaw ko na. . . ayaw ko na.
Hindi ko namalayan na sa pag-iyak ko ay nakatulog na pala ako.
NAGISING ako sa malakas na sigaw ni Nanay mula sa labas ng kuwarto ko.
"KAKAIN NA! AYAW BA N'YONG MAGSIKAIN? IPAPATUKA KO SA MGA BIBE 'TO!" galit na bulalas ni Nanay kaya't napabalikwas ako ng bangon. Tinignan ko ang telepono ko at pasado alas-syete na rin ng gabi.
Inayos ko ang sarili ko at agad akong tumungo sa kusina. Nadatnan ko na roon sina Nanay at Tatay maging si Sharry. Si kuya Seph ay siguradong nasa eskwelahan niya pa rin hanggang ngayon. Madalas naman talagang hindi siya nakakasabay kumain sa amin.
Naupo na ako sa puwesto ko at sumandok ng pagkain.
"Pinatatawag ako ng teacher mo, Sharry. Anong katarantaduhan ang ginawa mo?" ani Nanay na halata ang iritasyon sa kaniya.
"Hindi po, Nay! Wala akong ginawa. Sasabihin lang po yata sana sa inyo ni Ma'am na isasama po niya ako sa Regional Jamboree, kasi po ako ang chief girl scout—"
"Itigil mo 'yan. Wala akong perang ipangtutustos diyan," istriktong saway sa kaniya ni Tatay habang ang atensyon nito ay nasa pagkain.
Nakita ko ang disappointment ni Sharry. Sa aming tatlo, si Sharry ang palasagot at ayaw magpapatalo. "Pero, Tatay naman! Hindi naman kayo gagastos doon! Sagot naman ng school lahat—"
"Itigil mo 'yang bunganga mong bata ka! Sinabi ko nang hindi, kaya hindi! Jamboree? Hindi ko mababantayan ang gagawin mo ro'n! Malay ko kung sa edad mong 'yan may alam ka na sa mga kalastudan! Maraming high school ngayon ang kebabata pero kelalandi! Manahimik ka rito sa bahay!" putol ni Tatay sa sinasabi na naman niya.
Awang-awa ako kay Sharry. Ang gusto lang namam niya ay maranasan ang mga ganoong bagay, pero. . . siguro nga may dahilan ang Nanay at Tatay kaya ayaw siyang payagan.
Nanahimik na lang si Sharry at kumain na lang. Tipid lang din ang pagkain ko. Gusto ko na rin matapos para makabalik sa kuwarto. Gusto kong magpahinga. Pakiramdam ko ay hapong-hapo ako.
Patapos na ako nang lagyan ni Sharry ng ginisang talbos ng kamote ang plato ko. Hindi kasi ako kumuha n'on. . . dahil ayaw ko lang.
"Paborito mo 'yan, ate. Hayaan mo na si kuya Seph. Kainin mo na 'yan," aniya sa akin at hindi ako makasagot. Nakikita ko pa lamg ang talbos ng kamote ay parang bumabaligtad na ang sikmura ko.
"Ayaw ko niyan!" Medyo malakas ang pagkakasabi ko n'on kaya't napalingon ang Nanay at Tatay. Hindi ko napigilan. Hindi ko sinadya. "N–Nahihirapan akong tunawin sa gabi," alibi ko kahit pa ramdam kong nagulat sila sa iginawi ko.
"Kaartehan mong punyeta ka! Kapag wala ka nang makain, saka ka lalamon ng mga ganiyan," angil sa akin ni Nanay pero pinili ko na lamang ang manahimik. Baka kung ano pang lumabas na naman sa bibig ko ang hindi ko mapigilan.
Matapos kumain ay si Sharry ang nag-imis at ako naman ang natoka sa paghuhugas ng plato.
"Ate," tawag niya sa akin habang nakaharap ako sa lababo at siya naman ay nakabantay lang.
"Hmm?"
"May problema ka ba?" tanong niya at sandali akong napatigil sa pagkuskos ng plato.
"W–Wala naman. Bakit?" utal na sagot ko sa kaniya.
"Pakiramdam ko lang kasi meron. Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap, ha? Kapatid mo 'ko kahit hindi pa 'ko gaanong nakakaintindi," aniya sa akin kaya't lumingon ako sa kaniya. Nakita ko siyang kinukutkot ang linoleum ng lamesa.
"Shar, huwag mong ganiyanin 'yan. Kapag nalaman ni Nanay na nasira 'yan malilintikan ka na naman," sita ko sa kaniya.
Ngumuso siya sa akin saka ako tinitigan. "May problema ka, e. Sigurado ako. Magang-maga 'yang mata mo, oh. Siguro hindi mapapansin ni Nanay tsaka ni Tatay, pero sigurado akong namamaga 'yang mga mata mo," aniya sa akin at hindi ko alam kung bakit may mga namumuo na namang luha sa mga mata ko. "Bumagsak ka ba sa subject mo? Nawalan ka ba ng trabaho?" magkasunod na tanong niya.
Umiling na muna ako sa kaniya at nagpunas ng mga mata bago nagsalita. "Hindi naman. Iniisip ko lang kung makaka-graduate ba ako sa sobrang hirap ng buhay natin. Bayaran na naman ang miscellaneous fee mo, 'di ba? Hintayin mo na lang muna 'yong sahod ko sa Jollibee. Ibibigay ko agad sa 'yo," turan ko sa kaniya at bigla na lang tumayo ang kapatid ko at niyakap ako.
"Buti na lang ikaw ang ate ko. Kung si ate Donna lang ang naging ate ko, baka huminto na akong mag-aral ngayon," aniya sa akin. Ang tinutukoy niya ay ang pamangkin ni Tatay na nag-abroad at tuluyan nang kinalimutan ang mga kapatid niya rito sa Pampanga.
"Nambola ka pa. Hayaan mo kapag nagkaroon ako ng extra, bibilhin natin 'yong t-shirt na gusto mo sa Worship Generation para pambawi sa hindi mo pagpunta sa Regional Jamboree," wika ko saka ko pa hinalikan ang buhok niya.
"Ate. . . huwag kang mawawala sa akin, ha? Dapat lagi ka lang nandito. Dapat lagi mo lang akong mahal," aniya at hindi ko na naman napigilan ang pagkakaroon ng bara sa lalamunan ko.
"O–Oo naman. N–Nandito lang naman palagi ang ate," sagot ko sa kaniya.
Hindi ko maiwasan hindi masaktan sa sinabi ni Sharry. . . dahil sa mga oras na 'to, gusto ko nang tapusin ang buhay ko.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top