Kabanata 10
SHAN
HINDI ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para makiusap kay Dash na samahan ako ngayon dito sa Maynila. Dinala namin ang sasakyan ng Daddy niya. Mabuti na lang din talaga at may lisensya si Dash.
"Nanggigigil ako sa lalaking 'yan. Sinasabi ko sa 'yo, Shan, oras na magtapo kami, talagang makakatikim sa akin ang hayop na 'yon! Lakas magpasarap, ngayong may responsibilidad na, bigla na lang mawawala ang hayop," gigil na wika ni Dash.
Binabagtas namin ang daan ngayon patungo sa pinagdalhan niyang condo unit dati sa akin. Mabuti nga at naiwan ang location nito sa history ng waze ko kaya agad namin itong natunton. Kung ako lang, hindi ako matandain sa daan lalo pa't napakalaki ng siyudad.
"Hindi naman siguro niya sinadya na hindi ako kontakin. Sa palagay ay may valid reason naman siya—"
"Itigil mo 'yang katangan mo, punyeta! Ibabalik ko talaga 'tong sasakyan, makita mo!" putol na singhal sa akin ni Dash. "Hindi sinadya? 'Tang ina, isang buwan hindi nagparamdam sa 'yo, tapos hindi sinadya? Gaga ka talaga!" Damang-dama ko ang gigil niya pero wala siyang magawa. Damang-dama ko ang pagkapikon niya sa paraan ng pag-iisip ko, pero nandito pa rin siya para sa akin.
Nanahimik na lamang ako at hindi na sumagot pa. Mahirap kapag si Dash ang tinopak. Ayaw kong pati siya ay maging kalaban ko pa.
Ilang oras pa ay narating na namin ang condo unit na pinagdalhan noon sa akin ni Zeev. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang pamilyar na guwardya na nasa mismong entrada.
"Magandang araw po," bati ko rito.
"Magandang araw rin naman ho, Ma'am. Ano pong sa atin?" magalang na tanong sa akin nito. Mukhang hindi niya ako nakikilala at naaalala.
"Mang Agosto, ako po iyong kasama ni Zeev noon. Hindi n'yo po ba ako naaalala?" tanong ko sa kaniya at tila nagulat naman siya.
"Ay oo nga ho, Ma'am. Sabi ko na nga ba at parang pamilyar ho kayo," ika nito sa akin na ikinatuwa ko. "Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong nitong muli.
Dalawang beses muna akong nagbuntonghininga bago ko narinig ang pagtikhim ni Dash na wari bang sinasabi niyang magmadali na ako. "N–Nariyan po ba sa condo unit niya si Zeev ngayon?" utal na tanong ko.
"Ay, Ma'am, hindi man po rito ang condo unit ni Sir Zeev," sagot nito na nakapagpalumo sa akin. "Condo unit po iyon ni Sir Cholo, iyong kaibigan niya po."
"Ay tinamaan nga naman ng lintek," dinig kong pikon na bulong ni Dash.
Napaipaghawak ko ang mga kamay ko dala ng kaba. Pakiramdam ko ay gusto kong himatayin sa mga oras na ito dahil sa matinding kabog ng dibdib ko.
Mukhang nararamdaman ng anak ko ang takpt na nararamdaman ko dahil sumasakit nang sobrang ang puson ko.
"D–Dash. . ." Agad akong napakapit kay Dash. "A–Ang sakit ng puson ko. . ." daing ko sa kaniya. Mabilis naman niya akong inalalayan na tila natataranta.
"Umayos ka, Shan! Kapag iyang anak mo nawala sa 'yo baka hindi ko mapigilan ang magagawa ko sa hayop na 'yon," gigil na bulong sa akin ni Dash kaya't pinilit kong tatagan ang loob ko.
"Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Mang Agosto. "Hindi ko po alam na babalik kayo ngayon, dahil ang sabi po ni Sir Zeev, three-day-seminar lang naman daw po ang ipinunta n'yo rito sa siyudad. Nagtaka nga rin po ako dahil agad din kayong umalis noon," anito at naguluhan ako ng sobra.
Lumunok ako ng tatlong ulit saka nagbuntonghininga ng isang beses.
"Ano ho bang pakilala ni Zeev sa kaibagan ko sa inyo?" pakikialam ni Dash. Gusto ko man siyang pigilan ay tila nawawalan ako ng sapat na lakas.
"Sinabi ho sa amin ni Sir Zeev na intern daw po niya itong si Ma'am at sa condo muna ni Sir Cholo mamamalagi dahil po hindi niya kabisado ang lungsod—"
"Grabe! Grabe naman!" putol ni Dash. Hindi ko maipaliwanag ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko sa narinig ko. Gusto kong pumalahaw ng iyak pero tila naiipon lahat ng sakit sa dibdib ko.
Mukhang naguluhan na rin si Mang Agosto dahil nag-iba ang timpla ng mukha nito. "Kung mahalaga po ang ipinunta n'yo rito, maaari ko pong ibigay ang numero niya sa inyo na alam kong ginagamit niya. Nakikiusap lang po akong huwag n'yo sanang sabihin na sa akin ninyo nakuha dahil mahal ko po ang trabaho ko. Tatlong anak ko pa po ang nag-aaral. Nakikita ko lang po talagang mukhang importanteng makausap ninyo si Sir Zeev," anang matanda at sunod-sunod akong tumango.
Kumuha ito ng papel at isinulat doon ang numbero saka niya iniabot sa akin. "Maraming salamat po," wika ko rito saka na ako iginiya ni Dash patungo sa sasakyan.
Nang makasakay kami ay bumuhos ang matinding luha ng sakit mula sa akin. Hindi ko matanggap na ganito. Ang sakit. . . sobrang sakit.
"Punyeta! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Paiibigin ka saka ka iiwang may laman ang tiyan! Hindi ka kasi nakinig sa akin. And what? Intern? So damn kabobohan! He introduced you to them as his freaking intern? Wow! Manipulative freak of all times! 'Tang ina ang sarap niyang balatan ng buhay at ipagulong sa kalamansi at asin!" galit na bulalas ni Dash saka ako biglang hinarap at kinabig para yakapin.
"D–Dash. . . hindi ko alam. A–Ano na bang gagawin ko?" naguguluhang wika ko kasabay ng mga paghikbi ko. Naramdaman ko na hinaplos niya ang likod ko.
"Naiinis ako sa 'yo, pero nangingibabaw ang pakiramdam ng pagiging ate ko sa 'yo. Bakit naman kasi hindi ka nag-iingat? Kabilin-bilinan ko sa 'yo, pag-ingatan mo ang sarili mo pero hindi ka nakinig. Masyado kang nalunod sa kapusukan. Masyado mong ninamnam 'yong pagmamahal na akala mo hanggang dulo na," sermon niya ngunit ang sermon na iyon ay punung-puno ng pagmamahal.
Inihiwalay niya ako sa kaniya saka niya pinahiran ang mga luha ko. "Hindi ko na alam ano pang gagawin ko. . ."
"Call him now," utos niya sa akin at tumango ako.
Kinuha ko ang telepono ko at sinubukan kong tawagan ang numerong ibinigay ni Mang Agosto. Halos magbunyi ang buo kong pagkatao nang mag-ring ang telepono niya sa kabilang linya.
Bumuntonghininga ako at pinipilit patigilin ang sarili ko mula sa paghikbi. Ayaw kong isipin niyang umiiyak ako kahit iyon pa ang totoo. Ayaw kong maging problema ni Zeev kung sakali man na makontak ko siya. Hangga't maaari, ang nais ko lamang ay bigyan siya ng kasiyahan na malaman na magkaka-anak na kaming dalawa.
Kung pantasya man iyong matuturing, hindi ko alam. Basta sa mga oras na ito, ang nais ko lang naman ay tanggapin at mahalin niya ang bunga ng pagmamahalan namin. . . kahit pa hindi ko alam kung naging totoo ba siya sa akin.
Natapos ang unang tawag nang hindi sinasagot ni Zeev ang telepono niya, kaya't muli akong sumubok. . . ngunit tila nagkamali ako sa muli kong pagsubok dahil sa tinig na sumagot mula sa kabilang linya.
"Hi? Who's this?" Nakaramdam agad ako ng hindi maipaliwanag na kaba sa tinig na iyon. Isang babae, at ramdam ko ang kakaibang awra sa tinig niya.
"Si Shan po ito. Hindi po ba't telepono ni Zeev 'to?" tanong ko. Pinilit kong iayos ang pananalita ko kahit iba na ang kabog ng dibdib ko. Iba na rin ang tingin ni Dash na para bang gusto niyang agawin sa akin ang telepono.
"Yes, this is his phone. Who's Shan?"
"Girlfriend niya po," sagot ko. Pilit kong pinatatag ang boses ko dahil nararamdaman ko nang may mali.
"Girlfriend your face, Miss. Stop messing with me. I have no time for this prank," anito sa pikon na tono.
"N–Nagsasabi po ako ng totoo." Hindi ko napigilan ang pagkabasag ng boses ko dahil tila may nakabara sa lalamunan ko.
"You're not funny. I am his fiancé and my name is Rebecca. Ang layo ng Shan sa Rebecca! I'm gonna block you, bitch!" anito at pinatay na ang tawag.
Napatulala ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isipin. Lahat na yata ng dapat magunaw sa akin, nagsimula nang mawasak. Lahat ng pasakit, inisang bagsak.
"PUTANG INA TALAGA!" galit na hiyaw ni Dash saka niya inagaw ang telepono sa akin at sabay niyang kinuha ang laptop niya sa backseat.
Ikinonekta niya ang telepono ko sa laptop niya at marami siyang ginawa roon na halos hindi ko na masundan. Bumubuhos lamang ang mga luha ko habang nakatingin sa ginagawa niya.
Ilang saglit pa ay bigla na siyang huminto sa ginagawa niya at ibinalik na niya ang telopono ko sa akin at ang laptop naman niya sa backseat.
"Got you, stupid motherfuckers!" gigil na wika niya.
"D–Dash, anong ginawa mo?" tanong ko sa pagitan ng mga paghikbi ko.
"I traced their location," tipid na sagot ni Dash sa akin at mas binilisan pa ang takbo ng saskyan.
KUMAIN siguro kami ng tatlumpong minuto bago namin narating ang isang fastfood chain. Marami ang tao roon gaya rin sa workplace ko.
"Ayusin mo 'yang sarili mo. Pahirin mo lahat ng luha mo!" utos niya sa akin na agad kong ikinatalima. Nakakatakot ang isinisigaw na awra ni Dash. Parang handa siyang pumatay para sa akin.
Bumaba siya ng sasakyan kaya't agaran naman akong sumunod. Malapit na kami sa pintuan ng Jollibee nang bigla na lamang akong mapahinto sa nakita ko.
"Z–Zeev. . ." utal na wika ko habang nakatingin ako sa ama ng anak ko na masayang kumakain ng tanghalian kasama ang isang magandang babae. Sopistikada ang istura nito. Malayong-malayo sa akin na tila nakatira sa iskwater.
Maganda ito. Maiksi lamang ang buhok na hanggang balikat ngunit bumagay sa maliit nitong mukha. Tila siya isang buhay na manikin.
Hinatak ako ni Dash para pumasok ngunit pinigilan ko siya. Lumingon naman siya sa akin at sunod-sunod akong umiling habang sunod-sunod na rin ang pagtulo ng mga luha ko.
"ANO!? 'TANG INA NAMAN, SHAN! TARA NA KASI!" gigil na wika niya ngunit umiiling pa rin ako at tikom ang mga labi.
Hindi ko makapagsalita—hindi ko magawang magsalita dahil tila may malaking tipak ng bato ang nakabara sa lalamunan ko. Ang sakit-sakit. . . sobra.
Masakit na ang mga nakalipas na araw na hindi ko man lamang siya makausap, pero mas masakit pala ang ganito. . . mas masakit pala na makita mo ang taong akala mong sentro ka ng kaligayahan niya. . . pero nakikita mong masaya siya sa iba. Durog na durog ang pakiramdam ko.
Akala ko mahal niya 'ko.
Akala ko ako lang.
Akala ko sa akin lang niya gugustuhing maging masaya.
Akala ko dahil ibinuhos ko na lahat ng mayroon ako. . . sa akin na iinog ang mundo niya.
Akala ko. . . akala ko lang pala.
Binitawan ko si Dash at napahawak ako sa tiyan ko. Hindi. . . hindi na siya masakit. . . pero awang-awa ako sa anak ko. Awang-awa ako dahil nagtataka ako kung bakit ganito. . .
Bakit kailangan kitang ipanglimos ng pagmamahal sa sarili mong ama, anak ko? Bakit kailangan kitang ipanglimos ng atensyon sa kaniya? Anak, patawarin mo 'ko. Patawarin mo ang Mama.
Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil ang hina ko. Gusto kong lumuhod sa Diyos ay magmakaawa na alisin ang sakit ng dibdib na nararanasan ko. Gusto kong makalimot. . . gusto ko nang bumigay.
"Shan, sinasabi ko sa 'yo! Tara na kasi!" ani Dash na tila handa nang sumugod.
Umiling lamang ako sa kaniya at mapait na ngumiti. "U–Umuwi na tayo—"
"Punyeta naman, Shan! Nandito na tayo, oh! Lilinawin lang natin sa hayop na 'yon lahat, tapos mag-move on ka na! Ipapamukha lang natin sa kaniya kung gaano siya kawalang-kwentang tao! Kailangan malaman ng babae niya na isa siyang gago at ubod ng hayop na nilalang na hindi na dapat nabubuhay sa mundo! Putang ina niya! Ginawa ka pang side chick!" galit na galit na wika ni Dash. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang tao dahil sa paghihisterya niya.
"D–Dash. . . tama na. U–Umuwi na lang tayo. N–Napapagod na 'ko. D–Dash please," pagmamakaawa ko sa kaniya.
Nagbuntonghininga muna siya nang makailang beses bago niya napakalma ang sarili niya.
"Naaawa na 'ko sa 'yo, Shan. Bakit hinahayaan mo ang ganito?" tanong niya sa akin.
Hinayaan ko munang sunod-sunod na pumatak ang mga luha buhat sa mga mata ko bago ako sumagot sa kaniya habang nakangiti ng mapait.
"Hindi naman natin siya puwedeng pilitin na piliin ako. . . kami ng anak ko. Hindi ko naman puwedeng ipanglimos ng pagmamahal ang anak ko. . . tama nang naaawa na 'ko sa sarili ko. Ayaw kong iparanas iyon sa anak ko. Hayaan na natin si Zeev—"
"Zeev? That's my fiancé. That's a rare name para pag-usapan na lang bigla sa kalsada." Kapwa kami napalingon ni Dash sa pinanggalingan ng tinig at nakita namin ang magandang babaeng kasama ni Zeev kaninang kumakain. "So, who are you?"
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top