EPILOGUE

ZEEV

KASALUKUYAN kaming nagpapasok ng mga equipments sa open auditorium nang may mahagip ang mga mata ko na isang babae.

Ang ganda niya. Wala sa sariling naiusal ko sa isip ko. Para siyang maamong anghel na ibinaba sa lupa.

"Zeev! Bilisan mo!" dinig kong tawag sa akin ni Cholo kaya't agad akong sumunod sa kaniya.

Honestly speaking, I have a very tight schedule but as per Rebecca's request, naisingit ko kahit paano itong program na 'to. Rebecca is my business partner. Malaki ang naitulong niya sa akin kaya't sa tuwing may hihilingin siyang ganitong bagay na kaya ko naman at ginagawa ko na lang.

Natapos kaming mag-ayos at ngayon ay kasalukuyang nagpapaliwanag si Cholo sa mga estudyante nang mahagip na naman ng mga mata ko ang babaeng nakita ko kanina. May kasama siyang isang babae at isang lalake at kadarating lang nila.

She has this alluring eyes that I would want to stare the whole day and night. . . pero hindi mo maaalis na tila may lungkot sa mga matang iyon. It was like, she's manipulating her eyes to stay alluring and captivatibg but sad and the same time.

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya nang maglilipat na ako ng slide, ngunit agad ko rin binalik at hindi ko inaasahan na nakatingin na pala siya sa akin. Tinitigan ko siya ngunit agad naman siyang nagbaba ng tingin niya na ikinangiti ko. She's too pure and shy.

"May tanong ba kayo?" tanong ni Cholo.

Nakita kong nagtaas ng kamay iyong kasama niyang lalaki—o baka hindi lalaki.

"Yes, Mister. . . ?"

"Miss po ako, Sir," sagot naman nito at pinigilan ko ang matawa.

"Oh, sorry. Ano pong tanong n'yo?" tanong ni Cholo rito.

"Ano raw pong pangalan niyang nakaupo sa harap ng laptop? Pinatatanong po ng kaibigan ko," anito at sa hindi malamang dahilan ay gustong lumundag ng puso ko palabas. Marahil ay siguro iniisip ko rin na baka iyong babae ang nagpapatanong.

"Ah, si Zeev?" ani Cholo saka bumaling sa akin. Nagkinwari naman akong walang narinig sa uspaan nila. "Zeev, magpakilala ka naman sa kanila."
             
Tumayo ako at kinuha ang mic kay Cholo saka ako naglakad papalapit sa babaeng kanina pa kinukuha ang atensyon ko. Kitang-kita ko na napatulala siya sa akin kaya't lalo niyang nakuha ang atensyon ko.
            
"Hi. I'm Zeev Alejandro Arcanghel, Zeev for short," pakilala ko sa kaniya at inilahad ko la ang kamay ko sa harapan niya. Narinig ko ang tilian ng mga estudyante pero wala roon ang atensyon ko. Narito sa babaeng kaharap ko.
                   
"S–Shan. . . Shan Kassidy Alvarez," sagot niya sa akin at akmang babawiin na sana niya ang kamay niya pero mas hinigpitan ko ang kapit ko roon.
                     
Kinabig ko siya nang bahagya saka ko ibinaba ang mga labi ko patungo sa tainga niya at bumulong. "Meet me later around 1pm at your department's library. You're a psychology major, right? I want to know you better."

Damn! That was the first time I ever did that thing. She really caught me. It was like she's a natural stealer.

   
KANINA pa ako naghihintay sa kaniya dito sa gilid ng building ng library. Nakuha na akong pagtinginan dito dahil siguro alam nilang dayo ako, pero wala akong pakialam. I want to get to know that woman better.

Nakita ko siyang papasok na ng library kaya't hinawakan ko siya sa braso at maingat ko siyang hinatak patungo sa tagong parte ng eskwelahan. Wala naman akong balak gawan siya ng masama. Gusto ko lang ng tahimik.          

"Hi. Natakot ba kita?" tanong ko sa kanoya dahil halata naman nagulat siya sa akin. 

"H–Hindi naman. Nagulat lang ako," sagot niya at kinuha niya ang kamay niya sa akin. Humakbang din siya patalikod na animo ay natatakot.  

"How old are you, Shan?" tanong ko dahil nasa itsura naman niyang bata pa siya.

"E–Eighteen po," utal na sagot niya sa akin na ikinangiti ko.             

"Interesting. I'm twenty-four, by the way," anas ko at sumandal sa pader na narito.
                   
"P–Pasensya ka na sa kaibigan ko, ha? Gano'n lang 'yon pero mabait naman 'yon. Mahilig lang talagang manukso—"
                
"Actually, I liked what he did. It lead us here," putol niya sa kaniya at tinitigan ko siya sa mga mata. Ang ganda talaga ng mga mata niya. She's just too damn beautiful! She's so captivating!
                      
"N–Nag-aaral ka pa ba?" tanong niya sa akin.
                
"Nope. Graduate na. Business administration, major in marketing management," sagot ko at ngumiti.
                
Natahimik siya at ako naman ay tila naubusan din ng sasabihin. Gusto ko na lang talaga siyang titigan maghapon.
                   
"A–Aalis na 'ko. May klase pa 'ko—"
           
"Do you have a boyfriend?" biglang naitanong ko. Naalarma kasi ako nang sabihin niyang aalis na siya.
                  
"W–Wala."
                 
"Good. Puwede pala kitang ligawan," deretsong pahayag ko.
                       
"A–Ano?"
             
Halatang nagulat siya sa sinabi ko kaya't kinuha ko ang pagkakataon na iyon para hawakan ang baba niya at iangat ang mukha niya para magtama ang mga mata naming dalawa. I want to stare at her and this is the only way I could think of.
                   
"I want to be frank. I think. . . I like you, Ms. Shan Kassidy Alvarez, and I want to court you," pahayag ko na mukhang mas lalo niya pang ikinagulat pero walang problema sa akin. I am stating a fact here!
         
"H–Hindi ko alam ang isasagot ko," sagot niya sa akin at hindi ko napigilan amg matawa.
                     
"It's okay, love. This must be your first time entertaining a suitor. Mas lalo kitang nagugustuhan sa pagiging totoo mo."

"A–Aalis na talaga ako. M–Male-late ako sa klase ko," utal-utal na paalam niya pero sa halip at kinuha ko ang kamay niya at may inilagay akong kapirasong papel doon.

"That's my number, Shan. Just text me anytime you are ready," anas ko at nangingiti akong hinayaan na siyang makaalis.

This may sound so fucking gay, but fuck it! I fucking like her. Her innocence and alluring eyes are like gems.

     
NAGKAUSAP kami sa telopono kanina at ang sinabi niya sa akin kung anong oras matatapos  ang klase niya kaya ngayon ay narito ako sa harap ng gate ng university. Sa susunod na araw pa raw ang alis namin pauwing Manila.

Sinadya kong humarang sa harap niya para mabangga niya dahil nakauyo siya habang naglalakad.

"Sorry po. Sorry po—"
   
"Raise your head. Masyado kang maganda para itago mo 'yang mukha mo sa pagyuko," wika ko at nakita ko kung paano siyang namula sa sinabi ko.

"Z–Zeev. . ."  

"Ang ganda mo," anas ko nang matitigan ko na naman ang mukha niya. "Posible pala talaga. . ." Sinadya kong bitinin ang sinasabi ko.

"A–Ang alin?" tanong niya sa akin na tila kinakabahan.

"Posible pala na mahulog ka ulit sa isang tao kahit nahulog ka na rito," sagot ko sa kaniya na ikanapula niya at tila siya nabalisa.

"K–Kakakilala lang natin."

"And that's okay. Kikilalanin kita. Don't be shy, Shan. Sakay ka na," anas ko at inabot ko sa kaniya ang helmet na dala ko. "I brought my motorbike. Let's escape the suffocating world for a while."  

I don't know but I have this feeling that I want to help her escape her world. Parang ang sarap niyang itakas dahil iyon ang sinasabi ng mga mata niya sa akin.            

"Yumakap ka sa akin," utos ko sa kaniya.       

"H–Hindi na. D–Dito na lang sa bakal sa likod," sagot niya pero hindi ako pumayag. Kinuha ko ang mga kamay niya at iniyakap sa akin.

"Just trust me. Okay?" wika ko at sinimulan na nang paandarin ang motor.

Dinala ko siya sa bundok kung saan ako madalas pumunta kahit noong mas bata-bata pa ako.
                   
"Bakit dito?" tanong niya sa akin.
                 
"Wala lang. Mukha ka kasing suffocated," sagot ko, pero ang taman ng titig niya sa akin. "Don't look at me that way, baka isipin kong sinasagot mo na 'ko," pang-aasar ko.

"Sorry—"

"Don't be. Let's go," aya ko sa kaniya.
           
Nilakbay namin ang bundok na hindi naman gaanong matarik at kita kong namangha siya nang makita niya ng isang ilog na madalas kong pagliguan.
                 
"Ang ganda," aniya habang nakamasig sa agos nito.
                 
"Oo nga. Ang ganda," segunda ko, pero ang titig ko ay nasa kaniya. "You look so beautiful and innocent, Shan. Kahit sinong lalaki gugustuhin na kasama ka nila ngayon," dagdag ko pa ay humakbang ako papalapit sa kaniya.                    

"Z–Zeev." Halatang kinakabahan siya sa akin at hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon.

Hindi ko na napigil ang sarili ko. Bigla ko siyang hinatak at niyakao ng mahigpit. "You look so beautiful, but your eyes shout sadness. Ang lungkot. Ngumingiti ka pero malungkot pa rin ang mga mata mo. Kung may iniisip ka, let it out. Kung may problema ka, then I can be shoulder for you to cry on. Ang ganda mo pero parang takot na takot ka sa mundo," anas ko at ginawaran ko siya ng mabilis na halik sa buhok niya.

"Salamat, Zeev."
                      
"You don't have to thank me. I told you I like you, and I really do. It must be a love-at-first-sight. Sa dami ng tao sa auditorium na 'yon, ikaw lang ang nakakuha ng atensyon ko." Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay dapat sabihin ko sa kaniya ang totoo. . . kaya't ginawa ko.
                              
"H–Hindi ko alam kung anong sasabibin ko sa 'yo—"
         
"Nope. You don't have to say anything for now. Pakiramdaman mo lang kung anong gusto mo. Just let me be. . . ako ang magpaparamdam, tatanggap ka lang," putol ko sa kaniya at ginawaran ko siya nang marahan na halik sa noo.
           
Lumayo ako sa kaniya at kumuha ng maliit na bato saka ko iyon hinagis sa ilog. "I found this place when I had to run away from my responsibilities, but this place will no longer be my sanctuary alone. . . sa atin na. . . atin nang dalawa," anas ko saka ko siya nilingon at nginitian.
                    
"Zeev. . ."                     

"Hmmm?"              

"G–Gusto na yata kita."

Doon nagsimulang lalong yumabong ang nararamdaman ko para sa kaniya. Nadala ako ng pagiging totoo niya.

Hindi ko siya lubusang kilala. . . pero may humihiyaw sa loob ko, na siya lang ang gusto ko at wala ng iba pa.

     
UNANG beses na may nangyari sa amin, at hindi matawaran ang galak na nararamdaman ko.

Alam kong mali na pinakialaman ko siya lalo pa't bago pa lang kaming magkasintahan. Idagdag pa roon na bata pa rin siya sa edad niyang disiotso at hindi ko pa nakikilala ang mga magulang niya. Siguro nga ay nadala ako ng sobra kong pagmamahal sa kaniya. . . na ngayon ko lang naramdaman.

Gustong-gusto kong iparamdam sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Gusto kong ipakilala ang totoong ako at totoong estado ko ngunit natatakot akong baka kung anong isipin niya sa akin.

Natatakot ako na baka kapag sinabi ko sa kaniya may kaya ako at may mga sariling ari-arian, isipin niyang ginagamit ko lamang siya bilang pampalipas oras kaya't sinabi kong empleyado lamang ako kahit na ang totoo ay may sarili akong mga negosyo.

Nataranta ako nang makita kong tumunod ang telepono ko at rumehistro r'on ang pangalan ni Zeer.

"Kuya! Nasaan ka na ba!? Kanina ka pa nila hinahanap sa akin! Saan-saan ka ba nagsususuot!?"

"I will attend the meeting. Don't worry. . ."

"FASTER! Nakakainis ka na!"

"Yeah, I already said I am fucking coming so save your nagging. I don't want to hear any of it right now!"

"Are you shouting at me? Are you mad? I am just concern! I hate you!" aniya at narinig ko pa siyang humikbi sa kabilang linya.

"F–Fuck! I'm sorry, babe. Don't. . . Don't cry. I'm coming for you now. I'm sorry."

Wala akong nagawa noon kung hindi iwan si Shan kahit pa gustong-gusto ko siyang makasama. Napilitan akong bumalik na Manila para lang asikasuhin ang mga dapat kong asikasuhin.

I just can't make Zeer so emotional. She has leukemia and getting stress is so fucking forbidden.

Zeeria Alexandra Arcanghel is my only sibling. She's already twenty and yet still stubborn. I spoiled her too much. Gusto niya sa kaniya lang ang atensyon ko. Ayaw na ayaw niyang may napapalapit sa akin na babae, kahit pa si Rebecca kaya't hindi ko magawang ipakilala si Shan sa kaniya. I was 13 and she was just 9 when our parents died in a plane crash. From then on, I had to act as her parent. Gladly, we have Mommy Belle. Siya ang nag-alaga sa amin hanggang sa tuluyan akong magkaisip at matutunan ang mga bagay-bagay.

Isang araw ay pakiramdam ko na ang daming problema sa mga negosyo ay pinaluwas ko si Shan sa Manila. Ginawan ko ng paraan ang lahat para lang makasama ko siya. I hate myself for being selfish. . . gusto ko lang talaga siyang makasama at makita dahil kapag kasama ko siya, pakiramdam ko ay nawawala lahat ng hirap na nararamdaman ko sa paligid ko.

I asked Cholo if I could borrow his condo and he said yes. I even told the guard that Shan is an intern, para kung magtanong si Zeer ay walang magiging aberya. Ayaw ko kasing dalhin si Shan sa bahay o sa condo ko dahil ayokong bigla na lang kaming mabulaga sa pagsulpot ni Zeer. Ayaw kong magkaroon ng gulo lalo pa't hindi ko pa nasasabi sa kaniya na may nobya na ako. She's childish. Natatakot akong hindo niya maintindihan at baka anong mangyari sa kaniya.

That day she came here, may nangyari na naman sa amin. . . pero gaya noong una, wala akong pinagsisisihan. I badly want her to feel hoe much I love her and how much I long for her.

Sinabi ko sa kaniya na ipapakilala ko siya kay Mommy Belle at nakita ko pang nagulat siya. . . pero hindi natuloy. Mommy Belle died that day. She was 81 and she died in her sleep. Hindi ko sinabi iyon kay Shan. Nagluksa kaming magkapatid sa pagkawala ng nag-iisang taong kumalinga sa amin. Pakiramdam ko nagunaw ang mundo ko noon. Pakiramdam ko wala na akong masasandalan pa. Kinuha na sa akin ang mga magulang ko, pati ang tumayong magulang namin ng kapatid ko, kinuha rin sa akin.

Isang buwan kong hindi kinontak si Shan. Isang buwan akong parang gago na nangangapa sa dilim sa pagkawala ng taong sinasandalan ko. . . at tila lalo pa akong binagsakan ng lahat-lahat nang isugod sa ospital si Zeer at sinabi ng doktor na nasa last stage na siya ng leukemia. Pakiramdam ko, lahat na lang ng kamalasan sa mundo ay nasa akin.

Bawat mahal ko ay binabawi ng kamatayan sa akin. Ang damot-damot sa akin ng kaligayahan.

   
ISANG araw nagpasya na lang akong mamaalam kay Shan. Hindi ko siya puwedeng tuluyang itali sa akin. Ramdam kong mahal na mahal niya ako. Ramdam kong gusto niya akong makasama sa kahit na anong sitwasyon. . . pero paano ko magagawa iyon kung kailangan kong umalis. . . kailangan kong ipagamot si Zeer sa ibang bansa.

I called her and ask her kung puwede ba siyang makipagkita sa akin and she agreed.

"Shan. K–Kumusta ka?"

"I'm all good. Ikaw, kumusta ka?" Alam kong nilalakasan lamang niya ang loob niya. Alam ko naman na nagtatapang-tapangan lang siya. "B–Bakit nandito ka, Zeev?"

"I. . . I have something to tell you, Shan. I'm sorry. I really am. I shouldn't have. . . hindi dapat. . . hindi dapat kita pinakialaman. I am so damn sorry."

Hindi, mahal ko. Hindi ko kahit kailanman pinagsisisihan na inangkin kita dahil totoong mahal na mahal kita. . . pero maiipit ka sa sitwasyon ko. Ikaw ang maiiwang luhaan. Ikaw ang masasaktan kung aalis ako na wala kang itatanim na galit sa akin. Kailangan mo 'kong makalimutan.

"S–Siguro nga nadala lang tayong pareho. W–Wala ka namang kasalanan. Hindi mo naman kailangan mag-sorry, Zeev. Okay lang ako. O–Okay naman tayo. Wala naman sigurong problema—"

"I'm leaving tomorrow, Shan." Pinutol ko ang sinasabi niya dahil tila ako nadudurog sa naririnig ko mula sa kaniya. Hindi ko kayang marinig iyon. Hindi ko kaya na okay lang sa kaniya ang lahat. Ang sakit-sakit, putang ina!

"S–Saan ang punta mo?

"California. Ako ang mag-aasikaso ng mga dapat asikasuhin doon. Three years. . . three years ang kontrata."

Nagsisinungaling ako, mahal ko. Kailangan kitang pakawalan kung hindi mas mahihirapan at masasaktan ka dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ang ilalagi ko roon.

"Ganoon ba?"

"Please. . . please, break up with me, Shan." I begged. I have to and I need to. Kailangan kong gawin ito kung hindi ay lalong hindi ko kakayanin na mapalayo sa kaniya.

"Hindi mo kailangan magmakaawa, Zeev. Hindi mo kailangan gawin 'yan. Salamat sa mga araw na ipinaramdam mong mahal mo 'ko at napakahalaga ko. Salamat, Zeev. . . pinapalaya na kita."

Tumayo siya at tuluyan na akong iniwan at doon na sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.

"I love you, Shan Kassidy Alvarez. I love you so much. . . and it fucking hurts."

    
DALAWANG taon na akong naninirahan sa California at patuloy ang paggagamot ni Zeer.

"Kuya, may tumawag form Philippines. May pina-process ka bang papel sa isang university?" tanong niya sa akin.

"Yeah—"

"Your girlfriend's scholarship?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"You knew?"

"You love her so much. You could just have leave me, kuya. I may be your present, but she's your future. You should've chose her over me," ani Zeer sa akin saka niya ako tinalikuran. "Coward."

I am not coward, Zeer. I chose you because you are the only family I have.

Nagpapasalamat ako na walamg aberya sa scholarship niya. Nang malaman ko kasing huminto siya sa pag-aaral ay agad kong naisip na baka dahil iyon sa nangyari sa amin, kaya't ngayon na gusto niyang sumubok ulit ay nais ko siyang suportahan. . . kahit pa sa malayo. . . kahit pa hindi niya alam. Gusto kong mahalin pa rin siya, kahit na ako na lang ang nagmamahal sa aming dalawa.

Naging maayos ang mga negosyo at pagsusustento ko sa pag-aaral ni Shan, maging iyong resort na ipinapatayo ko at balak ipangalan sa kaniya, pero ang problema. . . lumalala ang sitwasyon ni Zeer.

It was a year later, when she finally gave in and that was the same year that I decided to go back to the Philippines.

I have to move on. I have to. Wala na akong magagawa pa sa mga nawala sa buhay ko. Kailangan ko na lang ay magpatuloy.

I am really glad when I got to meet Shan again and she was too surprised that I was her sponsor. . . but nothing surprised me more when I learned that we have a child.

I begged her and I explained my side of the story that she doesn't knew was existing.

I despised and hated Rebecca for what she did to her and to my life. I almost sued her but she begged me not to and promised me that she will stay away from our lives from then on.

Things are getting better not until the woman I love was diagnosed of colon cancer. My world just crumbled underneath my feet. I felt so lost.

I felt like. . . this cruel world will never be in my favor. Never.

   
     
NAKATULALA lamang ako sa puntod niya nang may yumakap na maliliit na kamay sa akin.

Years may have passed so quickly but thank you for all the love you gave me. Thank you for all the unending support. I will love you until my last breath. I will love you. . . always.

"Papa!" tawag nito kaya't napangiti ako. Yumuko ako saka ko siya binuhat at kiniliti. Tumawa naman ito ng tumawa na tila naliligayahan.

"Have you eaten?" I asked.

"Opo, Papa. Ikaw po? Nagugutom na po ikaw?"

"Opo. Uwi na ba tayo?" tanong ko rito at nakangiti itong tumango-tango sa akin.

Isinakay ko siya ng sasakyan at sumakay na rin ako. Habang daan ay hindi ko maiwasang mapaluha habang nakatingin sa kaniya sa rearview mirror. Kung ito ang kapalit ng lahat ng sakit, ayos lang. Siguro ito talaga ang nakatadhana.

"Anak, mahal na mahal ka ni Papa."

"Lab na lab ko rin po ikaw, Papa!" masiglang wika nito sa akin sa backseat.

Nakarating kami ng bahay at agad ko siyang binuhat at pumasok na kami ng bahay. Sinalubong kami nina Dash at Michael na may mga dalang bulaklak.

"Nagpunta ka na sa puntod niya?" tanong ni Dash sa akin at tumango ako. "Hindi mo man lang talaga kami hinintay! Magagalit na naman si Shan niyan!" singhal niya na ikinangiti ko na lang.

"Humanda ka talaga kay, cyst! Mapang-iwan ka talaga, Zeev! Tatadyakan kita, e! O'siya, kami naman ang dadalaw, ikaw naman ang maiwan, letse!" ani Michael at lumabas na sila ng bahay.

Ibinaba ko ang anak ko at tumakbo naman ito sa kwarto samantalang ako ay tumungo sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig.

"Napagod ka?" tanong sa akin ng isamg tinig at nalingunan ko siyang nakangiti sa akin.

"Oo. Ang kulit ng anak mo. Takbo nang takbo," sagot ko sa kaniya na lalo niyang ikinangiti. Sumilay na naman ang gandang taglay niya na kahit ang nagdaang panahon ay hindi magawang sirain.

"Saan pa ba iyon magmamana? Sa iyo lang naman. Kung ako lang naman po, alam na alam mong sobrang bait ko," sagot niya sa akin saka lumapit sa akin at nagkunyapit sa bewang ko.

"Nasaan ba si Keev?" tanong ko da kaniya at ngumuso siya sa akin.

"Nakaharap na naman sa computer niya. Si Leevy ba nasaan?" tanong naman niya sa akin.

"Nasa kuwarto. Baka naglalaro ng mga manika niya," sagot ko ay niyakap ko siya nang mahigpit. "I love you, Mrs. Shan Kassidy Alvarez-- Arcanghel. Thank you for giving me Keev Aldreen and Leevy Alexa," emosyonal na wika ko sa kaniya saka ko siya hinagkan sa mga labi niya.

Nang bumitaw ako sa halik ay nakita kong ang sama ng tingin niya sa akin. "Hmp! Sige lang utuin mo 'ko, kahit pa tinakasan mo 'ko sa pagpunta sa puntod ni Zeer. Masisipa na talaga kita, Zeev! Limang taon na tayong kasal pero malihim ka pa rin!" singhal niya na ikinatawa ko na lang.

Yeah. Shan Kassidy Alvarez-- Arcanghel is a colon cancer survivor. She survived. God may have been listening to our prayers all along. The tumor didn't spread to her other organs that gave us 70% of survival rate, and yes, with God's grace and guidance, she made it.

Niyakap ko siya nang mahigpit. This is the real treasure that no money could ever buy.

Indeed, when she gratified the sinner was a huge mistake. . . but when the sinner fell in love, that's another story to tell.

Thank you for hearing our not-so-awesome story. We will now live in love and peace.

My Shan, Keev, and Leevy are now the center of my own universe.

I will never forget the day they told me I lost her. . . but she was revived.

****

Nakatulala ako sa pintuan ng emergency room habang pinakikinggan ko ang paborito  niyang kanta sa telepono ko. This must be her favorite because she new it was all about me and her. . . it was all about our pain and tragedy.

Far Away
By: Nickelback

This time, this place
Misused, mistakes
Too long, too late
Who was I to make you wait?

Just one chance, just one breath
Just in case there's just one left
'Cause you know, you know, you know

That I love you
I have loved you all along
And I miss you
Been far away, for far too long

I love you so much, my love. Please hang in there. Please be alive. . . I am begging you!

I keep dreaming you'll be with me
And you'll never go
Stop breathing if I don't see you anymore

On my knees, I'll ask
Last chance for one last dance
'Cause with you; I'd withstand
All of hell to hold your hand

Just this once, Shan. Please give it to me and Keev. Please. . . please stay. I am begging you!

I'd give it all; I'd give for us
Give anything, but I won't give up
'Cause you know, you know, you know

That I love you
I have loved you all along
And I miss you
Been far away, for far too long

I keep dreaming you'll be with me
And you'll never go
Stop breathing if I don't see you anymore

So far away, so far away
Been far away, for far too long
So far away, so far away
Been far away, for far too long

Ayaw ko nang malayo pa sa 'yo. Hindi ko kakayanin, Shan. . . hindi ko kaya. This is just too much pain. I need you. Our son needs you. Please. . . stay!

But you know, you know, you know
I wanted, I'd wanted you to stay
'Cause I needed
I need to hear you say

That I love you (That I love you)
I have loved you all along
And I forgive you (And I forgive you)
For being away, for far too long

So keep breathing
'Cause I'm not leaving you anymore
Believe it
Hold on to me and never let me go

Please, keep breathing. Please. . . Shan. Please. . . Don't go away. Stay with us.

Keep breathing
'Cause I'm not leaving you anymore
Believe it
Hold on to me and never let me go

Keep breathing
Hold on to me and never let me go
Keep breathing
Hold on to me and never let me go

God please. . . make her stay. I am begging You. She's all I have now.

"Mr. Arcanghel. . . Time of death, 11:05am."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

DITO KO NA LANG ISISINGIT ITONG NOTE NA 'TO DAHIL NAKUKUNSUMI NA 'KO.

- HAPPY ENDING ITO AT END GAME ANG MGA BIDA! BASAHIN NINYO NANG MABUTI ANG EPILOGUE! BASAHIN N'YO NANG MABUTI PARA HINDI KAYO LITONG-LITO NA HINAHANAP SA AKIN KUNG ANO BA ANG ENDING. NAKUHA KONG NAKUNSUMI SA HATE COMMENTS NA ANG PAG-INTINDI N'YO NAMAN SA ENDING ANG PROBLEMA. 🙂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top