Prologue
It was never Klaudine's plan to live this way. She had great plans . . . lots of it. But all went downhill when she fell in love with a man. It wasn't her intention, but she was betrayed by her heart and mind. She had forgotten everything—everyone—for the love she thought she deserved.
Klaudine breathed while staring at nowhere. Kung ano man ang nangyari sa kaniya, deserve niya iyon. Maraming nasaktan at naapektuhan.
Nakatitig siya sa kawalan at pinakikinggan ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan. Kahit paulit-ulit niyang sabihin sa sarili na magiging maayos lang ang lahat, parang gusto na lang ni Klaudine na lumusong papunta sa karagatan para maagos papunta sa lugar na puno ng kadiliman.
Kung puwede lang, ginawa na niya. Pero hindi. May mga buhay na nakasalalay at may mga taong umaasa sa kaniya. Hindi siya puwedeng maglaho, hindi siya puwedeng maging makasarili.
Sa tuwing naiisipan ni Klau na tumakbo na lang sa kawalan, paulit-ulit na bumabalik sa kaniya kung paano siya niyayakap ni Henry, kung paano ito lumuhod na huwag siyang aalis, na huwag niya iyong gagawin.
Paulit-ulit.
Nakaupo siya sa buhangin at nakatapat sa beach area ng San Rafael. Isang buwan na siya simula noong magtago siya pagkagaling sa ospital dahil gusto niyang huminga at lumayo pagkatapos ng mga nangyari.
At habang tumatagal, parang mas gusto na lang ni Klau na lumayo sa lahat ng taong nakakikilala sa kaniya. Mas gusto niyang mabuhay mag-isa, kung hindi man, maglalaho na lang na parang bula.
Hindi alam ni Klau kung anong oras na dahil naging routine na niya ang magpaantok sa dalampasigan. Hindi siya nakatutulog sa magdamag at dahil nakatira siya malapit sa beach, walking distance lang iyon. Gabi-gabi siyang nakatingin lang sa kadiliman hanggang sa sumilip nang bahagya ang araw, indikasyon para umuwi na at magpahinga.
'Hanggang kailan ako ganito?' Iyan ang palagi niyang tanong sa sarili. Hindi na rin alam ni Klau ang sagot sa sariling mga tanong, wala na rin naman siyang pakialam kung masasagot pa ba o hindi.
Maliit lang ang bahay na nirentahan niya sa San Rafael. Mag-isa lang naman siya. Kung puwede lang sana na kuwarto lang, kaso walang nagpaparenta ng bed space sa lugar. Pagbukas ng pinto, kaagad na inilibot ni Klau ang tingin sa bahay. Walang gamit kundi kama sa ikalawang palapag dahil hindi rin naman niya alam kung magtatagal ba siya sa lugar na ito.
Wala siyang ginawa sa loob ng isang buwan kundi hanapin ang sarili. Walang nakakikilala sa kaniya sa lugar na pinili niyang puntahan. She decided to be a nobody. She wanted to be someone invisible, unnoticeable.
Klau tried regaining herself, whom she lost after loving someone forbidden, someone she couldn't have. It was a tough decision, it was wrong, but Klau still did it. It was fun . . . at first. Until her tears were already flowing, her heart was aching, and she lost her entire being.
Anxiety after the other, breathing techniques, and meditation . . . Klau failed to sleep.
Paikot-ikot na siya sa kamang hinihigan, ipinalibot na rin niya ang tingin sa lahat ng sulok ng madilim at malamig na kuwarto, pero hindi makuha ang tulog na ilang araw na niyang ginugusto.
Naramdaman niya ang bigat sa dibdib dahil isang buwan na siyang hindi makakilos nang maayos. Isang buwan na niyang gustong tulungan ang sarili, pero wala pa ring paghilom.
Hindi pa rin niya alam kung saan niya sisimulan.
Walang nakaaalam ng kinaroroonan ni Klau, kahit ang pamilya niya. Hindi rin naman na nangungumusta ang mga ito kaya hindi na rin siya gumawa pa ng paraan para sabihin ang kinaroroonan niya. Siya ang tumutulong sa pag-aaral ng mga kapatid niya pati na rin sa canteen na pagmamay-ari ng mama niya.
Nag-message na lang siya sa mga ito na hindi siya makapagpapadala ng pera. Paano siya makabibigay ng pera sa mga ito? Siya mismo, walang-wala.
Bumagsak ang luha ni Klau habang nakatitig sa kisame.
Kahit anong pigil niya, hindi niya magawang hindi umiyak.
'Hindi ako 'to,' bulong niya sa sarili.
Alam niyang hindi siya ganoon, pero bakit hindi na niya mahanap kung sino siya? Ang daming katanungan na alam din namang niyang walang kasagutan.
'Ako ito, e. Si Klaudine!' aniya habang mahinang humahagulhol.
Klaudine used to be a fighter, she used to have a positive outlook in life, she . . . used to be the best version of this persona. Ngunit sa kasalukuyan, kahit pagbangon sa higaan, nahihirapan siya dahil gusto na niyang sumuko.
Ang dami niyang pangarap, pero hindi niya alam kung matutupad pa iyon dahil sa mga desisyong hindi naman pinag-isipan nang maayos. Hindi siya naging matalino sa pagpili at mali ang mga desisyon.
'Alam ko naman sa sarili kong matalino ako . . . pero bakit bigla akong naging bobo?'
Katulad ng araw-araw na routine ni Klau, nagpupunta siya sa dalampasigan sa gabi o madaling-araw. She would stay there until the sun rises. Klau made it a sign that sunrise would always give her a new reason to live. She wanted to live . . . but she also wanted to die. Hindi na rin niya maintindihan ang sarili, hindi na rin niya ma-figure out kung ano ba ang sariling gusto.
Naisip niya na kung walang mga buhay na umaasa sa kaniya, she could just leave and never come back. Ngunit sa tuwing iniisip niya ang mga taong nakapaligid sa kaniya, nagmamahal . . . hindi na niya iniisip ang sakit. Mas gusto na lang piliting ngumiti para sa mga ito.
Klaudine wanted to be selfish again . . . pero hindi na puwede.
"Strawberries and cream frappuccino for Klaudine!" sigaw ni Rosha, ang may-ari ng café na palagi niyang pinupuntahan at ang taong tumulong sa kaniya simula nang mapunta siya sa lugar.
Naglakad papalapit si Klaudine sa counter para kunin ang order niya.
Nakasimangot na nakatitig si Rosha at mukhang sisinghalan na naman siya. "Ikaw, babae ka, tulala ka na naman! Nilagyan ko na rin pala 'to ng extra strawberries for you. Magkakain ka nga!"
Natatawa si Klau na tinanggap ang iniabot nito. Naramdaman kaagad niya ang lamig ng frappucino at biglang nag-overflow ang memories na gusto na sana niyang kalimutan.
The flavor was her best friend's favorite. Harriet, her best friend for more than a year.
Naalala ni Klau na magpapadagdag pa si Harri ng whipped cream at kapag wala siyang pera, ito pa ang bibili ng kahit na anong gusto niya. Harriet was there for her . . . but she failed to be there for Harriet.
Dahil alam ni Klau sa sarili niya ang nagawa.
Si Rosha ang unang taong nakilala ni Klau sa San Rafael. Ito ang unang taong tumulong sa kaniya dahil dumating siya sa lugar na walang kakilala, walang makausap. Naalala niyang dumating siya nang hatinggabi, pasara pa lang ito nang makita siyang nakaupo sa hagdan, katabi ng café na pag-aari nito.
Ang buong akala ni Klau, paaalisin siya ni Rosha, pero hindi. Rosha offered to give her food and asked for her to stay for the night. Nagtiwala ito sa kaniya kahit na bagong salta siya, kahit na hindi sila magkakilala.
Simula noon, si Rosha na ang palagi niyang kausap. Nagpupunta rin ito sa bahay niya para magdala ng pagkain. Si Rosha ang taong nasandalan niya simula nang magdesisyon siyang magtago sa lugar na hindi rin niya kilala.
Hindi makalimutan ni Rosha kung ano ang itsura ni Klau nang makarating ito sa San Rafael. May pasa ang mukha nito, mayroon pang bulak sa kamay dahil sa pagkakatanggal ng dextrose, at sinabing kagagaling lang ng ospital. Ni wala pang dalang kahit anong gamit ultimo damit.
"Kumain ka na!" singhal ni Rosha at naglakad papalapit sa lamesang katabi niya. "Ang payat-payat mo na. Hindi ka naman ganiyan n'ong unang dating mo rito. Palagi kong sinasabi sa 'yo na alagaan mo 'yang sarili mo, please lang. Teka nga, hanggang kailan mo balak dito sa San Rafael?" tanong nito habang nililinis ang katabing lamesang may mga kalat galing sa mga kaaalis lang na customer.
"Hindi ko pa rin alam, e." Inikot-ikot ni Klau ang straw ng frappe na nabili para mag-mix ang syrup sa mismong shake bago humigop nang kaunti at ibinaling ang tingin kay Rosha. "Gusto ko p—" Magsasalita sana si Klau nang tumunog ang bell ng pintuan dahil may mga pumasok.
Pareho silang lumingon ni Rosha sa pinto ng café nang sabay-sabay pumasok ang tatlong babae. Mukhang may kaya ang mga ito, mukhang mga turista, at mukhang kaedaran lang din niya.
"Anong oras ba aalis 'yung bangka?" tanong ng babaeng nakakulay pulang sundress at may hawak itong parang rattan na bag. "Buti na lang din talaga, nakahabol tayo ng booking. Sana rin hindi masyadong puno 'yung isla, 'no?"
"Oo nga, e." Naglakad papunta sa counter ang babaeng may kulay green na buhok at nakaputing sando. "Para mas ma-enjoy naman natin 'yung healing."
Sabay-sabay na nagtawanan at mas pinag-usapan pa ang isla.
Tumingin si Klau kay Rosha at nagtatakang nagtanong dahil wala siyang alam tungkol sa mga pinag-uusapan nito. Naririnig niya at pamilyar siya sa sinasabing pantalan, pero hindi sa islang pinag-uusapan.
"Rosh, anong isla 'yung sinasabi nila? Bakit may healing? Ano 'yun? Parang may manggagamot?" tanong niya.
Gustong matawa ni Rosha sa tanong ni Klau, pero naalalang hindi nga pala nabanggit ang tungkol sa islang pinag-uusapan ng tatlong turista. Naupo siya sa harapan ni Klau, kinuha ang hawak nitong frappe, at hinalo iyon sa consistensy na palagi nitong nire-request—watery and almost liquidy.
"Sira, hindi!" natatawang sagot ni Rosh at inasar pa si Klau tungkol sa binanggit na manggagamot. "Hindi naman sobrang secret 'yung island na 'yun. Maraming nagpupunta, pero medyo limited 'yung ina-accommodate."
Klau observed Rosh and listened to what she said. Wala siyang alam tungkol sa islang binabanggit nito. Sa isang buwan niya sa probinsya, first-time niyang marinig ang tungkol doon.
"Matagal ko na ngang gustong i-suggest sa 'yo 'yung lugar na 'yun, kaso nasa physical healing ka kaya hindi ko nabanggit hanggang sa nakalimutan ko na. Pero 'yung isla na 'yun, para talaga 'yun sa mga gusto ng self-healing, self-love . . . redemption."
Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Klaudine dahil mas na-curious siya sa sinasabi ni Rosha.
"Redemption Island is about finding yourself. Nakapunta na ako roon, dalawang beses. May babayaran ka lang, parang fee para sa stay mo roon. May mga option naman kung wala kang masyadong budget, may tent for you. Kung mayaman ka naman, may five-star hotel doon," sabi nito at inilabas ang phone. Nag-browse ito sa internet tungkol sa isla. "Ito 'yung website nila. Meron pala silang sale, e. Kung gusto mo, puwede kang pumunta!"
"Wala akong kasama, at saka hindi ko naman kailang—"
Marahas na umiling si Rosha at hinila pa nang bahagya ang buhok ni Klaudine. "Anong hindi mo kailangan? Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang may pinakakailangan niyan n'ong unang beses kitang makita. Pero n'ong sinabi mong kagagaling mo lang ng hospital, hindi ko na nabanggit sa 'yo kasi hindi puwede."
Kinuha ni Klau ang phone ni Rosha at tiningnan ang website na sinasabi nito. Maganda ang isla. Mula sa San Rafael, kailangan niyang sumakay ng bangka.
Inisa-isa rin niya ang amenities at activities na ino-offer ng isla, mukhang mag-e-enjoy naman siya. But given her situation, kagagaling lang niya, mukhang mas mapadadalas lang siya sa beach o sa kahit saang peaceful area ng lugar.
"Subukan mong pumunta," malungkot ang boses na sabi ni Rosha habang nakatingin kay Klau. Hinawakan din nito ang mga kamay niya. "Isang buwan mo na rin kasing hinahanap 'yung sarili mo, Klau. Pero hindi mo mahahanap 'yung ikaw nang ganoon lang. Subukan mo lang sa isla, subukan mo baka sakaling makatulong sa 'yo ang mga activity roon, 'yung environment, lahat. Wala namang mawawala."
Hindi nakasagot si Klau at nakatitig lang sa phone ni Rosha. Nag-iisip siya tungkol sa isla. Maganda ang lugar, pakiramdam niya, mas makahihinga siya nang maayos. Walang kasiguraduhan, pero tama si Rosha. Walang mawawala kung susubukan niya.
"Ito, meron silang promo." Ipinakita ni Klau kay Rosha ang nakapaskil sa banner sa website. "Five thousand . . . ang mahal naman, pero sabi rito, two weeks na rin naman. Parang good deal na rin. May libre na rin namang breakfast, lunch, and dinner. Fifty percent off kasi, pero 10,000 raw kapag normal."
Klau looked at Rosha, who didn't respond to what she had just said, and found her friend staring at her. For some reason, she felt uncomfortable. She had to look away to stop herself from crying.
Hindi mawari ni Klau ang titig ni Rosha, katulad lang din noon, mayroong awa. Lalo nang malaman nito ang istorya ng nangyari sa kaniya, nalungkot ito para sa kaniya. Masyado pa raw siyang bata kung tutuusin para maranasan ang mga iyon.
Mas matanda lang sa kaniya si Rosha nang tatlong taon, pero naging ate niya ito habang nasa probinsya. Dahil siguro longing siya sa nakatatandang kapatid lalo na at panganay siya.
Ngumiti si Klau, bigla niyang naalala ang palaging tumatakbo sa isip niya na mas madalas, kapag panganay, walang nangungumusta.
"I-push mo na, regalo mo sa sarili mo. Malay mo, roon mo makita 'yung hinahanap mong peace of mind. Subukan mo lang. Give yourself a break, Klau." Hinaplos nito ang magkabilang pisngi niya. "Kung kailangan mo ng pera, puwede kitang pahiramin, alam ko naman na ibabalik mo. Basta, gusto kong maging maayos ka."
Klau was trying so hard not to cry, but she cried like a baby with Rosha's small gesture. She started sobbing and felt emotional over a simple touch. She needed it . . . she needed to be taken care of.
She couldn't help but feel emotional that she had found someone, a stranger, who would help her. She never thought that meeting Rosha would give her a fresh start.
Ibinalik ni Klau ang tingin sa phone ni Rosha at nagpa-book. Nakakuha siya ng slot para kinabukasan, sasakay siya ng bangka papunta sa isla. May kaunting savings pa naman siyang natitira, gagamitin na niya iyon para sa pagpunta sa isla.
Maybe Rosha was right. The island would offer a stress wall; she badly needed that. No, she needed the entire island to heal.
—
Klau pushed through with the plan. She slept through the night for the first time and had to wake up before the sun rose. It was her favorite time of the day; she couldn't miss it.
Naghintay na lang si Klau sa port dahil nakuha niya ang alas-siyete ng umagang byahe papunta sa isla. Lima lang sila sa bangka, dalawa silang babae, tatlong lalaki.
Pare-pareho silang tahimik.
Habang pinagmamasdan ni Klau ang mga kasama, naisip niya na bukod ba sa kaniya, may ilan pang nakararanas ng pagkawala? Huminga siya nang malalim at inisip na huwag naman sana dahil hindi maganda sa pakiramdam na hanapin ang sarili.
Bigla niyang hiniling sa kulay asul na langit habang binabaybay nila ang karagatan na sana, silang lima lang ang tao roon . . . pero nagkamali siya.
Mula sa malayo, may ilang tao na siyang nakikitang naglalakad-lakad sa beach area ng Redemption Island. Mas nalungkot si Klau na bakit ang daming tao na nakararanas ng pait? Hindi ba puwedeng palagi na lang masaya?
Tumingala ulit siya at tumitig sa kalangitan, pinigilan ang luhang pabagsak. Gusto niyang itanong kung bakit kailangan nilang maranasan ang lahat. Kung bakit may mga desisyon silang hindi napag-isipan nang maayos at hindi ba puwedeng hindi na sila masaktan?
Umabot din sila nang dalawampung minuto bago sila nakarating sa isla.
Hindi maipaliwanag ni Klau kung bakit, ngunit iniikot pa lang niya ang tingin sa buong lugar, gumaan ang pakiramdam niya. Para siyang nabunutan ng tinik, parang nawalan ng bigat sa dibdib.
Hindi dapat siya masaya na marami siyang kasama, pero nakaramdam siya ng pagkapanatag na hindi siya nag-iisa. Hindi nakatutuwang maraming nasasaktan, pero gusto niya ang pakiramdam na may makakausap siya tungkol sa pinagdaraanan.
The whole island was relaxing. Klau started to feel the gentle warmth of the sea, the breeze of salty air, and the humidity of the entire island. The sight of the majestic blue sea was endless.
There were dozens of people, but it was quiet. Some were staring at nowhere, some were quietly walking, and some were casually resting by the shore. All Klaudine heard was the waves crashing against the shore.
The whole place was calming and gentle.
Klau wore a simple maong shorts, flops, and loose, green sando. Something comfortable. Nakabagsak lang din ang mahabang buhok niyang nililipad ng hangin.
Bago makababa ng bangka, nagsimula na rin ang briefing para sa isla. Tahimik lang na nakaupo si Klau, naghihintay ng susunod na gagawin. Pinakikiramdaman din niya ang init na nagmumula sa sinag ng araw.
"Hi, everybody! My name is DZ. I welcome you all to Redemption Island on behalf of Marina Hope Tours! The boat ride to the island took about twenty minutes. I want to take a minute to familiarize you with the area and discuss some brief safety precautions. I promise you are going to enjoy your stay here on Redemption Island. This is a beautiful paradise where you can relax, sit by the beach, enjoy great meals, go camping and hiking, and feel very safe . . ."
Hindi na tinapos ni Klau ang sinasabi ng lalaking maputi na mukhang foreigner at nagsimula na ring maglakad. Ituturo na rin sa kanila kung saang tent na tutulugan dahil wala naman siyang pang-hotel. Gusto lang din naman niyang magliwaliw at malamang, katulad ng ginagawa niya sa San Rafael, mag-i-stay lang din siya sa beach area hanggang sa antukin.
Papalapit na si Klau sa reception area kung saan nakatayo ang receptionist, pero bigla itong tumakbo na parang nakakita ng multo. Sinundan niya ito ng tingin dahil nakita niya ang takot sa mga mata ng babae . . . parang nakita ni Klau ang sarili nang maalala ang ginawa sa kaniya ng dati niyang boyfriend.
After reliving the scene, Klau felt her heart tighten, and she couldn't breathe properly. She had to gasp some air to calm down, but it was not helping. She caught her breath, walked toward the beach, and started sobbing silently.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at tiningnan ang kwintas na ibinigay sa kaniya ni Henry. Nilaro ng mga daliri ni Klau ang bilog na pendant na mayroong naka-engrave na initial niya. She remembered how Henry gave that necklace to her while whispering how much he loved her.
Klau felt her knees tremble, and she gently sat down by the shore. She closed her eyes and thought of Henry's face instead . . . the man she loved. The man she couldn't have, the man she would never have.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top