Chapter 8
For almost two weeks, Klau became comfortable with her working schedule. Malapit na rin ang pasukan kaya naman kailangan niyang ayusin ang requirements niya sa school.
Last year na rin niya sa college at ipinagpapasalamat niya na after six months, kung maganda ang performance niya sa Metrovilla, possible na maging regular employee pa siya.
Isa iyon sa inaalala niya pagkatapos ng graduation, kung paano at saan siya makakukuha ng trabaho. Mahirap maghanap ng trabaho sa Pilipinas. Bukod sa hinahanap ng mga kumpanya ay may experience na, mababa pa ang sweldo. Ang iba naman, naghahanap ng fresh graduate, pero kailangang may experience.
Paano nga magkaka-experience kung ang hanap ng lahat, may experience na? Paano magsisimula?
Nakaupo si Klau sa harapan ng admissions office ng school para ipasa ang schedule na napili niya. Dalawang oras na lang siyang magtatrabaho sa school, apat na oras naman ang klase araw-araw. Pagkatapos noon, papasok siya sa Metrovilla na ipinagpapasalamat niyang handang mag-adjust ng schedule para sa kaniya.
"Pasok ka na, Klau." Nakangiting sumilip ang secretary ng head ng admissions. "Nakita ko ang schedule mo, okay naman, ang aga mo lang din talagang papasok, 'no?"
Naglalakad sila papunta sa opisina. "Oo nga po, e. Kailangan ko rin kasing pumasok nang maaga, lalo po may work ako. Mas okay na rin po itong bagong schedule ko. Saan po pala akong department ngayon?"
"Sa PE Department na lang ang available, e. Okay naman siguro sa 'yo roon, 'no? Wala rin naman silang masyadong ginagawa, pero baka kapag competition season na, mangarag ka sa mga kailangang ayusin," sabi ng secretary na binuksan ang opisina ng head ng admissions. "Maiwan ko na muna kayo."
Naupo si Klau sa visitor's chair at ngumiti sa kaniya ang head. "Nakapili ka na pala ng schedule mo. Okay lang ba na ilagay kita sa PE Department? Ayos din 'yun para kahit paano, hindi masyadong mabigat ang trabaho mo."
"Okay lang po kahit saan ako," sagot ni Klau.
"Good." The old woman smiled. "So, two hours a day ka lang naman doon. Makabubuti rin para mas makapag-focus ka na sa schooling mo since graduating ka na."
"Maraming salamat po." Ngumiti si Klau at bahagyang tumango.
Ngumiti ang may-edad nang babae. "Wala 'yun, kilala ka naman na naming lahat dito, halos lahat ng department, nalibot mo na kaya ayos din na doon ka na hanggang matapos ang klase mo."
Natawa si Klau dahil totoo. Sa apat na taon niya sa university, walong semester, halos lahat ng colleges at departments na puwedeng mapasukan, napagtrabahuhan niya.
"Thank you po, sobra." Kinuha ni Klau ang schedule at nakipagkuwentuhan muna sandali sa matanda. Madalas niya itong nakakausap dahil halos lahat naman ng departments, dumadaan sa admissions, kabisado na rin niya ang ilang tasks, kaya naman kapag may bago, sa kaniya pinapa-train.
It was one of the things she was proud of . . . she knew she was hardworking.
Habang kumakain sa McDo, sa labas ng university, isinusulat ni Klau sa planner niya ang schedule simula sa susunod na linggo dahil pasukan na niya. Roon lang din niya na-realize na sobrang hectic ng araw niya at mabuti na lang na flexible ang trabaho niya sa Metrovilla.
Mula alas-siyete y medya ng umaga hanggang alas-dos ng hapon, nasa school siya. Bibiyahe siya nang hanggang dalawang oras papunta sa opisina para naman magtrabaho nang anim hanggang walong oras pa.
Unconsciously, Klau sighed. Sa loob ng apat na taon, wala na siyang ibang alam kung hindi ang magtrabaho para sa pamilya at pag-aaral.
Sa schedule na ginawa, napangiti si Klau nang makita na mayroon siyang extra-ng apat na oras dahil isa na lang ang trabaho niya. Sapat ang sweldo niya, sobra pa, na halos katumbas na rin ng dalawang trabaho. Dagdag pa na may mga allowance, may kotse, at hindi masyadong mabigat.
Pinag-iisipan na rin ni Klau kung hahanap ba siya ng apartment malapit sa Metrovilla dahil mas mapadadali ang lahat sa kaniya. Mahihirapan siya papasok, pero dahil umaga naman, wala pang masyadong traffic.
Klau knew she had to weigh in a lot of possibilities.
Nang matapos kumain, bumalik siya sa loob ng university para ipasa ang photocopies ng schedule na kailangan bago pumasok sa comfort room. Naupo siya sa lababo at tinawagan ang ina.
"Okay naman ako, Ma, sorry hindi na rin ako nakauwi ngayong bakasyon."
"Ayos lang, mas mabuti 'yan. Mag-focus ka na lang sa bagong trabaho mo," sabi nito.
Inayos ni Klau ang buhok habang nakaharap sa salamin. "Magpapadala na rin pala ako sa isang araw para sa allowance n'yo po riyan at tuition ng mga kapatid ko."
"Sige," sagot ng mama niya ngunit may kasamang buntonghininga. "Dagdagan mo kasi kailangan kong bumili ng bagong sapatos ng kapatid mo para sa pasukan."
Awtomatikong napatingin si Klau sa sapatos na suot. Tinanggal niya ang natuyong rugby na nasa gilid dahil ngumanga na iyon at nagpaplano siyang bumili ng bago sa sweldo, pero mukhang hindi matutuloy.
"Sige, Ma. Magpapadala na lang po ako ng extra. Paano po, mauuna na ako, kailangan ko na rin pong bumiyahe papunta sa opisina." Nakatitig si Klau sa salamin at pinipigilang maiyak. "Ingat po kayo palagi riyan. Sabihan ko na lang po kayo kapag nakapagpadala na po ako."
"Sige," sagot nito at kaagad na binaba ang phone.
Muling napatitig si Klau sa salamin. Ni hindi man lang ito nagtanong kung kumusta na siya at kung ano na ba ang nangyayari sa kaniya. Kahit ayaw niya, hindi niya naiwasang maluha. Sa kulang apat na taon, wala siyang ginawa kung hindi magtrabaho at mag-aral. Hindi na siya madalas nakauuwi ng probinsya dahil sayang ang bakasyon, sayang ang pera, at hindi rin naman siya hinahanap ng mga ito.
Klau sighed and left the comfort room. Nakayuko siyang naglalakad nang may tumawag sa kaniya. Si Richie iyon, nakangiting papalapit galing din sa admissions office.
"Uy." Richie smiled at Klau. "Kumusta? Nag-message ako sa 'yo sa Facebook, kaso hindi ka nag-reply."
"Naku, sorry . . . hindi pa ako nakakapagbukas ng Facebook kasi nasira ang phone ko. Text message at calls lang ang gumagana sa akin ngayon." Ngumiti si Klau. "Ikaw, kumusta ka na? Nakapag-enroll ka na?"
"Oo, katatapos lang. Ikaw?"
Klau nodded. "Oo, sa PE Department nga rin ako naka-assign ngayon." Sabay silang naglakad palabas ng gate at may ilang schoolmates silang nakatingin.
Aware si Klau sa popularity ni Richie, hindi lang sa school nila, kung hindi pati na rin sa iba. Isang rason iyon kung bakit hindi niya pinapansin ang panliligaw nito, dahil hindi niya maisip kung bakit siya ang nililigawan nito.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Richie.
"Oo, e. Ikaw ba?"
Umiling si Richie. "Hindi pa. Aayain sana kitang kumain kung gusto mo kas—"
"Sasamahan na lang kita. Wala pa rin naman akong gagawin, mamaya pa naman ang pasok ko sa office. Kung gusto mo lang naman," suhestiyon ni Klau dahil nagpapatay lang din naman siya ng oras.
"What if mag-drive thru na lang ako tapos ihatid na lang kita sa office? Wala naman akong ibang gagawin. Kung okay lang sa 'yo, ganoon na lang?" Richie suggested.
Napaisip si Klau, pero pumayag din siya. Simula pagpasok sa college, kilala na niya si Richie dahil high school pa lang ito, player na ng university. Pagpasok pa lang niya, maingay na ang pangalan dahil sa pagiging star player ng basketball team.
Dumaan sila sa Jollibee para bumili ng pagkain nito. Fries, burger, soda, and ice cream, to be exact . . . na binilhan din siya kahit hindi niya gusto.
"Kainin mo na lang sa office kung hindi mo gusto, pero 'yung ice cream." Richie smiled. "Kumusta naman pala work mo? Hindi ka ba nahihirapan? Parang ang layo."
"Okay naman, balak ko na ring kumuha ng apartment malapit sa office para mas madali sa akin. Isang taon na lang din naman ang titiisin ko, mas mabuti na rin," sagot ni Klau habang hinahalo ang ice cream dahil mas gusto niyang tunaw iyon.
Nakita ng peripheral ni Klau na nilingon siya ni Richie habang nakahinto ang sasakyan kaya naman sinalubong niya ang tingin nito at nakangiti. "Bilib ako sa 'yo, kasi ang sipag mo."
"Wala akong choice." She looked down.
"Kaya gusto ko ring intindihin na hindi mo ako sinasagot. Hindi mo pa priority, pero I'm here," Richie said.
Klau frowned. "Richie, hindi naman dahil sad girl ako kaya ko sasabihin 'to, pero alam ko kasi na mas maraming deserve ka. You deserve someone who could give you their full attention. Kasi kapag ako . . . hindi ako katulad ni Harri. H-Hindi ako makakanood ng games mo para suportahan ka, hindi ako katulad niya na full support."
Hindi nagsalita si Richie at nakatingin lang ito sa kaniya habang nakahinto ang sasakyan dahil red light.
"H-Huwag na lang ako, Richie. Marami sila at hindi ako available para s-sa mga relasyon," nag-aalangang sabi ni Klau. "M-Masyado akong busy, magsasawa ka lang."
Richie chuckled. "It's okay, hindi ako nagmamadali," tipid na sagot nito.
Hindi na nakasagot si Klau at tumingin na lang sa labas ng bintana. Ni hindi niya alam ang pinapasok. A part of her wanted to try it with Richie, ilang buwan na rin itong nanliligaw sa kaniya, pero natatakot siyang hindi masuklian ang kaya nitong ibigay.
Pareho silang tahimik at may kaunting tugtog galing sa playlist ni Richie na pangit pa rin pakinggan ang lyrics. Hindi niya gusto ang song choices ni Richie, pero wala siyang karapatang magreklamo.
Isang oras ang tinagal ng biyahe bago sila nakarating sa Metrovilla. Kaagad na inihinto ni Richie ang sasakyan sa harapan mismo ng entrance kaya nginitian niya ito at nagpasalamat.
Meanwhile, Henry was talking to one of his clients inside the showroom when a car pulled up in front of the entrance. The car was familiar to him, but he was surprised to see Klau getting out of it and seeing Harriet's friend.
Nakangiti ang lalaking kausap si Klau bago umikot papunta ulit sa driver's seat at umalis.
Ngumiti lang si Klau hanggang sa makaalis si Richie bago pumasok sa showroom. Ngumiti sa kaniya ang guwardiya at tumango. "Mabuti naman at may naghahatid na sa 'yo, Klau. Akala ko, wala kang nobyo, e."
"Kaibigan ko lang po 'yun, manong," nakangiting sabi ni Klaudine nang magtama ang mga mata nila ni Henry.
Nakaharap ito sa isang kliyente, pero nakatingin sa kaniya.
"Good afternoon po, sir." Klau slightly nodded and looked at the client. "Good afternoon, ma'am."
The woman smiled at her. "Good afternoon, hija."
May katandaan na ito, ngunit sopistikada pa rin ang dating. Parang si Klau pa ang nahihirapan sa suot nitong gintong kwintas. Nakapula itong dress na hanggang tuhod, itim na sapatos na may heels, at bag na may malaking LV monogram.
Nagpaalam na rin siya sa mga ito at dumiretso sa opisina para magtrabaho. Napabuntonghininga si Klau nang makita ang tambak na papeles na nakalagay sa lamesa niya. Tumingin din sa kaniya si Girta at ngumiti dahil alam nito ang ibig niyang sabihin.
Hindi siya na-pressure para sa sarili dahil gusto naman niya na marami siyang trabaho, ngunit pareho sila ng iniisip ni Girta na kawawa na naman si Henry sa pag-review sa mga design na ito. Malamang na hindi na naman matutulog, hindi na naman uuwi.
Klau sighed and started working. She learned that this is the time of the year when people actually buy a lot of furniture in time for renovation or something.
Some things a normal person wouldn't understand.
—
Hinilot ni Klau ang batok at hindi namalayang gabi na kung hindi pa siya tumingin sa bintana. Tumingin siya kay Girta na may kausap sa telepono at mukhang pauwi na rin.
Tiningnan ni Klau ang orasan at alas-siyete na rin pala ng gabi. She didn't even realize she hadn't eaten anything yet since she arrived.
"Klau," kuha ni Girta sa atensyon ni Klau. "Sorry, may pinapadala kasing papeles si Henry sa factory three. Pinapapunta si Manong Cleofe, kaso baka matagalan since back and forth pa, so ma-i-stuck siya sa traffic. Okay ba sa 'yo na ikaw ang magdala?"
Kaagad na tumango si Klau kahit hindi pa siya nakapupunta sa nasabing lugar.
"Twenty minutes drive lang naman ang factory mula rito, ibibigay ko sa 'yo ang link para sa maps na puwede mo gamitin. Sorry, sobrang urgent lang kasi." Halata sa mukha ni Girta ang kaba. "Hindi kasi nadala kanina, parang kasalanan ko dahil hindi nailagay sa files ni Henry."
"Okay lang po, miss. Ako na lang po ang magdadala." Klau smiled. Tumayo siya para kuhanin ang papeles na nakalagay sa brown folder. "Ito lang po ba? Wala na po bang iba?"
Umiling si Girta at tiningnan mabuti ang nasa folder. "Wala na, ito lang naman ang sinabi ni Henry. Mukhang may tatapusin 'yun sa factory, bihira 'yun pumunta roon, baka may nakita."
Tahimik si Klau na nakatingin kay Girta.
"Minsan kasi, kapag may hindi nagusutuhan si Henry sa gawa ng mga employee, siya na mismo ang tumatapos. Hindi ko rin maintindihan sa taong 'yun, napaka-workaholic!"
"Lalo po kasi sanay siya sa ganoon," sagot ni Klau. "Sige po, miss, ako na po ang bahala sa mga need na dalhin doon. Pakiayos na lang po, mag-comfort room lang po ako, and mag-a-out, pupunta na po ako."
Pumasok muna si Klau sa comfort room para ayusin ang buhok. Ni magsuklay, hindi niya nagawa dahil sa sobrang busy. Nasabihan din siya ni Girta na dumaan ng pagkain para sa boss nila dahil malamang, hindi na naman daw ito kumain.
Isang oras ang itinagal ni Klau sa daan dahil sa traffic. Pinapasok kaagad siya ng guard ng nasabing factory at sinabing nasa production area si Henry. It was almost nine in evening.
Ipinalibot niya ang tingin sa buong lugar. Maluwag iyon, maraming kahoy, medyo maliwanag kahit puro guwardiya na lang, at mga delivery truck sa paligid.
"Good evening, manong." Ngumiti si Klau sa janitor na naglilinis ng receiving area. "Saan po banda ang production area? Sorry po, first-time ko po kasi rito."
"Samahan na lang kita." Ngumiti ang matandang nakasuot ng overalls na kulay blue. "Gabing-gabi na rin, nandito pa si Sir Henry. Ang dami kasing palpak nitong mga nakaraan. Usap-usapan na hindi niya nagustuhan ang production."
Hindi nakasagot si Klau. Dumiretso na lang sila sa isang malaking lugar, open area, at medyo malamig dahil sa aircon.
Kaagad niyang nakita si Henry na nakaputing T-Shirt, slacks na itim, at seryosong nakayuko habang may inaayos sa isang itim na sofa. Mula sa malayo, kita kaagad ni Klau ang pagkakakunot ng noo nito, pagsalubong ng kilay, at ang marahas na paghinga.
"Okay na po, manong, ako na po bahala." Ngumiti si Klau sa janitor na kasama at kaagad rin na umalis.
Ilang beses munang lumunok si Klau dahil natatakot siya na mapagbuntunan ng galit ni Henry. "S-Sir?"
Henry looked up when he heard a familiar voice and was shocked to see Klau holding a brown folder he asked for and a brown paper bag from Starbucks.
"Hey," he uttered. "Bakit ikaw ang nagdala?"
"Nag-out na po kasi si Miss Girta, sir. Para din daw po hindi na magpabalik si Manong Cleofe, nag-volunteer na lang din po ako," sagot ni Klau. "Nagpabili na rin po si Miss Girta ng dinner ninyo dahil baka hindi pa po kayo kumakain. Hindi ko po alam kung ano'ng gusto ninyo kaya random na lang po ang binili ko sa Starbucks."
Henry chuckled and walked towards Klau. He took the folder and paper bags. "Sit. Ikaw, kumain ka na ba?"
Klau nodded. "Opo, kumuha na lang din po ako ng sandwich kanina sa pantry," sagot niya. "M-May kailangan pa po kayo? If wala po, aalis na po ako para po magkaroon kayo ng privacy."
"Wala naman na akong kailangan. Nag-drive ka ba papunta rito?" Kinuha ni Henry ang drink na nasa loob ng paper bag. "Alam mo, when I tasted your own blend, I don't like this coffee anymore. They were . . . boring."
"Sir, coffeemate po talaga ang sikreto roon." Mahinang natawa si Klau. "Kain na po muna kayo, uuwi na po ako."
Tumango si Henry. "Ingat ka sa pag-drive. Kailan pala ang start ng klase mo? Hindi ka ba mahihirapan sa schedule mo? Harriet got the night class, ikaw?"
"Early class po ang napili ko kaya naghahanap-hanap din po ng apartment malapit sa office. Mas madali po kasi sa akin 'yun kaysa uuwi sa dorm ko after office hours." Ngumiti si Klau. "Okay naman po schedule ko, naayos ko po lahat."
Tahimik na naupo si Henry sa isang sofa habang hawak ang sandwich at kape. "I shouldn't be here, you know? Napapagod na rin ako umikot sa mga factory, only to see some defective furniture. For some reason," he sighed, "I missed working inside this place."
Nakatingin si Klau kay Henry na iniikot ang tingin sa buong production area kung saan maraming makina. May cutting and sanding machine, at kung ano-ano pa.
"It was my hobby doing these, pero hindi na puwede dahil mas kailangan ako sa itaas. Kapag stressed ako, nagpupunta ako sa factory. Ang akala ng iba, naghahanap ako ng mali . . . pero hindi." Umiling si Henry at tumingin kay Klau. Nakahawak ito sa strap ng bag habang nakatingin sa kaniya. "I'm coming here to relieve all the stress."
"Kailangan mo rin naman kasing mag-rest, sir. Grabe rin naman kasi ang working ethics mo," Klau responded.
"Speaking of working ethics, I like yours. Just don't do much. You have school." Ngumiti si Henry. "Hindi ka ba nahihirapan sa schedule mo? How come you're doing all of these?"
Ngumiti si Klau at hinawakan ang isang cabinet na nasa gilid niya. Isa ito sa designs na minimalist lang. "Sanay na po, four years ko na rin pong ginagawa. Kaya nga po niloloko ako ni Harriet na hindi ako nagkaka-boyfriend dahil sa sobrang busy ko, e." Mahina siyang natawa.
"Boyfriend . . . ." Henry frowned. "You're not dating the jock who brought you to the office earlier?"
"Si Richie po?" Klau's eyes widened in shock. Nakita pala iyon ng boss niya. Nakakahiya. "Friends lang po kami . . . pero po nanliligaw siya sa akin. Hindi ko lang po talaga priority sa ngayon, natatakot din po kasi ako na sobrang busy ko, hindi ko maibigay ang needs niya sa posibleng relasyon namin."
Henry snickered. "If a guy really loves you, he would understand, he would wait." Tumayo siya at nagsimulang ukitin ang kahoy sa harapan. "You can stay if you want to. But if you're going to leave, just let the guard know I'll stay for a bit."
Napaisip si Klau. Wala rin naman siyang gagawin kinabukasan, hapon pa naman ang pasok niya sa office, at gusto rin naman niyang makita kung paano magtanggal ng stress ang boss niya.
Naupo si Klau sa isang sofa at inipitan ang buhok habang pinanonood si Henry sa pag-ukit ng maliit na kahon. Hindi alam ni Klau kung ano iyon, pero maliit.
"Okay lang naman po na panoorin ko kayo, 'no? Curious po ako kung ano'ng ginagawa ninyo. Ang liit naman po kasi, hindi po ba kayo naduduling?" Klau asked.
"Hindi naman. I was thinking of making a music box with a girl on top of it." Ngumiti si Henry sa kaniya. "Can you suggest a song I can use?"
Napaisip si Klau. Tumingin siya sa kisame at nag-isip ng magandang kanta. "From This Moment On, sir, I think maganda siya para sa box."
Henry squinted and nodded. "You have a nice choice when it comes to music. Karamihan ng mga ka-age mo ngayon, maingay ang mga pinapakinggan . . . some of the lyrics were even talking about drugs. That's weird."
"Mas gusto ko po mga lumang kanta. It's peaceful, meaningful, and just . . . beautiful." Klau let out a small laugh. "Celine Dion pa rin po ako."
"I won't blame you," Henry responded.
Pinanonood ni Klau ang boss niya sa ginagawa. Henry was seriously focusing on what he was doing. May mga pagkakataong pinag-uusapan nila ang mga libro, pelikula, at mga kanta. Ni hindi inasahan ni Klau na halos magkakasundo sila ultimo sa mga palabas.
Both of them were into action and not romance. Both of them thought romance was cliché and romance in movies was fake.
"How about you, do you even plan on getting married someday?" tanong ni Henry habang pareho silang nakaupo sa sofa. Magkalayo naman iyon, pero magkatapat.
"Oo naman po." Klau nodded. "Lahat naman po yata ng babae, pangarap naman maikasal, 'yun nga lang po, siguro may mga priority pa ako na kailangan and I know naman po na bata pa ako. Marami pa po akong gustong gawin."
Henry agreed. "That's true. Kami ni Leandra, we got married young. We were twenty-two that time, though sa panahon namin, marrying age na rin iyan . . . and no regrets 'cos I love that woman. Nakuha rin naman namin ang mga gusto namin while married."
"Parents ko po, nineteen sila ikinasal dahil nabuntis ng papa ko ang mama ko habang nag-aaral pa sila. Ang nangyari po, hindi sila nakatapos." Klau smiled. "'Yun po ang ayaw kong mangyari, maging padalos-dalos sa mga desisyong hindi ko naman kayang panindigan."
Nakita ni Henry kung paano yumuko si Klau at mukhang nag-isip. Henry didn't push it. Tumingin siya sa orasan at nakitang alas-tres na ng madaling-araw. Pareho nilang hindi namalayan ang oras dahil sa kuwentuhan.
"Kakayanin mo bang mag-drive?" tanong ni Henry nang makalabas sila ng factory. Sakto namang humikab si Klau na kaagad umiwas ng tingin sa kaniya. "I guess not. I'll drive and bring you home."
"Hindi na po, kaya ko naman pong umuwi," pagtanggi ni Klau.
Henry shook his head. "I insist. Hindi rin ako mapapakali," sagot niya. "Let's go. Iuuwi ko na lang din muna itong sasakyan mo pagkatapos. Wait, nakita ko pala ito sa parking. Hindi mo ba ito inuuwi?"
"Wala pa pong parking, okay na rin naman po sa office," sagot ni Klau. Hindi na siya nakatanggi nang magprisinta ang boss niyang ihatid siya sa apartment. Panay na rin ang hikab niya na pilit itinatago.
Inihilig ni Klau ang ulo sa headrest ng passenger's seat habang nagmamaneho ang boss niya. Naririnig niya ang kanta mula sa radyong tumutugtog. It was I Finally Found Someone by Barbara Streisand and Bryan Adams.
Seryosong nagmamaneho si Henry habang nakikinig sa kanta. It was dark, the city lights were still up, and it was cold. Bahagya siyang napalingon kay Klau na nakatingin lang sa labas.
"Do you wanna grab some breakfast?" tanong ni Henry. Lumingon si Klau sa kaniya. "Breakfast?"
"Huwag na po, baka kailangan n'yo na rin pong umuwi."
Umiling si Henry. "It's okay." He smiled. "I wanted to thank you for staying. Dapat yata overtime mo na 'yun."
"Okay lang po, wala rin naman akong gagawin sa apartment."
Henry nodded without saying anything. Ganoon din si Klau. Pareho silang tahimik habang nakikinig sa kanta at natigilan nang sabayan nila ang kanta.
"My life has just begun . . . I finally found someone," both of them sang simultaneously and looked at each other.
Both just laughed it off.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top