Chapter 39
"Congratulations, Klaudine."
Nag-angat ng tingin si Klaudine at department head iyon ng PE kung saan siya naka-assign. Nakasandal ito sa pinto habang nakatingin sa kaniya na nag-aayos ng mga papeles dahil last day na.
"Thank you po, sir," sagot ni Klaudine sa may-edad na propesor. "Maraming salamat po pala sa pagpirma mga papeles ko kahit na ang dami ko pong absent. Sorry po kasi hindi ko na-fulfill ang trabaho ko dahil sa dami ng absences."
"Walang problema roon, you've been a good assistant and after all that, may pinagsamahan naman tayong lahat dito," nakangiting sabi nito at iniabot sa kaniya ang isang box ng cake. "Galing 'yan sa lahat ng nasa department."
Ipinalibot ni Klau ang tingin sa mga secretary ng PE Department at mahinang natawa. Walang ipinakitang mali sa kaniya ang mga taong ito, in fact, these people understood her.
Minsan, iniisip niyang naaawa ang mga ito sa kaniya dahil sa nangyari sa kanila ni Richie, pero ayaw niyang maging negatibo. Mas gusto na lang ni Klaudine na tumingin sa positive side para sa ikatatahimik niya.
Klaudine stopped thinking about what other people might think. Tapos na siya roon sa phase na iyon. This time, she wanted to redeem herself fully before leaving the university.
"Nag-abala pa po kayong lahat." Mahinang natawa si Klau hawak ang cake. "Pero thank you po, at least may kakainin ako mamaya sa apartment ko."
"Thankful naman kasi kami sa lahat ng efforts and naitulong mo. Besides, lahat yata ng department na napagtrabahuhan mo, nagbigay ng regalo. Siyempre, hindi kami magpapahuli, 'no!"
Mahinang natawa si Klaudine at masayang nakipagkuwentuhan sa mga katrabaho. Oo, marami siyang natanggap na regalo dahil nagpunta siya sa lahat ng department na pinagtrabahuhan niya para magpasalamat at magpaalam.
Nagpunta rin si Klaudine sa university para kunin ang toga na gagamitin niya para sa graduation sa isang araw.
Ipinalibot ni Klaudine ang tingin sa basketball court kung saan madalas silang nakatambay noon ni Harriet habang naghihintay kay Ford. The place had so much memories that Klaudine found herself sobbing. Every corner screams Harriet, the deafening silence made her remember what they used to be.
Nilingon ni Klaudine ang bleacher kung saan sila madalas nakaupo. She closed her eyes and flashbacks of unending stories from Harri, the hugs they shared, the waves of laughter, the sisterly love they had.
Nanginig ang baba ni Klaudine dahil sa isang iglap, naiwala niya ang lahat.
Alam niya ang pagkakamali niya, ang pagtatraydor niya kay Harriet, lahat. Klaudine knew what she did and it should be unforgivable, but Harriet still accepted her, even took care of her, and forgave her.
Habang naglalakad, tinitingnan ni Klaudine ang bawat sulok ng university na nagbigay ng buhay sa kaniya sa loob ng apat na taon. Maraming pangit na experience, pero mas marami ang masaya. At bumabalik ulit siya sa mga panahong si Harriet ang kasama niya.
The university became her home and the memories would still remain.
Nakilala man siya ng ibang tao dahil sa nangyari sa kanila ni Richie, naawa man sa kaniya ang ilan, nasisi man siya dahil ipinamukha sa kaniya obligasyon niya iyon bilang kasintahan, mas nangibabaw ang pagmamahal ni Klaudine sa nasabing lugar na nagsilbing tahanan niya sa loob ng apat na taon.
Hawak ni Klaudine ang paper bag kung nasaan ang mga regalo at toga niya habang nasa gitna ng quadrangle ng university. Nakatingala siya sa langit, dinadama ang init ng sikat ng araw na tumatama sa balat niya. The university president offered a scholarship for another course or a master's degree, but she declined.
Klaudine knew that Henry was one of the board members of the university and she wanted to completely part ways with him.
Alam man ni Henry o hindi ang tungkol sa nasabing scholarship, hindi niya iyon tatanggapin. The offer was good, but Klaudine wanted to work hard for the next step she would take.
"Klau!"
Nilingon ni Klaudine ang pamilyar na boses. It was Phoebe. Nakilala niya ito mula kay Harriet at nakasama na rin sa isang party. Naglalakad ito palapit sa kaniya at nakangiting kumakaway.
"Kumusta ka na? Ang tagal na kitang hindi nakikita, e," tanong ni Phoebe.
"Okay naman ako." Iniangat ni Klaudine ang hawak na paper bag. "Kinuha ko ang toga. Ikaw, kumusta?"
Ngumiti si Phoebe at nagkibit ng balikat. "Okay rin naman. Bakit pala hindi ko na kayo nakikitang magkasama ni Harriet?" Mahina itong natawa. "Naalala ko noon na sobrang inseparable kayo, e. Nasaan siya?"
Natahimik si Klaudine sa tanong ni Phoebe. Walang nakaaalam ng totoong nangyari dahil mas pinili na lang itago ng lahat iyon. Noong buntis siya at may kalakihan na ang tiyan, itinatago niya iyon sa pamamagitan ng malaking jacket, kaya walang nakaalam.
Wala rin namang nakaaalam ng tungkol sa kanila ni Henry, kung hindi sina Harriet, Leandra, Sam, at Ylena lang.
"Naku, sorry natanong ko." Mukhang nahalata ni Phoebe ang reaction ng mukha niya. "Sorry, hindi ko sinasadya."
"Okay lang." Mahinang natawa si Klaudine sa sinabi ni Phoebe. "M-May mga bagay lang siguro kasi na hindi na rin talaga puwedeng ayusin."
Phoebe's face softened while staring at Klaudine. "Alam mo, Klau, when friendship is true, it becomes the greatest gift a person can ever receive aside sa family. Kasi, imagine-in mo, 'yung friends, 'di mo sila kaano-ano, pero mahal ka nila at nagki-care sila sa 'yo na parang totoo mong pamilya. Minsan nga, mas pamilya pa turing nila sa 'tin kaysa sa mga pamilya natin, e."
Natahimik si Klaudine dahil totoo naman ang sinabi ni Phoebe. Mas naging pamilya si Harriet sa kaniya kumpara sa totoong pamilya niya. At aware din naman si Klaudine na sinira niya iyon.
"Whenever nagkatampuhan, puwede namang mapag-usapan nang masinsinan. If need ng kaunting space to process everything, then go! Pero pag-usapan after at i-settle. I mean, wala naman kasing kahit anong relationship na walang tampuhan," dagdag ni Phoebe. "Kung kayang ayusin, ayusin. Kasi sayang ang pinagsamahan. Pagsubok ang nagpapatatag sa kahit anong samahan. I've seen how you care for each other. Magpapatibag ba kayo rito?"
Naramdaman ni Klau ang panginginig ng baba niya dahil sa sinabi ni Phoebe at wala siyang maisagot doon. She remained quiet until Phoebe smiled at her.
"Pasensya ka na, nanghimasok ako. I-I just . . . sorry. Nanghinayang kasi ako." Phoebe sighed. "But then again, whatever you think is right, go for it. Fight for it, Klau."
Tumango si Klaudine at nginitian si Phoebe. "Thank you. See you sa graduation, ha? Congratulations din pala."
"Oo, see you!" Umatras si Phoebe at nakangiti itong kumaway sa kaniya. "Good luck sa atin sa future!"
Nang maiwang mag-isa, muling ipinalibot ni Klaudine ang mata sa university at ngumiti. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang init ng araw sa mukha, pinakinggan ang ingay ng university na bumuhay sa kaniya, at ang pakiramdam na paglabas niya sa lugar na ito, magsisimula siya ng bago.
Walang mali sa paglimot sa nakaraan at umusad para sa hinaharap. Walang mali na unahin ang sarili kung kailangan, walang mali kung gustuhing iwanan ang nakasanayan. Kung ano ang makagagaan, kung ano ang makatutulong sa paghilom, kung ano ang makatutulong para mahimbing na makatulog, doon dapat ang hantungan.
—
Suot ni Klaudine ang damit na nabili niya sa isang malaking mall para sa graduation. Ala-una pa naman ng hapon ang call time, pero maaga siyang umalis para bumili ng bulaklak.
Nag-aayos ng maliit na bouquet si Klaudine at dinaanan na lang iyon habang nakasakay sa Grab.
Hawak niya ang bulaklak na may iba't ibang kulay, iba't ibang klase rin.
Klaudine chose white camellia that means adorable, pink camellia for longingness, daisy for innocence, and primrose that means I cannot live without you.
Panay ang amoy niya sa mga bulaklak. Kung tutuusin, allergic siya roon, pero minsan lang. Gusto lang niyang pumunta muna sa anak para bumisita bago sa graduation kinahapunan.
Klaudine chose to wear a white, off-shoulder, satin dress without any designs, laces, or ribbons. It was just plain and simple and she paired it with dark green stiletto heels. Nakabagsak lang din ang kulot niyang buhok at siya na rin mismo ang nag-makeup sa sarili niya.
It was a requirement for a hotel staff to learn how to take care of themselves. Doon natuto si Klaudine kung paano mag-ayos, kung paano mag-makeup, at kung paano magdamit nang matino.
She knew she had to step up the game. Malaki ang ibinigay na tiwala sa kaniya ni Sam at hinding-hindi niya ito bibiguin.
Nagpahintay na lang si Klaudine sa nasabing Grab driver dahil hindi rin naman siya magtatagal. Gusto lang niyang bisitahin si Klara bago siya magtapos. Gusto lang niyang ibigay sa anak ang bulaklak na siya pa mismo ang namili.
"Hi, Klara." Hinaplos ni Klaudine ang pangalan ng anak at dumako ang tingin niya sa isang puting rose na nakalagay sa gilid noon. "Mukhang binisita ka na naman ni Henry. Bago na naman ang bulaklak mo, e."
Inilagay ni Klaudine ang maliit na bouquet sa tabi ng bulaklak na iniwan ni Henry.
"Graduation ko ngayon. Siguro kung nandito ka pa, sabay tayong maglalakad sa stage, ang kaibahan nga lang, nasa tiyan pa kita." Mahinang natawa si Klaudine. "Ang cute siguro, Klara, na ang laki ng tiyan ko, tapos kumukuha ng diploma."
For some reason, hindi na umiiyak si Klaudine. Simula nang maiwala niya si Klara, her tears became deeper. Mas lumalim na ang pakiramdam niya sa mga bagay, mas naging matigas na siya sa kahit ano pang pagsubok na darating.
It wasn't the end, that was for sure. She was just starting and it was finally living.
"Nag-exam pala ako sa isang school para sa law." Ipinaglandas ni Klaudine ang daliri sa pangalan ng anak. "Sana makapasa ako, kasi tutuparin ko 'yung promise ko sa 'yo na magiging attorney ako. Tutuparin ko na lahat ng pangarap ko mag-isa, Klara. Time naman siguro para ako naman, 'no? Na this time, ako na lang."
Klaudine stayed for good thirty minutes. Nagsabi naman siya sa driver, pumayag naman ito, magdadagdag na lang siya.
Dumaan muna sila sa isang fast food chain para bumili ng pagkain niya.
Dalawang oras bago ang graduation, nasa venue na siya at wala pang masyadong tao kung hindi ang mga nag-aayos.
Klaudine was happily observing everyone. Nakaupo siya sa isang plant box, kumukuyakoy ang mga paa, dinadama ang hanging tumatama sa mukha niya at nagpapalipad ng buhok na nakabagsak, ang ingay ng tawanan at kuwentuhan ng mga magulang kasama ang mga anak nilang magtatapos tulad niya.
Hindi sinabi ni Klaudine sa mama niya ang tungkol sa graduation, more like, wala siyang ibang pinagsabihan. She was alone and that was okay.
Sometimes, being alone was more ideal than being surrounded by people who bring pain and misery. It was a selfish act to choose oneself, but for a healthier mentality, it was ideal.
Isa-isa na silang pinapasok at natatanaw ni Klaudine si Harriet kasama sina Ford, Leandra, at Henry. Masayang nagtatawanan ang mga ito at doon niya naisip na tama ang desisyong lumayo, para hindi na tuluyang masira ang bagay na puwede pa namang buuin.
Henry was smiling while looking at Harriet because his daughter was just so beautiful when he saw Klaudine fixing her own toga. She tucked her hair behind her ear, as always, before fixing her hood. Hinanap ng mga mata niya kung may kasama ito, pero nagsimula nang mag-march, wala pa rin.
Maybe Klaudine was alone, Henry thought.
Nakikinig si Klaudine sa mga speech na kasama sa graduation. Tahimik niyang inaalala ang lahat ng natutuhan niya sa mga nagdaang taon at sinusubukang magplano para sa kasalukuyan.
May mga plano siya para sa hinaharap, pero mas gusto ni Klaudine na mag-focus sa present at bahala na sa future. Future can wait, the present is here.
Nakatingin si Klaudine sa stage nang magtama ang tingin nila ni Henry. Hindi na siya nagulat dahil nasa program iyon, pero hindi na siya apektado. The moment she let go of that necklace was the moment she let go of Henry.
Iniwan niya ang kwintas kasama ng anak nila, all because Klara was the only one who deserved it.
Nagsimula nang maglakad ang ilan para kuhanin ang mga diploma. Naghiyawan ang lahat nang maglakad si Ford para tanggapin ang awards nito sa sports at ang diploma.
Klaudine smiled when Ford bowed to everyone after receiving his awards. He looked so proud at biglang pumasok sa isip niya si Richie. Since it happened, wala na siyang balita sa binata. Naisip ni Klaudine na siguro, ganito rin sana ito lalo na at mataas ang pangarap ni Richie.
Sunod-sunod na rin ang iba pang candidate hanggang sa umakyat si Harriet. Doon na bumagsak ang luha ni Klaudine.
Naalala niya ang hirap ni Harriet na madalas silang inaabot ng madaling-araw para lang masagutan nito ang mga subject na hindi gusto. Harriet would cry because she was tired from studying and that made Klaudine laugh and tear up at the same time.
Harriet was wearing a fitted, red dress. Alam ni Klaudine iyon dahil kasama siya nang ipagawa iyon months ago. Iyon ang dress na sinasabi ni Harriet na magiging dahilan para mag-aral ito nang mabuti. Para maisuot sa graduation.
Napakababaw ng rason, nakakatawa, pero witness si Klaudine sa hirap ni Harriet. Klaudine witnessed how badly Harriet wanted to prove to everyone that she wasn't just a beauty, she wasn't just money, that she was someone who could do everything, too.
Nakaramdam ng kaba si Klaudine nang sila na ang tawagin. Kabado siya na baka madapa siya dahil hindi naman siya sanay sa heels, kabado siya sa tingin ng iba dahil sa nakaraan nila ni Richie, kabado siyang makakita ng awa, pero paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na magiging maayos lang ang lahat.
Nakatayo lahat ng kakamay sa kanila nang dumako ang tingin niya sa mag-aabot ng diploma nilang lahat. It was Henry.
Ilang beses huminga nang malalim si Klaudine hanggang sa mag-flash sa malaking LED screen ang pangalan niya at malaking graduation picture.
Imbes na tumingin sa LED, bumaling ang tingin ni Klaudine kay Henry na nakatingala sa LED screen. Klaudine's heart clenched when she saw how his reaction instantly changed, how his eyes became droopy, how his smile turned downward.
Klaudine smiled. Kilala siya ng mga taong kakamay. Dean, the president, some faculties, everyone.
She walked towards the stage and shook everyone's hand until she reached Henry who was holding her diploma. May ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa kaniya at diretsong nakatayo.
Hindi pa siya tuluyang nakalalapit nang maamoy ni Klaudine ang pamilyar na pabango ni Henry at iniangat ang kamay para makipagkamay. Hawak nito ang diploma na kaagad inabot sa kaniya.
"Congratulations, future attorney," Henry whispered while giving her diploma. "I am so proud of you."
Klaudine gave Henry a faint smile and accepted her diploma before leaving the man behind and never looked back.
It was painful to finally find someone, but was not meant to last.
After graduation, everyone was having fun with their family around. Hinubad na rin ni Klaudine ang toga sa loob ng restroom dahil pupunta siya sa isang mamahaling restaurant na pina-reserve niya para sa sarili.
She would celebrate alone, that was her first plan. Sam actually offered to accompany her, but Klaudine insisted that it was her day.
Paglabas ng venue, naabutan niya sina Henry, Leandra, Harriet, Ford, at pamilya ni Ford na masayang nag-uusap-usap. Kaagad namang nagtama ang tingin nila ni Harriet na walang sabing lumapit sa kaniya para bigyan siya ng yakap.
"Congratulations, Klauie," bulong ni Harriet habang nakayakap sa kaniya. "You look so beautiful."
"Ikaw rin," Klaudine whispered. "Congratulations, ang ganda mo rin sa dress mo."
Humiwalay si Harriet sa pagkakayakap sa kaniya at mahinang natawa. "Alam mo naman ang history ng damit na ito. Because of you, I was able t—"
"Ikaw lahat ang may gawa noon, suporta lang ako," sagot ni Klaudine. "H-Harri, may five minutes ka ba? Kung puwede lang sana, kahit five minutes, may ibibigay lang ako sa'yo."
Harriet's face softened. "Kahit gaano pa katagal. Do you want it private?"
Klaudine subtly nodded without saying anything. Nakatingin sa kaniya ang mga kasama ni Harriet, lalong-lalo na si Henry. Nakapamulsa itong nakatitig sa kaniya na kaagad niyang iniwasan.
Naglakad sina Harriet at Klaudine papunta sa lugar kung saan walang masyadong tao. Mabagal silang naglalakad habang nakahawak si Klaudine sa toga niyang nakasukbit sa braso at sa diploma niyang kaamoy ni Henry.
Tumigil sila sa gilid ng building kung saan may plant box na puwede nilang upuan. Parehong tahimik, hanggang sa sabay silang lumingon na naging dahilan ng mahinang pagtawa.
"I missed you, Klauie." Harriet sighed. "I missed us."
Klaudine looked down and bit her lower lip. "Ako rin. Nakaka-miss 'yung mga simpleng bonding natin. Nami-miss na rin kita, Harri."
"P-Puwede bang bumalik na lang tayo sa dati?" Mahinang humikbi si Harriet. "Klauie, kasi I can't take it anymore, e. Ikaw pa rin ang gusto kong pagkuwentuhan ng mga boring na araw ko, those food I ate, those music I listened to. You're still the first person aside from Fordy whom I want to tell how my day went, Klauie."
Hinarap ni Klaudine si Harriet na may luha sa magkabilang mga mata.
"I have so much to tell you, but you're too far from me. Nagseselos na nga ako kay Samantha, e. Kasi ako dapat 'yun!" Nagmamalabis ang likido mula sa pisngi ni Harriet. "Ako dapat ang kasama mo, hindi siya. I was supposed to be the person you're running to, not her!"
Para itong batang nagmamaktol na ikinatawa ni Klaudine kasunod ng sunod-sunod na luha. Inangat niya ang kamay para punasan ang luha ng kaibigan.
"Klauie." Harriet sobbed. "I want my Klauie back. I want you back."
"Harri, hindi na siya babalik. Kasi siya ang sumira sa 'yo, sa pamilya mo, siya ang pinagkatiwalaan mo, pero sinira ka. Siya ang minahal mo, pero hindi ka inisip noong mga panahong sinisira niya kayo," humihikbing sabi ni Klaudine. "You deserve better than her, you deserve so much better so please, huwag kang iiyak kasi hindi niya deserve ang luha mo."
Lumuluhang nakatitig sa kaniya si Harriet.
"G-Gusto ko lang sanang makausap ka sandali, kasi ibibigay ko sana sa 'yo ito," nakangiting sabi ni Klaudine at suminghot bago ilabas ang box na nabili niya sa isang jewelry store. "Hindi ito kasingmahal ng mga gamit mo, pero sana magustuhan mo pa rin. Kung sakali mang may galit ka pa rin sa akin, matatanggap ko kung itatapon mo. Pero gusto ko lang ibigay sa 'yo, kasi pinag-iipunan ko ito noon pa."
Tahimik si Harriet na nakatingin sa kahon.
"Palagi mo kasi akong binibigyan noon ng mga gamit, nahihiya ako na wala akong maibigay sa 'yo, kasi alam mo naman ang sitwasyon ko. Pero sa bawat sweldo ko, iniipon ko 'yung maliit na halaga, kasi gusto kitang bigyan ng graduation gift." Humikbi si Klaudine. "G-Gusto ko na rin kasing magpaalam sa 'yo na sa pag-usad ko, hindi na tayo magkakasama."
"Klauie." Harriet sobbed even more. "No."
Nagmalabas ang mainit na likido sa pisngi ni Klaudine habang nakatingin sa bracelet na binili niya para kay Harriet. "Hindi ko na matutupad lahat ng pangako ko sa 'yo. Pagiging maid of honor, pagtulong sa 'yong ayusin ang kasal mo, pagtulong sa surprises para kay Fordy, pagiging . . . ninang ng anak mo." Kinagat ni Klaudine ang ibabang labi. "S-Sorry, kasi hindi ko na matutupad 'yung mga promise ko na sa lahat ng milestones kasama ako."
Umiling si Harriet. "No, we're okay, right? Hindi ba nag-usap na tayo? I told you I forgive you. My love for you is stronger than all these mistakes. We're moving on, we'll move on together."
"Hindi na, Harriet." Klaudine held Harriet's hand. "Simula nang mahalin ko ang daddy mo, sinira ko na kung ano ang meron tayo. Naging maramot ako sa pagmamahal na akala ko, kaya kong ipaglaban. Kasabay ng pag-let go ko sa daddy mo, ang pagpapakawala ko sa friendship na meron tayo."
"Klaudine, no!" Tumayo si Harriet at tumalikod sa kaniya. "No, please. W-We can fix this."
Nahihirapan si Klaudine sa nakikita, pero nakapagdesisyon na siya. "Harriet, mahal kita."
Humarap si Harriet at niyakap nang mahigpit si Klaudine na mas naging dahilan ng paghagulhol ni Klaudine. "I love you, too, Klauie. I told you, I forgive you, we'll move forwar—"
"I am rooting for you, Harri. I know you're more than what you think. You deserve more, you deserve someone who won't hurt you, you deserve to be surrounded with people who won't make you question yourself." Klaudine closed her eyes and hugged Harriet tighter. "I'm sorry, I failed to be that person, Harri. I'm sorry, but I am ending what we shared. Sorry sa lahat ng nagawa ko, sorry . . . sorry I failed to be the person you needed."
Humiwalay si Klaudine sa pagkakayakap kay Harri at pinunasan ang nagmamalabis na luha ni Harriet. Wala itong sinabi kung hindi nakatitig lang sa kaniya.
"Naalala mo ba 'yung favorite song natin?"
Harriet nodded like a little child holding her hand.
"In my dreams I'll always see you soar above the sky . . . in my heart there'll always be a place for you, for all my life," sabay nilang kanta habang umiiyak.
"Klaudine," Harriet uttered.
Hinaplos ni Klaudine ang pisngi ni Harriet. "I'll keep a part of you with me. And everywhere I am there you'll be."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top