Chapter 38

A letter for Future Klaudine

-

Dearest Klaudine,

Hi. Kumusta ka ngayon? It's been ten years since I wrote this for you. Gusto kong malaman kung kumusta ka na? Ikaw pa rin ba ang Klaudine habang isinusulat ito? Masakit pa rin ba? Sana, hindi na.

Nakapapagod, 'no?

Alam mo, sana sa sampung taon, naging masaya ka. Naging attorney ka ba? Sana, oo, kasi pangako natin 'yan kay Klara. Ipinangako mo kay Klara na hindi ka susuko, na lalaban ka, na mag-aaral ka, at sana nababasa mo pa rin ito.

Hindi ko alam kung maayos ba ang lagay mo pagkalipas ng sampung taon, pero gusto ko sanang balikan natin ang lahat. Kung sakali mang naka-move on ka na, masasabing kong finally, nakaahon na tayo. Masasabi kong sa wakas, hindi na tayo iiyak, masasabi kong buti na lang, lumaban tayo.

Naalala mo pa ba noong bata tayo, noong panahong nag-aalmusal tayo ng nilutong champorado ni Lola, tapos dumating si Mama? Seven years old tayo, Klau. Seven years old tayo, pero naalala ko pa rin 'yung tingin ni Mama sa atin. Naalala ko na masama ang titig niya, naalala ko ang sinabi niyang pahirap tayo sa kaniya.

Naalala kong sinabi niya sa atin na sana, nalaglag na lang.

Noong una, hindi natin naintindihan iyon. Naalala mo bang naisip natin na bakit naman tayo malalaglag at saan? Naalala mo ba na iyon din ang unang beses na naisip natin na bakit kaya gusto ni Mama na malaglag tayo? At kung sakali ba, itutulak niya tayo?

Ang tagal nating inisip noon kung bakit, hanggang sa nagkaisip na tayo, at hindi pa rin natin naintindihan kung bakit.

Naalala mo rin ba noong elementary. Nag-aral tayong mabuti, naging first honor tayo, nilalaban tayo sa kahit saan, pero noong recognition, si Mrs. Alvarado pa ang nagsabit ng medal natin kasi hindi dumating si Mama. Hindi natin alam kung bakit, pero pag-uwi, nanonood siya ng TV.

Naalala mo ba noong umiyak tayo sa kwarto dahil doon tapos pinagalitan niya tayo kasi maarte tayo? Simula noon, hindi na tayo umiyak kasi sinabi sa atin na ang pag-iyak, kaartehan lang. Ang pag-iyak, para sa mga mahihina at mga inaapi lang.

Lumaki tayong hindi maayos ang lahat, Klaudine. Lumaki tayo sa galit at masasakit na salita na naging dahilan para magsikap tayo, kahit hindi naman kailangan.

Nabuhay tayo sa kasinungalingan. Naalala mo ba noong na nagtataka tayo kung bakit ang mga kapatid natin, may mga bagong damit, bagong sapatos, bag, at gamit tuwing pasukan, pero tayo . . . iyong luma noong nakaraang taon pa?

Paulit-ulit natin iniisip noon kung bakit? Anak din naman nila tayo, pero bakit sila lang? Si Papa, bakit hindi man lang niya tayo tingnan sa mga mata? Bakit hindi niya tayo binibilhan ng gamit tulad ng mga kapatid natin?

Si Mama, bakit siya galit sa atin kahit wala tayong ginagawa? Bakit niya tayo ginigising sa umaga para magdilig ng halaman bago pumasok sa school, pero ang mga kapatid natin, ipinagluluto pa ng almusal?

We had a rough childhood, Klaudine, but we made it. Nagsikap tayo, kasi kailangan. Nag-aral tayong mabuti, kasi wala tayong choice. Nagtrabaho tayo, para sa kanila, pero bakit kulang?

Kung puwede lang ibalik ang nakaraan, gagawin natin, 'di ba?

High school was the hardest to remember. Ito sana ang ayaw ko nang balikan dahil ito ang dahilan ng lahat, dahil dito nagsimula ang bagay na hindi naman natin ginusto.

Nakilala natin si Mayor Lucio Arguelles. Naalala mo ba noong unang beses nating makapasok sa opisina niya? Ipinatawag niya tayo sa school dahil nakarating daw sa office na magaling tayo, na matalino tayo, na puwede tayong mag-qualify sa allowances galing sa mayor.

It changed us, Klaudine. Dahil sa allowance na nanggaling sa opisina ni Mayor, hindi natin kailangang manghingi ng baon na may kasamang sigaw galing kay Mama. Hindi natin kailangang magutom sa school dahil nakalimutang mag-iwan ng pera, hindi natin kailangang maglakad pauwi.

That allowance from the mayor's office helped us get through high school without breaking a sweat. Lahat ng needs sa school, sinagot ni Mayor Arguelles.

We were so happy that a politician helped us get through everything. Turns out, he was just guilty.

Ang taas ng tingin natin kay Mayor, Klaudine. Pero siya pala ang puno't dulo ng paghihirap. Siya pala ang dahilan ng galit ni Mama, siya pala ang dahilan kung bakit tayo lumaki sa pamilyang inaayawan tayo, kasi siya pala ang ugat.

Ang tindi ng domino effect sa atin ng nangyari, ang daming what-ifs.

What if hindi ni-rape ni Mayor Arguelles si Mama? Siguro masayahin pa rin si Mama tulad ng sinasabi ni Lola.

What if hindi nabuntis si Mama noong na-rape siya? Siguro natupad pa rin ni Mama ang pangarap niyang maging doctor.

What if natuloy ang pagkakalaglag sa atin? Siguro kahit papaano, masaya si Mama dahil wala siyang obligasyon.

What if hindi tayo produkto ng kababuyan? Siguro ang sarap ng buhay natin.

What if masarap ang buhay natin? Siguro hindi tayo nahirapan na tulungang pag-aralin ang sarili natin.

What if hindi natin kailangang pag-aralin ang sarili natin? Siguro hindi natin kailangang magtrabaho at kumuha ng mga itu-tutor.

What if hindi tayo nag-tutor? Siguro hindi natin makikilala si Harriet.

What if hindi natin nakilala si Harriet? Siguro hindi natin makikilala si Henry.

What if hindi natin nakilala si Henry? Siguro hindi tayo sumubok kay Richie dahil may iba na tayong nararamdaman kay Henry.

What if hindi tayo sumubok kay Richie? Siguro hindi tayo na-rape.

What if hindi tayo na-rape? Siguro hindi natin susubukang magpakamatay.

What if hindi natin sinubukang magpakamatay? Siguro hindi natin malalaman at hindi natin aaminin ang tungkol sa pagmamahal na mayroon kay Henry.

What if hindi natin minahal si Henry? Siguro hindi nasira ang friendship natin ni Harriet at hindi tayo makasisira ng pamilya.

What if hindi tayo nakasira ng pamilya? Siguro . . . hindi masyadong masakit dahil walang Klara na dadating sa buhay natin, pero kaagad mawawala.

Masyadong naapektuhan ng nakaraan ang kasalukuyan, pero sana huwag na ang hinaharap. Hindi na masaya, Klaudine. Hindi na nakatutuwa na hanggang ganito na lang tayo, na mabigat ang lahat sa atin. For once, puwede bang buksan natin ang isang chapter ng buhay natin na hindi na malungkot?

Sampung taon mula ngayon, mababasa mo ulit ito, at sana sa sampung taon na iyon, hindi na tayo ganito kalugmok. Bata pa tayo, marami pang puwedeng mangyari. May mga maling desisyon tayo sa nakaraan, but bad decisions were part of our lives, right?

That night . . . when Richie violated us, do you remember how we wanted to jump off the imaginary cliff and never look back? Do you remember how our stomachs churned as he moved behind us? Do you remember how badly we wanted to cover our ears so we wouldn't hear his groans? Do you remember how we prayed to please kill us so the pain would stop?

Klaudine, I am sorry this happened to us. I am sorry . . . we had to go through all of these. I am sorry . . . we had to be in pain in order to live.

We fell in love with a wrong man and it was the first time we felt it, Klaudine. Alam natin sa sarili natin na mahal natin siya, mahal na mahal, actually. Pero tanggap naman natin na may mga pagmamahal na hindi na puwedeng ipaglaban.

We already hurt a lot of people, especially Harriet. She was there when we needed her the most yet we chose to betray her for the love we thought we deserved.

Alam ko kung gaano mo kamahal si Henry. You risked it all for the love and comfort, you forgot about the world, and let yourself feel the love he offered. It was fun, it actually completed you, Klaudine.

But what's the sense of a love that completed you when it's breaking other people? Hindi puwede. Alam kong gusto mo, dahil siya ang naging pahinga at sandalan mo sa malupit na mundo.

Henry became your wall and you still wanted him to be your wall, but you made the right decision of letting the man go.

Mahal mo siya at alam mong mahal ka niya. Remember when he kneeled? Not once, not twice, but multiple times so you wouldn't let go of the love you both shared?

Naalala mo ba noong natutulog ka at nayakap siya sa 'yo, humahagulhol, dahil mahal ka niya? Naalala mo ba na gusto niyang lumaban, pero ayaw mo na?

Ayaw mo ba talaga?

Hindi. Gusto mo ring ilaban, pero may mga pagmamahal na may hangganan. May pagmamahal na hindi worth it ilaban, may mga pagmamahal na kailangang kalimutan.

You love him . . . and you know that he loves you. Pero hindi lang palaging sa love umiikot ang lahat. Kung maraming masasaktan, 'di bale na lang. We can move forward . . . no, we need to move forward.

You're still young, Klaudine. Marami pang dadating na tao, pagsubok, at pagkakaton.

Isipin mo si Klara. You promised Klara you'll live and don't fail your daughter, Klaudine. Nag-promise ka na magiging masaya ka, na mabubuhay ka nang normal.

Be the best version of yourself and I hope after ten years and you're reading this, you're already Atty. Maria Klaudine Gamboa. You're wearing this fancy coat, your hair is neatly fixed, and you're fighting for someone's rights.

Klaudine, you have so much to offer and you know it. You deserve a lot and someday, you'll finally be able to smile knowing your past did something to help you regain yourself in the future.

The world is a messy place, Klaudine, and I hope while reading this, you're still in this messy world but smiling. I hope you're finally smiling knowing you did well, you moved on, and you're happier. I hope you're happier and working to be the happiest.

Move forward and never look back. It's good to reminisce, it's good to remember the past, pero huwag kang mabubuhay sa nakaraan. Gawin mong hagdan ang karanasan para sa mas maayos na kinabukasan.

Klau, I'm excited for you to read this in ten years. I'm excited to know that you moved on, you're happy, contented, and free.

Congratulations on winning this life, Attorney.

Love,

Klaudine


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys