Chapter 37

Henry held a small funeral for Klara. Paglabas ni Klaudine ng hospital, a week after she lost the baby, sinabi sa kaniya ni Sam ang plano ni Henry. Klaudine didn't bother arguing about the baby's funeral. Deserve naman iyon siguro iyon ng anak niya.

Klau was wearing a simple, white below-the-knee dress with a ruffle, and satin ribbon behind. Si Sam na rin ang nag-ayos ng buhok niya at sinigurong hindi na namamaga ang mga mata niya.

Regalo pa ni Sam ang damit na isusuot niya para sa libing ng anak niya. Wala na rin namang lamay, diretso cremation na lang dahil iyon ang napag-usapan nila ni Henry.

They talked, for Klara's burial, that was it.

Crying made her feel better. Dahil hinayaan siya ni Sam na umiyak, mas natanggap niya ang nangyari. Kung noong una, gusto niyang mawala para matapos na ang sakit na nararamdaman niya, itong pagkakataong ito, hindi na.

Napaisip si Klaudine sa kahihinatnan ng buhay niya. Gugustuhin kaya ni Klara kung tatapusin na lang niya ang lahat? Gugustuhin kaya ng anak niyang malungkot siya at pariwara ang buhay? Gugustuhin kaya ng anak niya na sumuko siya?

Dahil sa mga simpleng tanong na iyon, nabuksan ang mga mata ni Klaudine, na siya ngang anak, kahit saktan na siya ng mga magulang niya, ayos lang, dahil mahal niya ang mga ito.

Naisip ni Klaudine na siguro, mahal din siya ni Klara o mamahalin kung buhay ito kahit na miserable pa siya.

And with that thought, Klaudine opened her mind.

Ilang taon niyang inisip ang ibang tao. Nagulo ang buhay niya dahil sa galit na hindi naman dapat sa kaniya, sa buhay na hindi naman niya ginusto, at nakasira pa siya ng buhay ng iba dahil hindi siya nagkapag-isip nang maayos.

Madalas niyang sinisisi ang sarili, pero gusto pa rin niyang lumaban.

Hinaplos ni Klaudine ang tiyan na dating malaki, pero wala na. Wala na siyang luhang mailabas dahil sa ospital pa lang, iniiyak na niya ang lahat. Nangako siya sa sarili na hindi na iiyak paglabas at mabubuhay na lang nang normal alang-alang kay Klara.

Ipinalibot ni Klaudine ang tingin sa paligid. Maganda ang lugar at nalaman niyang mayroong mausoleum ang mga Avila. Tinanong siya ni Henry kung okay lang ba na roon si Klara, pero hindi siya pumayag. Hindi Avila ang anak niya, kaya napag-usapan nilang sa loob na lang ng crematorium na nasa loob din ng sementeryo.

Malaki ang garden bukod sa magandang building na pinaglalagakan ng mga naka-cremate. Kung tutuusin, ang ganda dahil parang maliliit na boxes iyon at mayroong salamin para makita ang urn.

Pumasok si Klaudine sa loob at tiningnan isa-isa ang mga nakalagak sa nasabing crematorium. May mga picture sa loob at may mga gamit na posibleng paborito ng namatay.

Naisip ni Klaudine, ni wala man lang siyang picture ni Klara. Her daughter was too small and fragile when she was delivered, wala na rin itong buhay, at mananatili na lang sa alaala niya ang itsura nito.

Buong ceremony, nakatingin si Henry kay Klaudine na nakaupo sa kabilang side habang naghihintay. Maliit lang na ceremony, maliit na padasal, para sa anak nila.

Henry was with Leandra, Harriet, Ford, and Ylena. Klaudine was alone because Samantha had to deal with an important business meeting that couldn't be canceled. Wala namang problema iyon kay Klaudine. Biglaan din naman kasi ang naging plano nila ni Henry at sinamahan naman siya ng driver ni Sam.

Nakikita ni Leandra sa peripheral niyang nakatingin si Henry kay Klaudine. Harriet and Ford were sitting behind them and Ylena was sitting beside Henry, too.

Walang narinig na kahit na ano si Leandra galing kay Henry. Walang galit, walang masasakit na salita, mas madalas pang sorry ang sinasabi nito sa kaniya. She knew that Henry was in pain because he lost a child and she felt guilty. Leandra knew she became an accessory, but she never heard a single word from Klaudine and Henry. Instead, both apologized.

Panay ang sulyap ni Harriet kay Klaudine. Gusto niyang lapitan ang kaibigan dahil mag-isa ito sa kabilang side.

"Go." Hinalikan ni Ford ang gilid ng noo niya. "Alam kong gusto mo siyang puntahan, go."

Kinagat ni Harriet ang ibabang labi at tumayo. Kung itataboy man siya ni Klaudine, matatanggap niya iyon, pero hindi nangyari. Instead, Klaudine smiled at Harriet and even held her hand.

Kaagad na niyakap ni Harriet ang kaibigan at bumulong, "I missed you, Klauie."

Mahinang natawa si Klaudine at hinaplos ang buhok niya. "Na-miss din kita, sobra."

Harriet's eyes welled up in tears and she was trying so hard not to sob. Panay ang pasimpleng tingin niya kay Klaudine na wala man lang reaksyon sa mga sinasabi ng nagsasalita. Naka-cross legs lang itong nakikinig at paminsan-minsang hinahawakan ang kwintas na suot.

Pagkatapos ng maliit na ceremony, dumiretso sila sa naka-prepare na resting place ni Klara. Harriet was still walking with Klaudine. Tahimik lang nitong hawak ang urn ng anak, samantalang nakapamulsang naglalakad ang daddy niya, kasabay ang mommy niya.

The urn for the baby was too small. It was rose gold with black lines around it. Walang ibang design, ni walang nakasulat.

Tumapat sila kung saan ilalagak ang abo. Klaudine was the one who placed the urn inside it. Walang laman, hindi katulad ng katabi na may teddy bear pa sa loob. Wala ring picture, pero ikinagulat ni Henry nang tanggalin ni Klaudine ang kwintas na suot nito.

Iyon ang kwintas na ibinigay niya kay Klaudine at ipinalibot iyon sa urn ng anak nila. Henry had to turn around because he couldn't contain it.

Walang reaksyon ang mukha ni Klaudine habang ikinakabit ang kwintas sa palibot ng urn. Harriet was crying on Ford's chest, Leandra looked down, Ylena was caressing Henry's back, and Henry's chin was vibrating while clenching his first.

Hinaplos ni Klaudine ang pangalang nakaukit kung saan ilalagak ang anak niya.

Maria Klara Gamboa-Avila.

Huminga nang malalim si Klaudine at umatras para tuluyan nang maisara ang salamin na magsisilbing takip ni Klara. For some reason, Klaudine smiled. Muli niyang hinaplos ang pangalan ng anak.

"Hindi ka na masasaktan ng mundo, Klara," she whispered. "Magiging attorney si Mama, promise 'yan."

Narinig ni Henry ang sinabi ni Klaudine. Napatitig siya sa nakatagilid na mukha nito nang ipatong ang noo sa pangalan ng anak nila at ipikit ang mga mata. She even stayed on that position for good minutes.

Nang humarap si Klaudine sa kanilang lahat, nakangiti ito. "Thank you rito, at least may bibisitahin ako. S-Sana, ito na rin ang huling pag-uusap nating lahat. Maraming salamat po ulit sa inyo, pero hinihiling ko na sana, huwag nang magsalubong ang landas natin."

Walang nagsalita, kahit si Harriet na nagulat sa itinugon nito.

"Ma'am Leandra," kuha ni Klaudine sa atensyon ng ginang. "Maraming salamat po sa lahat ng naitulong ninyo sa akin. Huwag po kayong mag-aalala, hindi ko po kayo sinisisi rito tulad ng sinabi ninyo sa akin kanina. Wala pong may gusto, walang may kasalanan kung hindi ako. I hope this would loosen up everything. Wala po akong bad blood sa kahit na sino. Hindi ko po hihilinging patawarin ninyo ako, pero uusad na po ako nang malayo sa inyo, para sa anak ko."

Tahimik si Leandra na nakatingin kay Klaudine.

"Mauuna na po ako, may trabaho pa po kasi ako," ani Klaudine na naglakad patalikod. Hinarap muna niya si Harriet. "Bye, Harri."

Hindi alam ni Harriet kung susundan ba niya si Klaudine dahil gusto niya itong makausap, pero hindi niya magawa. Para siyang napako sa kinatatayuan hanggang sa mawala na nang tuluyan si Klaudine sa paningin nilang lahat.

Henry, on the other hand, stood in front of Klara's resting place. Nakatitig siya sa kwintas na ibinigay niya kay Klaudine, na ibinigay sa anak nila.

Inaya na muna ni Harriet ang mommy niya na lumabas ng crematorium para mabigyan ng privacy ang daddy niya. Bilang anak, masakit na naging ganoon ang sitwasyon ng pamilya nila, pero ayaw niyang ipagkait sa daddy niya ang pagluluksa.

"You can go," mahinang sambit ni Henry kay Ylena na nasa tabi niya. "I'll just stay for a while. Wala naman akong ibang gustong puntahan."

Ylena sighed. "I think you should go to your wife. You're gonna need your wife and it's the perfect time to finally talk about your family since . . . this is another step you didn't expect."

"Mag-uusap kami pag-uwi ko. For now, I'll stay for Klara." Tipid na ngumiti si Henry habang ipinaglalandas ang hintuturo sa pangalan ng anak. "At first, ayaw pumayag ni Klaudine na naka-last name sa akin ang anak namin. Tinanggap ko na 'yun until she finally said yes."

Tahimik na nakatingin si Ylena kay Henry na titig na titig sa pinaglagakan sa anak nito. Marami siyang gustong sabihin sa kaibigan, pero hindi ito ang tamang panahon. Ang dami niyang gustong itanong, pero wala sa tamang emosyon si Henry para doon.

Sa loob ng crematorium, may upuan. Naupo si Ylena para hintayin si Henry. Nakatanggap din sya ng message galing kay Harriet na pauwi na ito kasama ang ina, dahil gusto na ring magpahinga.

Ylena was busy with her phone when Henry sat beside her. "Thank you for staying," Henry said.

"Ikaw lang naman ang hinihintay kong lumapit sa akin. Minsan nga, nalilimutan mo na yata na nandito lang ako, e. Noong mga panahong ako ang may problema, I didn't have to call you. Dumadating ka palagi." Hinawakan ni Ylena ang kamay ni Henry. "We're almost like siblings, Henry. Hindi na lang basta best friends, we practically grew old together."

Mahinang natawa si Henry at nilaro ang suot na wedding ring. "I could still remember when you tried to stop the wedding. Hindi ko makalimutan ang sinabi mo noon na tayong dalawa na lang ang magpakasal since we have this platonic kind of relationship, tapos kapag nakahanap na tayo ng iba, we could just divorce the marriage."

"Sana nga ginawa na lang natin, e," Ylena said. "Ang hirap, Henry. Alam mo, for some reasons, nararamdaman ko si Leandra ngayon. My husband loves someone, too, and you know that."

Tahimik si Henry na nakikinig kay Ylena.

"Minsan, umuuwi siya sa akin dahil ako pa rin ang legal na asawa, pero may ibang gustong makasama. I mean, ganoon din naman ako. Asawa niya ako, pero may iba rin akong gustong makasama," ani Ylena.

Nilingon ni Henry si Ylena na nakahawak pa rin sa kaniya.

"Pero ang masakit, siya nakakasama niya si Mary, Henry. Nagkakasama sila, tanggap na ang sitwasyon nila, tanggap ko na rin." Huminga nang malalim si Ylena. "Pero ako, hindi ko makasama ang totoong gusto ko . . . kasi may mahal na ring iba. For some reason, I can feel Leandra. Magkasama kayo sa iisang bubong, pero alam niyang may mahal kang iba."

"We're fixing our marriage and we already talked about it," Henry said.

"That's good," masayang sabi ni Ylena. "Iyan din ang sasabihin ko. Twenty years, Henry. Alam ko rin na mahal mo si Leandra, nagkamali ka kay Klaudine, oo. Mahal mo si Klaudine, pero hindi na puwede. May mga bagay kasi na hindi na puwedeng ipaglaban."

Tumango si Henry at tumingin sa nilalagakan ng anak. "I know."

Inihilig ni Ylena ang ulo sa balikat ni Henry. "Bata pa si Klaudine at marami pang puwedeng mangyari sa kaniya. She can move forward and I heard, gusto niyang mag-law. I hope she'll push it. Ikaw naman, it's good na mag-focus ka na lang sa healing ng family ninyo. Ang masasabi ko lang, mas mabuting pakawalan n'yo na lang lahat ng sakit. Hindi magiging madali, pero sa tagal ng pinagsamahan ninyo ni Leandra, magiging maayos ang lahat."

"Mahal ko si Leandra." Henry smiled. "And yes, we talked about fixing our marriage. Klaudine, she'll be part of my life and she will be buried here." Itinuro niya ang sariling puso. "In the deepest part of my soul, she'll be there. S-She's my one great love."

Mahinang natawa si Leandra. "Alam mo, ang malas nating magkaibigan. Bakit kaya, 'no? May sumpa ba tayo? Bakit kailangang humantong tayo sa ganito? B-Bakit kailangang makasakit at masaktan tayo?"

Hindi sumagot si Henry.

Nag-angat ng tingin si Ylena at hinarap ang kaibigan. "Tell me, kung sakaling lumaban si Klaudine, lalaban ka rin ba?"

"Hindi ko alam." Yumuko si Henry. "I honestly don't know. Knowing Klaudine, she won't, though. I know she won't."

"I am asking about you," Ylena seriously said. "Ilalaban mo ba si Klaudine?"

Tumayo si Henry at huminga nang malalim. "Let's go. Gusto mo bang kumain? May gusto ka bang puntahan? Wala naman ako. Baka pumunta lang ako sa opisina, pero kung may pupuntahan ka, sasamahan kita."

Ylena shook her head and wrapped her arms around Henry. "Kain tayo ng lunch. My treat."

Henry chuckled and agreed.

Habang nasa kotse, pagbukas pa lang ng radio, kaagad na tumugtog ang kantang Almost Over You ni Sheena Easton.

Ylena gazed at Henry who started driving. Nakahawak ang isang kamay nito sa steering wheel, ang isa naman ay nakapatong ang siko sa bintana habang ipinaglalandas ang daliri sa sariling labi.

Ibinalik niya ang tingin sa screen ng kotse ni Henry at nakitang naka-playlist ang kanta at may folder name na Klara.

Nag-focus si Ylena sa daanan at pinapakinggan ang kanta hanggang sa marinig niyang mahinang sumisinghot si Henry na napalitan ng hagulhol. Nilingon niya ang kaibigan at hindi siya nagkamali.

Henry was sobbing like a child while driving. His eyes were pooling with tears and when Ylena was about to turn off the speaker when Henry said no.

"Mahal ko, Ylena," Henry murmured. "Mahal ko. Mahal ko, e."

"Alam ko," Ylena whispered but enough for Henry to hear. "Pero alam mong hindi na puwede."

Nakita niya kung paanong nanginig ang baba ni Henry dahil sa sinabi niya kasabay ng pagbagsak ng luha nito at pagsuklay ng buhok gamit ang mga daliri.

"She was twenty-five years too late." Henry breathed. "Twenty-five years too late."

T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys