Chapter 36
Henry knew Samantha was right. He didn't have the nerve to speak so he remained quiet until the woman left. Ni hindi na siya nakapagpasalamat dahil sa pag-aalaga nito kay Klaudine na kasalukuyang natutulog.
Nag-stay siya sa kwarto at nakaupo sa gilid ng kama ng dalaga. He was contemplating a lot of things but focused on Klaudine.
The door opened and it was Harriet with Ford. May dalang kape ang dalawa galing sa cafeteria at bakas sa mukha ng anak niya ang pag-iyak dahil sa magang mga mata.
"Hindi ka pa ba uuwi, Dad?" tanong ni Harriet. "We c-could stay here. Ford and I can stay naman for Klaudine."
Nakayukong nakatingin si Henry sa kapeng hawak. "I might stay for now. I wanted to talk to Klaudine so I'd wait for her to wake up. Gusto ko na rin muna siyang makausap kung okay lang sa 'yo." Hinarap ni Henry si Harriet. "Kung ayaw mo, I'll leave."
"Stay," Harriet mumbled. "You really need to talk din naman, Dad, and don't worry about me. Naiintindihan ko ang sitwasyon."
Nakaupo si Ford na nakatingin kay Harriet dahil katatapos lang nitong umiyak habang nasa kotse sila pabalik ng ospital. Umiiyak ito dahil nasasaktan para kina Klaudine at Henry na nawalan ng anak. Umiiyak ito dahil nawalan ng kapatid, umiiyak ito dahil nakita kung gaano nasaktan ang ama sa nangyari.
Harriet knew that her dad was looking forward to the baby. Kahit na malaking problema ang pinagmulan, alam niya na mahal ng daddy niya ang bata, ang kapatid niya.
Her, too! She was looking forward to the baby.
But the pain for Klaudine was unimaginable, for sure.
Sa kuwento pa lang ni Sam, hindi na nila alam kung ano ang magiging reaksyon. Hindi alam ni Henry kung ano na ang pumapasok o posibleng pumasok sa isip ni Klaudine paggising nito.
Bigla niyang naalala ang ilang beses na suicide attempt ni Klaudine na naging dahilan ng panlalamig ng kamay ni Henry. Dalawang beses niyang na-witness iyon at ayaw nang muling mangyari pa.
It was two in the afternoon and the three of them remained quiet. Nakakailang pasok na rin ang nurses para i-check si Klau, ganoon din ang ilang doctor. Everyone was waiting for her to wake up, especially Henry.
"Dad," Harriet broke the deafening silence. "Aalis na muna kami ni Ford. May class kasi kami mamayang six, pero kung gusto mong umuwi, puwede akong mag-absent, magpapaalam na lang po ako."
"No, it's fine." Henry looked at Harriet. "Is it okay with you na ako na muna ang magbantay kay Klaudine? I'll deal with Mom after I talk to Klaudine. Is that okay?"
Harriet gave her dad a faint smile and nodded. "Of course. I understand, Dad. Just call me if you need anything."
Tango lang ang isinagot ni Henry sa anak na hinalikan siya sa pisngi bago umalis. Ibinalik niya ang tingin kay Klaudine. He was in pain, he just lost his baby. But thinking about what Klaudine felt, Henry knew it wasn't the same.
It would never be the same.
Hindi namalayan ni Henry na nakatulog siya at nakaunan ang ulo sa gilid ng kama ni Klaudine nang makitang wala ito sa kama. Napabangon siya at hinanap ito sa buong kwarto, sa comfort room, pero wala. Nakita rin niyang nakatanggal ang swero nito kaya naman nagmadali siyang pumunta sa nurses station para magtanong.
Pare-parehong nagulat ang mga tao sa paligid niya at nagsimulang maghanap. They even had to find Klaudine using the hospital's CCTV footage until they saw her standing in front of the nursery.
Siya na mismo ang nagmadaling pumunta roon at sinabihan ang mga nurse na hayaan na lang ito. Henry knew that Klaudine was hurting and he couldn't bear to inflict more pain.
Lakad-takbong pumunta si Henry sa nursery at naabutan pa rin si Klaudine na nakatayo roon, katulad ng nakita nila sa CCTV.
Klaudine was wearing a hospital gown, her hair was messy, and was barefoot.
"Klaudine," ani Henry na nakapukaw ng atensyon nito at lumingon sa kaniya. "What are you doing? What were you thinking? B-Bakit ka umalis?"
"Gising ka na pala," Klaudine greeted Henry with a warm smile. "Nakapagpahinga ka ba?"
Henry frowned and shook his head. Huminto siya sa gilid ni Klaudine at tinitigan ito. Her eyes were puffy and dark circles were there. "B-Bakit ka umalis sa room mo? Kung gusto mong maglakad, sana ginising mo ako. Tinanggal mo pa ang dextrose mo."
"Gusto ko lang maglakad-lakad." Tipid na ngumiti si Klaudine bago humarap sa salamin. "Babae siya."
"Let's not talk about it," Henry murmured while staring at Klaudine. Ni hindi niya magawang tumingin sa mga batang nasa loob ng nursery dahil mas masakit.
Ngumiti si Klaudine habang nakatingin sa mga baby. "Klara. Maria Klara sana ang ipapangalan ko sa kaniya. Ang ganda lang . . . Klara. Kaso, binawi kaagad sa akin, e. Binawi kaagad 'yung akala kong sa akin na talaga. Binawi kaagad 'yung akala kong makakasama ko araw-araw. Binawi kaagad ang buhay ko, Henry."
No tears from Klaudine while Henry's heart was clenching hearing those words.
"Ang dami kong pangarap sa aming dalawa. Kakain kami ng cake araw-araw, maglalaro kami lagi sa park, magbabasa kami ng maraming libro, tuturuan ko siyang magsulat, tuturuan ko siyang magbasa, t-turuan ko siyang . . . tuturuan ko siyang mahalin ang sarili niya," pagpapatuloy ni Klaudine. "Kaso lang, wala na, Henry. Wala na ang baby natin."
Hindi inaalis ni Henry ang titig kay Klaudine nang bumagsak ang luha sa pisngi nito.
"Wala na si Klara, wala na 'yung dahilan kung bakit nandito pa ako." Humikbi si Klaudine. "Bakit kasi ang damot sa akin, Henry? Hindi naman mangyayari lahat ng ito kung una pa lang, hindi na ako produkto ng kababuyan. Kung suportado ako, hindi ko makikilala si Harriet, hindi kita makikilala . . . hindi ganito ang buhay ko."
Henry remained quiet and intently listening to Klaudine. Her voice quivered, her chin vibrated, and her tears were unintentionally flowing, and he couldn't even touch her.
"Ang liit-liit niya," Klaudine whispered. "Ang liit-liit niya halos hindi ko siya mahawakan dahil takot na takot akong mabali ko siya. Paglabas niya, ni hindi man lang umiyak. Hindi 'yun ang gusto ko, e. Kasi gusto ko siyang marinig, pero wala na."
"I'm sorry," nakayukong sabi ni Henry.
Walang narinig na kahit ano si Henry mula kay Klaudine hanggang sa hawakan nito ang damit niya. Nag-angat ng tingin si Henry at nakaharap sa kaniya si Klaudine, nakayuko ito, nakahawak ang dalawang kamay sa damit niya.
Klaudine crumpled his polo, fists were clenched, and hands were trembling.
"Binawi kaagad, Henry. 'Yung baby ko," mahinang sambit ni Klaudine habang nakayukong umiiyak. "'Yung baby natin, 'yung baby ko . . . si Klara, bakit ganoon."
Nag-angat ng tingin si Klaudine at nagsalubong ang tingin nila. Henry saw how her eyes were pooling with tears and he couldn't even more. His hands were trembling, too. It was fisted and he couldn't move an inch.
"'Yung baby ko." Klaudine's voice quivered. "Si Klara . . . gusto ko 'yung baby ko, Henry."
Henry couldn't say a word. Wala siyang masabi, wala siyang magawa kung hindi ang tumingala at mahinang humagulhol dahil hindi niya kayang titigan si Klaudine na nagsusumamo sa kaniya. Hindi na niya kayang ibalik kung ano ang nawala, hindi na puwede dahil wala na.
"B-Baka g-giniginaw siya. G-Gusto ko siyang yakapin, siya na lang ang meron ako, Henry. G-Gusto ko 'yung baby ko." Naramdaman ni Henry ang paghigpit ng hawak ni Klaudine sa damit niya. "Si Klara." Sumubsob ang mukha nito sa dibdib niya at mahinang humagulhol.
Nanatiling nakatingala si Henry at nagmamalabis ang luhang pinakikiramdaman si Klaudine. Wala siyang mukhang maiharap dito, wala siyang masabi, dahil nawala na ang nag-iisang rason ng lahat.
Tahimik na umiiyak si Henry nang bigla na lang mabuwal si Klaudine, pero kaagad niya itong nahawakan sa braso. She was still weak and he had to carry her.
Henry carefully carried Klaudine who immediately buried her face on the hollows of his neck, making him sob even more. Nararamdaman niya ang paghikbi nito at ang sunod-sunod na pagsinghot.
Pagtalikod ni Henry, nandoon ang isang doctor at dalawang nurse na naghihintay sa kanila. Kailangan pang i-check ni Klaudine lalo na at may bleeding pa raw ito.
Mabagal ang paglalakad ni Henry habang buhat si Klaudine.
Pagdating sa kwarto, nakaupo si Klaudine na nakatingin sa kawalan habang inaasikaso ng mga doctor at nurse. Kinabitan ito ng bagong dextrose, inayos pa ng nurses ang buhok nito, at itinanong kung gustong kumain na tinanggihan.
Nang matapos, muli silang naiwan mag-isa. Nakasandal si Henry sa pader habang nakatingin kay Klaudine.
"May gusto ka bang kainin? Magpapabili ako," tanong ni Henry.
Humarap sa kaniya si Klaudine. "P-Puwede ka nang umalis. For sure naman, dadating na rin mamaya si Sam. Thank you sa pagbisita."
"Visit? I'm not visiting," Henry said. "I'm here to s-stay."
Klaudine gave him a bitter smile. "Tama na, Henry. W-Wala na siya, wala na tayong koneksyon. Wala na si Klara . . . k-kaya puwede sigurong umalis ka na. Wala ka nang business sa akin, wala na tayong d-dapat na pinag-uusapan."
"I intend to st—"
"Tama na, Henry. Hindi na puwede, hindi na masaya. Hindi na . . . kita mahal," Klaudine said without breaking the stare. "Tama na, please. P-Pakawalan na natin ito."
Napatitig si Henry kay Klaudine na nag-iwas ng tingin sa kaniya.
"I-Is that what you want?" Henry asked. "Klaudine, is that what you want?"
Muling humarap si Klaudine sa kaniya at tumango. "Umalis ka na." She smiled faintly. "Tama na."
Henry nodded and left the room without saying anything.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta, wala siyang gustong puntahan, ayaw niyang umalis, pero hindi na siya puwedeng mag-stay. He had to stay away because if not, he would be the reason Klaudine was crying . . . again.
Walang kotseng dala si Henry kaya naman nag-taxi siya papunta sa kung saan. Hindi siya makaisip kung saan siya pupunta, hanggang sa maisipan niyang pumunta sa opisina ni Leandra.
Pagpasok pa lang, binati na siya ng secretary nito at nakangiting nagbigay ng kape. Henry waited for his wife who was in a meeting.
Nakaupo lang siya sa sofa ng opisina nito.
Leandra had a sophisticated office, given na interior designer ito. Napalilibutan din ng mamahaling paintings ang pader, pero mas nangingibabaw ang malaking picture frame na nasa likod ng opisina nito.
Family picture nila kamakailan lang dahil every year naman silang may bagong picture, tuwing birthday ni Harriet.
Napatitig si Henry sa mukha ng asawa. Mahigit dalawang dekada na niya itong kilala, magkaibigan sila. Iisa ang circle of friends nila noong college, hanggang sa nabuntis niya ito pagkatapos nilang malasing galing sa isang party.
Henry couldn't leave Leandra alone and he didn't want people looking down on her, so he married her. He loved his wife, it wasn't instant, but he slowly fell in love with Leandra.
Nakapamulsang nakatayo si Henry sa harapan ng glass wall at nakatingin sa kawalan, sa palubog na araw, habang iniisip si Klaudine kung may kasama na ba ito, kung kumain na ba, kung umiiyak pa ba.
"Hey." Bumukas ang pinto ng opisina at nakangiting lumapit sa kaniya si Leandra para halikan siya sa pisngi. "Kanina ka ba? Sorry, I was caught up in a meeting. What's with the visit?"
Hindi sumagot si Henry.
Nakakunot ang noo ni Leandra na nakatingin sa kaniya bago dumako ang tingin nito sa polo niya. "What happened here? Hindi ka na nakapagpalit? Bakit lukot?"
"Klaudine lost our baby," ani Henry habang nakatingin sa asawa. "Galing ako sa hospital . . . 'cos Klaudine was confined two days ago. S-She lost our baby."
Napaatras si Leandra sa sinabi niya. Kita ni Henry sa mukha ni Leandra ang pagkakunot ng noo nito.
"Sinabi ko sa 'yong wala na. Sinabi ko sa 'yong pinakawalan na, sinabi ko sa 'yong huwag mo nang puntahan," mahinahong sabi ni Henry. "Hindi kita masisi, kasi asawa kita. Galit ka sa akin, galit ka sa amin . . . at hindi ako galit sa 'yo dahil ginusto mong kausapin si Klaudine."
Tahimik si Leandra, pero nakita ni Henry ang luhang bumagsak sa pisngi ng asawa.
"Reasonable ang galit mo at hindi kita sinisisi. Pero sana nakinig ka sa akin," Henry calmly said. "Sana nakinig ka sa akin, Leandra."
"I-I'm sorry," Leandra uttered.
Lumapit si Henry sa asawa at hinalikan ito sa noo. "It's okay. Naiintindihan ko ang galit mo. I'm sorry again for this, I'm sorry this happened. I'm sorry I cheated on you . . . I'm sorry I loved her," he whispered. "I'm sorry for hurting you, but can you give me time to grieve?"
Leandra slowly nodded and didn't say a single word.
Henry once again kissed Leandra's forehead and left his wife's office without saying a single word.
—
Hindi mapakali si Harriet habang nagmamaneho si Ford papunta sa warehouse ng Metrovilla. It was two in the morning and her dad was nowhere to be found, until Girta said that one of the guards from the warehouse confirmed her dad was there.
Hindi alam ni Harriet kung ano ang ginagawa nito, pero alam niyang comfort ng daddy niya ang paggawa ng furniture kapag stressed, and she knew her dad wasn't just stressed, for sure, he was grieving.
"Do you want me to come with you?" tanong ni Ford kay Harriet.
Umiling si Harriet at nakayukong kinagat ang ibabang labi. "I think I'm gonna talk to Dad alone. Hindi ko rin kasi alam kung ano'ng ginagawa niya sa loob and I hope he's fine."
"He's not," Ford honestly said. "Your dad isn't fine, I'm sure. Kung hindi mo kaya emotionally, call me. Pupuntahan kita roon or you can just come back here. Maghihintay ako rito sa kotse."
Harriet didn't say anything so Ford held his girlfriend's arm and hugged her tightly. Alam niyang nasa breaking point na rin si Harriet, lalo na at hindi sila kinausap ni Klaudine nang bumisita sila.
"Wait for me?" Harriet asked.
"I will." Ford kissed Harriet's lips.
Hindi alam ni Harriet kung ano ang daratnan. Tinawagan siya ng mommy niya tungkol kay Klaudine dahil nanggaling daw ang daddy niya sa opisina nito para sabihin ang tungkol sa nangyari kay Klaudine.
Hindi naman sa sinisisi ni Harriet ang mommy niya, pero may point ang daddy niya. Naroon siya nang makiusap ang daddy niya na huwag na munang pupuntahan si Klaudine.
Doon na-realize ni Harriet na kilalang-kilala ng daddy niya si Klaudine and it wasn't just physical.
His dad was really in love with her best friend and they were emotionally connected. Nasaktan si Harriet para sa mommy niya, para na rin sa sarili, pero wala siyang magagawa roon.
Sinabi ng janitor na nasa workstation ang daddy niya at hindi na siya nagulat doon. At hindi siya nagkamali nang masilip mula sa glass door ang ilaw na nakabukas.
Harriet covered her mouth to contain the sob. Nakatingin siya sa daddy niyang nakaupo, nakataas hanggang siko ang manggas ng polo na suot pa nito mula sa ospital, magulong-magulo ang buhok, nakakunot ang noo, at seryoso sa pag-ukit.
Pinunasan na muna ni Harriet ang luha at inayos ang sarili bago dahan-dahang pumasok sa loob ng workstation na may ilang makina, mga kahoy, pintura, at kung ano-ano pa.
"Dad, it's almost three. Bakit hindi ka pa umuuwi?" nakangiting tanong ni Harriet para lang mag-iba ang mood. "Ang ganda, Dad. Convertible?"
Henry chuckled. "Oo. Hanggang three years old sana ito, e. Hindi ko talaga pininturahan at inuunti kong matapos para paglabas, saka pa lang talaga makikita."
Tahimik na naupo si Harriet sa isang lamesa at tinitigan ang daddy niyang ekspertong inuukit ang ilang design para sa kahoy. "Kapag may baby ako, Daddy, ikaw rin gumawa ng crib, ha?"
"I don't know." Pinukpok ni Henry ang pako na kailangan para sa dulo ng crib. "Baka ito na ang huling furniture na gagawin ko. Nawalan na ako ng gana, e."
Malakas ulit na pagkakapukpok para tuluyang mabuo ang crib pieces.
"I've been working on this for two months now. Noong nalaman kong buntis si Klaudine." Pinunasan ni Henry ang tumutulong pawis. "When I found out she was pregnant, kumuha kaagad ako ng papel. I designed a crib, tulad noong ginawa ko sa 'yo noong baby ka. I wanted your first bed created by me."
Harriet didn't say anything and watched her dad carefully put all the pieces together. Kahit hindi ito nagsasalita, nakikita niya ang lungkot at pagod sa mga mata nito.
"Bakit ka pala nandito? May klase ka bukas, 'di ba?" tanong ni Henry nang hindi tumitingin kay Harriet. "You should go home. Uuwi na rin ako pagkatapos ko rito."
"I'll stay," Harriet said. "Dad, I have a question."
Nilingon siya ng daddy niya, pero kaagad rin na ibinaling ang tingin sa ginawa. "What is it?"
"Why Klaudine?" she asked. "I'm sorry for asking. Pero gusto kong malaman kung bakit mo minahal si Klaudine? Maraming babae, Dad. Bakit si Klaudine?"
Nakita ni Harriet kung paanong huminga nang malalim ang daddy niya habang nakatutok ang mga mata sa inuukit sa gitnang kahoy ng crib. "To be honest," Tumigil ito at parang nag-isip, "iyan ang tanong na hindi ko rin alam ang sagot."
Natahimik si Harriet sa sagot ng daddy niya. Ibang iba ang sagot nito sa tanong niya noon kung bakit nito mahal ang mommy niya. Her dad responded that he loved her mom because they were family.
Harriet was aware of her parents' past.
Ibinalik ni Harriet ang tingin sa daddy niyang seryosong nakatitig sa kahoy nang bigla itong ngumiti.
"Done." Henry sighed. "Klara."
"What?" Harri asked.
Henry bitterly smiled at Harriet. "It was a girl, the baby was a princess like you," he said. "Klara. Klaudine named our daughter Klara."
Tumayo si Harriet para tingnan ang nakaukit. It was Klara . . . the name of her sister.
Simple lang ang crib, pero tulad nga ng sabi ng daddy niya, convertible iyon na puwedeng gawing kama kung sakaling malaki ang bata. Mayroong nakaukit na maliliit na butterflies sa gilid, mga maliliit na bulaklak dahil forte iyon ng daddy niya.
Henry's attention to detail when it comes to something like this was exceptional at doon kilala ito. Malinis at pulidong gumawa.
"It's so beautiful, Dad," nakangiting sabi ni Harriet habang nakatingin sa crib dahil may katotohanan iyon.
"It was rushed," Henry said while staring at the crib. "I was supposed to take my time since four months pa lang naman. I still have five months to finish the crib at may plano pa sana ako, even the smallest detail because my baby deserves all the best."
Tahimik si Harriet na nakatitig sa crib at hindi sumagot sa sinabi ng daddy niya.
"My little princess deserves to be loved, too, Harriet," sabi ng daddy niya habang nakatingin sa crib. "I wasn't sure if it was a girl or a boy, but I didn't care. It was my child, like you. Mahal kita, e. Mahal na mahal kita."
"Dad." Harriet's face softened. "I'm so sorry."
Henry smiled at Harriet. "Ito ba ang kabayaran sa mga naging kasalanan ko? Kung oo, sana ako na lang, 'no? That kid . . . deserves to see the world, too. That kid deserves to know how amazing her mom is, how loveable and beautiful Klaudine is whenever she smiles."
Harriet's tear rolled down her cheek.
"I'm sorry, sinasabi ko sa 'yo ito, ha?" Henry sniffed. "Wala akong makausap, Harri. Sasabog na ako, I lost my daughter . . . I broke our family, I fell in love with someone forbidden . . . ang bigat na rito." Itinuro nito ang sariling puso. "Kasalanan ko, pero bakit kailangang ang anak ko ang kabayaran? H-Hindi ba puwedeng ako na lang para maging masaya na si Klaudine?"
Hindi alam ni Harriet ang sasabihin.
"B-Bakit si Klara?" Humikbi si Henry at umiling. "Bakit ang anak ko? Bakit si Klaudine na naman ang sinaktan? I'm sorry, Harriet, I know you're hurting, too. But can I . . . "
"Dad, go ahead. I told you, I understand." Harriet sobbed. "Go ahead, Dad. I love you and I understand."
Pagkasabi noon, bigla na lang bumagsak ang luha ng daddy niya habang nakapamaywang itong nakatingin sa crib. "I had plans. I am actually excited to see that little kid running, reading like her mom. I was imagining her curly hair like Klaudine, her sweet little smile, and I—"
Nagulat si Harriet nang bigla na lang sipain ng daddy niya ang kaharap nilang crib at tumama iyon sa malaking makinang bakal na nasa harapan nila na dahilan ng pagkakaroon ng lamat.
"I made this crib for my baby girl." Henry sobbed while kicking the crib. "I wanted to finish this crib before she'll be born . . . but upon learning my little baby didn't survive, who would use this piece of shit?"
"Dad." Harriet tried to stop her dad but couldn't.
Paulit-ulit nitong sinisipa ang crib hanggang sa unti-unting makalas ang pagkakapako, masira ang pagkakabit, at kumalas ang ilang kahoy.
"Wala nang gagamit." Henry kicked the wood that was holding the crib together. "I lost her . . . I lost her, she's hurting, she's crying, she's . . . in pain."
Alam ni Harriet na si Klaudine na ang tinutukoy ng daddy niya at masakit iyon bilang anak. Masakit iyon para sa mommy niya, pero kailangan din niyang intindihin ang daddy niya. Her dad was grieving and in pain.
Hinayaan ni Harriet na tuluyang sirain ng daddy niya ang crib hanggang sa magpira-piraso iyon. Wala naman siyang magawa kung hindi ang umiyak at pakinggan itong humagulhol bago sumalampak sa sahig at sumandal sa lalagyan ng mga gamit.
"Binuo ko para sirain lang ulit." Mahinang natawa si Henry habang nakapikit at umiling bago tumingin sa kaniya. "Si Klaudine, nabuo si Klaudine nang dumating si Klara . . . pero nasira ulit dahil nawala. G-Gusto kong bumalik sa araw na hindi na lang kami nagkakilala. G-Gusto kong bumalik sa pagkakataong hindi ko na lang sana siya nakita."
Harriet bit her lower lip while watching her dad miserable.
"I w-was looking forward to seeing my baby." Henry sobbed. "I was excited, I w-wanted to raise her as I raised you. I'm sorry, Harriet, for being a bad father, but I am trying, I tried . . . but a mistake took a toll on me and even took my baby away from me. I'm sorry, Harriet."
"Dad." Sumalampak si Harriet sa tabi ng daddy niya na at niyakap ito. "Dad, huwag mo muna akong isipin. I know you're hurting, you're grieving and I am here. Please, hindi ka nag-iisa, I am here. I'll grieve with you, for my Klara."
Naramdaman ni Harriet ang paghikbi ng daddy niya. "I'm sorry, Harriet, for letting you experience this pain. I won't justify my actions, it was all wrong. I just wished it didn't turn out this way. S-Sana hindi nawala ang baby ko, s-sana hindi nawala dahil siya na lang ang meron si Klaudine."
"Dad, stop. Stop thinking about other people now and think about yourself." Harriet cried. "Dad, please."
Umalis si Henry sa pagkakayap ni Harriet at tinitigan ang crib na kalas-kalas na, puro gasgas, at putol-putol na kahoy. Pumikit siya at sumandal sa pader.
Paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang mukha ni Klaudine. It was hard . . . to finally find someone whom he couldn't even have.
Henry remembered the song they shared. I finally found someone . . .
And his life began when he found her but it also ended when they lost the little one.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top