Chapter 35

"Alam ko po," sagot ni Klaudine.

Mataman siyang tinitigan ni Leandra dahil sa sinagot niya bago ito tipid na ngumiti at uminom ng wine. "Hindi ko maintindihan. Alam mo naman pala, pero bakit mo pa rin pinatulan ang asawa ko? Uulitin ko, hindi lang ako dapat nagagalit sa 'yo." Umiling si Leandra. "Alam mo, Klaudine, mas nagagalit ako sa inyo, dahil mas pinili ninyong saktan si Harriet."

Tahimik si Klaudine, pero mabigat na mabigat na ang dinadala ng dibdib niya.

"But what's done is done." Tumayo si Leandra habang nakaluhod pa rin si Klaudine. "Nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin sa 'yo. This will be the last time I'll talk about this. Nasa reyalidad na tayo ngayon na kahit ano'ng gawin ko, may connection kayo ng asawa ko. Sana lang . . . hanggang doon na lang 'yun."

Sinundan ng tingin ni Klaudine si Leandra na dinampot ang bag na nasa ibabaw ng kama bago ito humarap sa glass walls kung saan kita na ang palubog na araw.

"We cannot bring back the past, Klaudine. Kahit magalit ako, kahit saktan kita—" Mahinang natawa si Leandra. "Na hindi ko gagawin dahil alam kong magagalit sina Henry at Harriet. Hindi na natin maibabalik ang nakaraan, pero sana sa kasalukuyan at hinaharap, magkaroon na tayo ng peace of mind."

Maingat na tumayo si Klaudine mula sa pagkakaluhod at nakayukong nakatingin sa sahig na para bang naroon ang kasagutan sa kahit na anong tanong.

"Just for my husband's child, Klaudine." Lumingon si Leandra at nagtama ang mga mata nila. "Para na lang sa bata. Also, bata ka pa. Marami pang puwedeng mangyari sa 'yo. Know your worth, Klaudine, and don't settle for less."

Hindi na nakapagsalita si Klaudine nang lagpasan siya ng ginang at basta na lang itong lumabas ng kwarto. Wala na rin naman siyang sasabihin dahil wala siyang dapat ipaglaban.

Kahit kailan, hindi magiging tama ang mali. At tama si Leandra, hindi na nila maibabalik ang nakaraan.

Sapo ni Klaudine ang dibdib kung nasaan ang puso at mahinang humagulhol.

Walang kahit na ano man ang makakapag-justify sa ginawa nila ni Henry. They were too blinded that they didn't even thought of anything, especially Harriet. At first, yes, they did.

But the company was just fulfilling that they both decided to leave everything behind and enjoy what they had. It was fun . . . but wrong. It was a mistake Klaudine would forever regret, except for the baby inside her.

Hinaplos ni Klaudine ang tiyan. "Ang laki mo na." Ngumiti siya at tumingin sa kawalan. "Ikaw na lang ang mayroon ako, Anak. Tayong dalawa na lang."

Nag-stay si Klaudine sa nasabing kwarto. Hindi niya magawang umalis dahil walang tigil ang luha niya. Kahit ano man ang pigil niya sa pag-iyak, awtomatikong dumadaloy ang luha niyang hindi mapigilan.

Naninikip na rin ang dibdib niya sa sobrang paghikbi hanggang sa makarinig siya ng katok mula sa pinto. Kaagad na inayos ni Klaudine ang sarili, pinunasan ang luha, inayos ang uniform, at binuksan ang pinto, only to see Sam staring at her.

"Klaudine! I was so worried!" Pumasok ito at isinara pa ang pinto. "I was calling you, hindi ka sumasagot. Akala ko kung ano na ang nangyari. Where is she?"

"U-Umalis na siya," ani Klaudine. "Lalabas na rin ako. Nagpalipas lang ako, Sam. Sorry."

"It's okay." Sam calmly smiled at her. "Are you okay? Sinaktan ka ba na niya? Do I need to call someone? My lawyer? Let me know. Sinaktan ka ba ni Mrs. Avila?"

Umiling si Klaudine at naupo sa dulo ng kama. "Sabi sa 'yo, hindi niya gagawin 'yun. Mabait si Ma'am Leandra at wala akong masabi."

Nagsimulang magkuwento si Klaudine kay Sam tungkol sa mga napag-usapan—mali, sa mga sinabi ni Leandra sa kaniya. Si Sam na lang ang mayroon siya, kaya naman wala siyang ililihim sa kaibigan kahit na nakakahiya.

"Naiintindihan ko naman siya, Sam. Galit siya, sinira ko ang pamilya nila. Naiintindihan ko ang galit niya," ani Klaudine. "Hindi niya ako sinigawan, hindi niya ako sinaktan."

"I guess . . . that's just how she is." Mapait na napangiti si Sam. "May mga tao talaga na kahit sila na ang nasaktan o nagawan ng mali ay sila pa ang lubos na umuunawa."

Naramdaman ni Klaudine ang kirot sa puso dahil sa padalos-dalos na desisyon, nakasakit siya ng taong wala namang intensyong masama.

"Ano'ng plano na niyang gawin ngayon?"

Umiling si Klaudine. "Wala naman siyang sinabi, Sam. Puro hinanakit lang ang sinabi niya, na . . . siya raw ang asawa, pero ako ang mahal. Hindi ako nakasagot, kasi hindi ko alam ang isasagot. Mas lalo akong na-guilty dahil sa totoo lang, mas gusto kong saktan niya ako sa mga ginawa ko, pero wala siyang ginawa. Ngumiti pa siya . . . na mas lalong nagpabigat ng nararamdaman ko."

"From what you're telling me, she seems to be a woman who can mask her real feelings so well." Napahinto si Sam nang ilang segundo at saka nagpatuloy, "To think that both of you just loved and cared for the same man, I can never blame you. I don't have the right to. After all, I almost ruined my own marriage."

Napatitig si Klaudine kay Sam nang makita ang kakaibang emosyon nito.

"Sam, nahirapan ako sa sinabi niya na mas inisip ko na sana, hindi na ako pumasok sa buhay nila. Na kasalanan din naman ni Henry ang nangyari, hindi lang ako." Tinitigan ni Klau si Sam. "Huwag kang ma-o-offend sa tanong ko, since kasal ka na at nasabi mo na you almost ruined your marriage, nakaramdam ka ba ng guilt sa tuwing kasama mo siya?"

Nakatingin sa kaniya si Sam na parang naghihintay ng kung ano pa ang sasabihin niya.

"Kasi naisip ko, ano kayang nararamdaman ni Henry sa tuwing kasama niya ako?" pagpapatuloy ni Klau. "At kung bakit niya nagawa 'yun . . . kahit na kasal siya?"

"Guilt?" Mapaklang napangiti si Sam at tinitigan ang singsing sa kamay. "Yes, I feel it everyday. Alam kong hindi ako lolokohin ng asawa ko, pero nabulag at nabingi ako. Naniwala akong niloloko na niya ako . . . naniwala akong kakampi ko siya, e. And for that moment of pleasure, I listened to someone else who was actually ruining my own husband to me. Nakinig ako dahil nagtiwala ako. And after a moment of bliss, the guilt ate me whole."

Klaudine listened. Tumingin pa si Sam sa city lights na tanaw mula sa room na na-book ni Leandra. Klaudine chose the room because it had the nicest view at night.

"Naisip ko, bakit ako nagpakatanga? Bakit hindi ko siya kinausap mula pa lang sa simula? Bakit naniwala ako sa kasinungalingan? And I regret it everyday, Klau. Siguro, suwerte na lang talaga ako sa asawa ko. Kahit na ako ang nambintang sa kaniya na nangangaliwa kahit ako pala talaga ang may problema, hindi niya ako iniwan."

Naisip ni Klaudine si Leandra. Na malamang, kapareho ng iniisip nito ang asawa ni Sam. Nakayuko siyang nakikinig sa kaibigan. Pareho silang miserable, parehong buntis, at parehong may nagawang malalang kasalanan.

Napalunok si Sam. "He had a million reasons to leave me, yet he chose to stay. And it wasn't because we were married or because of our vows. He said it was just because of his love for me." Hinarap niya si Klau at nagpatuloy, "And every single day, Klau, I regret making that mistake. Every day."

"You regret hurting your husband?" Mababa ang boses ni Klau ngunit may mapaklang ngiti. "Siguro, Henry felt the same and it's okay. For some reason, gusto ko na i-hate ako ni Henry . . . dahil ayaw kong magkatotoo ang sinabi ni Leandra." Tumingin si Klau kay Sam. "Sinabi ni Leandra sa akin na mas pakiramdam niya, siya ang kabit dahil mas mahal ako. Ayaw ko na ng gulo, Sam. Ano'ng gagawin ko?"

"To be honest, you would be the person who can best answer that question, Klau. Ano ba ang gusto mong gawin?" tanong ni Sam.

Yumuko si Klaudine dahil sa kahihiyan. "Tulad pa rin ng unang plano ko, lalayo sa kanila, pero hindi ko ilalayo ang anak ko kung gusto nila. Karapatan pa rin naman ni Henry ang bata." Tumulo ang luha ni Klau. "Sam, ano ba 'tong pinasok ko? B-Bakit ganito ang nangyari sa akin? Alam kong wala ka rin namang alam . . . pero bakit naging mahina ako? Matalino naman ako, e. Pero b-bakit ako humantong sa ganito?"

"Nagmahal ka, e. Minahal mo 'yung taong hindi puwede . . . hindi dapat."

Naramdaman ni Klaudine ang pagtulo ng luha mula sa kanang mata na kanina pa niya pinipigilan. Sumasakit na rin ang lalamunan niya kapipigil umiyak, dahil pagod na siya. Her chest was hurting, her whole emotional health was wrecked.

And that was her own fault.

"And I'm not going to take sides dahil naiintindihan ko ang parehong panig. I'm a wife who loves my husband dearly, yet I am also a woman who made a grave mistake in my life." Napahawak si Samantha sa tiyan niya. "But at the same time . . . I have never thought that this baby inside me is something I would regret in my life. Never."

Ngumiti si Klaudine habang nakatingin kay Sam. "Siguro ang mga anak na lang talaga natin ang magiging happiness natin na hindi rin natin pagsisisihan."

"Of course. And I'm certain that our babies would be best friends."

Nag-stay muna sina Klaudine at Sam sa kwarto. Kinain pa nilang dalawa ang mga in-order ni Leandra habang nagtatawanan. They even watched a movie at sinamahan siya ni Sam na sandaling kalimutan ang sakit.

Bigla niyang naalala si Harriet.

Miss na miss na ni Klaudine ang kaibigan, pero wala siyang mukhang maiharap dito. At sa tuwing nakikita niya ito sa school, siya na mismo ang umiiwas. Hindi pa kaya ni Klaudine dahil alam niya ang ginawa niya.

Klaudine knew she ruined not just their friendship, but Harriet's family.





Henry was uneasy. For some reason, hindi siya nakatulog buong magdamag at hindi niya alam kung bakit. Noong isang araw pa siya hindi mapakali, hindi rin nakatutulong na hindi sumasagot sa tawag o sa mga text niya si Klaudine.

"Dad, are you okay?" tanong ni Harriet na pumasok sa office niya. "You look . . . agitated."

Pinilit ngumiti ni Henry sa harapan ng anak na katatapos lang ng meeting sa isang investor. Harriet had been training to be the next CEO.

"I'm okay." Naupo siya sa swivel chair. "Kumusta ang meeting mo? How did it go? Remember na walang pressure, Harri, okay?"

"It was fine, Dad." Naupo si Harriet sa visitor's chair na nasa harapan ni Henry. "Seriously, Dad. What the hell is wrong? You look pale and worried. Ano'ng nangyayari?"

Huminga nang malalim si Henry. Open naman si Harriet tungkol sa current situation nila ni Klaudine. "Today's supposed to be Klaudine's check up, pero tumawag ang OB na hindi raw sumipot. I was trying to call her, but . . . she wasn't answering."

"I was trying to reach out, too," sabi ni Harriet. "Tawagan mo nga ulit ngayon, Dad. Kung sakaling hindi pa siya sasagot, pupunta ako sa hotel na pinagtatrabahuhan niya. Need niyang magpa-check up, right?"

Tipid na tumango si Henry at kinuha ang phone para tawagan si Klaudine. Dalawang beses na tawag, walang sumasagot. Sinabi niya kay Harriet na isa na lang, kapag wala pa, pupuntahan nito si Klau sa hotel.

"Fina—" Natigilan si Henry nang ibang boses ang sumagot sa phone ni Klaudine. He even peeked at his phone to see if he called the correct number, and he did. "May I know who's this?" he asked. "Where's Klaudine?"

"This is Samantha, Klau's friend," pakilala ng babae sa kabilang linya. "Klau is . . ." There was a long pause, but Henry could hear the breathing. "Klau is confined in the hospital for the two days now, Mr. Avila."

Henry's brow furrowed and looked at Harriet who was waiting, too. "H-Hospital?" Henry stuttered. "What hospital? What happened? Is she okay?"

"She's currently here at St. Paul's Hospital. It was near the hotel," sabi ng babaeng kausap sa phone.

"O-Okay." Henry breathed. "We'll be there."

Harriet observed when he sensed something from her father's voice. It cracked and he sounded so nervous looking for Klauie. Yumuko rin ito na sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri bago tumingin sa kaniya.

"Everything okay, Dad?" Harriet asked.

Henry breathed. "Klaudine's in the hospital." He paused. "Two days na."

Napatayo si Harriet sa narinig. Kahit naman hindi na siya kinakausap ng kaibigan, matindi ang pag-aalala niya kay Klaudine. Kahit na ramdam at kita niya ang pag-iwas ni Klauie, hindi siya lumapit at nagpumilit.

Harriet wouldn't give Klaudine some stress. Buntis ang kaibigan niya, ipinagbubuntis nito ang kapatid niya.

Si Ford ang nag-drive sa kanila dahil alam ni Harriet na wala sa kondisyon ang daddy niya para magmaneho. Panay ang buntonghininga, patunog ng daliri, at hindi mapakali sa upuan. Iyon ang nakita ni Harriet sa ama.

Masakit sa kaniya ang nangyari. Anak siya at best friend siya, pero hindi siya nag-focus sa hinanakit dahil halata sa dalawang taong importante sa kaniya ang pagsisisi. Halatang parehong nahihirapan at hindi siya ang tipo ng taong nagtatanim ng galit.

Masakit na nasaktan ang mommy niya, pero wala na silang magagawa. The situation they were currently in was the reality.

It took them two hours to get to the hospital. Malaking ospital iyon at pribado.

Kaagad na tumakbo si Henry papunta sa reception area ng hospital para alamin kung nasaan si Klaudine. Tinawagan din niya ang phone nito at sinagot ulit ng nakausap niya para sabihin kung anong room sila pupunta.

Harriet was holding Ford's hand. Natatakot siya sa posibleng sitwasyon lalo na at nakikita niyang hindi mapakali ang daddy niya. Magulo na ang buhok nito, nakataas na ang manggas hanggang sa siko, at hindi na makapaghintay.

Huminto si Henry sa harapan ng kwarto ni Klaudine. Maraming-marami ang pumapasok sa isip niya at iniisip na sana, maayos ang lahat.

Henry was about to open the door when it opened. A doctor stared at him and then behind her was a woman staring back at him.

"Come in." The woman smiled. "Doc, kailangan mo na bang umalis? I think, it's good na nandito ka na rin. We can explain to Mr. Avila about what happened to Klaudine. Mas mabuting sa 'yo na lang din manggaling."

Pumasok sina Henry, Harriet, at Ford sa loob ng kwarto. Hindi iyon kalakihan, pero maganda at maayos. Bukod sa babaeng nakausap na nakapormal na damit, mayroong nurse na inaayos ang dextrose ni Klaudine na natutulog.

"Babalik ako, may kailangan lang akong tawagan," imporma ng doktor. "I'll be here as soon as possible."

Tango lang ang isinagot ni Henry at hindi inaalis ang tingin kay Klaudine. Nakadiretso ito ng higa, may nakasaksak na IV fluid, at natutulog.

Harriet's heart clenched as she stared at Klaudine. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Ford habang nakatingin sa kaibigan, pero binalingan niya ang babaeng nakaupo sa sofa at nakatingin sa daddy niya.

Lumapit si Harriet. "Hello, I'm Harriet Avila and I am Klaudine's friend."

Tumayo ang babae. "Hello." At inilahad ang kamay. "I'm Samantha, Klaudine's friend and employer."

"Ano'ng nangyari sa kaniya? Bakit wala kaming alam?" tanong ni Harriet. "We've been calling her and she'd been ignoring us. If you don't mind, ano'ng nangyari?"

Tipid na ngumiti ang babae at nilingon si Klaudine. Nakita ni Harriet ang lungkot sa mga mata ng babae, ang pagkagat sa ibabang labi, bago tumingin sa daddy niya na nasa gilid ng kama ni Klaudine at tahimik na nakatingin.

"Mas mabuti na . . ." Tumikhim si Sam. "Mas mabuti na ang doctor na lang din ang mag-explain. Baka kasi mali ang masabi ko, it's better that it would come from those who witnessed and knew what happened."

"Noong isang araw kasi, hindi na siya pumasok. I was worried, so I called her multiple times and walang sumagot," pagsasalaysay ni Sam. "Until someone called the office looking for me since I am her emergency contact."

Tumango si Harriet at inintindi si Sam. For some reason, nakaramdam siya ng inggit na mas nalaman pa nito ang sitwasyon ni Klaudine, kaysa sa kaniya, at si Sam pa ang emergency contact. 

Nilingon ni Henry si Sam at pinakinggan ang sasabihin nito.

"Sinabi sa akin na naka-confine si Klaudine kaya naman pinuntahan ko siya kaagad. Nag-base lang sila sa ID ni Klaudine dahil ako ang nakalagay." Sam bitterly smiled as she stared at Klaudine. "Pagdating ko, sa ward siya nakalagay. It was hot, walang aircon, maraming tao, kaya pinalipat ko siya rito. We're friends and I can't leave her like that knowing she had no—"

Sam stopped when the door opened and it was a nurse carrying some papers.

"Miss Sam, babalik na lang daw po si Doc kasi po nagkaroon ng emergency and kailangan po niyang i-attend," sabi ng nurse. "Babalik daw po siya kaagad."

Tumango si Sam. "It's okay, thank you so much."

Ibinalik ni Henry ang tingin kay Sam dahil gusto niyang malaman kung kumusta si Klaudine. "Since you already know what happened, mind telling me, us? I wanna know how's Klaudine, the baby."

"Saan ko ba uumpisahan?" Sam sighed. "Uumpisahan ko sa araw na nagpunta ang asawa mo sa hotel para kausapin si Klaudine."

Nanlaki ang mga mata ni Henry sa nalaman dahil wala siyang alam, ganoon din si Harriet na tumingin sa daddy niyang naging malalim ang paghinga.

"Based on your reactions, wala kayong alam." Sam tried to smile. "Base naman sa kuwento sa akin ni Klaudine, wala namang nangyaring kakaiba. They talked normally, hindi naman siya sinaktan ng asawa mo, and that they were both calm."

Henry remained stoic, trying to be calm and eliminate negative thoughts so he could focus on what Samantha was saying.

"B-But I think it took a toll on Klaudine's emotional well-being. Kasi that night after nilang magkausap, magkasama kami ni Klau. We ate, we watched, and then we're okay. Hinatid ko pa siya sa condo na tinitirhan niya. I thought she was okay, until someone called me the next day."

Everyone was quiet. Henry glanced at Klaudine.

"Dalawang araw na siyang natutulog." Sam bit her lower lip.

"Sam." Harriet sniffed. "H-How's Klaudine and the baby?"

Henry gazed at Sam who was staring at him and he waited.

"Nakasakay siya sa Grab papunta sa office. Tinawagan ko rin ang Grab driver na nakalagay sa office email ni Klaudine dahil gusto kong malaman ang nangyari. The office was just ten minutes away from her unit." Sam pursed her lips together. "Sinabi ng driver na masaya pa si Klaudine na pumasok ng kotse, nakipag-usap pa sa kaniya, hanggang sa bigla na lang uminda si Klaudine."

Bumibilis ang tibok ng puso ni Henry habang nakikinig kay Sam. Hindi niya alam kung ano ang susunod at natatakot siyang marinig iyon.

"Klaudine groaned. Bumulong daw si Klaudine na kung puwede silang dumaan dito sa hospital dahil masakit na masakit daw ang tiyan niya. Doon napansin ng driver na buntis si Klaudine. On their way to the hospital, dumaing ulit si Klau. Paglingon ng driver, basa na ang upuan at . . . puro dugo ang skirt ni Klaudine."

Nanatiling tahimik si Henry, pero tinakpan na ni Harriet ang bibig at yumakap na kay Ford dahil sa naririnig.

"Until Klaudine gasped." Sam sniffed and started sobbing. "The man drove as fast as he could. Hindi na niya nilingon si Klaudine dahil kinakabahan na raw siya. At noong sasabihin na niyang malapit na sila sa hospital . . . ."

Sam stopped talking and Henry froze. Hindi niya alam kung gusto pa ba niyang marinig ang sasabihin nito o hindi na.

"Nilingon niya si Klaudine only to meet her gaze . . . while carrying a small baby full of blood. No words from Klaudine, as for the driver, but tears were streaming down her face."

Lumabas is Harriet ng kwarto dahil hindi na niya kayang pakinggan ang sasabihin ni Sam. Nilingon din ni Sam ang pinto nang lumabas sina Harriet at Ford bago niya muling hinarap si Henry.

"Pagdating sa hospital," Sam sniffed and stared at Klaudine, "the nurses told me that . . . that . . . that Klau went out of the car and walked straight to the emergency room and everyone was shocked."

Henry's breathing became heavier and he couldn't even spit any words. He wanted to stop Samantha from speaking, but he was choking. His self failed him.

"Klaudine was carrying her premature baby, walking with blood all over her skirt and legs. Her hands and face were full of blood and tears . . . and when someone tried to take away the baby," Sam's chin vibrated, "Klaudine shook her head and started singing rock-a-bye baby."

Doon bumagsak ang luha ni Henry at ibinalik ang tingin kay Klaudine.

"They assisted Klaudine. Naupo ito sa isa sa mga kama, sumandal, habang inaalo ang baby niya . . . she w-was singing for your baby, she was caressing the baby, and even kissed the baby's forehead." Narinig ni Henry ang hagulgol ni Sam. "Hanggang sa bigla na lang nawalan ng malay si Klau. And as per the doctors, Klaudine delivered a dead baby at sixteen weeks.

"No one had the guts to get the baby from her. Hanggang sa siya na mismo ang nawalan ng malay habang inaasikaso ng ilang doctor." Sam sighed. "My deepest condolences to you, Mr. Avila. As for Klaudine, she's been sleeping for the past two days. She's physically fine, but her body chose to shut down because of too much pain. Maybe not physically, but emotionally."

Henry remained quiet as he sobbed silently while staring at Klaudine.

"Mr. Avila, Klau is important to me. Very. Mula pa noong pinili siyang isantabi ng mundo sa mga oras na pinaglaruan siya ni . . ." Napalunok si Sam at saka nagpatuloy, "ng lalaking 'yun, I wanted to help her. And I do not want to see her cry again and drown in guilt and fear because of the choices she made in the past."

Tahimik na nilingon ni Henry si Sam.

"Ipapaalala ko lang din, Mr. Avila, you are a married man with a daughter. I don't think you'd want to ruin that relationship with them as well. And . . . and if you truly love Klau like you claim, I hope you also think about the situation you placed her into and the future ahead. Bata pa si Klau at marami pa siyang pagdadaanan sa buhay. Marami pa siyang puwedeng gawin at marating kaya sana, sana hindi ikaw ang taong ikukulong siya sa isang hawla. Sana hindi ikaw ang taong puputol sa pakpak niya na sumisibol pa lang."

Henry blinked multiple times. His tears were rolling and he leaned forward to bury his face onto Klaudine's forehead.

"If you really love her, huwag mo na siyang pahirapan pa, Mr. Avila. You and your family deserve to be happy and so does Klau." Hindi nilingon ni Henry si Samantha at nanatiling nakapikit habang hinahaplos ang buhok ni Klaudine. "Anyway, Mr. Avila, I will have to take my leave now. I have an important meeting to attend, pero babalik ako kaagad rito. Meron din akong na-hire na private nurse para kay Klaudine. It was . . . a pleasure to meet you."

Hindi nilingon ni Henry si Sam at nagpatuloy sa paghaplos sa buhok ni Klaudine na natutulog. His heart was broken, not just because he also lost their baby, but Klaudine had suffered too much.

Hinalikan ni Henry ang noo ni Klaudine habang mahinang humahagulhol.

"Klaudine," he whispered. "Please, wake up. Please, I am begging you . . . to come back."




T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys