Chapter 3

Before Klau could say anything or accept the man's handshake, she immediately faced right, covered her face, and sneezed. The strong perfume of the man overpowered her nostrils, and she started sneezing uncontrollably. She had to step back, breathe some fresh air, and sniff multiple times.

"I'm sorry, are you okay?" tanong ni Henry nang sunod-sunod na ang bahing ng babaeng kaharap.

Nakatalikod si Klaudine na tumango, sumisinghot, at nakatingala. "Okay lang po ako. Pasensya na po, medyo . . . allergic po kasi ako sa sobrang tapang na pabango. Parang nasinghot ko po yata 'yung pabango n'yo."

"Oh." Henry stepped back and moved farther. "I'm sorry. Kaka-spray ko lang din kasi sa sasakyan kanina, forced of habit. Mauuna na ako sa loob ng bahay, you can just go inside, sasabihan ko 'yung maid para papasukin ka. I'll just . . . take a bath so you won't sneeze."

Henry immediately went inside the house and told their maids that Harriet's visitor was outside. Nang makaakyat, kinatok kaagad niya ang anak para sabihing dumating ang kaibigan nito bago pumasok sa sariling kuwarto para maligo. While inside the bathroom, Henry sniffed his clothing. It was normal for him to spray his perfume before stepping out of the car. It became a routine and this was the first-time someone actually sneezed because of him.

Klau was sitting on the sidewalk when Harriet came out of the house wearing her usual terno pajama. Naningkit ang mga mata niya at tumingin sa sariling damit. She wore the best dress, and Harriet was just wearing a purple satin pajama.

"Bakit ka nakaupo riyan?" tanong ni Harriet na naupo rin sa kanan niya. Nasa sidewalk sila ng bahay nito dahil panay pa rin ang bahing niya. "What happened? Why are you sneezing? Were you able—" Tumigil ito. "Oh my gosh, sorry! Si Daddy kasi, mahilig siyang magpabango tuwing lalabas ng car! Gosh, sorry!"

Suminghot si Klaudine at sinamaan ng tingin si Harriet. Nagtataka ito, pero walang sinabi. "Alam mo, nakakainis ka. Ginamit ko 'yung pinakamagandang damit na meron ako para sa dinner kasama family mo tapos ikaw, naka-pajama? Ano ba 'yun?"

Patagilid na niyakap ni Harriet si Klau at ipinatong pa ang baba sa balikat niya. "Sabi ko kasi sa 'yo, kahit ano lang isuot mo, e. Hindi ko naman sinabi na mag-office attire ka! Ano ka ba?" Natatawa itong humiwalay sa kaniya at tumayo para hilahin siya. "Let's go na, mag-a-apply ka pa yatang employee kay Daddy!" Tatawa-tawa pa ito at nagpagpag ng pang-upo habang naglalakad.

"Baliw ka!" singhal ni Klau at nagpaubaya kay Harri papasok ng bahay nito. "Kung alam ko lang, 'di sana, nag-pajama rin ako! Nakainis ka! Para akong mag-a-apply ng work!"

Hawak ni Harri ang braso ni Klau habang papasok sila sa compound ng mga Avila. Napansin na ni Klau na walang gate ang halos lahat ng bahay sa nasabing subdivision. Bukod naman kasi sa secured sa mismong gate ng subdivision at walang makapapasok, may mga rumuronda pang mga guwardiya para i-check ang lugar. Bumungad sa kanila ang malaking parking lot na may anim pang mga sasakyan, isa na iyong kulay hot pink na Dodge Viper na alam niyang pag-aari ni Harriet.

May tatlo pang sasakyang naka-park, wala pa ang range rover na nasa labas. Ipinalibot ni Klau ang tingin sa buong parking area, pero tanaw rin ang daanan na parang garden sa may kanan. May maliit na fountain na napalilibutan ng mga halamang hindi naman niya alam kung ano.

Naririnig niyang nagmi-mini tour si Harriet, pero hindi siya nakikinig sa kaibigan. Naka-focus siya sa magandang bahay na may kulay puting pintura ngunit may mga itim at gray na linings mula sa bintana, ilang bakal na hindi niya mawari, lalo na't wala naman siyang alam sa construction. Ang alam lang niya, modern ang design ng bahay, puro salamin, at maliwanag dahil sa dami ng ilaw.

Bago makarating sa mismong entrance ng bahay, may hagdan na may dalawang hakbang. Sa bawat hakbang, may mga ilaw. Huminto sila sa pintuang may simpleng pintuan. No designs at all, just plain, dark wood with a gold metal doorknob. Sa magkabilang gilid ng pinto, may mga salamin at natatanaw ang nasa loob.

"Welcome to our home, Klauie!" Excited na binuksan ni Harriet ang pinto. Kaagad namang bumungad sa kaniya ang malamig na pakiramdam na nanggaling sa loob ng bahay. The entire house was screaming wealth but in a good way. It wasn't intimidating, unlike those houses she saw on the internet. The inside was minimalist, no golds, no diamonds, no fancy paintings, not even plants. Just the sofa, television, a coffee table, that was it! Kahit chandelier, wala.

"Feel at home, okay?" Harriet uttered.

Tango lang ang naisagot ni Klaudine at naupo sa malambot na sofa sa living area. Kulay puti iyon at parang bigla siyang nahiya na baka marumihan dahil sa kaniya. Nasisiguro niyang lahat ng furniture sa bahay na ito, lalo na ang inuupuan niya, gawa ng Metrovilla. Even the coffee table screamed luxury—it was black with tinted glass. It was simple but the material looked sleek. The house also smelled clean, ni wala siyang maamoy na kakaiba, walang malakas na kemikal. Para lang siyang nasa hotel.

"Si Mommy ang nag-ayos ng house, alam mo naman, interior designer." Harriet sat on her right and turned on the television in front of them. Hindi alam ni Klaudine kung gaano iyon kalaki, pero malaki iyon, sobra.

Tahimik lang si Klau na nakatingin sa TV, hindi rin siya mapakali dahil natatakot siya sa puwedeng maging trato sa kaniya ng mga magulang ni Harriet. Hindi naman siya judgmental na tao, siguro dahil kababasa niya ng mga libro kaya kung ano-ano ang naiisip niya.

Tumingin siya kay Harriet na naghahanap pa rin ng mapanonood nang bumukas ang pinto at pumasok doon ang babaeng kamukhang-kamukha ni Harriet. The woman looked classy in her black, fitted, sleeveless, and above the knee dress that perfectly hugged her physique; the small belt on the waist, V-neck style, with some pearl necklace that complemented the style. Hindi rin niya maiwasang mapatingin sa matulis nitong itim na sapatos na puwedeng sumaksak ng leeg, at sa hawak nitong mga papeles.

"Mommy!" Tumayo si Harriet at naglakad papalapit sa ina, mas lalo namang naging hindi komportable si Klau dahil ang intimidating ng aura ng mommy nito. Nakaramdam siya ng takot na baka mag-iba ang tingin nito. "Mom, I'd like you to meet Klauie, my best friend."

Klaudine stood up and felt her knees wobble but still managed to walk towards them. She immediately smiled at the woman with the most beautiful eyes she had ever seen. It was deep-set and brown with a welcoming expression.

"Hi, it's so nice to finally meet you!" magiliw nitong pagbati na hinawakan pa ang kamay niya. Si Klau na mismo ang nailang. "I heard so much about you and you are so beautiful! Sa picture lang kita nakita, but you're beautiful in person. I love how soulful your eyes were. Parang ang dami mong gustong sabihin."

Kaagad na nagsalubong ang kilay ni Klau, hindi alam ang sasabihin. She was secretly admiring the woman, and she could even smell the subtle perfume filling her nostrils. It wasn't overpowering . . . it was crisp.

"Nice to meet you po, I'm Klaudine po." Kahit kabado, pinilit ni Klau na ngumiti.

"I'm Leandra Avila and I'm excited to meet you! Nakukuwento ka na sa amin ni Harriet and I'm sorry it took us long to meet, ha? Palagi rin kasi kaming nasa probinsya ni Henry, ako rin palagi ako sa ibang bansa. Mabuti na lang din, nagkaroon na tayo ng time." Hinaplos nito ang kamay niya. The woman's huge ring with a huge stone in the middle slight scratched her fingers. "Huwag kang mahihiya. Feel at home, okay?"

Tumango siya bilang sagot. Sabay-sabay silang tumingin sa hagdan na may glass na railing nang marinig ang daddy ni Harriet na tumikhim at tumingin sa kanila. Bagong palit na ito ng damit at mukhang basa pa ang buhok. Even with a white shirt and simple cargo shorts, the man still looked expensive like Harriet who was wearing a simple pajama.

"Hey, honey." Lumapit ito sa asawa at hinalikan ang pisngi nito. "Kararating mo lang? Naligo na ako 'cos you know, I sprayed some perfume, and I didn't know that Klaudine was sneezing because of it. She was sneezing nonstop."

Tumingin sa kaniya ang mommy ni Harriet at kumunot ang noo. "Oh my gosh, wait, I will take a bath na rin para hindi ka mag-sneeze."

"No po, it's okay po!" pagpipigil niya rito nang akmang aakyat na. Tumingin siya sa daddy ni Harriet na tumingin sa kaniya. "Sa newly sprayed lang po ako allergic, 'yung maaamoy ko po talaga na bagong spray lang po."

"Again, I apologize," nakangiting sambit ng daddy ni Harriet at iniangat ang kamay para sa pormal na pagpapakilala. "I'm Henry Avila and it's nice to meet you again, Klaudine. What's your full name? Where are you from, by the way?"

Klau accepted the handshake and smiled. Kinakabahan siya, pero itinago niya iyon dahil mas nakakahiya kung mag-iinarte siya sa harapan ng mga ito. "Maria Klaudine Gamboa po, from Caranduque po. Somewhere in North po."

"Oh, that is nice!" nakangiting sabi nito. "Harri, why don't you bring her things to your room muna since patapos pa lang daw 'yung niluluto sabi ni manang? Ipapatawag na lang namin kayo." Tumingin naman ito sa asawa at hinawakan ang baywang. "How about you, hon, maybe you want to freshen up first?"

"Yes!" Ngumiti ito at nagpaalam sa kanilang lahat ngunit tumingin sa kaniya. "I will just go freshen up, ha? Again, feel at home, hija!"

Tumango siya at ngumiti. Nagtama naman ang mata nila ng daddy ni Harriet, ngumiti ito sa kaniya. "Go to your room, Harriet, I'll just make sure the dinner's ready," anito at nilagpasan sila.

Saktong nag-inhale si Klaudine kaya naamoy niya ito nang lagpasan siya. Amoy iyon ng bagong ligo gamit ang panlalaking sabon o shampoo, hindi niya alam. It wasn't overpowering at all, it smelled fresh and musky.

"Let's go!" Hawak ni Harriet ang backpack niya at kamay habang hinihila siya paakyat papunta sa kuwarto nito. "I want to show you my room. Tapos na ako sa phase ng pink and my room is now minimalist with pastel colors such as yellow, mint, and green."

Sa second floor, may isa pang living area na may sofa at television din, may mga picture frame sa wall, at may dalawang pinto sa kanan, tatlo sa kaliwa. Mayroon ding balcony na kita ang madilim na area ng subdivision. Pumasok sila sa pinakadulong kuwarto at bumungad sa kaniya ang pamilyar na pabango ni Harriet.

Harriet's bed was huge with white bedding, and it was neatly fixed. On the right side of the bed were Harri's office area with a laptop, books na hindi naman binabasa, and a camera. The left side area was Harri's vanity, also, there was a door leading to the bathroom area and another door to Harri's walk-in closet.

Hinila siya ng kaibigan papunta roon at hindi na siya nagulat sa nakita. Shoes, bags, designer clothes, at napailing na lang si Klaudine dahil expected na niya iyon.

"Bumili ka na naman ng mga gamit mo, 'no? Ikaw talaga!" paninita niya sa kaibigan. "Anyway, puwede naman siguro akong magpalit ng pambahay, Harri? Kasi naman, para akong mag-a-apply ng trabaho, samantalang ikaw, naka-pajama, daddy mo nakapambahay na rin."

"And mommy would also wear simple pambahay, that's for sure." Natatawa pa ito na may kinuha sa closet area. "Here, magka-size naman tayo so wear this pajama para partners tayo."

Iniabot sa kaniya ni Harriet ang kulay dark blue na pajama, hindi na siya tumanggi. Hindi rin naman siya sanay magsuot ng mga dress kaya pinatulan na niya iyon at nagbihis na mismo kung nasaan sila habang nagkukuwento si Harriet tungkol sa relasyon nito kay Ford.

"We're celebrating our third anniversary na, Klauie. I don't know, but . . . I think I've found someone whom I wanna spend my life with. I love him so much that I don't even know what it's like without him anymore." Nakanguso ito habang yakap ang sarili at nakaupo sa sofa na nasa loob ng walk-in closet. "I'm confident naman na he loves me and all."

"Bulag ka at manhid kapag hindi mo pa nararamdaman 'yun. Sa tatlong taon naman, wala akong nakitang problema sa inyo. Pareho kayong galing sa may kayang family. Ford's family is your family's lawyer. Wala naman kayong pagkakaiba and you're a perfect match. Ikaw ang nag-push sa kaniya para ituloy 'yung basketball niya, you both were there for each other," aniya at naupo sa tabi ng kaibigan. "So alam ko na rin na kayo talaga sa huli."

Inihiga ni Harriet ang ulo sa legs niya habang nakatingin sa kaniya. Hinaplos naman ni Klau ang buhok nito. "Alam mo, I wish you happiness, too, Klauie. Alam kong may mga hindi ka sinasabi sa akin, but that is okay, it's your own personal battle. If you need anything, just let me know, okay? I will help you no matter what. I found a sister in you and I will never ever leave you."

"Oo naman, magsasabi naman ako sa 'yo kapag alam kong hindi ko na kaya. Thankful ako na nandiyan ka palagi and don't forget, kahit ano'ng mangyari, nasa likod mo lang din ako," sagot niya, pero kaagad itong bumangon.

Nakasimangot itong nakatitig sa kaniya. "Anong nasa likod? No, you will walk beside me 'cos we'll reach our dreams together, naiintindihan mo ba ako?" Harriet even raised her voice and pinched her right cheek. "We'll be beside each other."



Nang makababa dahil ipinatawag na sila, nanlaki ang mga mata ni Klau sa dami ng pagkaing nakahain. May vanilla cake na may mga pulang bulaklak pa sa gitna, may iba't ibang ulam na hindi niya alam ang tawag, at may mga prutas. Apat lang silang kakain sa lamesa, pero iyong nakahanda ay parang pansampung tao. Hindi naman siya ignoranteng tao, hindi naman siya dapat nagugulat dahil nagtatrabaho siya sa isang restaurant, pero iyong siya ang kakain, iba pala ang pakiramdam.

Naupo siya sa tabi ni Harriet, nasa kanan siya nito. Nasa kabisera ng mesa ang daddy nito, katapat naman ni Harriet ang ina nito.

"So, paano ka pala naging scholar ng Metrovilla?" tanong ng daddy ni Harriet.

"Noong nagpa-exam po kasi sila sa probinsya, 'yung mga university, kung ano na lang din po 'yung mga sinubukan ko. Sabi naman po kasi sa akin, mag-exam lang po ako, tapos kapag nakapasa po, saka ako mamili. Apat na school po ang pinag-exam-an ko, lahat naman po nakapasa. Pero sa Hilton po ako pumasok kasi maganda po ang offer lalo po n'ong sinabi sa akin na puwede akong mag-part-time job sa school, pumayag po ako kahit malayo sa family."

Tumango si Henry habang nakatingin sa kaniya. "You made the right choice."

"Oo nga po, e," Klau answered. "Noong first semester naman po, nasabi sa akin ng dean kung saan po ako naka-assign na naghahanap ang Metrovilla ng scholar. Kasi ang scholarship po na nakuha ko sa university, fifty percent lang po ang aakuin sa tuition, wala rin pong allowances. N'ong pinag-exam po ako for MV scholarship, natuwa ako kasi bukod sa aakuin ng company ninyo 'yung tuition fee ko nang full, may allowance rin po ako na makakatulong sa pag-aaral ko."

"I was actually shocked, Dad, when she told me she was a scholar of MV!" ani Harriet. "Kasi naman, she's not saying anything. Nalaman ko lang like . . . we're almost a year nang friends, right?"

Tumango si Klau at mahinang natawa. "Oo, parang ganoon nga." Ibinalik niya ang tingin sa mag-asawang nasa harapan. "Malaki po ang tulong ng scholarship na ibinibigay ninyo sa iba't ibang school. Nabasa ko rin po kasi 'yung ibang files ng ilang students na nakakuha ng scholarship galing sa college namin, halos lahat po talaga, deserving. Kaya thank you so much po sa pagtulong ninyo sa aming lahat."

Ngumiti sa kaniya ang daddy ni Harriet. "You guys deserved it, too. Wala kaming naging scholar na napariwara ang buhay at ipinagpapasalamat din namin 'yun. Ikaw pala, what are your plans after graduating from college?"

"Sa totoo lang po, wala pa po akong concrete plans. Nakadepende pa rin po ang lahat sa magiging sitwasyon ko at ng pamilya ko. Depende po . . . pero kung mabibigyan ako ng pagkakataon, kung makakaipon po ako, maglo-law school ako." Klaudine smiled when she thought about her dream to be a lawyer. "Gusto ko po kasing maging lawyer."

"At least you're thinking about doing something." Ngumiti si Henry habang nakatingin kay Klaudine. "People like you deserve all the best things in life."

Nag-angat ng tingin si Klaudine, sinalubong ang tingin sa kaniya ng daddy ni Harriet. "Don't we all, sir?" 


T H E X W H Y S


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys