Chapter 29

Naintindihan ni Klaudine ang naging reaksyon ni Ford dahil sa pakiusap niya. Tama ito. Running away wouldn't be the answer. Pero tulad nga ng sinabi niya sa kabigan, with or without Ford's help, lalayo siya.

Mali dahil tatakasan niya ang katangahang ginawa niya.

Nakasandal si Ford sa pader habang nakatingin kay Klau. Nakikita niya ang paggalaw ng balikat nito at naririnig ang mahinang paghikbi. Pilit nilawakan ni Ford ang isip tungkol sa sitwasyon. Klaudine literally had no one. Alam niya ang history nito sa pamilya dahil kay Harriet.

Gusto ring intindihin ni Ford na sa kasalukuyang sitwasyon ni Klaudine, hindi na ito nakapag-iisip nang maayos. Malamang na kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip, malamang na hindi na nito alam ang gagawin.

There was an immense chance that a person would be closed-minded when they were in love and in pain. In Klaudine's case, both.

Nilingon ni Ford ang pinto nang bumukas iyon. Henry was carrying some food from the nearest supermarket. Ibinaba nito iyon sa mini kitchen ng room bago naglakad papunta kay Klaudine.

Nag-iwas ng tingin si Ford. Hindi niya alam kung kanino siya maaawa. Kay Harriet ba na girlfriend niya na posibleng masira ang pamilya, o kina Henry at Klaudine na halata namang mahal na mahal ang isa't isa. Gustong magalit ni Ford dahil sa ginawa ng dalawa, pero hindi niya alam kung ano o gaano kalalim ang dahilan para makagawa ang mga ito nang ganoon kalala.

Cheating was bad and no one could ever justify that it was right. Kahit pa mahal ang isa't isa, may ibang paraan naman bago pumasok sa ganitong sitwasyon.

"Good, she's asleep." Lumapit si Henry kay Ford. "Kailangan ko na muna ulit umuwi. Sino'ng magbabantay sa kaniya ngayong gabi?"

"Ako po, nag-usap na po kami ni Harriet. Bukas, pupunta raw siya kaagad. Kami na po ang bahala mag-process para sa paglabas ni Klaudine," seryosong sabi ni Ford habang nakatingin kay Henry. Kita niya ang paglamlam ng mga mata nito. "Ingat po kayo sa pag-uwi."

Henry subtly nodded.

Nakita ni Ford kung paanong nilingon muna nito si Klaudine. Matagal na matagal at nakita niya mismo sa mga mata ni Henry kung paano iyon kumislap kasabay ng pagsinghot at pag-iwas nang tingin sa kaniya dahil yumuko.

"If something happened, let us know." Ibinalik ni Henry ang tingin kay Ford. "I–I wanted to stay, b–but . . . ."

"Ako na po ang bahala rito, Tito," Ford assured. "I'll let Harri know if I need something."

Tuluyan nang nagpaalam si Henry. Kahit na ayaw niyang umalis at gustuhing siya na mismo ang mag-alaga kay Klaudine, kailangan pa rin niyang balikan si Leandra. Kailangan niyang ayusin ang gulong pinasok niya, kailangan niyang kausapin ang mag-ina tungkol sa sitwasyong mayroon sila.

Sumandal si Henry sa pinto ng kuwarto ni Klaudine. Ayaw niyang umalis, pero pumasok sa isip niya ang huling sinabi ni Klaudine bago sila naghiwalay.

Sinira na nila ang lahat dahil sa pagmamahal na hindi naman puwede . . . sa pagmamahal na pansamantala, sa pagmamahal na imposible at panandalian.


Nagising si Ford nang marinig ang mahinang kaluskos mula sa kama ni Klaudine. Pagbangon niya, naabutan niya itong nakasandal sa headboard, nagbabasa ng libro. Naka-dim ang ilaw at seryosong nakayuko habang bahagyang nakatakip ang mukha ng mahabang buhok.

Tumingin si Ford sa orasan. It was just three in the morning.

"Good morning." Ford stood up and yawned. "Kanina ka pa ba gising? Nagugutom ka ba?"

Klaudine smiled at him. "Medyo lang, pero okay lang naman." Yumuko ulit ito at nagsimulang magbasa.

Nagpaalam na rin muna si Ford para pumunta sa cafeteria. Tinawagan niya si Harriet, pero mukhang natutulog na kaya hindi nakasagot. Bumili siya ng pagkain nilang dalawa ni Klaudine at nang makabalik, nagbabasa pa rin ito.

Inayos niya ang nabiling pagkain. "Klau," kuha ni Ford sa atensyon ng kaibigan.

Tumingin si Klaudine kay Ford at hindi nagsalita. Hinihintay lang niya ang sasabihin nito.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong umalis na muna? Paano ka at ang baby? Gusto kitang tulungan dahil alam ko rin na kailangan mong huminga, pero paano ka? Uuwi ka ba sa probinsya ninyo? Inaalala ko lang naman kung paano kayo ng baby mo."

"Uuwi ako sa amin," pagsisinungaling ni Klaudine dahil iyon ang huling gagawin niya. "Magiging okay lang ako. Kailangan ko lang munang huminga."

Umiling si Ford at huminga nang malalim na malalim. "Pero hindi masusulusyonan ng pag-alis mo ang problema ngayon, Klaudine."

"Alam ko. Kailangan ko lang talaga, Ford. K-Kahit ano, gagawin ko. Tulungan mo lang ako, please?" Humikbi si Klaudine habang nakatingin sa kinakain. "Kung sakaling hindi mo ako tutulungan, naiintindihan ko. Basta, alagaan mo si Harriet."

Hindi na sumagot si Ford at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Hanggang sa kinaumagahan, inayos na ni Ford ang pag-discharge nila, dumating na rin si Harriet. Nakikita niya ang uneasiness ni Klaudine, ni hindi ito makatingin sa kaibigan.

As for Harriet, siya na mismo ang nagbayad ng hospital bills at binili na rin niya ang mga vitamin na kailangan ng kaibigan. Galit siya, oo, but Klaudine was still her best friend and the baby was her baby sister.

Pagpasok nila sa room, inabutan ni Harriet si Klaudine ng strawberries and cream frappucino.

Napatitig si Klaudine sa ibinaba ni Harriet sa table niya. It was her best friend's favorite frappucino na nakasanayan na rin niya. Sa araw-araw nilang pagkikita, iyon na lagi ang iniinom nila.

Nakatalikod si Harriet at naupo sa sofa. Klaudine observed and sipped some frappucino. Napapikit siya nang malasahan iyon dahil sobrang sarap. She had been craving something lately, hindi niya alam kung ano.

Turns out, she was craving Harriet's favorite flavor.

Nakabihis na si Klaudine na pang-alis. Natanggal na rin ang dextrose niya at nailagay na sa maliit na bag na galing sa ospital ang mga gamot at vitamin na kailangan niya.

"Ready ka na ba?" tanong ni Ford habang nakatingin kay Klaudine.

Tumango si Klaudine.

Maayos na ang lahat at naka-wheel chair si Klaudine na iginiya palabas ng kuwarto. Nakatingin siya kina Harriet at Ford na nasa gilid niya, nag-uusap. Hindi pa rin siya makatingin nang maayos sa kaibigan at iniisip kung matutupad ba niya ang plano.

At mukhang umaayon ang panahon nang makakita si Harriet ng kakilala sa loob ng ospital. Huminto ito sa paglalakad, ganoon din si Ford na parehong nakatalikod.

Ford and Harriet saw one of their friends from a different university. Kaagad na huminto si Harriet para makipagbeso sa dalaga na natutuwang makita sila. Ford shook hands with the woman until Ford saw Klaudine stood up from the wheelchair.

Lumingon si Klaudine sa kanila.

Harriet stopped talking when Klaudine was about to enter the taxi. Nakatingin ito sa kaniya, may bumagsak na luha sa mga mata. Hindi maintindihan ni Harriet kung bakit hindi siya makagalaw.

"Sorry," Klaudine mouthed before entering the car.

Sinubukang patigilin ni Ford ang taxi, pero huli na.

"Saan tayo, hija?" tanong ng taxi driver.

Mahinang humikbi si Klaudine na yakap ang maliit na bag kung nasaan ang perang ibinigay sa kaniya ni Ford nang palihim. Alam niyang labag sa loob nito ang ginawa, maglilihim pa ito sa kasintahan dahil sa kaniya, pero nagpapasalamat siyang nirespeto ni Ford ang desisyon niyang lumayo na muna.

Walang dalang kahit na ano si Klaudine. Walang phone, wallet, o kahit ID.

Tanging cash galing kay Ford at mga vitamin na ibinigay sa kaniya ng doctor para sa pagbubuntis niya.

"Sa pinakamalapit na lang po na . . . bus station," humihikbing sabi ni Klaudine.


Twenty minutes later, Klaudine found herself in front of a very unfamiliar bus station. Hindi niya alam kung saan papunta ang lugar, malayo ito sa probinsya nila, opposite pa nga.

Mayroong tatlong bus na pagpipiliian.

Ang isa ay sa San Isidro, aalis pagkalipas ng apat na oras. Ang isa naman ay sa San Muriel, aalis pagkalipas ng dalawang oras. At ang isa naman ay sa San Rafael, aalis na. Dalawang pasahero na lang daw ang hinihintay.

Hindi na siya nag-isip.

Sumakay na si Klaudine sa bus papuntang San Rafael. Hindi niya alam kung saan iyon, pero kung iyon ang lugar na puwede niyang mapuntahan kaagad, ayos lang. Kung ano man ang mayroon sa lugar na iyon, ipinananalangin niyang sana . . . nandoon ang kasagutan.

Suot ni Klaudine ang damit na dinala ni Harriet at pinarisan ng hoodie na ibinigay naman ni Ford. Nakamedyas din siya na galing pa sa ospital at mayroon pang mga bulak ang pinagturukan ng dextrose.

Naupo si Klaudine sa isang bakanteng upuan.

It was ten in the morning and she was starving. Hinihiling niya na sana, huwag siyang masuka buong biyahe. May umakyat namang lalaki na nagbebenta ng bun na may hotdog, tubig, at kendi. Iyon ang binili niya dahil hindi niya alam kung ilang oras ang biyahe.

Nakikita ni Klaudine ang reflection niya sa bintana. Mayroon siyang pasa sa may gilid ng labi dahil na rin sa pagkakasampal ni Harriet. She deserved it, no doubt.

Nagsimulang umandar ang bus. Gustong matawa ni Klaudine sa naririnig na kanta ng bus. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o matatawa na lang. It was Miss You Like Crazy by The Moffats.

Wala siyang karapatang umiyak dahil kahit panyo, wala siyang dala.

Isinandal niya ang ulo sa bintana at pumikit. Mayroon siyang katabing babae, tahimik lang din ito, katulad niya.

I miss you like crazy

Even more than words can say

I miss you like crazy

Every minute of everyday

Paulit-ulit na pumapasok sa isip ni Klaudine si Henry. Ipinasok niya ang kamay sa bulsa ng hoodie na suot at hinaplos ang tiyan.

Dala niya ang anak nila ni Henry at nang maalala ang mga sinabi nito sa ospital, ang pagmamakaawang magkasama nilang papalakihin ang anak nila, maraming tanong ang pumapasok sa isip ni Klaudine.

Alam niyang imposible iyon. Nadala silang dalawa ni Henry ng emosyon at tama si Ford. Hinding-hindi magiging tama ang kahit na anong tungkol sa kanila. Hindi rason ang pagiging broken niya para manira ng iba.

Hinaplos ni Klaudine ang tiyan at sumandal. Nakapikit niyang iniisip si Henry at pilit na pinipigilang umiyak.

Gusto niya itong makasama, pero hindi puwede. Umpisa pa lang, bago pa siya pumasok sa sitwasyon, alam na niya sa sariling hindi ito para sa kaniya, pero ipinagpatuloy niya.

It was fun at first. Fun because she finally felt the love she wanted, the care she was yearning for, and the hug she didn't want to let go of.

Pero kahit ano man ang mangyari, umikot man ang mundo, pumuti man ang uwak, magkayelo man ang impyerno, hindi magiging kaniya si Henry. Pumasok siya sa isang relasyong makasalanan, sa relasyong bawal, at nagbunga pa iyon dahil sa pagiging careless nilang dalawa.

Ilang oras na ang nakalipas, ilang bayan na rin ang nalagpasan nila, pero hindi pa rin alam ni Klaudine kung nasaan sila. Huminto rin sila para mag-CR, bumili naman ulit si Klaudine ng pagkain dahil panay ang kalam ng sikmura niya.

Nakatingin si Klaudine sa daanan. Maraming lupain, minsang may mga bundok, ngunit nang sabihin ng kundoktor na malapit na sila sa station ng bus, nakita ni Klaudine na napalilibutan ang San Rafael ng dagat.

"Salamat po, Kuya." Nginitian ni Klaudine ang driver at kundoktor nang makarating sila sa lugar.

Inabot nang halos walong oras ang biyahe. Masakit ang likod niya, ang batok, at nakararamdam ng antok.

Mayroong mga tricycle na nag-offer sa kaniya na dadalhin siya sa kung saan, pero mas pinili ni Klaudine na maglakad. Hindi niya alam kung saan siya patungo. Sinundan na lang niya ang babaeng may hawak na basket at mukhang nagtitinda ng balut.

Naglakad si Klaudine hanggang sa tumigil nang makita niya ang dagat. Palubog na ang araw, nag-iiba na ang kulay ng paligid, pero dumako ang tingin niya sa dagat na mayroong mahinang alon.

Klaudine walked towards the beach, removed her shoe that came from Harriet, her socks, and felt the salty breeze of air. The sand was against her feet and it was calming. She walked towards the shore and felt the warm water against her skin.

Hawak ni Klaudine sa kaliwang kamay ang sapatos. Ipinasok niya ulit ang kamay sa bulsa ng hoodie at hinaplos ang tiyan.

"Hi, Anak," bulong ni Klau. "Ang ganda ng araw, o. Palubog na. Malakas tayong dalawa, 'di ba? Tayo na lang kaya palagi ang magkasama? Huwag na kaya tayong bumalik sa Manila? Dito na lang tayo kung saan walang nakakakilala sa atin." Humikbi siya at tiningnan ang paa na nababasa ng maliliit na alon. "Dito na lang tayo, Anak."

Lumalakas na ang hangin, lumalaki na ang alon. Madilim na rin ang kapaligiran at nilalanghap ni Klaudine ang amoy ng karagatan.

"Ang hirap naman ng sitwasyon natin," bulong ni Klaudine habang nakaupo sa buhanginan. "Mali naman kasi ang pinasok namin ng tatay mo, e. Pero kasi," pinunasan ni Klaudine ang luha, "mahal ko, 'Nak. Mahal ko ang tatay mo."

Tumingala si Klaudine nang marinig ang huni ng mga ibong paikot-ikot.

"Maling-mali, pero hindi ko napigilan." Klaudine sobbed and wiped her tears away. "Hindi ko napigilan kasi . . . k-kasi . . . gusto kong makasama, pero hindi naman puwede."

Nilaro niya ang buhangin na nasa harapan. Binigyan siya ni Ford ng 30,000 pesos. Hindi niya alam kung paano iyon mababayaran, pero hindi niya tinanggihan nang ilagay ng kaibigan sa bag. Wala na siyang karapatang umarte dahil gusto niyang lumayo.

"D-Dito na lang tayo," bulong ni Klaudine na para bang naririnig siya ng anak. "Ikaw na lang ang dahilan kung bakit pa tayo nandito. Kasi kung wala ka na, Anak, baka wala na rin ako. Kasi ayaw ko na."

Bawat salita ay may kasamang paghikbi. At bawat paghikbi ay may kasamang hinanakit. At bawat hinanakit, si Henry ang gusto niyang puntahan, pero hindi puwede.

Naglakad si Klaudine papunta sa kung saan. Madilim na madilim na at nakaramdam siya ng matinding gutom. Hindi niya alam kung saan siya tutuloy, wala siyang alam sa lugar, at mabuti na lang nasa city area siya ng San Rafael.

Maghahatinggabi na at halos wala ng bukas na lugar. Nakabili siya ng inihaw na manok at naupo sa may hagdan na nasa harapan ng nasabing tindahan na may katabing café.

Sarado na ang mga store sa paligid at hindi na alam ni Klaudine kung anong oras na nang lumabas ang babae mula sa café. Ang akala niya ay paaalisin siya, pero tumingin ito sa kaniya.

"Hatinggabi na, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ng babae. "Ayos ka lang ba? Bakit ka may pasa sa labi? Teka, b-bakit . . . galing ka bang ospital?" Nakatingin ito sa bag na hawak niya na may pangalan ng ospital at sa bulak na nasa kamay niya na hindi pa pala natatanggal.

"May alam po ba kayong motel na puwedeng tuluyan?" tanong ni Klaudine sa babae. Tumayo siya at pinagpag ang pang-upo. "Kasi po, galing ako sa Manila at wala akong kakilala rito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng motel."

Ngumiti ang babae at hinawakan ang kamay niya. Muli nitong binuksan ang café na kasasara lang. "Halika na muna. Gusto mo ba ng kape?"

"Puwede po ba sa buntis ang kape?" tanong ni Klaudine sa babae.

"Buntis ka?" tanong nito at huminga nang malalim. "Ako nga pala si Rosha. Ang alam ko, hindi puwede sa buntis ang kape. Mag-juice ka na lang. Gusto mo ba ng orange juice? Meron pang natira para bukas."

Tumango si Klaudine at inilabas ang perang ibinigay sa kaniya ni Ford para ipambayad sa babae. Naghintay siya habang nakatingin sa kawalan.

"Ito, kumain ka na rin muna." Ngumiti si Rosha.

"Magkano po lahat?" tanong ni Klaudine. "Klaudine pala o Klau, puwede na."

Hinalo niya ang lasagna at kinagat ang garlic bread na ibinigay ng babae. Kahit kumain na siya ng isang stick ng manok, naramdaman ni Klaudine ang pagkagutom, ang craving sa lahat ng pagkain, at nag-order pa siya ng isang slice ng cake habang nagkukuwentuhan sila ng babaeng nagmagandang loob.

Ikinuwento niya rito ang nangyari sa kaniya.

"Kasalanan mo naman talaga," seryosong sabi ng babae. "Sorry, huwag ka magagalit, pero kasalanan mo talaga. Umpisa pa lang, alam mo na ngang mali, pinasok mo pa. Ang masakit, pati ang best friend mo, tinalo mo."

Yumuko si Klaudine dahil sa kahihiyan. Alam na niya iyon.

"Pero gusto kitang intindihin sa part na kapag nasa sitwasyon ka na kasi, hindi mo na rin alam kung paano mo mapipigilan ang sarili mo. Mali ang ginawa mo, nagmahal ka ng taong bawal . . . pero naging bulag ka sa posibilidad na merong kayo."

Ngumiti si Klaudine at pinunasan ang luhang nakatakas. "Ang sakit naman po."

"Masakit talaga kasi 'yun ang totoo, Klaudine." Ngumiti si Rosha. "Puwede ka munang mag-stay sa bahay ko. Wala naman akong kasama tapos bukas, hahanap tayo ng apartment na puwede mong puntahan."

Dinala si Klaudine ni Rosha sa bahay niya. At dahil isa lang naman ang kuwarto, sa sala muna natulog si Klaudine. Pinahiram siya ng damit ni Rosha, pinakain, at pinapatulog pa nga. Hindi niya alam kung naawa ito sa sitwasyon niya, pero kahit ano man ang mangyari, susuklian niya iyon.

Nakatitig si Klaudine sa kisame. Nakapatay ang lahat ng ilaw habang hinahaplos niya ang tiyan. Dalawang buwan na siyang buntis, narinig niya ang heartbeat ng anak niya, at hindi pa alam kung ano ang desisyong gagawin sa mga susunod na araw.

Hindi niya alam kung kailan siya babalik ng Manila o babalik pa ba.

Ford was right. It was never an option to run away, but for Klaudine, it was the only option she had.





Klaudine relived everything. Sa loob ng isang buwang pamamalagi sa San Rafael, hindi niya pa rin nahahanap ang sarili. Hindi niya pa rin alam kung saan siya magsisimula at kung paano tatapusin ang problemang siya mismo ang may gawa.

"Maybe you could help," Klaudine whispered. Ipinalibot niya ang tingin sa Redemption Island.

Paulit-ulit pa ring nagre-replay sa isip niya ang pagpipigil sa kaniya ni Henry. Dalawang beses niyang sinubukang wakasan ang lahat . . . at si Henry ang kasama niya sa lahat. Sinubukan niyang mabuhay dahil naging masaya siya kay Henry na naging dahilan din para makaramdam siya ng pag-iisa.

Henry made her feel what it was like to be loved, to be taken care of, and to be cherished.

Sa isang buwan, Klaudine was longing for Henry's voice. The way he whispered everything was going to be okay, the way he caressed her hair assuring she was going to be okay.

Henry became the reason she was alive. And now, their child became the main reason she was still functioning.

Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at tiningnan ang kwintas na ibinigay sa kaniya ni Henry. Nilaro ng mga daliri ni Klau ang bilog na pendant na mayroong naka-engrave na initial niya. She remembered how Henry gave that necklace to her while whispering I love you.

Klau felt her knees tremble and she gently sat down by the shore. She closed her eyes and thought of Henry's face instead . . . the man she loved, the man she couldn't have, the man she would never have.


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys