Chapter 26
Cheating is a choice, that was for sure. Sa kaparehong sitwasyon, isa lang dapat ang pagpipilian at iyon ay ang huminto.
Pero may ibang taong piniling tumuloy. Kahit masakit dahil hindi puwede, kahit magulo dahil bawal, pinili nila ang pakiramdam at sitwasyon na makaaapekto sa lahat ng nasa paligid nila.
Nakatagilid si Henry habang nakatitig kay Klaudine na nakatingin sa kaniya. Inayos niya ang kumot para matakpan ang katawan nito bago hinalikan sa pisngi at tungki ng ilong.
"Two months and fifteen days," bulong ni Klaudine na ikinatitig ni Henry. "Nagbibilang ako."
Inihiga ni Henry si Klaudine sa braso niya at hinaplos ang buhok nito. Pareho silang walang saplot at ilaw lang mula sa kusina sa ibaba ang mayroon sila na naaaninag mula sa kuwarto ng apartment ni Klau.
"Why are you even counting?" Henry asked. "I don't count, and I'm just enjoying."
Ngumiti si Klaudine at tiningnan si Henry. "Wala naman. Gusto ko lang magbilang."
Napatitig si Henry sa mukha ni Klaudine ngunit hindi na siya nagtanong. Alam niyang may mas malalim pang dahilan, pero alam din niya sa sarili na hindi ito magsasabi nang kusa.
Bumaba si Klaudine at iniwan si Henry. Ipinalibot ni Klaudine ang tingin sa apartment—sa mismong lugar kung saan siya nawala na lugar din para muli siyang mabuo.
Hindi alam ni Henry kung ano ang tumatakbo sa isip ni Klaudine. Sumunod siya sa kusina at narinig itong sumisinghot habang inaayos ang pagkaing dala niya. Mahigit dalawang buwan na silang ganito, nagtatago.
May hangganan ang lahat at alam iyan nina Klaudine at Henry lalo na at bawal ang mayroon sila.
"Bakit?" Henry hugged Klaudine from behind while she was staring at the numbers from the microwave. "I thought, we'll be open. Akala ko, magsi-share ka palagi?"
Humarap si Klaudine at iniabot ang pinggan kay Henry. "Wala. Ilagay mo na ito sa lamesa para makakain na tayo. Alas-nuwebe na rin ng gabi, kailangan mo nang umuwi para hindi ka masyadong gabihin."
As always, Henry didn't push it. Inayos niya ang lamesa at naghintay. Nakatingin siya kay Klau habang inaayos din nito ang pagkain.
Pagharap ni Klau, nakangiti ito na para bang hindi niya narinig ang mahinang pagsinghot nito. Henry had to pretend he was okay. Gusto niyang magtanong, pero ayaw niyang bigyan si Klaudine ng dahilan para mas lalong umiwas sa conversation na gusto niyang buksan.
They enjoyed dinner and talked about things such as schooling, office works, designs, and possible collections of Metrovilla in the future.
Gusto ni Henry ang mga idea ni Klaudine. Malawak itong mag-isip lalo na sa marketing. Halata ang pagiging matalino kahit na sa simpleng suggestion, alam ni Henry na doable iyon at posible pa ngang makatulong sa department nila.
Nagprisinta si Henry na ito ang maglilinis ng kusina, ganoon naman silang dalawa. Kapag ang isa ay naghain o nagluto, ang isa naman ang maglilinis ng kusina. Minsan, iniisip ni Klau na hindi bagay kay Henry ang ginagawa nito at halatang hindi marunong.
Tumingin si Klaudine sa orasan at alas-nuwebe y medya na ng gabi. Naupo siya sa sofa at binuksan ang laptop para magbasa ng ilang notes habang hinihintay si Henry na matapos. Naupo ito sa tabi niya, inakbayan siya, at hinalikan sa gilid ng noo.
"Are you gonna be okay here?" tanong ni Henry.
Nilingon ni Klaudine ang pinto kung saan may apat na lock na si Henry mismo ang nagkabit. "Oo. Sa apat na lock na 'yan, ewan ko na lang kung may makapasok pa.' Pinilit niyang ngumiti.
"Uuwi na muna ako." Henry sighed as he caressed Klaudine's curly hair. "Kita na lang tayo bukas sa office?"
"Oo." Malapad ngumiti si Klaudine. "Hapon naman ako darating kasi may klase pa ako. Gusto mo, bilhan kita ng fishballs ulit?"
Tumango si Henry at niyakap si Klaudine habang nakatagilid. "Mahal kita," bulong niya rito. "Mahal na mahal."
Hinaplos ni Klaudine ang panga ni Henry habang nakatingin sa orasan. Aalis na naman ito, katulad ng dati. Sa tuwing magkasama sila, palagi siyang tumitingin sa orasan dahil may time limit ang lahat.
Wala silang label. Si Klaudine na mismo ang nag-insist dahil wala naman silang puwedeng maging label. Kabit siya at tinanggap na niya iyon sa sarili.
"Ingat ka." Hawak ni Klaudine ang kamay ni Henry habang nasa pintuan sila. "Message mo na lang sana ako pagdating mo. Ingat ka sa pag-drive."
Henry nodded and leaned forward to kiss her lips. It was soft and gentle that Klau automatically closed her eyes.
"I love you so much," Henry whispered, but Klau didn't say anything.
Pagsara ng pinto, ni-lock ni Klau ang pinto, pinatay ang ilaw, at nahiga sa sofa habang hawak ang dibdib dahil sobrang bigat na parang hindi siya makahinga, sumabay pa ang mahinang paghagulhol.
Sa tuwing aalis si Henry para umuwi sa totoong tahanan nito, gustong tumakbo ni Klaudine palayo. Nahihiya na siya sa sitwasyon niya, natatakot, at nahihirapan ngunit hindi niya magawang makawala. Gustuhin man niya, pero sa tuwing iniisip niya na malalayo siya sa taong gusto niyang makasama, nahihirapan siya. Maraming maaapektuhan, pero hindi niya kayang iwanan.
—
Three months and six days.
Nakaupo sa cafeteria si Klaudine kaharap sina Ford at Harriet na nagre-review para sa exam ng mga ito. Tapos na si Klau sa lahat ng exams niya para sa grading period. Nakapagpasa na rin siya ng requirements para sa OJT niya.
Lumapit sa kaniya si Harriet. Pumuwesto ito sa kanan niya at yumakap. Sa isip ni Klau, pareho ito at si Henry. Mahilig mangyakap.
"Alam mo, you're always with my dad that you're starting to smell like him na!" natatawang sabi ni Harriet. "Are you sure na ayaw mong sumama sa amin ni Ford sa Korea? It's a gift from me. Sandali lang naman tayo and Dad would say yes to this."
Umiling si Klaudine at uminom mula sa chocolate drink na halos araw-araw niyang iniinom na dati, hindi naman niya gusto. "Marami akong work, Harri. Enjoy na lang kayo ni Ford, at saka hindi ako masyadong okay lately. Medyo sumasama ang katawan ko."
Harriet frowned and tried to touch Klaudine's forehead. "Are you okay ba? Why hindi ka magpa-check up? Okay rin para, you'll know."
"Okay lang ako." Klau giggled. "Bilhan mo na lang ako ng legit na Korean noodles na iba flavor, okay na ako."
"Fine," Harriet said and started talking to Ford about their possible Korea trip.
Busy naman si Klau na tinatapos ang isang report niya para sa major subject. Malapit na ang graduation nila kaya naman may mga requirement na rin na hinihingi sa kanila.
"Klau, ano'ng plano mo after graduation?" tanong ni Ford nang magpaalam si Harriet para pumunta sa comfort room. "I have a secret."
Nakatitig si Klaudine kay Ford at hinihintay ang sasabihin nito. Alam niyang tungkol iyon kay Harriet. Everything about Ford and Harriet was about each other, kaya alam niya na ano man ang mangyari, mapalad ang dalawa sa isa't isa.
"I am going to propose to Harri after graduation." Kinagat ni Ford ang ibabang labi. "Please, don't tell her yet. As in after graduation, I'm planning to propose and sana nandoon ka. You are part of us, and I want you to be part of it."
Tumango si Klau at pinunasan ang luhang bumagsak. It wasn't her intention to be emotional, but she couldn't stop sobbing. Nagmadali pa siyang punasan ang luha bago dumating si Harriet para hindi nito makita ang luha niya, para na rin hindi magtanong kung bakit.
"So, ayon nga . . . ," pagpapatuloy ni Harriet sa ikinukuwento nito tungkol doon sa ka-team ni Ford na ikakasal na raw sa isang buwan. "I'm just so happy for them. Rihan will be a nice wife, I'm sure."
"Ikaw rin naman, e," Ford chuckled. "I am sure that you'll be amazing."
For a second, nakaramdam ng inggit si Klau kay Harriet.
Yumuko si Klau dahil naaalala niya kung ano ang sitwasyon niya. Kung sino siya, kung ano siya. Na isa siyang kabit. She was Henry's dirty little secret, and she was okay with it.
Pero sa tuwing nakatingin siya kay Harriet, doon niya nakikita ang sinisira niya.
Klaudine knew the consequences, and it was the reason she was counting . . . because it would end soon, and she wanted to cherish every second of it.
Naunang umalis si Ford dahil may practice raw ito kaya naman niyaya siya ni Harriet na pumunta sa park ng school. Hindi alam ni Klaudine kung bakit. Bumili na rin muna sila ng snack sa kalapit na café.
"Are you sure hindi ka mag-coffee? That's new!" Harriet chuckled. "Let's buy cake for you na lang. Gusto mo here na lang tayo mag-stay, Klauie? Parang medyo mainit sa park, e."
Tumango si Klau at nag-order ng sarili niyang drink. Ilang araw na siyang craving sa chocolate frappe. Ilang araw na siyang pabalik-balik sa nasabing café, kahit sa labas ng office para sa lang doon.
Naupo sila ni Harriet sa pinakadulo ng café. Maganda ang lugar dahil tahimik. Nakasalampak sila sa parang malambot na upuan, may sofa na nasa sahig, may mga libro, at puwedeng mag-aral dahil kumpleto ultimo saksakan para sa laptop.
Binuksan ni Klau ang laptop at gumawa ng reports na ipapasa niya para sa meeting mamaya ni Henry.
"Klauie, are you busy?" kuha ni Harriet sa atensyon niya. "If you're busy, I'll be quiet."
Hindi na nagtanong si Klau at kaagad na isinara ang laptop. Uminom siya sa frappe na nasa harapan dahil tunaw na iyon at sumubo ng cake. Halos mapapikit siya nang matikman iyon. Vanilla cake lang naman na may whipped cream ngunit para siyang maiiyak.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Klaudine.
"You know I trust you, right?" Harriet asked and Klaudine subtly nodded. "K-Kasi, I have something to tell you. H-Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Si F-Ford pa lang ang nakakaalam and I-I was actually thinking if sasabihin ko sa 'yo."
Klaudine frowned. "A-Ano'ng nangyayari?"
Harriet sniffed. "Hindi ko alam kung napapansin mo since you're working for Daddy. H-Hindi ko alam if you're aware . . . but I t-think Dad's cheating on Mom."
Bumilis ang tibok ng puso ni Klaudine habang nakatingin kay Harriet. A pool of tears from her eyes were visible. Hindi alam ni Klaudine kung paano sasagot, kung ano ang sasabihin, at kung paano itatago ang kaba.
Naramdaman niya kung paano lumamig ang sariling pawis at kaagad na itinago ang daliri sa ilalim ng lamesa.
"Ramdam kasi ni Mommy, pero pareho naming hindi alam kung sino. She told me about it. Dad was always careful, pero ito ang unang beses na naramdaman ni Mommy na aloof si Daddy sa kaniya." Kinagat ni Harriet ang ibabang labi. "Sabi ni Mommy, may guts ang mga babae pagdating sa ganito . . . and Mommy thought na tama ang nasa isip niya."
Nanatiling tahimik si Klaudine at nakikinig kung paano mahinang umiyak si Harriet.
"Hindi ako sure, actually, 'cos Daddy's normal naman. Wala naman siyang pinapakitang mali. Pero nararamdaman ni Mommy na may iba." Huminga nang malalim si Harriet. "Mommy even said na dumating na ang kinatatakot niya and I don't even know what she was talking about!"
Alam ni Klau na maingat sila ni Henry ngunit hindi niya alam kapag kasama na nito ang asawa. Hindi niya alam kung bakit nahahalata, pero habang nakatingin siya kay Harriet, ayaw niyang mas lalo itong masaktan.
"Klauie, I'm so scared," Harriet muttered and wiped her cheek. "I don't wanna lose my dad. I . . . don't want my mom to be hurt. I'm scared na baka maghiwalay sila and I don't want that!"
Klaudine smiled and held Harri's hand. "Hindi mangyayari 'yun, ano ka ba? Mahal ka ng daddy mo, sure ako roon. Kaya huwag ka nang umiyak diyan. Alam ko naman na kahit na ano'ng mangyari, ikaw ang pipiliin ng daddy mo."
"I hope so, too." Harriet stood up and walked towards Klaudine. Inihilig nito ang ulo sa balikat niya at suminghot. "I love you, Klauie. You're the only person I trust. I love you so much that I found a sister in you and I couldn't even see myself without you."
Napalunok si Klaudine sa sinabi ni Harriet at hinaplos ang panga nito habang nakatingin siya sa kawalan. No words, Klaudine stayed quiet.
"Please, don't tell dad I knew about it. Huwag mong ipapahalata na may alam ka, ha? Kung sakali mang may makita ka, please . . . tell me. I won't make a scene or what, gusto ko lang makausap 'yung girl ni Daddy."
"Ano'ng sasabihin mo sa kaniya?" Klaudine asked.
Suminghot muna si Harriet bago nagsalita. "If I could beg so she would let go of my daddy for our family, then I would."
Bumalik sina Klaudine at Harriet sa loob ng school at pumasok sa kaniya-kaniyang klase. Hindi maialis ni Klaudine sa isip ang mga sinabi ni Harriet. Hindi niya alam kung ano ang ipinakita ni Henry sa asawa para mag-isip ito nang ganoon, ngunit wala na siyang pakialam.
Ayaw ni Klaudine na makita pang umiiyak ang kaibigan.
"Three months and six days," bulong ni Klaudine sa sarili habang nakatitig sa whiteboard ng classroom. "Wala ng seventh day."
Paulit-ulit na sinasariwa ni Klaudine ang mga pagkakataong kasama niya si Henry. Masaya siya, sobra. Kung puwede lang na huwag niyang pakawalan, gagawin niya. Kung puwede lang na sa kaniya na lang, ginawa na niya.
Pero may mga bagay na hindi puwede.
Pagkatapos ng klase, inaya siya nina Harri at Ford na mamasyal o kumain sa labas ngunit sinabi na may trabaho siya. Gusto niyang maging busy dahil kapag nagkita sila ni Henry kinagabihan, kauusapin na niya ito tungkol sa sitwasyon nila.
Klaudine couldn't stop crying. Nasa loob siya ng MRT papunta sa opisina, nakatayo at nakahawak sa pole, habang umiiyak. Hindi niya mapigilan dahil ang bigat-bigat sa dibdib. Wala na siyang pakialam kung may mga makakita o makarinig, dahil kailangan niyang umiyak.
Her heart was heavy. Klaudine knew she needed Henry to calm her, but how could Henry do it? He wouldn't because he was the reason she was in chaos, because she had to let go.
Pagpasok sa office, tahimik siyang nagtrabaho. Paminsan-minsan siyang kinakausap ni Girta at tango lang ang isinasagot niya. Wala pa rin si Henry dahil nasa meeting ito. Hindi rin niya alam kung paano niya ito haharapin.
Wala ng seventh day dahil bago matapos ang araw, tatapusin na ni Klaudine ang kung ano ang mayroon sila ni Henry para kay Harriet.
Pagpasok ni Henry sa opisina, nadatnan niya si Girta na nagtatrabaho. Nakita niya rin ang bag ni Klaudine mula sa upuan nito, ang mga tambak na papeles, at phone na kanina pa niya tinatawagan ngunit walang sumasagot.
"Nagpunta lang sandali si Klaudine sa clinic. Sumasakit daw kasi ang puson niya," ani Girta. "May kailangan ka, Henry? Mag-o-order na ba ako ng pagkain mo?"
Umiling si Henry at nakapamulsang nag-stay sa table ni Klaudine at nagkunwaring kunin ang ilang papeles. "Tell Klaudine to go inside my office. Dalhin niya rin kamo ang papeles para kay Doc. Prudencio para sa office nito."
"Sige, sabihan ko kaagad si Klaudine."
Henry waited for another hour and no Klaudine showed up. Gusto man niyang lumabas, pero ayaw niyang maging obvious. Ipinagpatuloy lang niya ang pagbabasa hanggang sa bumukas ang pinto.
Nakakunot ang noo ni Klaudine na lumapit sa kaniya dala ang papeles na hinihingi. Halatang bagong gising ito, alam niya dahil ilang beses na niyang nakita, at namamaga ang mga mata.
Without asking, Henry stood up and walked towards Klaudine. Hinawakan niya ang kamay nito at inilapit sa kaniya. Henry even caressed Klau's cheek.
"What happened? Bakit ka nagpunta sa clinic?"
"Nanghingi ako ng paracetamol dahil sumasakit ang ulo ko, sumabay pa ang puson ko. Sinabi rin na magpahinga muna ako, hindi ko naman expected na makakatulog ako. Sorry, now lang ang papeles na hinihingi mo."
Henry leaned to kiss Klaudine's lips but she dodged it. Ang nahalikan niya, pisngi nito at bahagyang umiwas.
"May kailangan ka pa bang papeles?" tanong ni Klau.
"Hey." Henry faced Klaudine and held her hand. "Something wrong?"
Tipid na ngumiti si Klau. "Oo, tayo. 'Yan palagi ang tanong mo kahit na alam mo namang mali tayo, umpisa pa lang." Umiling siya. "Henry, alam mo, napapagod na ako. Hindi ko alam na gugustuhin kong sumuko hanggang s-sa . . . umiyak si Harriet sa akin kanina dahil may nararamdaman na ang asawa mo."
Hindi alam ni Henry ang sasabihin. Magsasalita pa sana siya nang may kumatok. Kaagad na humiwalay si Klaudine sa kaniya at naglakad papunta sa lamesa para magkunwaring may inaayos na papeles habang nakayuko.
"Henry, pinapatawag ka sa Purchasing Department. Parang nagkaroon ng problema roon. Urgent daw," ani Girta at saka lumabas.
Ibinalik ni Henry ang tingin kay Klaudine na nakayuko. Tinitigan niya ito habang inaayos ang mga papeles.
"We'll talk once I'm done."
—
It was almost eleven in the evening. Pagkatapos ng date nina Harriet at Ford, dumiretso sila sa Metrovilla. Tinawagan nila si Klaudine na pupunta sa apartment nito para magdala ng pagkain. She wanted to surprise her friend . . . but she was the one who got the biggest surprise.
Malapit na sila sa Metrovilla nang makasabay nila sa daanan ang kotse ng daddy niya. Nasa traffic light sila na nakapula at nakahintong magkatabi. Lulan niyon si Klaudine na seryosong nakatingin sa daddy niya, parang umiiyak.
Harriet's heart thumped, especially when her dad cupped Klaudine's face, and kissed her best friend.
Nakita rin ni Ford ang nangyari na ikinagulat niya. Nabanggit na sa kaniya ni Harriet ang tungkol sa posibleng babae ng daddy nito. Walang silang idea kung sino, at sinabi mismo ni Harriet na hahanapin ito para kausapin na umalis na lang sa buhay ng pamilya.
"B-Babe." Ford stuttered. "A-Ano'ng gusto mong gawin ko?"
"C-Can we f-follow t-them?" Harriet's voice shook.
Ford drove and followed Harriet's dad's car until they reached Klaudine's apartment. Nag-park siya sa may kalayuan na hindi makikita ng daddy ni Harriet. Bago ang kotse niya kaya hindi halatang sila iyon. Hindi alam ni Ford kung right timing o ano, pero sa nakikita niya kay Harriet, wrong timing ang lahat.
They waited and it took thirty minutes until Henry left.
"W-What's your plan?" Ford asked Harriet who was crying since they waited. "Ihahatid na ba kita pauwi?"
Umiling si Harriet. "Let's drive to Klaudine's apartment. I want to talk to her."
Naupo si Klaudine sa hagdan sa harapan ng apartment niya nang makaalis si Henry. Ilang beses niya itong itinulak palayo, pero ayaw umalis. She had to beg for Henry to leave. Kahit ayaw niya, kahit gusto niya pang ilaban, hindi na puwede.
Klaudine wiped her tears away, stood up, until a car stopped in front of her apartment, and her heart stopped seeing how Harriet looked at her.
Nakababa ang bintana ng sasakyan nito at bumagsak ang luha.
"Klaudine." Harriet sniffled. "Why?"
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top